Mag-log inChapter 3
Alena’s POV
Matapos kong mapirmahan ang kontrata, hindi ko na napigilang mapangiti.
Three-month probationary.
₱14,000 ang buwanang sahod.
Libre ang pagkain.
Stay in.
Para sa iba, baka maliit lang ang halagang iyon.
Pero para sa akin?
Panalo na ito.
Hindi ko na kailangang gumastos sa pamasahe araw-araw. Hindi ko na rin kailangang mag-alala kung saan kukuha ng kakainin kinabukasan. Higit sa lahat, makakaalis na rin ako sa bahay ni Tiya Remy at sa walang katapusang panunumbat niya.
"Congratulations, Ms. Ortiz."
Ngumiti si Mr. Delos Santos habang inaayos ang mga dokumentong pinirmahan ko.
"Mamaya ay may tatawag na sa loob ng mansyon. May sasalubong sa iyo para sa briefing at work assignment."
"Maraming salamat po, Sir."
Tumango lamang siya bago inabot ang telepono sa kanyang mesa.
Ilang sandali pa ay bumukas ang malaking gate ng Valderama Escallon Mansion.
Sa unang pagkakataon...
Makakapasok na ako sa loob.
Habang naglalakad ako sa mahabang driveway, hindi ko maiwasang matawa sa sarili kong iniisip.
"Akala ko kapag katulong lang, bibigyan ka lang ng walis, mop, at feather duster, tapos bahala ka na."
"Ibang klase pala rito."
"May briefing pa."
"Parang empleyado sa malaking korporasyon."
Napailing na lang ako.
Mukhang hindi talaga ordinaryong pamilya ang mga Valderama Escallon.
Pagpasok ko pa lamang sa mismong entrada ng mansyon...
Napahinto ako.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano ba ito..."
"Palasyo?"
Hindi ko alam kung saan ako unang titingin.
Napakataas ng kisame.
Napakalawak ng receiving hall.
May dalawang grand staircase na paikot na parang napapanood ko lang dati sa mga pelikula.
Kristal ang napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna.
Makintab ang marmol na sahig na halos makita ko ang sarili kong repleksyon.
May mga paintings na mukhang milyon ang halaga.
May fountain pa sa loob ng bahay.
"Aba..."
"Pambihira..."
Hindi ko napigilang mapailing.
"Paano kaya gumawa ng pera ang mga amo ko?"
"May sarili ba silang planta ng pera?"
"O baka may machine silang nagpi-print ng pera?"
"May alam ba silang sikreto na hindi nila sinasabi sa ibang tao?"
"Bakit ganito kayaman?"
Napangiwi ako sa sarili kong mga tanong.
"Baka pati kubeta ng mga ito..."
"Ginto."
Napatawa ako nang mahina.
"Kapag binenta siguro ang isang banyo rito, makakabili na ako ng subdivision."
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?"
Nagulat ako nang marinig ang boses sa likuran ko.
Agad akong umayos ng tayo.
"Ah... wala po."
Natawa lang ang isang matandang kasambahay.
Mukhang sanay na siyang makakita ng mga bagong empleyadong namamangha sa mansyon.
Lima kaming bagong kasambahay na sabay-sabay na pinapasok.
Pinaupo kami sa isang maliit na conference room.
Ilang minuto pa ay pumasok ang isang babaeng nasa halos sisenta anyos na.
Mahigpit ang bun ng buhok niya.
Nakakunot ang noo.
At mukhang kaya niyang patahimikin ang isang buong silid sa isang tingin pa lang.
"Ako si Isay."
"Pero dito..."
"Manang Isay ang tawag ninyo."
Tahimik kaming lahat.
Parang walang gustong sumubok sa pasensya niya.
Isa-isa niyang tinawag ang pangalan ng bawat isa at ibinigay ang kani-kanilang assignment.
"Ikaw..."
"Kitchen."
"Ikaw..."
"Laundry."
"Ikaw..."
"Garden."
Pagkatapos ay napatingin siya sa akin.
"Alena Ortiz."
"Opo."
"Ikaw ang maa-assign kay Boss MJ."
Napakurap ako.
"Ikaw ang personal na mag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya."
"Mula sa paggising..."
"Hanggang sa pagtulog."
"Sisiguraduhin mong makukuntento siya."
Napasinghap ako.
"Ha?"
"Ano pong sabi ninyo?"
Biglang nagtawanan ang apat kong kasabay.
Napakamot ako ng ulo.
Hindi ko naman kasi talaga naintindihan.
Mas lalo tuloy akong nahiya.
Naningkit ang mga mata ni Manang Isay.
"Alin sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan, Alena?"
Nag-aalangan akong nagtaas ng kamay.
"'Yung..."
"Mula paggising hanggang pagtulog..."
"Twenty-four hours po ba akong gising?"
"Literal?"
Mas lalo silang nagtawanan.
May isa pa ngang napahawak sa tiyan.
Samantalang si Manang Isay...
Hindi man lang ngumiti.
"TAHIMIK!"
Parang bomba ang sigaw niya.
Biglang tumigil ang tawanan.
Tumikhim siya bago muling tumingin sa akin.
"Kung kaya mo."
Sabay taas ng isang kilay.
Napayuko ako.
"Ay... hindi ko po kaya."
May ilan na naman ang napahagikgik.
Sa pagkakataong ito ay hindi na sila pinansin ni Manang Isay.
"Hindi laging nasa bahay ang amo natin."
"May mga pagkakataong isang linggo..."
"Dalawang linggo..."
"Minsan isang buwan pa..."
"Hindi siya umuuwi dahil sa negosyo."
"Pero kapag nandito siya..."
"Inaasahang may personal maid siyang nakaalalay."
"Taga-asikaso ng pagkain."
"Mga damit."
"Schedule."
"At lahat ng kailangan niya."
Nakahinga ako nang maluwag.
"Ah..."
"Ganun po pala."
"Akala ko..."
Hindi ko na itinuloy.
Baka ano na naman ang isipin nila.
"Naiintindihan mo na ba?"
"Opo."
"Kaya ko po."
Mabilis kong sagot.
"Magaling."
Pagkatapos ay nilibot niya kami ng tingin.
"Pagbutihin ninyo ang trabaho ninyo."
"Hindi madamot ang amo natin."
"Pero hindi rin siya mabait sa mga tamad."
Parang mas lumamig ang paligid.
Lahat kami ay napalunok.
Pagkatapos ng orientation ay ibinigay na sa akin ang uniporme.
Pumasok ako sa locker room upang magpalit.
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin...
Napakunot ang noo ko.
"Parang..."
"Ang ikli yata."
Sakto naman sa bewang at dibdib.
Pero hanggang kalagitnaan lang ng hita ang palda.
Sa tangkad kong limang talampakan at pitong pulgada...
Halos hindi nito matakpan nang maayos ang mahahaba kong binti.
Napakamot ako sa ulo.
"Normal ba ito?"
Gusto ko sanang magreklamo.
Pero baka sabihin nilang maarte ako.
Sakto namang dumaan si Manang Isay.
Napatingin siya sa akin.
"Maikli pala sa iyo."
"Opo."
"Ano bang height mo?"
"Five-seven po."
Tumango siya.
"Ay kaya pala."
"Pang limang talampakan lang ang uniform na 'yan."
"Tama naman ang sukat sa katawan mo."
"Pero dahil matangkad ka..."
"Mukhang maikli."
Ngumiti siya nang bahagya.
"Pagtiyagaan mo muna."
"Kapag tumagal ka rito..."
"Ipapatahian kita ng para talaga sa sukat mo."
Napangiti ako.
"Sige po."
"Maraming salamat."
Tumango lang siya.
"Halika."
"Ipapakita ko sa iyo ang floor ni Boss MJ."
Sumunod ako kay Manang Isay.
Puro katahimikan ang bumungad sa amin habang paakyat kami sa ikatlong palapag.
Pagbukas ng elevator...
Parang ibang mundo ang nasa harapan ko.
Halos buong palapag ay para lamang sa aming amo.
May pribadong sala.
Mini library.
Gym.
Entertainment room.
At napakalawak na terrace.
Parang hotel suite ang buong palapag.
Itinuro niya ang dalawang pintuan.
"Iyan ang master's bedroom."
"At iyon naman ang study room."
Mahigpit siyang tumingin sa akin.
"Off limits."
"Huwag na huwag kang papasok diyan hangga't walang pahintulot."
Tumango agad ako.
"Opo."
"Wala si Boss ngayon."
"Nasa business trip."
"Pero bukas..."
"Darating na siya."
Habang naglilibot ako, napansin ko ang isang lumang family portrait na nakasabit sa itaas ng kama.
Kupas na ang larawan.
Halos hindi na makita ang mga mukha.
Para bang sinadyang pabayaan itong lumuma.
Nagtaka ako.
Kung napakayaman nila...
Bakit hindi na lang palitan?
Bago pa ako makapagtanong...
May matinis na boses ang biglang umalingawngaw sa silid.
"Anong ginagawa ninyo rito, mga mutsatsa?"
Napalingon ako.
Isang magandang babae ang nakatayo sa may pintuan.
Mamahalin ang suot.
Punong-puno ng alahas.
At kitang-kita ang pagmamataas sa kanyang mukha.
"Ah... Señorita," magalang na sabi ni Manang Isay.
"Ipinapakita ko lang po sa personal maid ni Sir MJ ang mga gagawin niya."
Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa.
Parang sinusukat ang bawat parte ng katawan ko.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali.
Hanggang sa malamig niyang sinabi,
"I don't like you."
"Terminate her."
Tumigil ang mundo ko.
"Ha?"
"Kaka-first day ko pa lang ah!"
Hindi pa man ako nakakapagsalita, ay isang kalmadong boses ang pumigil sa kanya.
"Vivien."
"Just leave it."
Napalingon ako.
Isang lalaking nakasuot ng kulay abong suit ang papalapit.
Mahinahon ang mukha.
Ngunit halatang may awtoridad.
"Si Sir Michael," bulong ni Manang Isay.
"Kanang kamay ni Boss MJ."
Tumingin si Sir Michael kay Vivien.
"Si Boss MJ mismo ang nagdesisyon."
"Wala ka nang magagawa."
Napairap ang babae.
Kitang-kita ang inis sa mukha niya bago siya padabog na tumalikod.
"Fine."
"Do whatever you want."
Pagkaalis niya ay bumaling sa akin si Sir Michael.
"Pasensya ka na, Ms. Ortiz."
Hindi ko alam ang isasagot.
Tumango na lamang ako.
Nang makaalis na rin siya, hindi ko napigilang bumulong kay Manang Isay.
"Sino po ba iyon?"
"Asawa po ba ni Sir?"
Napangisi si Manang Isay.
"Ampon lang 'yon."
"Pero kung umasta..."
"Akala mo reyna ng mansyon."
Napailing ako.
"Ay..."
"Very entitled."
Napatawa si Manang Isay.
"Huwag mo na lang patulan."
"Marami nang umalis dito dahil sa ugali niyan."
Napatingin ako sa pintuang dinaanan ni Vivien.
Hindi pa man dumarating ang tunay kong amo...
Mukhang magiging makulay na ang buhay ko sa mansion.
At pakiramdam ko...
Si Vivien pa lamang ang simula ng mga problemang naghihintay sa akin.
Chapter 10Alena's POVBata pa lang ako, nagsimula na akong sumailalim sa matitinding pagsasanay.Hindi katulad ng ibang batang kaedad ko na abala sa paglalaro ng tagu-taguan, habulan, o panonood ng cartoons tuwing hapon, ang oras ko ay nauubos sa pag-aaral ng iba't ibang martial arts. Araw-araw akong nag-eensayo ng karate, taekwondo, judo, jiu-jitsu, Muay Thai, at iba pang combat techniques. Hindi lang iyon. Tinuruan din akong humawak ng iba't ibang uri ng baril, tamang pagpuntirya, disiplina sa paggamit ng armas, survival training, at maging ang tamang paraan ng pagtakas at pagligtas sa mga bihag.Noong una, pakiramdam ko isa lamang iyong kakaibang extracurricular activity.Pero habang tumatagal...Unti-unti kong naunawaan na hindi ako hinahanda para sa isang paligsahan.Hinahanda nila ako para sa isang digmaan.Hindi digmaang laban sa ibang bansa.Kundi laban sa kasamaan.Parang buong buhay ko yata ay inihanda para maging isang agent.Lumaki akong may dalawang pagkatao.Sa paningin
Chapter 9Alena’s POVPinasama ako ni Boss MJ sa kanyang opisina.May mga gamit daw kasi siyang gustong ilipat sa bahay, partikular ang ilan sa kanyang mga libro at mahahalagang dokumento. Kailangan niya ng taong mapagkakatiwalaan para rito.Bago kami umalis, may bilin siya sa akin."Magsuot ka ng pinakakomportableng damit."Hindi ko na siya tinanong kung bakit.Sa trabaho namin bilang kasambahay, normal lang naman ang pagbubuhat at paglilinis. Kaya pinili ko ang pinakaangkop na kasuotan—isang itim na skinny jeans na hindi sagabal sa paggalaw at isang puting fitted T-shirt.Simple.Malinis.At higit sa lahat...Madaling kumilos.Sa totoo lang, hindi lang iyon ang dahilan.Kapag may biglaang panganib, mas madali akong makakatakbo, makakaiwas, o makakalaban kung kinakailangan.Hindi naman puwedeng sabihin kay Boss MJ na ang dahilan ko ay dahil sanay akong sumabak sa mga operasyon.Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan ko siyang naghihintay na.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.Hindi
Chapter 8Alena’s POVDay off ko ngayon.Ayon sa policy ng management ng mansiyon, bawat empleyado ay may karapatang pumili ng isang araw sa loob ng isang linggo upang lumabas at magpahinga. Isang araw na para lamang sa sarili.Para sa karamihan ng mga kasamahan ko, ang araw na iyon ay pagkakataon para makauwi sa pamilya, mamasyal, mamili ng mga bagong damit, o kaya naman ay makipagkita sa kanilang mga nobyo at kaibigan.Pero para sa akin...Hindi kailanman naging simpleng pahinga ang isang day off.Sanay akong maging alerto.Sanay akong magmasid.Sanay akong maghanap ng mga bagay na hindi napapansin ng ordinaryong tao.Bilang isang undercover operative, bawat lugar na pinupuntahan ko ay maaaring maging susi sa isang kaso. Bawat taong nakakasalubong ko ay maaaring may impormasyong hindi pa niya alam na mahalaga.Hindi uso sa katulad kong agent ang magpatay ng oras.Bawat segundo.Bawat minuto.Bawat araw.May halaga.Kaya kahit day off ko ngayon, alam kong hindi lang ito simpleng pama
Chapter 7Alena’s POVTahimik lamang si Boss MJ habang bumabaybay ang sasakyan sa madilim na kalsada pabalik sa mansiyon.Hindi ko man lang siya narinig na bumuntong-hininga.Wala ring bakas ng takot sa mukha niya.Kung tutuusin, katatapos lang naming makasaksi ng isang brutal na pagpaslang. Isang tao ang pinatay sa harap ng napakaraming bisita, ngunit nanatili pa rin siyang kalmado. Para bang mas abala siyang inunawa ang nangyari kaysa sa matakot sa maaaring kasunod nito.Sa kabilang banda, kabaligtaran ang nangyayari sa isip ko.Habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan, paulit-ulit kong binabalikan ang bawat segundo ng insidente.Parang isang pelikulang inuulit sa loob ng isip ko.Pinag-aaralan ko ang bawat galaw.Bawat ekspresyon.Bawat taong naroon.Ayon sa pagtataya ko, hindi umabot ng dalawampu't dalawang segundo ang buong pangyayari.Dalawampu't dalawang segundo lamang.Sa loob ng napakaikling panahong iyon, naisagawa ng salarin ang plano niya nang walang kahit katiting na
Chapter 6Alena’s POVPaglabas ko ng maids' quarter, halos sabay-sabay na napalingon sa akin ang lahat ng taong naroon.Ang mga kasamahan kong katulong ay napatulala. Ang iba ay napabuka pa ang bibig, tila hindi makapaniwalang ako ang babaeng lumabas mula sa maliit naming tirahan.Napapito pa ang ilan sa mga nakasundo at nakabiruan kong driver at lalaking katulong sa mansyon."Grabe, Alena! Ikaw ba talaga 'yan?""Parang artista!"Napailing na lang ako habang natatawa.Samantalang ang mga kababaihan naman ay nagsipagtaasan ng kilay. May ilan pang nagbulungan habang palihim akong sinusulyapan mula ulo hanggang paa.Sanay na ako sa ganoong tingin.Sa mata ng maraming babae, lagi akong kontrabida.Hindi ko rin naman kasalanan kung mas madali akong makasundo ng mga lalaki. Marahil dahil simple lang akong makitungo at wala akong arte. Kaya mula pa noong bata ako, mas marami talaga akong kaibigang lalaki kaysa sa babae."Wow naman, Alena," biro ng isang driver. "Ibang-iba ang datingan natin
Chapter 5Alena’s POVTumatakbo ako nang buong lakas habang halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kasunod ko sina Nanay at Tatay, kapwa sila humahabol sa akin habang paulit-ulit kaming lumilingon sa mga taong nagtatangkang abutan kami.May mga armadong lalaki sa aming likuran.Hindi ko na makita nang malinaw ang kanilang mga mukha dahil sa dilim at sa mga luhang bumabalot sa aking mga mata, ngunit ramdam ko ang mabigat nilang mga yabag. Palapit sila nang palapit."Tulong!"Sigaw ni Tatay habang hinihila ang kamay ni Nanay."Maawa kayo! Tulungan ninyo kami!"Lumapit kami sa ilang taong nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakikita nila kami. Nakatingin sila sa amin. Ngunit parang wala silang naririnig. Parang mga rebultong hindi man lang kumikilos.Ako man ay sumigaw."Tulong! Pakiusap!"Ngunit laking gulat ko nang walang lumabas na kahit anong tunog sa bibig ko.Paulit-ulit kong ibinuka ang aking labi. Sinubukan kong isigaw ang lahat ng laka







