Home / Romance / Uncle John / CHAPTER 7

Share

CHAPTER 7

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-11-19 14:13:48

UJ CHAPTER 7 

3RD POV 

“Mabuti at pumasok kana?” Hindi na siya nag-abala pang tingnan kung sino ang nasa likod niya, dahil boses pa lang nito ay kilalang-kilala na niya ito. 

“Hindi mo pag-aari ang paaralan na ‘to, kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ‘yan.” Sagot niya rito habang umupo sa kanyang upuan. 

“Ano bang problema mo? Bakit kaba nagbabago ng ganyan?” Muling tanong sa kanya ni James, kaya hindi niya napigilan na mapangiti. 

“Mukhang nakalimutan mo na yata ang ginawa mo.” Sagot niya rito, habang nakita niya ang pagkunot ng noo nito, habang tumingin ito sa kanya. 

“Para ‘yon lang?” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. 

“Para sa akin, malaking kasalanan na ‘yon.” Sagot niya at hindi na ito pinansin pa. 

Nang matapos ang kanilang klase ay agad siyang lumabas. Dali-dali naman na lumapit sa kanya ang kaibigan niya, kasama si Sheila.

“Pupunta kabang canteen?” Tanong sa kanya ng kaibigan niya, kaya tumango siya rito. 

“Sasama na kami sa ‘yo.” Wika ng kaibigan niya sa kanya, kaya napangiti siya rito. 

Nang makapasok sa canteen, ay agad siyang kumuha ng pagkain, dahil kanina pa siya nagugutom. Hindi kasi siya nakakain kanina ng maayos, dahil naninibago siya. Lalo na at nasa harapan niya ang uncle niya, at kasabay itong kumain. 

“Wala kabang balak na bayaran ang mga kinuha namin?” Taka siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. 

Ayaw niya ring makipagtalo rito, kaya binigay niya ang kanyang cash card. Pero napa-kunot ang kanyang noo, nang makarinig ng tunog. 

“Anong nangyari?” Tanong niya. 

“Wala na pong laman ang cash card n’yo Ma’am.” Sagot sa kanya ng isang staff, kaya gulat siyang napatingin dito. 

“Anong walang laman? ‘Wag mo nga akong biruin ng ganyan!” Galit na sigaw niya, alam niya kasi na marami pa itong laman, lalo na at nilagyan ito ng kanyang lola, bago ito mawala. 

“Ulitin mo.” Madiin na utos niya rito. Pero ganun pa rin. Napa-pikit siya sa kanyang mga mata at naisip ang kanyang uncle. 

“Hindi namin alam na naghirap kana pala.” Ngiting wika sa kanya ni Sheila. 

“Kaya mo pala hiniwalayan si James, dahil wala ka nang maibigay sa kanyang pera.” Iling na wika ng kanyang kaibigan.

“Hindi ako naghirap, at kahit kailan hinding-hindi ako maghihirap!” Galit na sigaw niya sa kanila. Habang pinagtatawanan siya. Hindi niya naman akalain na ito ang igaganti ng kaibigan niya sa kanya. Matapos niyang ibigay rito noon, ang lahat nang gusto nito. pati na rin ang mga kailangan nito. 

“Ang kapal din ng mukha mo.” Napalingon siya at nakita si James. 

“Ang lakas pa ng loob mong laitin ako, tapos mas mahirap ka pa pala sa akin.” Natatawang wika nito sa kanya, kaya nailing siya rito. 

“Naghihirap? Ito ba ang naghihirap? Nakita mo naman siguro na kaya kung bumili ng pagkain ko. ‘Yong mga pagkain lang naman nila ang hindi ko nabayaran. Baka sila ang mahirap at hindi ako, dahil puro asa lang sila at hindi kayang bumili ng sarili nilang pagkain katulad mo.” Madiin na wika niya rito. 

Nang tangka siyang lapitan ni James, ay mabilis niyang tinawag ang kanyang mga bodyguard. 

“Siguro naman nakikita n’yo pa sila, kaya hindi pa ako naghihirap, dahil kaya ko pa silang bigyan ng sahod. Hindi tulad niyo!” Muling sigaw niya at iniwan sila. 

Napili niyang sa isang sulok umupo, dahil sa inis at hiya na kanyang nararamdaman. Alam niyang mayaman sila at hindi ‘yon basta-basta mawala. 

‘Kainis! Dapat pala nakinig talaga ako kay Lola! Dapat tapos na ako sa pag-aaral ngayon.’ Habang kumakain ay hindi niya maiwasan na tingnan ang ibang kaklase niya. Alam niyang siya ang laman ng usapan nila, dahil sa nangyari kanina.

“Alam kung ikaw ang may kagagawan nito Uncle John, nakakainis ka talaga! Sana hindi ka nalang bumalik!” 

Habang hinihintay ang kanyang uncle, ay muli siyang nakaramdam nang inis dito, dahil matagal itong dumating. Kung hindi lang sana siya nito hinatid, ay baka nakapagdala na siya ng kotse. 

“Ngayon mo sasabihin sa amin, na hindi ka nga naghihirap.” Iling at natatawa na wika sa kanya ng kaibigan niya. 

“Alam mo, ang kapal din ng mukha mong sabihin ‘yan sa akin. Pagkatapos ng ginawa ko sa ‘yo noon, baka nakalimutan mong ako ang nagbayad ng utang ng ‘yong ama sa sugala-.” 

“Tama na!!” Malakas na sigaw nito sa kanya at mabilis siyang iniwan. 

Lihim naman siyang napangiti, nang makita niya ang mukha nito, bakas kasi sa mukha nito ang pagkapahiya, dahil sa sinabi niya. 

“’Wag niyo ring kalimutan na kasama kayo sa naambunan ko noon ng biyaya.” Wika niya sa mga taong nakatingin sa kanya. 

Mayamaya pa ay dumating na ang kotse ng kanyang lolo. Alam niyang ang uncle niya ito kaya inis siyang pumasok sa kotse at hindi na hinintay pa na bumaba ito. Ang dalawang bodyguard niya naman ay nakasunod sa kanila. Habang sakay ito sa kanya-kanya nilang motor. 

“Bakit ba ang tagal mo? Hindi mo ba alam na pinahiya mo ako sa mga kaklase ko!” Galit na sigaw niya rito. 

“Hoy! Annika, ‘wag mo nga akong sigawan, baka nakalimutan mo kung sino ako?” Napa-irap siya, dahil sa narinig niya mula rito. 

“Bakit mo kinuha ang laman ng bank ko?” Tanong niya rito. 

“Dapat lang, para matuto kang magtipid.” Sagot ng uncle John niya sa kanya. 

“Anong magtipid? Alam mo bang binigay ‘yon ni Lola?” 

“Alam ko, kaya nga kailangan mong tipirin, dahil wala na ang lola mo, at wala akong balak na bigyan ka ng maraming pera. Lalo na at hindi mo pinaghihirapan.” Lalong napa-kunot ang kanyang noo na tumingin dito, dahil sa sinabi nito. 

“Isa pa, wala namang silbi ang lagi mong pagbibigay sa mga walang kwenta mong kaklase. Lalo na ang lagi n’yong pagpunta sa bar, na halos ikaw lahat ang sumasagot sa gastos, at ‘wag mong kalimutan na babae ka, at dalaga, kaya hindi ka dapat naging sugar mommy ng lalaking ‘yon.” Galit na wika nito, habang gulat siyang napatingin dito, dahil sa kayang narinig. 

“A-anong sugar mommy ang pinagsasabi mo?” Utal na tanong niya kay John. 

“Kung sa tingin mo hindi ko alam ang mga kalokohan na pinaggagawa mo, nagkakamali ka.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncle John   CHAPTER 76

    UJ CHAPTER 76 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “J-John…” Sambit niya rito, habang tumayo ito. “Bakit ka nandito?” Tanong niya, habang malawak itong ngumiti sa kanya. “Patawarin mo ako Annika..” Hinging tawad nito, habang niyakap siya. Akmang itulak niya sana ito, pero mas hinigpitan pa ni John, ang ginawa nitong pag-yakap sa kanya. “Masyado lang magulo ang isip ko nun, noong pinuntahan n’yo ako kasama ang mga Anak natin, kaya hindi ko agad kayo nasundan Annika.” “Tama na John, hindi ko kailangan ang paliwana-.” Bigla siyang natigilan, nang siilin siya ni John, nang halik sa kanyang labi. Hindi naman napigilan ni Annika, ang sarili niya na gumanti sa bawat halik na iginawad sa kanya ni John.“Sobra kitang na-miss Annika..” Wika nito sa nagsusumamo na boses, habang ang mga mata ay namumugay na nakatitig sa kanya. Napa-yakap siya sa likod nito, habang pinasok nito ang d*la nito sa loob ng kanyang bibig. Bawat sulok sa loob ng kanyang bibig ay ginalugad ito ng d*la ni John,

  • Uncle John   CHAPTER 75

    UJ CHAPTER 75 3RD POV “Sandali lang Annika! Saan kaba pupunta?!” Galit na sigaw nito sa kanya, matapos niya itong talikuan, balak niyang umalis na muna, kasama ang mga bata, dahil sa nalaman niya mula rito. “Pwede bang pakinggan mo muna ako!” “Para ano? Para marinig ang kasinungalingan mo sa akin John?!” Wika niya, habang nailing dito. “Hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo.” “Hindi? Pero ginamit mo lang ako!” “Mali ka Annika, dahil hindi kita ginamit.” “Tama na, dahil alam ko na ngayon ang totoo, alam mo, sana hindi nalang ako naniniwala at nagpadala pa sa ‘yo John.” Wika iniya, at akmang iiwan na sana ito. Pero mabilis siya nitong hinawakan sa braso. “Mali ka ng iniisip, dahil hindi kita ginamit, gusto ko ring malaman mo, na handa na kitang pakasalan Annika.” Natigilan siya, dahil sa narinig niya mula rito. Ilang sandali pa, ay mapait siyang napangiti habang nakatingin kay John. “Pag-isipan mo muna ang lahat John, ayokong magsisi kana naman sa huli.” Wika niya, at mabilis na k

  • Uncle John   CHAPTER 74

    UJ CHAPTER 74 3RD POV “Sa tingin mo maniniwala ako sa ‘yo?” Walang emosyon na wika niya rito, kaya gulat na napatingin sa kanya ang kanyang una. “Kahit kailan, ay hinding-hindi ako maniniwala sa ‘yo, kaya kung ako sa ‘yo, umalis kana at layuan mo na kami ni John.” Nang makita niyang itataas sana nito ang kamay nito, ay mabilis siyang umatras at nagbabanta itong tiningnan. “‘Wag na ‘wag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sa ‘yo.” Madiin na wika niya rito. “Tigilan mo na si John, at ‘wag mo na siyang guluhin pa. Lumayo kana rin ng tuluyan sa amin at ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita pang muli.” Madiin na wika niya, at mabilis itong tinalikuran. Nang makapasok muli sa kanyang kotse, ay na-patingin siya sa kanyang mga anak. ‘Ngayong alam ko na ang lahat. Hinding-hindi ko na hahayaan pa, na masira pa ang pamilya ko, gagawin ko ang lahat. para mabuo kami.’ “Umalis na tayo.” Utos niya sa kanyang driver. Habang binabaybay ang resort, a

  • Uncle John   CHAPTER 73

    UJ CHAPTER 73 3RD POVIlang beses na niyang sinubukan na tawagan si John, pero hindi pa rin ito sumasagot. Hindi niya rin mapigilan na mag-alala, dahil alam niyang nasaktan ito sa nalaman nito. ‘Nasa’n kana ba?’ Kukunin na naman sana niya ang kanyang phone. Pero natigilan siya nang maalala niya ang resort nito. ‘Possible kaya na naroon siya?’ Mabilis niyang tinawagan ang secretary niiya, at pinakuha ang titulo nito, na pinadala sa kanya noon ni John. “Tingnan mo ang titulo na ‘yon, at alamin mo kung saan ko matatagpuan ang lugar na ‘yon?” Utos niya rito, dahil nakalimutan na niya ang lugar kung saan siya nito dinala noon. Wala rin kasi siyang balak na tawagan si Samuel, dahil ayaw niyang maisturbo sila. Gusto rin niya na sarilihin muna ang kanyang problema. Gusto niya na kapag magkita silang muli, ay buo na ang kanyang pamilya. Matapos sabihon ng secretary niya, kung saang lugar ito, ay agad niyang tinawagan ang kanyang mga tauhan. Gusto niya ring isama niya ang kanilang mga anak

  • Uncle John   CHAPTER 72

    UJ CHAPTER 72 3RD POV “Lola, totoo ba ang sinabi mo?” Tanong ni Annika, sa kanyang lola, matapos silang iwan ni John at nang kanyang ama. “Oo Apo…” Sagot ng kanyang lola, habang pinunasan nito ang mga luha nito sa mga mata. “Pero hindi totoo ang sinabi niya Apo, dahil mahal ko siya, minahal ko siya na parang tunay kung anak.” “Tama na po Lola, baka po ano ang mangyari sa ‘yo.” Nag-alala na wika niya sa kanyang lola. “Sinabi ko na sa ‘yo noon, na sabihin sa kanya ang totoo.” Wika ng kanyang lolo, habang tumingin siya rito. “Manahimik ka! Baka nakalimutan mo ang kasalanan mo sa akin George!” Malakas na sigaw ng kanyang lola, kaya napatingin siya sa kanyang lolo. “Kaya ganito ka gulo ang pamilya natin, dahil sa ‘yo, ikaw ang may kasalanan ng lahat! Kung sana noon, ay iniwan na kita.” Hikbing wika ng kanyang lola. “Lahat po tayo nagkakamali Lola, alam ko rin na malaki ang kasalanan ko, dahil sa ginawa namin ni Uncle. Pero mabuti nalang at hindi pala kami tunay na magka-dugo Lola.

  • Uncle John   CHAPTER 71

    UJ CHAPTER 71 3RD POV Magsasalita na sanang muli si John, pero natigilan siya, nang marinig niya ang tunog ng kanyang phone. “Mom.” Sambit ni John, matapos siyang sagutin ang tawag. “Nasa’n ka?” Tanong nito sa kabilang linya. Napansin niya na galit ito, dahil sa boses nito. “Narito ako sa ibang bansa.” Sagot niya rito. “Umuwi ka ngayon din John, dahil may mahalaga tayong pag-uusapan.” Wika sa kanya ng kanyang ina, at mabilis na pinutol ang tawag. “Si Lola ba ‘yon?” Tanong ni Annika, kaya mabilis siyang tumango rito. “Baka nalaman na ni Lola, ang ginawa mo.”“Wag mo nang isipin pa ‘yon, problema ko na ‘yon.” Sagot niya at muling hinawakan ang kamay nito. “Gusto mo bang sumama sa akin pabalik?” Natigilan si Annika, dahil sa narinig niya mula kay John. “Sa bahay?” Kabado na tanong ni Annika sa kanya. “Oo.” Mabilis na nag-yuko si Annika, sa kanyang ulo, dahil sa narinig nito. “Alam mo bang pinapangako ko na sa sarili ko, na hindi na babalik pa ro’n.” Malungkot na wika ni Annik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status