Share

Kabanata 99

Author: Shinzanzou
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-19 06:08:39

Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.

Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.

I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.

Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas.

"Hey..." aniya.

"Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Gulat ang unang rumihestro sa kanyang mga mata pero agad rin siyang nakabawi at ngumiti. Nang ngitian ko siya pabalik ay nagbaba naman siya ng tingin kay Lois at agad itong niyakap.

"Son!"

Pinanood ko silang dalawa, pinanood ko kung gaano kahigpit ang yakap ni Spike sa anak niya, samantalang walang kibo lamang si Lois habang nakatingin sa puntod ng mga kapatid niya.

"Hindi ko akalaing maaabutan ko kayo dito," aniya nang tumayo at muling tumingin sa akin.

"I wasn't expecting this too," tugon ko.

"Kailan pa kayo dumating?"

"Ngayon ngayon lang din. We just got arrived sa airport at dito na rin kami kaagad dumiretso."

Tumango-tango siya, "I see..."

Tumango din ako.

"Uh... Long time... No see..."

"Oo nga, e..."

Nag iwas ako ng tingin at marahang bumuga ng hangin. Hindi ko alam kung bakit parang naging awkward 'yong atmosphere namin.

"Do you guys see this?" Napatingin ako kay Lois at nakitang hawak-hawak niya ang gold medal niya at ihinaharap ito sa puntod ng mga kapatid niya.

"I got an award again. I can't even remember how many times I got an award this year. I hope you guys are proud of me."

Hinawakan ko si Lois sa magkabila niyang balikat at saka ako yumuko at lumebel sa kanya.

"I'm sure they're so proud of you, anak."

Tumango si Lois.

"They have to... Because they have a huge part of my every success."

Napatingin ako kay Spike at nakitang nakangiti siya habang pinapanood si Lois.

"Uh... Saan nga pala ang punta niyo after dito? Kumain na ba kayo?"

Tipid akong ngumiti at umiling.

"I was planning na dalhin si Lois sa mga pinsan niya. They have plans I think..."

Ang anak nina Terese at Roiden na si Elio ang laging nakakausap ni Lois. They became best of friends sa loob ng limang taon laging ang isa't-isa ang napapagsabihan nila ng mga hinaing nila sa buhay. Hindi ko rin naman pinagbabawalan si Lois dahil pinsan naman niya 'yon at isa pa'y alam ko kung gaano na niya ka-miss ang mga kapatid niya.

"Right, Lois?" tanong ko pa dito.

"Yeah. I heard he already prepared our play station at their home."

"Kung ganoon, ihahatid ko na kayo. Tamang-tama at doon rin naman ang tungo ko. May... May usapan din kasi kami ni Roiden."

"I see... Salamat pero kasi susunduin din kami agad ni Miller dito after niyang mabisita si Miles."

"Oh!"

Agad na bumalatay sa kanyang mga mata ang pinaghalong gulat at disappointment. Nakonsensya naman agad ako at panandaliang ninais na bawiin ang mga sinabi.

"Sorry..."

Pilit siyang ngumiti kahit pa kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "Ayos lang. No worries."

Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya kaya nag iwas na lang ako ng tingin. I can't believe how we are treating each other right now. We used to be so close, but now... I felt like I am talking to someone I barely know.

Halos tatlong oras na kaming naghihintay at halos naubos na yata ang mga kwento ni Lois sa mga kapatid niya pero hindi pa rin kami sinusundo ni Miller.

Si Spike naman ay kanina ko pang pinapaalis pero laging sinasabing saka na lang daw kapag nasundo na kami ni Miller.

"Are you sure he's going to fetch the two of you? Mukhang uulan na, Serra."

Nag angat din ako ng tingin sa kalangitan at mukhang anytime nga ay uulan na. Nagsisimula na ring dumilim ang paligid.

"Y-yeah... Tatawagan ko na lang. Pwede ka namang mauna doon. Hintayin na lang namin siya dito."

"No. Maghihintay na lang din ako dito. I can't just leave you here."

Hindi ko na siya nasagot dahil napatingin na ako sa phone ko. May message pala sa akin si Miller 1 hour ago at hindi ko man lang 'yon napansin.

Miller:

Hey, I'm sorry. Nalaman ng grandparents ko na dumating ako. They want me to go directly sa villa. Kita na lang tayo tomorrow.

Napabusangot ako matapos basahin ang message niya.

"Mommy, Elio is asking if we tuloy pa raw ba tayo sa house nila."

"Uh..." Napatingin ako kay Spike. "Busy si Miller, e. Available pa rin ba 'yong offer mo?"

Agad na ngumiti si Spike. "Of course! Let's go?"

Tumango ako at agad na rin kaming sumunod sa kanya.

Pagkarating sa sasakyan ay gusto ko pa sanang maupo sa back seat katabi ni Lois pero agad niyang hinarang ang mga gamit niya.

"There's no space available for you here, mom. Sa harap ka na."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata, but he just effin' smirk! The heck! Kaya wala akong choice kung 'di maupo sa harapan, sa tabi ni Spike.

"Bagong kotse mo?" agad kong tanong kay Spike pagkapasok na pagkapasok niya. Ayaw ko naman sanang magtanong ng gano'n pero wala na akong ibang choice. I have to lighten the atmosphere. Nafe-feel ko na kung gaano kami ka-awkward kanina, I can't let us be in the same situation again.

He nodded. "Your son wanted a car on his tenth birthday, I have to oblige."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status