Share

Mystery

Penulis: Ely
last update Tanggal publikasi: 2026-06-30 05:02:00

Chapter 4

Alena’s POV

Habang maingat kong inaayos ang mga gamit ng aming amo sa kanyang walk-in closet, paulit-ulit kong tinitingnan ang listahang iniwan ni Manang Isay.

Nakaayos ang mga mamahaling relo ayon sa araw ng linggo.

Magkakahiwalay ang mga necktie depende sa kulay.

Pati ang mga sapatos ay may kanya-kanyang puwesto.

Napailing na lang ako.

"Kung ordinaryong tao lang ito, baka dalawang pares lang ng sapatos ang mayroon."

"Pero si Boss MJ..."

"Parang puwede nang magbukas ng sariling department store."

Hindi ko namalayang napapangiti ako sa sarili kong iniisip.

Bigla namang bumukas ang pinto.

"Alena."

Napalingon ako.

Si Manang Isay.

"Bakit po?"

"Darating na ang amo natin."

Agad akong tumayo nang tuwid.

"Naplantsa mo na ba ang lahat ng sinabi ko sa iyo?"

"Opo."

"Kasama na ang business suit, casual clothes, at ang pantulog niya."

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Magaling."

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Makinig kang mabuti."

"Kapag nasanay ka na rito..."

"Hindi ko na kailangang isa-isahin ang mga gagawin mo."

"Ikaw na mismo ang makikiramdam."

"Kailangan mong malaman kung ano ang gusto niya kahit hindi pa siya nagsasalita."

Napakunot ang noo ko.

"Hindi po ba siya mahilig magsalita?"

"Hindi."

Maikli ngunit mariing sagot ni Manang Isay.

"Hindi siya palabiro."

"Hindi rin siya mahilig makipagkuwentuhan."

"Ayaw niya ng maingay."

"Kaya ang babala ko sa iyo..."

"Dapat matalas ang pakiramdam mo."

"Huwag mong hintaying utusan ka."

"Kapag may nakita kang kailangang gawin..."

"Gawin mo agad."

Tumango ako.

"Opo."

Sa totoo lang...

Hindi naman mahirap sundin ang ganoong klase ng amo.

Mas gusto ko pa nga ang tahimik kaysa sa madaldal.

Hindi ko alam na ang katahimikang iyon pala ang mas nakakatakot.

Bandang hapon ay dumaan muna ako sa servants' quarters upang uminom ng tubig.

Pagpasok ko pa lamang ay nadatnan kong nagkukumpulan ang mga kasambahay.

Mukhang seryoso ang usapan.

"Hoy..."

"Nabalitaan ninyo ba?"

"Ano na naman?"

"Umatake na naman ang serial killer."

Biglang natahimik ang lahat.

"Kilala ba kung sino ang bagong biktima?"

"Oo."

"Kabit daw ni Vice Mayor."

Napasinghap ang ilan.

Ngunit may isang kasambahay ang napailing.

"Sigurado ba kayong serial killer?"

"Baka naman asawa ng Vice Mayor ang gumawa."

"Ako rin."

"Lahat na lang kasi isinisisi ninyo sa serial killer."

Sunod-sunod ang opinyon ng bawat isa.

May nagsabing selos ang motibo.

May nagsabing pera.

May naghinalang politika ang dahilan.

Tahimik lang akong nakikinig.

Sa bawat salitang binibitawan nila...

Mas marami akong natututunan kaysa sa pagbabasa ng mga ulat.

Minsan, ang pinakamahalagang impormasyon ay hindi nanggagaling sa mga imbestigador.

Kundi sa mga ordinaryong taong mahilig magkuwentuhan.

"Tama nga..."

"Hindi ko na kailangang maglibot para makahanap ng posibleng suspek."

"Sa mga usapan pa lang ng mga tao..."

"Makakabuo ka na ng maraming posibilidad."

Muli kong narinig ang usapan.

"Gaya ng dati."

"Malinis ang pagkakagawa."

"Wala na namang lead ang mga pulis."

Napabuntong-hininga ako.

Tatlong taon.

Tatlong taon nang gumagala ang serial killer sa Sto. Alonzo.

Nakailang investigator na ang ipinadala ng City Office.

May mga forensic experts pa.

May profiler.

May intelligence agents.

Ngunit hanggang ngayon...

Wala pa ring malinaw na direksiyon ang kaso.

Napakagaling ba talaga ng salarin?

O...

May mga taong sadyang naglilinis ng lahat ng bakas niya?

May mga makapangyarihang kamay bang nagtatakip sa katotohanan?

Doon ko muling naalala ang tunay kong dahilan kung bakit ako narito.

Hindi ako pumasok sa Escallon Mansion para lamang maging katulong.

Isa akong undercover operative.

Ang tunay kong misyon...

Hanapin ang serial killer.

At dalhin siya sa hustisya.

Pagsapit ng gabi...

Tahimik na ang buong mansyon.

Isa-isa nang natutulog ang mga kasambahay.

Dahan-dahan akong lumabas ng maliit kong silid.

Sa loob ng isang lihim na compartment ng aking cabinet ay nakatago ang aking tunay na kagamitan.

Isinuot ko ang aking itim na tactical suit.

Manipis.

Magaan.

Ngunit sapat ang proteksiyon.

Tinakpan ko rin ang aking mukha.

Sa gabing ito...

Hindi ako si Alena Ortiz.

Ako si...

MAGDARAGIT.

Tahimik akong tumalon palabas ng bakuran.

Sa loob lamang ng ilang minuto ay narating ko ang lugar kung saan ginanap ang burol ng pinakahuling biktima.

May mga taong nakikiramay.

May mga pulis na nakabantay.

May ilang usisero ring nagmamasid.

Ayon sa isang lumang paniniwala sa imbestigasyon...

May mga salaring bumabalik sa pinangyarihan ng kanilang krimen.

Hindi dahil gusto nilang mahuli.

Kundi dahil gusto nilang makita ang naging resulta ng kanilang ginawa.

Isa-isang sinuri ng mga mata ko ang bawat taong naroon.

Mga kamag-anak.

Kaibigan.

Politiko.

Negosyante.

Pulis.

Media.

Walang kakaiba.

Walang kahina-hinala.

Walang kilos na nagbibigay ng dahilan upang pagdudahan ko sila.

Lumipas ang halos dalawang oras.

Wala pa rin.

Napabuntong-hininga ako.

"Mukhang wala ngayong gabi."

"Bukas na lang ulit."

Tahimik akong bumalik sa mansyon.

Pagkapasok ko pa lamang sa servants' hallway...

Halos mabitawan ko ang maskarang hawak ko nang marinig ang boses ni Manang Isay.

"Alena!"

Napatalon ako.

"Saan ka ba galing?"

"Kina-kanina pa dumating ang amo natin."

"Naku!"

"Hindi ko po namalayan ang oras!"

"Bilisan mo."

"Ihanda mo na ang pampaligo niya."

Napakurap ako.

"Maliligo po?"

Biglang...

Pak!

Hinampas ako ni Manang Isay sa balikat gamit ang basahang hawak niya.

"Malisyosa!"

Namula agad ang mukha ko.

"Hindi po gano'n ang ibig kong sabihin!"

"Tumakbo ka na!"

Hindi na ako sumagot.

Mabilis akong tumakbo.

Mabuti na lamang at mahahaba ang mga binti ko.

Pagpasok ko sa master's bedroom...

Naamoy ko agad ang mabango at preskong pabango ng aming amo.

Napatingin ako sa malaking banyo.

Inihanda ko ang bathtub.

Sinunod ko ang lahat ng itinuro ni Manang Isay.

Hindi puwedeng masyadong mainit.

Hindi rin puwedeng malamig.

Eksaktong temperatura lamang.

Pagkatapos ay nilagyan ko ng bubble bath.

At ilang patak ng essential oil.

Napailing ako.

"Napakaarte naman talaga."

"Kung ako ito, timba at tabo lang..."

"Masaya na."

Napangiti ako sa sarili.

Bigla kong naramdaman ang isang presensiya sa likuran ko.

Hindi ko man siya nakikita...

Alam kong siya iyon.

Narinig ko ang mababa at kalmadong boses niya.

"Ready na ba?"

Napalingon ako.

"Opo, Sir."

Bago pa man ako makapagsalita nang higit pa, iniwan niya ang tuwalyang nakabalot sa kanyang balikat sa gilid at pumasok sa bathtub na maayos na nakatakip ang ibabang bahagi ng katawan ng bath towel habang lumulubog sa tubig.

Napakurap ako sa bilis ng pangyayari.

"Shock..."

Mahina kong nasambit.

"What?"

Tanong niya.

"W-Wala po, Sir."

"Lalabas na lang po muna ako."

"Tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo."

Hindi ako tumingin sa kanya.

Nakayuko lamang ako habang mabilis na lumabas ng banyo.

Sa labas ng silid ay narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya habang nagpapahinga sa maligamgam na tubig.

Mukhang talagang nakapagpapagaan iyon ng kanyang pakiramdam matapos ang mahabang biyahe.

Samantala, inihanda ko na ang kanyang pantulog.

Ayon kay Manang Isay, mahilig siyang magsuot ng komportableng silk sleepwear kapag nasa bahay.

"Talagang iba ang buhay ng mayaman."

Napatawa na lang ako.

Sa sobrang tahimik ng hallway at sa pagod ng maghapon...

Hindi ko namalayang napasandal ako sa dingding.

Unti-unti akong nakatulog habang nakatayo.

Nagising lamang ako nang maramdaman kong may taong nakatayo sa harapan ko.

Pagdilat ko...

Halos magkadikit na ang mukha namin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Napaatras ako nang kaunti.

Ngumiti siya.

Ngunit hindi iyon mapang-asar.

Parang naaaliw lamang siya sa ikinilos ko.

"Where are my clothes?"

Napakurap ako.

"A-Ah..."

"Narito po, Sir."

Agad kong iniabot ang limang nakahandang pantulog.

"Pumili na lang po kayo."

Tahimik niyang pinagmasdan ang mga iyon.

Pagkatapos ay kinuha ang itim na satin sleepwear.

Tatalikod na sana ako upang bigyan siya ng pribadong sandali.

Ngunit pinigilan niya ako.

"Don't leave yet."

Huminto ako.

Nakatalikod ako habang hinihintay siyang makapagbihis.

Ilang sandali pa...

Narinig ko siyang nagsalita.

"Alena, right?"

"Yes, Sir."

"If you want to work for me..."

"You need to really understand how I do things."

"Observe."

"Know my preferences."

"I don't like repeating myself."

Tumango ako.

"Okay po, Sir."

"Naiintindihan ko na po."

Tumango rin siya.

"You may leave."

"And get some rest."

"Thank you, Sir."

Halos patakbo akong lumabas ng silid.

Nang maisara ko ang pinto...

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Grabe..."

Ibang-iba talaga ang bagong amo ko.

Tahimik.

Misteryoso.

At mahirap basahin.

Hindi ko pa man siya lubusang nakikilala...

Pakiramdam ko, marami pa akong matutuklasang lihim tungkol kay Mark Jacob Escallon Valderama.

At may nagsasabi sa akin...

Na ang mga lihim na iyon ay may kaugnayan sa misyon na ipinunta ko sa Sto. Alonzo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Too Sexy To Be My Man

    Chapter 43Alena’s POV“This is the first day of your training. I will understand if hindi mo agad makuha. Slowly aayon din ang katawan mo sa daily practice ng iyong footworks, galaw ng kamay, pag-ilag at pag-atake.”Mga salitang binitawan ni Boss MJ habang tinuturuan niya ako ng self-defense.“Ako na red belter,” natatawa ako sa isip-isip ko. Kunwari ay wala akong alam.Pero ang totoo, eksperto ako sa pakikipaglaban.Pero hinayaan ko lang siyang turuan ako. Baka nga may bago akong matutuhan sa kanya.“First, kailangang maging aware ka sa paligid mo. Always be prepared sa anumang oras ng pag-atake.”“Always be on guard.”Dahil hindi naman magpapaalam sa iyo ang mga masasamang tao at sasabihing,“Ms., kikidnappin kita o Ms., hold-up ito.”Natawa ako sa sinabi niya.“Alena, be serious kahit ngayon lang. Buhay mo ang nakataya rito.”“Ay, sorry Boss.”“Oh sige, subukan natin.”“Halimbawa, may biglang humawak sa iyo ng ganito.”Hinawakan niya ako sa baywang pagkatapos ay sa leeg. Nanigas a

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Opportunist

    Chapter 42Alena’s POV“Bakit kaya nagtitinginan ang mga tao dito?”Napatingin ako sa paligid habang naglalakad kami ni Boss MJ.“Ay, oo nga pala. Kasama ko si Boss MJ.”Napatingin ako sa suot niya.“Sa barong-barong na bahay lang naman ni Tiya Remy ako pupunta, nakasuit pa siya.”Napangiti ako nang bahagya.Hindi naman sa may problema ako sa pananamit niya, pero kitang-kita talaga na hindi siya sanay sa lugar na ito.Ang mga bahay ay magkakadikit.Makitid ang daan.May mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada, may mga nakaupong matatanda sa labas ng kanilang mga bahay at may mga naglalaba habang nagkukuwentuhan.At dahil bagong mukha si Boss MJ, siguradong napansin agad siya ng lahat.“Alena, kailan ka pa dumating?”Napalingon ako nang marinig ang isang kapitbahay.“Ngayon lang po, may kukunin lang po ako sa bahay.”“Nandiyan ho kaya ang tiya?”“Ah, yung tiya mong nuknukan ng sama ng ugali?”Napapikit ako nang bahagya.“Ayan na naman.”“Andyan yun at kanina pa mainit ang ulo.”“Ah.”

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Boiling

    Chapter 41Marc Jacob’s POVAkala ko noong una, dahil sa mga kakayahan ko ay walang mangyayari masama sa mga nasasakupan ko.Akala ko kaya kong protektahan ang lahat.Akala ko sapat na ang mga taong nakapaligid sa akin, ang mga security measures, ang mga koneksiyon ko at ang kapangyarihang mayroon ako para hindi na muling may makapinsala sa mga taong mahalaga sa akin.Pero hinding-hindi ko malilimutan ang nangyari sa Macau.Hanggang ngayon, kapag naiisip ko iyon, bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang malaman kong nasa panganib si Alena.Nanghihinayang ako dahil napakaganda na ng mga ala-alang nagawa namin ni Alena.Akala ko magpapatuloy pa ang maganda naming panaginip na iyon.Akala ko makakabalik kami sa tahimik na buhay.Makakapasyal.Makakapagkuwentuhan.Makakapagtawanan.At higit sa lahat, makakapagplano ng mga bagay na para sa aming dalawa.Hindi ko akalain na masisira iyon dahil sa pagkidnap sa kanya.At ngayon, dahil sa pagkakabuwag ng sindikato ng mga Russian, ay n

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Home

    Chapter 40Alena’s POVNanghihinayang ako dahil nasira ang magandang bakasyon namin ni Boss MJ. Kung siguro hindi ako nakidnap, mas masaya kaming uuwi. Dapat sana ay puno ng masasayang alaala ang pag-uwi namin mula Macau, pero dahil sa nangyari, napalitan ng takot at pangamba ang lahat.Gumamit na lang ng private jet si Boss MJ dahil kailangan namin umuwi agad. Wala na siyang pakialam kung magkano ang gagastusin niya. Ang mahalaga sa kanya ay makauwi ako nang ligtas at masigurong maayos ang kalagayan ko.Pagdating namin sa bansa ay pinaospital niya pa ako para ma-drain pa ang mga natitirang droga na dumadaloy sa aking dugo.Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong binantayan, pero sa tuwing nagigising ako ay siya ang unang nakikita ko.“Okay ka ba? Baka may masakit sa iyo?”Pangungulit niya pa sa akin.“Okay lang po ako, Boss.”“Sigurado ka?”“Opo.”“Baka may nahihilo sa iyo? Nahihirapan kang huminga? May masakit sa katawan mo?”Napangiti na lang ako.Parang siya pa ang mas nag-aal

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Location Confirm

    Chapter 39Mark Jacob’s POV“Malapit na ako, Alena. Hintayin mo ako.”Mahigpit kong hawak ang cellphone habang pinagmamasdan ang mga impormasyong nakukuha ko mula sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.“Magbabayad kayong lahat!”Hindi ko alam kung kanino ko iyon sinasabi. Sa mga taong kumuha sa kanya? Sa mga taong nagbenta sa impormasyon niya? O sa sarili ko dahil hinayaan kong umabot sa ganitong sitwasyon?Nakatulong sa akin ang mga koneksiyon ko para makita si Alena.At sa wakas, may nakumpirma rin akong impormasyon.“She was abducted by a Russian syndicate, but they chose to keep her as a kidnap-for-ransom victim.”Napapikit ako.Russian Syndicate.Ibig sabihin, hindi basta-bastang kriminal ang kumidnap sa kanya.Mga taong sanay sa pagnanakaw ng buhay.Mga taong walang pakialam kung sino ang masasaktan.At ang mas nakakatakot, kapag nalaman nilang mas malaki ang kikitain nila sa kanya, maaari nilang ipasa si Alena sa ibang tao.Natakot ako sa puwedeng gawin kay Alena kapag hindi ako ma

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Glitch

    Chapter 38Alena’s POVNagmamadali akong pumasok sa comfort room, hindi ko alam kung pantog ko ba ito o dahil sa biglang kilig na naramdaman ko sa paghalik muli sa akin ni Boss MJ.Kung ano pa man ang dahilan, basta naiihi na ako.Napangiti pa ako habang naglalakad.Hindi ko maiwasang maalala ang halik niya.Hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang init ng mga labi niya sa akin.“Alena, focus,” bulong ko sa sarili ko.Hindi ito ang tamang oras para kiligin.Nasa Macau kami para magbakasyon, oo, pero alam kong hindi dapat tuluyang bumaba ang aking depensa.Operatiba ako.Sanay akong maging alerto sa lahat ng oras.Pero siguro nga, may mga pagkakataong kahit ang pinakasanay na tao ay napapagod din.At kapag puso na ang involved, minsan ay nakakalimutan mong may mga taong naghihintay lang sa maling pagkakataon para atakihin ka.Pagpasok ko sa comfort room, may mga babaeng nagkukuwentuhan.Hindi sila mukhang Chinese.Nakumpirma ko lang nang magsalita ang isa.Para siyang Russi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status