Home / Romance / Uncontrollable Desire / SPECIAL CHAPTER 01

Share

SPECIAL CHAPTER 01

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-19 06:15:34

SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW

"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na."

"Aanhin ko ang anak mo?"

"Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?"

"I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."

Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito.

"Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na kita ng pagkakataon."

I smirked. Sinenyasan ko si Sebastian na kunin ang litratong hawak ni Mr. Madrigal. Agad naman siyang sumunod at inilapag 'yon sa lamesa ko.

Sandali akong natulala doon. Tama siya. Maganda ngang talaga ang anak niya.

"Magkakaroon kayo ng magaganda at gwapong tagapagmana kung siya ang mapapangasawa mo at magiging ina ng iyong mga anak."

"Hindi ako interesado sa anak mo," diretso kong sabi.

"Nagmamakaawa ako. Ayaw kong makulong."

"Fine. I'll think about this offer. But I won't promise you anything. Hindi ko maipapangakong papayag ako sa nais mong mangyari."

Sunod-sunod siyang tumango saka nagpasalamat at agad ring umalis.

"Anong plano mo, boss?"

"I want you to gather more information about this woman."

"Interesado ka? Akala ko ba si Merila ang gusto mo?"

My eyebrows immediately furrowed with what he just said. "Alam mo namang may asawa na 'yong tao hindi ba?" Hindi ko akalaing parehas kami ng iniisip.

Tumawa siya ng bahagya. "Alam mo namang fixed marriage lang 'yon hindi ba? Para lang sa merging ng mga companies nila. Tsaka umamin na sa iyo si Merila na ikaw talaga ang gusto niya."

"Hindi ako mang aagaw ng asawa, Sebastian," iiling-iling na sabi ko habang nakatingin pa rin sa litrato ng anak ni Madrigal.

"Sinabi na sa 'yo ni Merila na hahanap siya ng paraan para maghiwalay sila 'di ba?"

Huminga ako ng malalim. "Kailan pa 'yon? Kailangan ko na ng anak ngayon para mapasaakin na ng tuluyan ang kompanyang ito."

"Iyong kasunduang hati tayo ha?"

"Shut up, Baste!"

"Aba ayos ka, Damian! Parang kinalimutan mo na 'yong kasunduan natin ah?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko agad siya at sinamaan ng tingin. "Itikom mo nga 'yang bibig mo baka may makarinig sa 'yo!"

"Ito naman galit agad. Huwag kang mag alala, walang makakaalam ng sekreto mo."

"Meron. Kapag hindi mo 'yan pipigilan ang matabil mong dila malalaman nilang hindi ako ang tunay na Spike Guillermo! Na pinatay natin siya!"

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. "Fine! Ito na! Ititikom ko na ang bibig ko. Basta 'yong kasunduang hati tayo sa kayamanang makukuha mo ha?!"

"Atin naman talaga 'yon. Ninakaw ko lang ang pagkatao ni Spike Guillermo pero 'yong kayamanan... Atin 'yon. Hindi natin 'yon nanakawin dahil nararapat lang natin 'yong kunin. Kinukuha lang natin pabalik 'yong para dapat sa atin."

"Pero sa tingin mo, kuya... Kung buhay si mama masaya kaya siya sa ginagawa nating ito?"

Ibinaba ko ang litratong hawak-hawak ko saka ako nag angat ng tingin sa nakababata kong kapatid na si Sebastian.

"What do you think?"

He shook his head. "Palagay ko hindi." He heaves out a sigh. "Alam nating pareho kung gaano kabuti si mama. Sigurado akong hindi siya masaya sa ginagawa nating ito."

"Ginagawa natin ang lahat ng ito para ipaghiganti siya. Ginagawa natin ito para sa kanya, Baste. Ipaghihiganti natin siya. Papatayin natin silang lahat sa kung paano nila pinatay ang ina natin."

"Pero kuya..."

"Tumahimik ka na. Ito na ang huling pagkakataong tatawagin mo akong kuya o sa pangalan ko. Ayokong may makaalam ng sikreto natin habang isinasagawa ang lahat ng ito. Sundin mo na ang inuutos ko."

Hindi ako ang tunay na Spike Guillermo. Hindi ako ang tunay na anak ni Rosella kay Javier Guillermo. Ang totoo kong pangalan ay Damian Rodriguez. Ako ang anak ni Javier kay Maya Rodriguez na pinatay ni Rosella kasabwat ang pamilya niya.

At nandito ako para bawiin ang lahat na dapat ay akin.

I was focused on my goal. Dire-diretso ako dahil tuwid ang tingin ko. Pero isang lingon ko lang sa anak ni Madrigal nasira na lahat ng plano ko. Nawala na agad ako sa tamang landas na tinatahak ko.

She's ruining everything but I don't understand why I love how she's ruining it.

No'ng unang araw pa lang na hiningi kong mag sex kaming dalawa, ay alam ko na agad na magiging isa siyang malaking hadlang sa mga plano ko. Kasi pinupukaw niya 'yong pagiging Damian ko. Iyong Damian na maawain at punong-puno ng pagmamahal. Iyong Damian na pinuno ng pagmamahal ng nanay niya kaya marami siyang kayang ibigay na pagmamahal sa iba.

I thought she loves sex so much because of her sexcapades, kaya no'ng pinilit ko siyang makipag sex sa akin at nakita ko ang pagtulo ng luha niya ay bigla akong nawala sa sarili ko ng panandalian. Kung hindi ko lang inisip ang mga plano ko bilang Spike Guillermo ay malamang pinalipad ko na siya pabalik ng Las Vegas.

"Ayos lang naman if grand wedding. Kayo naman ang gagastos. Oo nga pala at pinirmahan ko na 'yong kontratang ibinigay mo kagabi. Pero bago ako pumirma ay may mga idinagdag ako."

"What is it?"

"That if I ever get pregnant with your child... Pagkatapos na pagkatapos ko itong ipanganak ay tapos na rin ang utang ko sa 'yo. And don't you ever make me see the child. I don't wanna see it. I don't even want to remember it. Ayaw ko ring makilala niya ako... Be it its mom or your wife."

Natahimik ako nang sabihin niya 'yon. Umayos siya ng upo at humarap sa bintana. I wanna see her eyes. Gusto kong makita 'yong totoo. Gusto kong malaman kung iyon ba talaga ang gusto niyang mangyari o dahil wala siyang choice? Kasi iyon naman talaga ang plano. Ang umalis siya pagkatapos nito. Kasi ang totoo, ayaw ko siyang madamay. Sigurado akong kapag silyado na ni lola at daddy ang pamana nila sa akin, alam kong gulo na ang kasunod. At ayaw kong nasa tabi ko pa si Serra kapag nangyari 'yon. Gulo ko ito, ayaw kong mandamay ng iba.

Pero akala ko lang pala na gano'n lang siya kadaling pakawalan. Akala ko hindi siya magiging sagabal sa lahat ng plano ko. Pero mali, siya ang pinakamalaking hadlang at maaaring maging dahilan para pumalpak ako.

She is crying. All because everyone thinks she cheated on me.

"Anak po ito ni Spike," she pleaded. Her voice was shaking. Nag aalala ako na baka may mangyari pang masama sa bata dahil sa pag iyak niya. Pero wala akong magawa para tulungan siya.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata nang narinig ang malutong na sampal ni lola kay Serra.

"SINUNGALING!"

Gusto ko siyang protektahan pero hindi pwede. Ayaw ko siyang nasasaktan but I have to let her suffer just because I needed to. I have my own plan. My goal ako. Hindi lang para sa sarili ko. Kung 'di para sa pangako ko sa mga kapatid ko.

Pero habang nakikita ko siyang umiiyak at nagmamakaawang paniwalaan siya. Lalo pa nang walang awa siyang kaladkarin palabas at pinapalayas, parang ayaw ko na yatang ituloy ang plano. Parang gusto ko na lang sumuko at piliin siya.

Pero paano ang mga kapatid ko? Paano ang paghihiganti ko? Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan namin nina Sebastian at Rynette kung si Serra lang ang iisipin ko. Inaasahan ako ng mga kapatid ko. Ayaw ko rin naman silang biguin. Lalo pa at malapit na naming makamit ang tagumpay.

"Ano pang kailangan mo?" I asked. Pinipilit ko ang sarili kong huwag bumigay. Sobra-sobra ang pagpipigil ko sa sarili kong punasan ang mga luha niya. I wanna hug her so tight.

My eyes went wide when I saw her removing her ring. Kinuha niya ang kamay ko at inilapag dito ang singsing.

I immediately bit my lower lip to stop myself from talking or showing feelings. Ayaw kong makita niyang apektado ako sa ginawa niya.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Hiningi mong pagkatiwalaan kita pero no'ng binigay ko'y ito ang ginawa mo..."

She sobbed.

'God, Serra! Please stop crying, baby...'

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mong maniwala sa akin pero totoo ako sa 'yo, Spike. No'ng sinabi kong ikaw ang ama, totoo iyon. Noong sinabi kong mahal kita, totoo 'yon..."

Totoo din ako no'ng sinabi ko sa iyo na mahal kita, Serra.

"At ngayong sasabihin kong hinding-hindi na kita kailanman mapapatawad. Asahan mong gagawin ko. Totoo ito. Hinding hindi na kita tatanggapin sa buhay namin. Tandaan mo... Ikaw ang unang nagtaboy sa aming mag iina mo."

And with that she left...

Without knowing na pati puso ko dala-dala niya nang umalis siya.

Umalis siya pero hindi iyon hadlang para sa akin hindi malaman kung anong mga nangyayari sa kanya. Dahil pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng bahay ay pinasundan ko na siya agad kay Sebastian.

Plano ko pa sanang sa mansion nila siya pauuwin. Pero ibinalita sa akin ni Sebastian na natagpuan nga raw siya ni Welvorn, kapatid ni Terese.Wala na akong balak pang manghimasok sa buhay niya. Sapat na sa akin ang malamang nasa maayos siyang kalagayan.

Pero nang ibalita sa akin ni Sebastian na manganganak na nga raw siya ay hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya sa Las Vegas. Hindi ko kayang manatili sa opisina ko. Mababaliw lang ako kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya doon.

"Aalis ka? Bakit parang biglaan naman yata?"

Nag iimpake ako nang pumasok si Merila sa kwarto ko. We were now living in the same house. She's claiming na may nangyari sa amin at ako ang ama ng batang dinadala niya. Kaya ginamit ko ang opportunity na 'yon para mapaniwala ang pamilya ko na may anak pa rin ako. Kahit hindi kay Serra. Ang importante lang naman kasi sa kanila ay may magiging tagapagmana ako.

And yes, we are living at the same house and Merila's acting like she is my wife. Pero kahit kailan, hindi niya mapapalitan si Serra. I will only love Serra at siya lang ang kinikilala kong asawa ko.

"May kailangan akong habuling kliyente."

"Where?"

Isinarado ko ang zipper ng maleta ko. Saka ako tumayo ng tuwid at kunot-noo siyang tiningnan.

"Ano bang pakealam mo?"

Namilog ng kaunti ang kanyang mga mata pero agad din siyang bumawi at tipid na ngumiti.

"Alam mo namang malapit na akong manganak 'di ba? Panay ang alis mo nitong mga nakaraang linggo kung saan malapit mo ng makita ang anak natin."

"Alam mo kung gaano kahalaga sa akin nito, Merila."

Bumagsak ang mga balikat niya. "Alam ko naman. Pero paano naman ang anak natin? Hindi ba siya mahalaga sa 'yo?"

Kumunot ang noo ko.

"Obligasyon mong pangalagaan ang bata dahil ikaw ang ina. Lalo pa at nasa tiyan mo siya. Pumirmi ka dito sa bahay, magpalakas ka. Kumpleto na naman na 'yong gamit ng bata. Hindi mo na kailangan lumabas. Huwag kang gala nang gala. Kung may kailangan ka naman. Andyan naman ang mga katulong, may mga bodyguards pa. You actually don't need me."

"Pero ikaw 'yong daddy! You should be here as my support system!"

Umangat ang isang gilid ng labi ko. I wanna burst into laughter but tried so hard not to. Paniwalang-paniwala siya na naniniwala nga ako sa kasinungalingan niyang may nangyari sa amin.

"You know what, I really don't have time for this. I have to go. Male-late na ako sa flight ko."

Sabi ko at binitbit na ang maleta ko upang sana ay umalis na. Pero napatigil na naman ako sa mga salita niya.

"Don't you wanna say goodbye to our baby? Don't you wanna kiss my belly?"

Kinunutan ko lang siya ng noo saka nilagpasan. Wala akong pakialam sa kung anumang isipin niya. Hindi naman siya mahalaga! Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay si Serra. Si Serra na nasa malayo. Si Serra na manganganak na. Si Serra na mag isa.

Hindi ako mapakali kahit no'ng nasa eroplano na ako. Naglalaro sa isipan ko ang mga posibilidad. She was scheduled for cesarean birth dahil hindi kayang i-normal birth ang triplets. What if may biglang complications? What if magka infection? What if hindi niya kayanin?

Ilang oras ako sa eroplano pero kahit isang minuto ay hindi man lang ako nakaidlip. Hindi ko magawang kalmahin ang sarili ko.

"Ano ng balita?"

"Nasa hospital na. Buti umabot ka."

"Hindi ako mapakali. Hindi pa naman niya schedule."

"Yeah. Pero may mga signs of labor na. Kaya isinugod na siya agad sa hospital."

"O, e bakit ka pa nandito?"

"Sabi mo sunduin kita?" Napakamot sa ulo si Sebastian. "Labo mo talaga kahit kailan."

Dumiretso kami sa hospital. Si Miles lang ang nandoon at wala ang kapatid niyang si Miller. Mabuti na rin. Dahil siguradong hindi ako makakalapit kay Serra kung sakaling nandito ang kapatid niya.

"What is he doing here? Anytime ay darating si Welvorn. He might see him," Miles asked Sebastian. And she's referring to me.

"He has the right to see his sons, Miles."

"Well, not according to Serra. According to her hindi si Spike ang daddy ng mga babies."

"Babe, please pagbigyan mo na."

She rolled her eyes. "Yeah. As if I had a choice. Pero kapag nakita 'yan ni Welvorn didto, labas na ako ah? Ayaw kong madamay sa galit ni Serra."

A pain arose in my chest. Imagine, I am the father of the children. I am Serra's husband. Pero ako pa 'yong walang karapatang manatili dito o makita sila.

Pero may magagawa ba ako? I was the first one to push them away. I have decided to choose money over them. Kaya tama lang na wala akong karapatan dito. I should be happy that I got the privilege to see them kahit konting oras lang. Dapat makuntento na ako doon.

"The babies are out. She's got general anesthesia kaya tulog siya. Pwede mong makita ang mga bata mamaya sa private room niya," nakangiting sabi ni Miles.

I took a very deep sigh. Nabunutan ako ng tinik. Finally, they're safe.

"I should go," sabi ko.

"What? Where?"

"Baka abutan pa ako ni Welvorn dito. I'm okay now. Knowing that she's safe."

"But-"

Hindi ko na pinatapos si Miles sa kung anumang gusto niyang sabihin. Umalis na ako at nagdire-diretso palabas ng hospital.

"Look who's here..."

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay naabutan na ako ni Welvorn. Wala akong planong iba maliban sa makita lang na safe si Serra at ang mga bata. I have no other intention at dahil wala naman akong gustong sabihin sa kanya ay sinubukan ko siyang lagpasan.

But he told me something na nakapagpahinto sa akin mula sa paglalakad.

"Saan ka pupunta? Don't you wanna held your sons?"

"May I?" agad kong tanong. Hindi ko magawang itago ang excitement na nararamdaman ko.

"Of course you can. But make sure na hindi ito malalaman ni Serra kung 'di lagot tayong lahat."

Naging malawak ang pagngiti ko. "Bro, thank you."

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko nang makarga ko isa-isa ang mga anak namin ni Serra. Sa sobrang saya ko ay parang tumigil ang ikot ng mundo at ang oras. Parang ayaw ko na silang bitawan at iwan.

But even how I badly wanted to stay ay kailangan ko pa ring umalis. Kailangan ko silang iwan kahit na ayaw ko.

Kasi nga iyon ang pinili ko. Pero pagkatapos ng lahat ng ito. Sisiguraduhin kong babalikan ko sila.

And that's if...

May babalikan pa ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status