Home / Romance / USOK / PAGKATAPOS NG LARO

Share

PAGKATAPOS NG LARO

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2025-02-28 20:37:11

Isang mamamatay-tao, na nagtatago sa dilim pero siya ay may likas na dalisay ang kabaitan.

Simple kung kumilos pero tiyak na mapapa-aray ka sa resulta ng gawa niya. Mahusay sa angking galing!

Dahil malamang sa kanyang karanasan na hindi nakapagtatakang malamig siya sa ilang bagay lalo na sa usaping pagtitiwala sa sinuman. Maya-maya ay inangat niya ang kanyang ulo para tingnan ang orasan, at ganoon din ang ginawa ni Andrea. Halos apat na oras na ang lumipas.

"I have to leave now," sabi ng lalaki na may husky voices at malalim habang siya ay gumagalaw sa ibabaw niya, tinutulak ang kanyang mga tuhod para ihiwalay ito sa kanya. Naninikip ang kanyang mga kalamnan, at isang pigil na daing ang dumagundong sa kanyang lalamunan, at sa kanyang dibdib. Nanginginig siya, na para bang nakakapaglabas ng pagpipigil sa sarili ay isang kasiyahang napakatindi, ngunit may hangganan ang sakit.

Napabuntong hininga siya sa ginawa nito. Pinagtripan siyang salakayin at pagkatapos ng lahat ganito na lang, iiw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • USOK   MABASANG PANAGINIP

    Alam ni Rafael ang tunay na background ni Andrea, sapagkat pinapa-imbestigahan niya ito noon. Alam niya ang tunay na pangalan nito at nalaman din niya'ng may mga magulang pa ito, pero hindi niya ito pinapahalagahan. Imbes na ibalik si Andrea sa kanyang pamilya ay hindi niya ginawa. At walang balak si Don Rafael na dalhin siya sa lugar na iyon. Imbes na pakawalan, ikinulong niya si Andrea na parang ibon, inangkin niya at inaalagaan. Mula noong itinigil ni Don Rafael ang pagsisiyasat sa family background ni Andrea ay akala niya ay matatahimik din ang lahat, ngunit walang usok ang nakikimkim. Lalabas at lalabas din ang katotohanan, na si Andrea mismo ang makakatuklas nito, kahit pa wala siya'ng salitang binabanggit kay Andrea, hanggang sa kasalukuyan. SAMANTALA; Ngayong nakawala si Andrea sa hawla na pagma-mayari ni Don Rafael. Si Jobert naman ang biglang sumulpot, parang buntot kung makasunod kay Andrea. Kung kaya, dalawang araw nang magkasama ang dalawa at nananatili sa maliit na

  • USOK   IBONG NAKALAYA

    "Andrea, huwag kang magpaka-stress sa mga taong hindi marunong makontento." sinabi ni Jobert. At kalmadong umupo sa upuan, na nakaharap kay Andrea. "Bakit ikaw, hindi ba?" balik tanong ni Andrea. Nag-cross pa ito ng kanyang balikat. "Saka muna ako tanungin kapag naaalala mo na ang lahat. Kapag nangyari iyon, saka ko na rin ibigay sa iyo ang paliwanag ko." "Kung masakit ang mga alaalang nawala sa akin. Tama lang siguro na hindi ko na maaalala iyon, baka masaktan pa ako. Isa pa, gusto ko malaman mo na hindi ako interesado sa mga bagay na konektado sa iyo." tumalikod si Andrea matapos sabihin ito. "Hmm. Sa ngayon iintindihin na muna kita. Siya nga pala, gusto kung batiin ka dahil nagawa mong makalaya sa hawla." sinabi ni Jobert habang sinusundan niya ng tingin si Andrea na lumapit sa bintana at sumilip sa labas nito. Parang sinisiguro nitong walang sumusunod sa kanya. "Hindi porket naguusap tayo gayon ay OKAY tayo. Aalis na ako, at pakiusap! huwag mo na akong sundan?" pinanlaki

  • USOK    NAKALABAS NG HAWLA

    Anim na buwan bago mangayari ang pakikipagtalik ni Andrea sa lalaking mamamatay tao, ang ipagamit siya ni Rafael na parang laruan, ay nakapagparehistro na si Andrea gamit ang pekeng pangalan, na hindi niya alam kung ito ay ay kanyang totoong pangalan na ayon sa kanyang naaalala. Nagbayad siya ng cash bilang lehitimong late registered person sa isang munisipyo. Sa tulong ng taong kanyang binayaran ay mabilis niyang nakuha ang kanyang birth certificate. Ngunit isang valid ID lamang ang hawak niya sa ngayon. Gayonpaman, nakapag-open pa rin siya ng isang sekretong local bank account. "Ma'am narito po ang susi at ang detalye ng inyong room, happy stay in po..." ang sinabi ng isang babaeng naka- ponytail at yellow skirt. Mababasa sa kanyang ID ang kanyang pangalan bilang "Mina" isang staff sa hotel kung saan mag-stay-in ngayong gabi si Andrea. Nang kinuha na ni Andrea ang susi para sa kanyang kwarto, ay biglang umalingawngaw ang boses ng mga kababaihan. "Hahaha.ha.ha" Ang nag-echo na bo

  • USOK   ANDREA'S FINAL DECISION

    Hindi mapalagay ngayon si Andrea dahil saksi siya kung ano ang ginawa ni Rafael kay Jobert. Pagkatapos itong paluhurin sa sahig ng ilang oras, ay pinabugbog niya ito sa kanyang mga taohan, habang nakatali ang mga kamay sa likod. "Rafael, tama na!" pagpigil ni Andrea. Hindi na siya nakatiis sa nakikitang pananakit ng kanyang mga taohan laban sa isang lalaking walang kalaban-laban. Tumingin si Rafael sa kanya na may pandi-dilim ang mga mata. "Sa nangyari ngayon, sa tingin mo mapagkatiwalaan pa ang taong ito?" "Kung gagawin mo iyan, magiging katulad ka na rin niya, hindi ka mamamatay tao Rafael..." pagpapakiusap pa ni Andrea. Ngunit si Rafael ay hindi nakinig sa kanya, bagkos mas lalo pang pinahirapan ng kanyang mga taohan hanggang sa mawalan na ng malay si Jobert. Nang mawalan ng malay si Jobert ay nagutos si Rafael, "itago mo muna siya, at alamin mo kung ano ang layunin niya, bakit, at paano siya nakakapasok dito?" "Yes Boss!" agarang sagot ng isa sa mga leader ng kanyang mga taoh

  • USOK   BULAG BULAGAN

    Parang tumigil saglit ang mundo ni Andrea sa pangatlong pagkakataon nang makaharap niya si Claudia. Namumula ang kanyang pisngi. Naisip niya na sana ay hindi na niya ito makausap uli. Ang mas masakit pa ay nang malaman niyang naging babae ito ni Rafael, na mas nauna pa pala, kaysa kanya. "Ang baboy?!" binangit ni Andrea na gustong magwala sa loob ng kanyang kwarto. Galit siya sa sarili niya, at mas lalong galit siya kay Rafael ngayon. Hindi niya masikmurang isipin na dalawa silang tinutuhog, at kung sino lang ang gusto niyang tuhugin. "Iyon na ang huling gabi ng pagkikita natin Rafael. Kailangan na kitang iluwa!" galit niyang sinabi. Umupo si Andrea sa sofa, hinayaan niyang magpahinga ang isip sa ibabaw ng malambot na upuan, at huminga na tila talagang nalulungkot siya. Gayunman, kailangan niyang mag-ingat na huwag ma stress sa mga bagay bagay ayon sa payo ng kanyang doctor. Kinaumagahan, dumalaw sa kanya ang kanyang doktor para suriin ang lagay niya. "Kung may mga naaalala

  • USOK   BINGI BINGIHAN

    “Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hawak sa saplot na soot ni Claudia, sa sobrang iksi nito ay nagawa siyang hilahin ni Rafael. Sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Rafael, ay muntik na matumba si Claudia at masobsob ang mukha nito sa upuang sinasandalan ni Rafael ngayon. Mabuti na lang ay mabilis siyang nakahawak sa sandalan. Napakunot-noo si Claudia sa sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang baywang. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin. "Hindi ah. Ikaw kasi, ginugulat mo ako.." "Masyado ka nang naging nerbyosa dahil sa kaka-kape mo. Ano bang gusto mong gawin natin para kumalma ka?" paglilinaw ni Rafael. "Hmm.. depende sa iyo.." sagot ni Claudia na gusto na rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status