LOGINHabang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin.
"Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois.
"Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako.
"Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."
Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin.
"Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."
Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo.
"Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?"
"It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois.
"And you never told your mom?" Spike asked.
Nag angat ng tingin sa akin sandali si Lois bago agad ring yumuko. "She never asks."
Parang nawalan yata ako ng gana. Kanina pang pinapamukha sa akin ni Spike na nagkulang ako sa pagiging ina sa anak kong si Lois. He is insulting me. Kahit unintentional or intentionally, I am still insulted by what he's doing behind my back. He never asks for my permission before visiting my child. Nagpakilala at nagpapaka-ama siya sa anak ko na hindi ko naman sinasabing gawin niya. Kasi wala namang naka-rehistrong tatay ang mga anak ko. Everyone knows I'm a single mother kaya bakit malaman-laman ko na lang ngayon na may nangyayari na palang gano'n?
"Alam niyo you should try this soup, masarap 'yan," biglang sabi ni Roiden nang napansin marahil ang pananahimik naming dalawa ni Spike habang nakatitig sa isa't-isa.
Ako ang unang nag iwas ng tingin at agad na nginitian si Roiden. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko habang nakikinig sa mga kwento ni Terese. Naikwento niya rin na nagkaroon na nga raw ng girlfriend si Welvorn at kasalukuyang nasa Manila para sa business nito. Hindi na rin ako nang usisa kung anong business nito o kung ano ano pang mga update sa buhay nito dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga ako interesado.
Pagkatapos naming maghapunan ay nagpaalam sa akin si Lois na mag s-sleepover nga raw siya kaya pinayagan ko na rin at nagpaalam na rin ako agad sa mag asawa dahil nga may usapan kami ni Spike na mag uusap kami. Kailangan talaga naming mag usap ng seryoso dahil hindi naman ito tungkol sa aming dalawa. Tungkol ito sa buhay ng anak ko na pinakikialaman niya.
"Saan ka uuwi ngayon?"
Agad ko siyang kunot-noong nilingon nang itanong niya 'yon sa akin. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan niya at binabaybay na ang kalsadang palabas ng subdivision.
"Saan ba ang bahay ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya pabalik. Malamang ay uuwi ako sa bahay ko. Wala naman akong ibang bahay dito sa Pilipinas maliban sa mansion namin. Gosh!
"Tinatanong ko lang kasi baka gusto mo nang umuwi sa bahay natin?"
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Are you effin' serious?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Bumuntonghininga ako. "Look, I just wanted to talk about Lois. Wala ng iba."
"Ano bang tungkol kay Lois?"
"Stop visiting him at school," diretsong sabi ko.
"What's wrong with me visiting him at school? E, anak ko naman ang binibisita ko."
"Because you're ruining my plan. You are ruining what I am trying to build for me and my son. Kaming dalawa na nga lang 'yong magkasama, makikihati ka pa?"
Kumunot ang noo niya. Agad rin siyang prumeno dahilan upang kamuntikan pa akong sumubsob sa dashboard. Buti na nga lang at nakaugalian ko nang mag seatbelt.
"Lois is my son too, Serra."
Umiling ako. "He's mine, Spike. Walang sa 'yo. You disowned them remember?"
"My god, Serra! Babalik na naman ba tayo sa issue na 'yon?"
"Bakit? Natapos ba 'yong issue na 'yon? It happened 10 years ago, Spike but inside those 10 years, it was that issue who keep me going."
"Who keeps you going away from me is that it?"
Sandali akong natigilan.
"Kaya ba hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad? I already explained myself. I already apologized. Ano pa bang gusto mo?"
Sarkastiko akong natawa. Yes, he did explain and apologized. Pero kailangan bang pakinggan at patawarin ko siya dahil lang ginawa niya?
"Am I obliged to forgive you? Do I really have to just because you asked for it? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin pagkatapos no'ng gabing 'yon, Spike?"
"Serra..."
"Alam mo ba kung gaano akong nasaktan dahil sa ginawa mo?"
Hindi ko namalayang agaran ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Akala ko wala na, e. Akala ko nakalimutan ko na 'yong sakit. Akala ko hindi ko na 'yon muling lilingunin at daramhin. Hindi ko akalaing nandito pa rin pala. Dala-dala ko pa rin pala. Naghihintay lang ng tamang panahon para mapansin ko at mailabas ko.
"Alam mong pinasundan kita sa mga tauhan ko no'n, Serra. Kaya alam ko kung anong nangyayari sa 'yo," kalmado niyang sabi.
"Alam ko bawat kilos mo. Nakatutok ang mga mata ko sa 'yo. Sa loob ng sampung taon nakasunod ako lagi. Wala akong pinalagpas, wala akong hindi alam sa 'yo. Alam ko kung paano mo alagaan ang mga anak natin. Alam ko kung paano mo sila ihele sa gabi. Alam ko kung paano ka magkandaugaga sa umaga at gabi para lang masigurong napaliguan mo sila, napakain at nabihisan ng maayos. Nandoon ako at nakita ko kung gaano ka kabuting ina."
Pilit kong inaalis ang mga luha ko kahit pa alam kong kahit anong gawin kong pagpahid ay hindi ito tuluyang mawawala, dahil mapapalitan lang din ng bago. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi once na tumingin ako ay bibigay ako.
"Hindi mo man ako nakikita, hindi mo man alam pero hindi kita pinabayaan. Lagi kong sinisiguro ang kaligtasan niyong mag iina ko."
Nilingon ko siya. "But you failed to protect Lennox and Levi. Hindi totoong hindi mo kami pinabayaan, Spike. Because if you really did make sure of our safety buhay pa sana ang mga anak ko."
Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinaplos 'yon. Sinubukan ko pang alisin iyon mula sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Umuwi ka lang sa piling ko, Serra. Ibibigay ko sa 'yo ang buong pamilyang ninanais ng puso mo."
"What do you mean?"
"I've waited five years for this to happen. I've waited five years para masigurong ligtas na kayo at wala ng gagalaw sa inyo. Hindi na kayo mapapahamak kahit hindi na ako nakabantay."
Umiling ako. "Hindi ko maintindihan... Hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"
"I killed them for you, Serra."
Kunot noo ko siyang tinitigan. Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga matang nakatutok sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kanya.
"I killed Rosella and her family. Wala ng mananakit sa inyo."
"B-but why? Akala ko ba natapos na ang gulo five years ago?"
Umiling siya. "Natapos lang sa iyo dahil bumalik kayo ni Lois ng Las Vegas. But for me who left her in the Philippines, the war continued, Serra. Pero wala na ngayon. I made sure na matatapos na ang lahat bago ka pa bumalik at ibalik ko sa 'yo kung anong mga inilayo ko sa iyo."
"Akala ko..."
"They're all safe. And you are now all safe. Please take good care of our kids for me."
"Spike, diretsuhin mo ako. Anong ginawa mo? May dapat pa ba akong malaman?"
"Promise me one thing, Serra..."
"Spike..."
"Please be happy with the triplets."
Sa mga sinasabi niya ay tila nagpapaalam siya sa akin. Pero kasabay ng pamamaalam na 'yon ay parang ipinapahiwatig niya na buhay pa ang mga anak ko.
"Spike, don't tell me..."
Tumango siya. "Yes, Serra... I kept them safe. I needed to lie, I needed to hide them away from you and Lois. Kailangan kong ipalabas na patay na sila para isipin ng lahat na kayong dalawa na lang ni Lois ang natitirang kahinaan ko. Para hindi ako mahirapang bantayan at protektahan kayo."
Napapikit ako kasabay ng pagbagsak ng aking mga balikat. Ang tindi ng laro. Ang duming maglaro ni Spike. Para kaming pinapaikot-ikot sa mga palad niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Kung iiyak ba ako o matatawa sa sitwasyon. Masyadong magulo, masyadong mabigat, ang hirap hirap intindihin. Parang 'yong mga emosyon ko pinaglalaruan lang. May mga mata ako pero para akong bulag. Bulag sa mga pangyayari at hindi ko nakikita maging ang kinabukasan ko. Parang ang dilim dilim ng mundong kinalulugaran ko.
"I'm sorry..." he almost whispered it.
Umiling ako. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong gaano katakot ang mga mata ni Spike habang nakatitig sa akin. "Nasaan sila?"
Sandali siyang nanahimik bago huminga ng malalim.
"Nasa bahay. Kadarating lang din nila mula Russia a few days ago."
Tumango ako. "You managed to hide them really far. Sino-sino ang buhay, Spike?"
"All of them."
"You mean your dad, your lola, Miles, Sebastian and our sons?" dahan-dahan kong sambit, tila pinoproseso ko pa rin ang bawat pangyayari. Para akong nakalutang sa ere. Hindi ako makapaniwala. Ang hirap hirap paniwalaan.
May tipid na ngiti sa kanyang labi nang tumango siya. Kinagat ko ang labi ko.
"Can I... Can I see them?"
"Of course..."
Bumaba ako ng sasakyan at doon lumanghap ng sariwang hangin.
"Serra..."
"I need to breathe. Para akong malalagutan ng hininga. Everything feels like a dream."
Hindi siya sumagot. Ilang sandaling namutawi ang katahimikan sa paligid namin. Pasado alas onse na ng gabi at wala na masyadong tao o mga sasakyan na dumadaan sa lugar kung nasaan kami. Kaya tanging pang gabing hangin at mga pang gabing tunog ng mga insekto ang naririnig ko.
"Alam kong may hindi ka pa sinasabi sa akin, Spike... Anong kasunod nito?"
Nanatili siyang tahimik kaya nilingon ko siya. Only to find out na tahimik siyang umiiyak habang nakatitig sa akin.
"S-sumuko ka?"
"Iyon ang tama 'di ba?"
Mabilis at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.
"Akala ko ba ibibigay mo ang buong pamilya na pinapangarap ko?"
Malungkot siyang ngumiti. "I was just trying to give you back the life and family you have back in Las Vegas, Serra."
"A family without you, Spike. Paano naging buo 'yon?"
Mas lalong nagsipagbagsakan ang kanyang mga luha. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan saka hinila palapit sa kanya upang mayakap ng napakahigpit.
"Hindi ko alam kung ilang taon akong malalayo sa inyo... Mahihintay mo pa ba ako?"
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako umiyak nang umiyak. Ilang taon na ang nasayang naming dalawa. Ilang taon na naman ba ang sasayangin namin?
"Can you wait for me, Serra?"
Tumango ako. Hindi pa rin umaalis mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya.
"God! Mahal na mahal kita," pumiyok siya nang sabihin 'yon.
Hindi ako makasagot. Patuloy lamang ako sa pag iyak. Sinubukan niyang kumalas mula sa yakap ko pero umiling ako at mas lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap ko. Parang ayaw kong umalis mula sa bisig niya. Parang ayaw ko nang matapos ang sandaling ito. Kasi alam kong pagkatapos nito ay mag isa na naman ako. Gigising na naman akong ako lang mag isa at walang kasamang gumagabay sa mga bata.
Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing 'yon. Hindi ko alam kung paano ko nagawang pagsabayin ang pakiramdam na masaya at malungkot. Masaya ako at nakangiti nang yakapin ko ang mga anak ko't ang kaibigan kong si Miles pero sa loob-loob ko'y lugmok na lugmok ako.
I spent Spike's remaining days with him. Sa loob ng ilang araw ay kasama namin siya ng triplets sa iisang bubong. We tried to live a normal family life. We treat it like no one's going away anymore. Hindi namin iniisip na aalis siya at isang araw ay doon na maninirahan sa kulungan ng ilang taon. And I loved and cherished those moments. Parang isang napakagandang panaginip na mapapatay ko kung sino man ang gigising sa akin.
Kaya para akong sinaksak ng paulit-ulit nang dumating ang araw na pinakaayaw kong dumating.
"Kailangan ba talaga?"
Pareho kaming nasa terrace ni Spike habang yakap yakap namin ang isa't-isa. Ngayon na ang huling gabi niya. Bukas ay papasok na siya sa kulungan upang pagbayaran ang kasalanan niyang pagpatay sa iilang miyembro ng pamilyang Carisma.
Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok kong napupunta sa mukha ko.
"Kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko, Serra. And I promise to never stop thinking of you. Kita mo 'yang mga bituin sa langit? Ganyan karami ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa 'yo. Sa tuwing nakatingin ako sa buwan, lagi kitang iniisip. Kaya kung nami-miss mo ako, tumingin ka lang sa buwan at isipin mong magkatabi lang tayo."
"Paano ko ipapaintindi sa mga bata? Kita mo naman kung gaano kasaya ang mga bata sa mga bonding niyo. Sobrang saya nilang magkaroon ng daddy, Spike. Parang hindi ko kayang makita—"
"Shh... Babalik naman ako. Huling hiling ko na 'to sa iyo, Serra. Pangako babawi ako sa inyo."
Hindi ko alam kung paano ko nagawang magmahal ng ganito katagal. Hindi ko alam kung paanong ang mga paniniwala at malaking pader na binuo ko para lang hindi makapasok ang pag ibig sa buhay ko ay nagawang sirain ni Spike. Nangako ako sa sarili kong hindi ako magmamahal, hindi ako magpapakasal, at lalong-lalong hindi bubuo ng pamilya. I grew up in a society where love, marriage and family are not that valuable, not like a diamond that needs to be protected and cherished. I grew up in a society where everyone can love anyone they want, can fixed marriage and break marriage wherever, whenever, and however they want. I grew up in a society where family are replaceable.
Kaya nangako akong hindi ako papasok sa kahit na anong sitwasyong may kinalaman sa tatlong 'yon. But Spike happens. Kahit pala anong gawin mo sa sarili mo, kung may ibang balak sa 'yo ang universe. Kahit gaano pa kaganda ang mga plano mo, ay wala pa rin.
Sa isang iglap, heto ako... Hanggang ngayon naghihintay pa rin sa pagbabalik niya.
Heto ako... Na sa kabila ng mga pinagdaanan kong masakit. Na sa kabila ng ilang beses na pagsira niya sa tiwala ko... Nandito pa rin ako naghihintay, habang pinanghahawakan ang pangako niyang magbabalik siya.
WAKAS.
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







