LOGINChapter 2
Alena’s POV
Tinawag na rin ang pangalan ko para sa interview.
"Miss Alena Ortiz?"
Agad akong napatayo at inayos ang pagkakasukbit ng luma kong shoulder bag. Huminga muna ako nang malalim bago sumunod sa babaeng staff na tumawag sa akin.
Hindi pala agad nakakapasok sa mismong mansyon ang mga aplikante.
May hiwalay na gusali sa tapat ng malaking gate na nagsisilbing receiving area at opisina ng Human Resources. Doon isinasagawa ang lahat ng interview, orientation, background checking, at briefing bago pa man pahintulutang tumapak ang isang tao sa loob ng Escallon Mansion.
Habang naglalakad ako, napansin kong napakahigpit ng seguridad.
May mga CCTV sa bawat sulok.
May mga guard na tila dating sundalo kung tumayo.
May mga scanner pa sa entrada.
Napaisip tuloy ako.
"Katulong lang ba talaga ang hinahanap nila?"
Pakiramdam ko kasi ay mas mahigpit pa ang seguridad nila kaysa sa ibang bangko.
Nang makarating ako sa opisina, agad akong pinaupo.
Hindi nagtagal ay dumating ang lalaking nasa limampung taong gulang na may suot na maayos na amerikana.
Mukha siyang istrikto.
May salamin siyang suot at halos walang emosyon ang mukha.
Binasa niya muna ang biodata ko bago nagsalita.
"Miss... katulong ba ang ina-apply-an mo?"
"Opo, Sir."
Hindi niya agad ibinaba ang papel.
Pinagmasdan muna niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi ito madaling trabaho."
"Opo, alam ko po."
Tumango siya nang bahagya.
"Ako si Mr. Delos Santos."
"Head Administrator ng Valderama Escallon Mansion."
Napayuko ako bilang paggalang.
Habang kinakausap niya ako, ramdam kong sinusuri niya ang bawat kilos ko.
Parang hindi lamang interview ang ginagawa niya.
Para akong iniimbestigahan.
Mabuti na lamang at wala naman akong dapat ikabahala.
Malinis ang record ko.
Wala akong kaso.
Wala akong criminal record sa pulis.
Wala rin sa NBI.
Sigurado akong walang makikita laban sa akin.
Ang tanging problema ko lang...
Wala akong job experience.
Napatingin si Mr. Delos Santos sa educational background ko.
Bahagya akong kinabahan.
Hindi dahil may mali.
Kundi dahil ako mismo ang nagsinungaling.
Hindi ko inilagay na graduate ako ng Business Administration.
Sa halip...
High School graduate lamang ang isinulat ko.
Hindi ko naman kasi nakitang may maidudulot na maganda kung ilalagay ko pa ang kolehiyo.
Kapag sinilip nila ang transcript ko...
Puro bagsak.
Puro retake.
At halos lahat ng grades ko ay pasang-awa lamang.
Sa halip na maging advantage...
Baka maging dahilan pa iyon para isipin nilang hindi ako seryoso sa pag-aaral.
Mas mabuti nang simple lang.
Mas madaling paniwalaan.
Matagal na tiningnan ni Mr. Delos Santos ang biodata ko bago niya ito isinara.
"Ganito ang gagawin natin."
Napaupo ako nang tuwid.
"Mukha ka namang malakas."
"Tingin ko, kakayanin mo ang trabaho rito."
Parang may kumalabog sa dibdib ko.
"Ibig sabihin po..."
Bahagya siyang ngumiti.
"Magsumite ka na lamang ng requirements."
"Kapag kumpleto na, maaari ka nang pumirma ng kontrata anumang oras."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga po, Sir?"
Tumango lamang siya.
Hindi ko napigilang mapangiti.
Sa wakas...
Pagkatapos ng napakaraming rejection...
May isang taong naniwala rin sa akin.
"Maraming salamat po."
Tumayo ako at paulit-ulit na yumuko bilang pasasalamat.
Paglabas ko ng opisina, hawak-hawak ko ang checklist ng mga requirements.
Police Clearance.
NBI Clearance.
Medical Certificate.
Barangay Clearance.
Birth Certificate.
Mukhang marami pa akong aasikasuhin.
Pero ayos lang.
Mas gugustuhin ko pang mapagod sa pagkuha ng requirements kaysa sa paulit-ulit na marinig ang salitang...
"Hindi ka namin matatanggap."
Habang naglalakad palabas ng compound, abala akong binabasa ang checklist.
Hindi ko napansing may kasalubong pala akong lalaki.
Bam!
Napaatras ako.
Pakiramdam ko ay bumangga ako sa isang konkretong pader.
Hindi man lang siya natinag.
Ako pa ang muntik matumba.
Agad akong napayuko.
"S-Sorry po!"
"Sorry po talaga!"
Hindi ko man lang naitaas ang ulo ko.
Nahihiya ako.
Tahimik lamang ang lalaki nang ilang segundo.
Pagkatapos ay malamig niyang sinabi,
"Next time..."
"Look at where you are going."
Malalim.
Mababa.
At puno ng awtoridad ang kanyang boses.
Hindi ko alam kung bakit...
Pero parang awtomatikong napayuko pa lalo ang ulo ko.
"Sorry po."
Nang maglakas-loob akong tumingin...
Nakalayo na siya.
Likod na lamang niya ang nakita ko.
Matangkad.
Malapad ang balikat.
Perpektong nakasuot ng itim na suit.
Napapalibutan siya ng ilang lalaking tila mga bodyguard.
Hindi ko man nakita ang mukha niya...
May kakaiba sa presensya niya.
Tahimik.
Ngunit nakakatakot lapitan.
Parang kahit wala siyang ginagawa...
Ramdam mong siya ang pinakamakapangyarihang tao sa lugar.
"Siguro may-ari ng kumpanya..." bulong ko sa sarili.
Nagkibit-balikat na lamang ako.
Hindi ko na iyon pinag-isipan pa.
Ang mahalaga...
Magkakaroon na ako ng trabaho.
Mahigit dalawang oras ang biyahe pauwi mula Sto. Alonzo.
Pagdating ko pa lamang sa inuupahan naming bahay ay sinalubong na agad ako ng pamilyar na boses.
"Oh?"
"Ano, Alena?"
"Nakahanap ka na ba ng trabaho?"
Bago pa ako makasagot...
"Aba!"
"Ang tagal-tagal mo nang palamunin dito!"
Sigaw iyon ni Tiya Remy.
Napangiti na lamang ako nang pilit.
Sanay na ako.
Mula nang mamatay sina Mama at Papa...
Parang bola na ipinapasa-pasa ako ng mga kamag-anak.
Kesyo dagdag gastos daw ako.
Malaking bulas.
Masakit sa mata.
Kung minsan nga, pakiramdam ko ay wala akong sariling tahanan.
Nakikitira lamang ako sa pinsan ng nanay ko.
Hindi naman ako libre rito.
Ako rin ang nagbabayad ng pagkain at bahagi ng upa.
May naiwan kasing trust fund ang mga magulang ko para sa akin.
Segurista sila.
Bago pa man sila mawala...
Sinigurado nilang walang kahit sinong kamag-anak ang makakahawak ng perang inilaan nila para sa pag-aaral at kinabukasan ko.
Labintatlong taong gulang pa lamang ako noon.
Pero sapat na iyon para matutunan kong humawak ng pera.
Kaya habang nag-aaral ako...
Maingat kong ginastos ang bawat sentimo.
Ngayon...
Unti-unti na rin iyong nauubos.
Kaya kailangan ko nang magkaroon ng permanenteng trabaho.
Ayokong umasa habambuhay sa perang iniwan nila.
Pagkatapos kong kumain ng simpleng hapunan, humiga ako sa luma kong kama.
Habang nakatitig sa kisame...
Isa lang ang iniisip ko.
Stay in.
Kung magiging stay-in maid ako...
Makakatipid ako sa pamasahe.
Makakatipid din sa pagkain.
At higit sa lahat...
Makakaiwas ako sa araw-araw na panunumbat ni Tiya Remy.
Mukhang ito na ang pinakamagandang desisyon.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Isa-isa kong inasikaso ang requirements.
Ang unang destinasyon ko ay ang police station.
Mabilis lang ang proseso.
Ilang pirma.
Ilang fingerprint.
At makalipas ang wala pang isang oras...
Nakuha ko na ang Police Clearance ko.
Sunod naman ang NBI.
Mas mahaba nang kaunti ang pila.
Habang naghihintay, napaisip ako.
"Sana walang hit."
Minsan kasi kahit wala kang kasalanan, kapag may kapangalan kang may kaso, kailangan mo pang maghintay ng ilang araw bago ma-clear.
Kaya nang lumabas ang resulta...
Napangiti ako.
ALENA ORTIZ
NO CRIMINAL RECORD
Napabuntong-hininga ako.
"Mabuti na lang."
"Walang hit."
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
Isa na lamang ang nasa isip ko habang hawak ang mga requirements.
Maid.
Hindi man ito ang trabahong pinangarap ko noong nag-aaral pa ako...
Pero isa itong marangal na hanapbuhay.
At sa ngayon...
Ito ang magiging unang hakbang ko para makapagsimulang muli.
Hindi ko pa alam na ang simpleng trabahong inaakala kong magiging daan lamang para kumita...
Ang magdadala pala sa akin sa mismong sentro ng pinakamapanganib na lihim sa buong Sto. Alonzo.
At ang lalaking hindi ko sinasadyang mabangga...
Siya pala ang magiging amo ko.
Ang lalaking kinatatakutan ng buong underground world.
Si Mark Jacob Escallon Valderama.
Chapter 24Alena's POV"MJ!"Umalingawngaw ang masiglang boses ni Vivien sa buong foyer ng mansion.Kabababa pa lamang ni Boss MJ mula sa kanyang sasakyan nang halos patakbo siyang sinalubong ng dalaga. Ilang buwan din kasi itong nawala upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito ng Fashion Design sa ibang bansa.Kitang-kita ang pananabik sa mukha ni Vivien.Ngunit kabaligtaran naman iyon ng naging reaksyon ni Boss MJ.Hindi siya ngumiti.Hindi siya yumakap.Ni hindi man lang niya hinawakan ang balikat ng babae."Welcome back," malamig niyang bati.Parang empleyado lamang ang kausap.Bahagyang natigilan si Vivien ngunit agad ding bumawi.Lumapit siya at kumapit sa braso ni Boss MJ."Hindi mo ba ako na-miss?" malambing niyang tanong habang nakanguso pa.Napatingin lang si Boss MJ sa kanya bago humugot ng malalim na buntong-hininga."Sana naman, Vivien... ginamit mo ang perang ipinadala ko sa makabuluhang paraan."Nag-iba ang ekspresyon ni Vivien."Bakit?""Inisa-isa ko ang financial reports m
Chapter 23Mark Jacob’s POVKailangan kong lumipad papuntang Malaysia para sa isa na namang misyon.Hindi ito basta ordinaryong assassination contract. Isa itong misyong kayang magpagulo sa buong mundo kapag nalaman ng publiko.Ang target ko...Si Prince Nathan ng Sweden.At ang mas nakakagulat...Ang mismong hari ng Sweden ang nag-utos na ipapatay ang sarili niyang panganay na anak.Hindi ako nagtanong kung bakit.Bilang isang assassin, hindi ko trabaho ang manghusga. Ang trabaho ko ay ang tapusin ang misyon na ibinibigay sa akin.Pero kahit ako ay hindi napigilang mag-isip.Anong klaseng ama ang magpapapatay sa sarili niyang anak?Tahimik na ipinaliwanag ng handler ko ang buong sitwasyon habang nasa private jet ako."Classified ang impormasyong ito, Mark. Walang dapat makaalam."Tumango lamang ako."Si Princess Isabelle ay hindi basta nakidnap ng mga terorista."Napatingin ako sa kanya."Ang mastermind ay si Prince Nathan."Natahimik ako."Siya mismo ang nagplano ng kidnapping ng sa
Chapter 21Alena's POVMula Zamboanga ay tumulak na ako sakay ng isang cargo vessel patungong Sandakan, Malaysia. Hindi ito ordinaryong biyahe. Bawat oras na lumilipas ay katumbas ng panganib sa buhay ng isang taong kailangang mailigtas.Tahimik akong nakatayo sa gilid ng barko habang pinagmamasdan ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng hangin sa aking mukha, ngunit hindi nito kayang alisin ang bigat na nararamdaman ko.Isang prinsesa ang nakataya sa misyong ito.Princess Isabelle of Sweden. Twenty-seven years old.Ayon sa intelligence report, isang buwan na siyang bihag ng isang kilalang teroristang grupo na sangkot sa kidnapping, human trafficking, at illegal arms trading. Naglabas na ng malaking ransom ang pamilya ng prinsesa, ngunit alam naming lahat ang katotohanan.Hindi nila balak buhayin ang prinsesa.Ang ransom ay isa lamang paraan upang makakuha pa sila ng mas maraming pera bago tuluyang patayin ang kanilang bihag.Dahil dito, humingi ng tulong ang gobyerno ng Sweden sa
Chapter 20Alena's POVLumabas ako sa opisina ni Boss MJ na damang-dama ko pa rin ang pag-iinit ng aking mukha. Hanggang sa makarating ako sa hallway ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na tibok ng puso ko.Napahawak ako sa sarili kong pisngi."Hindi kaya... nagsisimula na niya akong akitin?"Napailing ako."O baka naman ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa bawat tingin niya?"Hindi.Hindi ako maaaring magkamali.Sanay akong magbasa ng kilos ng tao. Bahagi iyon ng trabaho ko.Kung ginagamit niya ang charm niya para ilapit ang loob ko..."Kung iyon ang paraan para malaman ko ang higit pa tungkol sa kanya..."Bahagya akong ngumiti."Sige... hindi kita aatrasan.""Tingnan natin kung sino ang unang susuko."Hindi niya alam na mas sanay akong makipaglaro sa isip ng tao kaysa sa pakikipaglandian.Ilang taon akong sinanay ng ahensiya.Ang bawat ngiti.Bawat titig.Bawat salita.Lahat ng iyon ay maaaring maging sandata.At sa pagkakataong ito, si Boss MJ ang target ng aking imbestigasyon.
Chapter 19Mark Joseph’s POV“Halika na, Alena. Sumabay ka na.”Tahimik lang siyang tumango bago sumakay sa sasakyan. Pagkasara pa lamang ng pinto ay agad niyang hinubad ang suot niyang sapatos. Napansin kong may bahid pa iyon ng dugo na makikita sa kanyang takong—dugo ng lalaking gumawa ng gulo sa charity event at walang awang pinatumba ni Alena sa loob lamang ng ilang segundo sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.Hindi siya nagpakita ng kahit katiting na pag-aalinlangan. Wala ring bakas ng takot sa kanyang mukha.Para bang normal na araw lang ang lahat ng nangyari.Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Kanina lamang ay para siyang isang tigreng mahaba ang mga pangil na sanay humarap sa panganib. Ngayon naman ay parang isang simpleng empleyadang pagod na pagod matapos ang mahabang araw.Kakaiba talaga ang babaeng ito.Hindi ko maintindihan.Napakahinhin niyang magsalita, pero kapag may panganib, napakabilis niyang kumilos.Maliit lang ang pangan
Chapter 18Alena’s POVDumating din sa wakas ang araw ng charity event na ilang linggo naming pinaghirapan.Mula sa pagpaplano, pag-aayos ng venue, pag-iimbita ng mga bisita, paghahanda ng programa, hanggang sa pinakamaliit na detalye, halos wala kaming pinalampas ni Boss MJ.Dahil sa nangyaring sunog at pagsabog noong mga nakaraang araw, mas pinaigting pa niya ang seguridad ng buong lugar.May mga metal detector sa bawat entrance.May mga security personnel na nakakalat sa iba't ibang bahagi ng venue.May mga pulis ding nakabantay sa labas.Hindi niya gustong maulit ang anumang trahedya.Lalo na't maraming kilalang personalidad, negosyante, government officials, at mga kilalang philanthropists ang dumalo upang suportahan ang programa.Habang pinagmamasdan ko siyang kausap ang head of security, narinig kong mahina siyang nagsalita."Sana walang masamang mangyari."Hindi niya alam na narinig ko iyon.Napangiti ako nang bahagya.Sa likod ng pagiging seryoso at matapang niya, isa pala si







