Home / Romance / Uncontrollable Desire / SPECIAL CHAPTER 02

Share

SPECIAL CHAPTER 02

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-19 06:16:33

SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW

I watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.

Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.

Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself.

"Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak."

"Can you do it for me?"

"Bro, ako ba ang ama? Mahal ko si Serra pero alam kong ikaw ang mahal niya kaya binibigyan kita ng pagkakataong makuha ulit siya. Pero kung ganito ka kagago para ipagawa sa akin 'yong mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa. Aba'y hindi ka na nga talaga karapat-dapat para sa kanya. Umuwi ka na lang ng Pilipinas."

Binasa ko ang labi ko. Gusto kong magalit dahil sa mga binitawan na salita ni Welvorn. Pero alam kong tama siya. Napakagago ko nga. Gago talaga ako!

"Yeah. That's what I intend to do. Gusto ko lang makitang maayos siya."

Tumango si Welvorn. "She's fine. Doing great actually. Wala ka rin namang dapat na ipag-alala... Because while she was taking care of the babies, we were taking care of her too."

I nodded. Right. I almost forgot about them. I almost forgot na marami palang nagmamahal sa kanya. Na 'yong babaeng pinakawalan ko ay may marami palang nakaabang.

Bumalik ako ng Pilipinas. But I didn't stop coming to Serra. Nagpapabalik-balik pa rin ako ng Las Vegas at pinapanood siyang alagaan ang mga anak namin. Sometimes, she gets out of the house at natatanaw ko siya sa bakuran na isinasayaw niya isa-isa ang mga babies. Minsan din ay binabasahan niya ito ng mga libro hanggang sa makatulog ang mga ito.

When the triplets started crawling, I made Sebastian installed hidden cameras all over the house. Kaya kahit nasaan ako ay nakikita ko sila mula sa laptop ko. Doon ko lang din nakita kung paanong umiyak si Serra gabi-gabi pagkatapos ng isang buong araw na pag aalaga sa mga bata.

"Oh sh*t!"

Agad kong pabagsak na naisara ang laptop when she suddenly strips off her clothes.

Huminga ako ng malalim at marahas 'yong ibinuga. What is she doing? She just can't undress like that inside her room!

Oh wow! I should be calm right? She's inside her room. Wala namang ibang makakakita sa kanya kasi nasa sarili naman niya siyang kwarto. One more thing, this is not the fuxking first time! Makailang beses na niya itong ginagawa pero hindi pa rin ako nasasanay!

"Bakit ba kasi pati kwarto nilagyan mo?!" galit kong lingon kay Sebastian.

"Bakit? Sabi mo buong bahay 'di ba? Pati nga bathroom dapat lalagyan ko, e."

Napahilamos na lang ako sa buo kong mukha. I can't believe he's making me insane!

"Ano bang problema? Hindi ba ay nakita mo naman na 'yong katawan niya? Natikman mo pa nga," tatawa-tawang sabi niya. Mabilis na kumunot ang noo ko at galit ko siyang nilingon.

"Oh kalma! Nagbibiro lang, e!" pagtaas niya pa sa mga kamay niya.

"It's not funny, Sebastian!"

"Tss!" So ano nang plano mo ngayon? Nakakakilala na ang mga bata. Ayaw mo bang makilala ka nila?"

"Sa tingin mo anong mangyayari kapag nakilala nila ako?"

Isang mahabang buntonghininga ang narinig ko mula sa kanya. "Narinig ko mula kay Miles... Hanggang ngayon hindi pa rin daw sumusuko ang kapatid niya kay Serra. Sigurado ka bang pakakawalan mo siya? Baka bumigay 'yon sa panunuyo ni Miller. Idagdag mo pang andyan si Welvorn."

"Alam ko. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin."

"But what can you do? Kailangan nating mahanap si mama."

Tumango ako. "Malapit ko nang makuha ang mana. Kasunod na niyon ang paghahanap natin kay mama."

"Sa tingin mo ba, aamin si Rosella sa kasalanan niya?"

"Pipilitin ko. Pipigain ko siya hanggang sa magsalita siya."

"Alam kong matagal na natin ginagawa ang planong ito. Pero hindi ko maiwasang mag alala ngayong malapit na tayo sa dulo. Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni Rosella. Lalo pa at pinatay ni papa ang anak niya."

"Hindi pinatay ni tito si Spike Guillermo! Aksidente 'yong nangyari!"

He sighed. "Kuya, pareho nating alam na hindi 'yon aksidente. Sinadya ni papa na sagasaan ang anak ng taong pumatay kay mama."

"Aksidente 'yon, Baste. Iyon ang paniniwalaan ko."

Isang mahabang buntonghininga ang isinagot niya sa akin. Alam ko kung anong ikinakatakot niya. Sa ilang taon naming pagpapanggap at pagsasagawa sa lahat ng mga plano namin ay ngayon lang siya nagsabing kinabahan siya, ngayon ko lang din naramdaman na totoo ang kaba niya. At alam ko kung anong dahilan.

Kasi tulad niya, kinakabahan rin ako para sa taong mahal ko. Lalo pa ngayon at may mga anak na kami ni Serra na hindi ko kakayaning madamay sa gulong ito. This is why, I hated myself for ruining everything. I shouldn't have love Serra. I shouldn't have her involved.

"Nagsisimula ka ng maghugas kamay, kuya."

Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang sinabi niyang 'yon. Iniwan niya ako sa sala at umakyat siya sa kwarto niya. Padabog pang isinarado ang p***o.

Alam kong nagsisimula na siyang umatras. Ayaw na niyang ituloy ang mga plano namin dahil natatakot siyang baka hindi siya tanggapin ni Miles pagkatapos ng lahat ng ito. Pagkatapos malaman ng girlfriend niya na hindi kami mabubuting tao.

Dalawang taon ang lumipas na ganoon palagi ang ginagawa ko. Pabalik-balik ng Las Vegas at Pilipinas. I have finally secured Spike Guillermo's inheritance at isang taon na lang ay iaanunsiyo na ang pagiging chairman ko ng kompanya. Nararamdaman ko na, malapit nang matapos ang lahat ng ito.

But as I am smelling the sweet scent of success ay hindi ko namalayang iba na pala ang tumatakbo sa utak ni Serra.

"What do you mean nabaril si Terese?" agad akong napatayo nang narinig ang sinabi ni Roiden sa kabilang linya.

"Hindi ko pa alam 'yong buong pangyayari but one thing I am sure of, kilala ko kung sino ang may motibong gawin ito kay Terese."

Tumango ako. "Sige pupunta ako. Text mo sa akin kung saang hospital kayo."

Agad akong napatingin sa glass door nang pumasok si Merila karga-karga ang anak niyang si Aila.

"Daddy!" sigaw nito saka mabilis na tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

Pilit akong ngumiti. "Baby, what are you doing here?"

"Gusto kang makita ng anak natin kaya naisipan kong ipasyal siya dito sa opisina mo."

Tumango ako. "I'm sorry, but I have to go to the hospital today. Nabaril daw si Terese."

"Oh, come on! Do you really have to go? Hindi mo naman kaano-ano si Terese. Why can't you just spend your time sa amin ni Aila?"

Kumunot ang noo ko. "Terese is Roiden's fiancé, Merila. And Roiden is my friend."

"Oh, whatever! Sasama na lang kami."

"You don't have to."

"Isasama mo kami ng anak mo doon para din naman makita nila kami. I don't like your friends since they don't acknowledge me as your wife, but I have no choice. Kailangan kong makihalubilo for you."

Hindi na lang ako sumagot at isinama ko na lang sila sa hospital.

Papasok na dapat kami nang nalingunan ko si Serra hindi kalayuan sa entrance ng emergency. Nagulat ako nang nakita ko siya dito but I remained my expression's cold. Pero sa loob-loob ko ay sobra-sobra na ang pag aalala ko.

Anong ginagawa ni Serra dito? Bakit siya nandito sa Pilipinas? Kasama niya ba ang mga anak namin? Bakit hindi ito alam ni Sebastian?

And what's wrong with her eyes? Why is she fucking crying? Did she saw us? Nakita niya bang karga-karga ko si Aila? Is she crying over it? Iyon ba ang rason?

Ako ang unang nag iwas ng tingin at pumasok ng hospital. I made sure na nakapasok na sa loob sina Merila at hinding-hindi ito lalabas. Hindi niya pwedeng makita si Serra. Isinama ko palabas si Sebastian upang maipakita sa kanya si Serra at upang matanong kung bakit hindi niya ibinalita sa akin na nandito sa Pilipinas ang asawa ko!

"Mommy ko 'yon, Welvorn! Mommy ko 'yong umiiyak at nag aalala para sa kapatid mong si Terese! Inagaw niyo siya sa akin!"

Agad na kumunot ang noo ko nang nakita si Serra na umiiyak habang yakap-yakap na ni Welvorn.

At sinong tinutukoy niyang mommy?

"Serra..."

"Walang araw na hindi ako umasang babalikan niya ako. Araw-araw gigising ako na laging siya ang inaasahan kong bubungad sa akin pagmulat ko ng mga mata ko. Pero ipinadala na lamang ako sa Las Vegas ni daddy ay hindi pa rin siya umuuwi. Kaya pala. Kaya pala hindi na siya nakabalik kasi may iba na siyang pamilya. Winasak niya 'yong pamilya namin para mabuo 'yong pamilya niyo!"

"Fuck!" mahinang naibulalas ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Si Serra ba 'yan?"

Nilingon ko si Sebastian. "What the fuck is she doing here?"

Agad na umiling si Sebastian. "Hindi ko alam. Kinumusta ko siya kay Miles kagabi at sinendan niya ako ng picture, nasa bahay pa naman niya si Serra."

Marahas akong napabuga ng hangin. "She's crying over her mother. Alamin mo ang family history niya especially about her mother."

"Bakit?"

"She's claiming that she's the daughter of Terese's mother."

"Ano?"

"Alamin mo rin kung anong ginagawa niya dito."

Pinasundan ko si Serra. Pinaalam ko kay Sebastian kung anong ginagawa niya dito. And I found out na nandito siya para maghiganti kay Terese sa nangyaring aksidente noon sa daddy niya. We had her background checked at totoo ngang anak siya ng mommy ni Terese. At ngayon ay nakikipagsabwatan siya sa lalaking pinakapinagseselosan ko.

"Damn it! Sa lahat ng lalaki, bakit kay Yoko pa?"

"Kasi si Yoko lang ang may kakayahang pumatay?"

Marahas akong napabuntonghininga. Alam kong hindi si Yoko ang ama ng triplets, sigurado ako doon dahil napa-DNA test ko sila. Pero alam kong hindi man sila nag sex dati, I knew that he still touched her.

"Fuck!"

"Ano na ang plano mo ngayon?"

Umiling ako. "I don't know. Pero masama ang kutob ko. Kilala ko si Serra, hindi siya basta-bastang sumusuko. Tahimik din siyang gumawa ng plano, hindi mo malalaman ang magiging sunod niyang galaw."

Hindi rin naman ako pwedeng basta na lang umupo dito at hintayin pa siyang makagawa ng mali.

"Kumpirmado na na si Gwyneth ang bumaril kay Terese. Pero nakita sa CCTV si Serra. Maaaring mga tauhan niya ang nagpaulan ng bala sa simbahan no'ng araw na 'yon."

Tumayo ako at agad na sinuot ang coat ko.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Kay Roiden. Kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Serra."

"Sigurado ka ba? Maaaring mapahamak ang asawa mo sa gagawin mong 'yan!"

"Then what do you want me to do? Sit idly and just wait for something to happen?"

And just after I said it, I received a call from Roiden.

"Yes, Roiden..."

"Busy ka? Tara inom?"

"Anong inom? Hindi ba kayo magkasama ni Terese ngayon?"

"May family dinner sila."

Tumango ako. "Sa bar mo na lang."

"Ano? Sa iba na lang. Nalulugi ako kapag doon. Hindi naman kayo nagbabayad. Iyong mga pinakamahal ko pa namang alak ang paborito niyong inumin."

"Doon na. Huling gastos mo na 'yan sa amin bago ang kasal niyo ni Terese. Promise, huling panlilibre mo na 'to."

"Sige na nga! O sige na, sige na! Tawagan ko lang 'yong mga gago, takits!" sabi niya bago pinatay ang tawag.

"Sigurado ka bang sasabihin mo?"

"Depende sa mood."

"Gago! Anong depende sa mood?"

Hindi ko na siya pinakinggan at sinagot. Nagdiretso ako palabas ng opisina at agad na nagtungo papunta sa bar ni Roiden. Nandoon na si Neo pagkarating ko. Mag isa siyang umiinom ng alak sa bote.

"Uhaw na uhaw?"

Nilingon niya ako. Halos mapaatras ako sa nakita kong ekspresyon sa kanyang mga mata.

"Anong mukha 'yan? Saka mukhang nakarami ka na. Hindi ba bawal sa 'yo ang maramihan?"

"Spike, dude!"

"Anong problema?" tanong ko bago naupo sa harapan niya.

"You know Adaline? Iyong ex-girlfriend ko?"

"Oh bakit? Anong meron sa kanya?"

Tumungga siya sa bote bago yumuko at muling nag angat ng tingin sa akin. "I was so harsh to her. Sinaktan ko siya. Ginagamit ko 'yong bestfriend niyang si Brooklyn para pag selosin siya. Gusto kong maramdaman niya 'yong sakit na pinaranas niya sa akin noon noong piliin niyang magpakasal sa gagong Felix na 'yon. Pero putangina! Putangina!"

Yumuko siya at humagulgol.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam..."

Bumagsak ang mga balikat ko habang nakatingin sa kanya.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Punong-puno na ng luha ang mga mata't pisngi niya. "Spike, ang sama na ng mundo sa kanya, dumagdag pa ako."

Bakla ba ako? Bakit naluluha din ako habang nakatingin sa kanya?

"Ano ba kasing nangyari?"

Umiling siya. Eksakto namang pumasok sa VIP room sina Roiden at Dwayne. Agad na nagpunas ng luha si Neo at umayos ng upo.

"Parang ang seryoso niyo naman yatang dalawa," si Roiden.

"Spike." Tinapik ako sa braso ni Dwayne bago siya tumabi sa akin. Tinanguan ko siya bago ako tumungga sa baso ko.

"May balita ka na kay Zoren?" tanong ko.

"Nothing. Sinusulit pa marahil 'yong time niya with her mother."

"Is Melissa's fine?"

Dwayne shook his head.

"I don't know. Sinabi ko na kay Lumina 'yong tungkol sa mga nangyari sa kaibigan niya. Grabe 'yong iyak niya. Galit na galit kay Zoren. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya 'yong kaibigan natin."

Napaismid ako. Ang gulo ng mga buhay namin. Dumagdag pa itong tungkol sa relasyon ni Serra kay Terese.

Marami kaming napagkwentuhan, nagawa ring mag kwento ni Neo tungkol sa ex-girlfriend niyang si Adaline. Sobrang dami ng mga napag-usapan namin at ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas ng loob para sabihin kay Roiden ang tungkol sa koneksyon ng asawa ko sa fiancé niya.

Agad na ibinaba ni Roiden ang hawak niyang bote ng alak nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Agad niya itong kinuha at mabilis na sinagot ang kung sinumang tumatawag.

"Guys, kailangan kong umalis. Nasusunog daw ang bahay ng mga Flores."

Gulat kaming lahat na napatingin kay Roiden. Parehong agad na tumayo si Neo at Dwayne pero ako'y parang natuod sa kinauupuan ko.

God, please don't tell me na may kinalaman ang asawa ko dito.

"Huy! Spike, hindi ka sasama?"

Agad akong mabilis na tumango at tumayo. Saka ako sumunod sa kanila palabas ng bar. Sa buong byahe ay kabado ako. Pilit kong koni-contact ang nakasunod kay Serra na si Sebastian pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Punyemas!

Naabutan naming umiiyak si Terese at ang kapatid niyang si Irene sa labas ng nasusunog nilang bahay. Agad na tumakbo si Roiden papunta sa girlfriend niya.

"Anong nangyari? Bakit nasusunog ang bahay natin?! Si mommy at daddy?" agad na tanong ni Welvorn sa mga kapatid. Hindi pa man siya nakakalapit sa mga ito.

Irene shook her head.

"Ayos ka lang?" tanong ni Roiden sa fiancé niyang si Terese.

"ANO?!" sigaw ni Welvorn at hindi na hinintay ang tugon ng mga kapatid. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng bahay nilang malaki pa ang sunog.

"Anong... Anong nangyari kasi bakit nagkasunog?" tanong ni Roiden kay Terese.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

And there I saw my wife, nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakatingin siya kina Terese. Pinaghalong poot at sakit ang makikita sa kanyang mga mata.

Damn it, Serra! Please tell me that you have nothing to do with all this shit!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status