تسجيل الدخولChapter 5
Alena’s POV
Tumatakbo ako nang buong lakas habang halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kasunod ko sina Nanay at Tatay, kapwa sila humahabol sa akin habang paulit-ulit kaming lumilingon sa mga taong nagtatangkang abutan kami.
May mga armadong lalaki sa aming likuran.
Hindi ko na makita nang malinaw ang kanilang mga mukha dahil sa dilim at sa mga luhang bumabalot sa aking mga mata, ngunit ramdam ko ang mabigat nilang mga yabag. Palapit sila nang palapit.
"Tulong!"
Sigaw ni Tatay habang hinihila ang kamay ni Nanay.
"Maawa kayo! Tulungan ninyo kami!"
Lumapit kami sa ilang taong nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakikita nila kami. Nakatingin sila sa amin. Ngunit parang wala silang naririnig. Parang mga rebultong hindi man lang kumikilos.
Ako man ay sumigaw.
"Tulong! Pakiusap!"
Ngunit laking gulat ko nang walang lumabas na kahit anong tunog sa bibig ko.
Paulit-ulit kong ibinuka ang aking labi. Sinubukan kong isigaw ang lahat ng lakas na mayroon ako.
Wala.
Tahimik.
Parang ninakaw ng mundo ang aking boses.
Unti-unti ring nanigas ang buo kong katawan. Bawat hakbang ay tila may mabibigat na kadena na nakapulupot sa aking mga paa. Gusto kong tumakbo nang mas mabilis, ngunit parang may humihila sa akin pabalik.
"Nay... Tay..."
Hindi ko na sila maabot.
Wala kaming magawa sa aming sitwasyon.
At pagkatapos...
Isang napakalakas na putok ng baril ang gumimbal sa buong paligid.
BANG!!!
Napalingon ako.
Nakita kong biglang bumagsak si Tatay.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Tatay!"
Gusto kong takbuhin siya ngunit hindi gumagalaw ang aking mga paa.
Kasunod noon ay isa na namang putok.
BANG!!!
Parang bumagal ang takbo ng oras.
Unti-unting bumagsak si Nanay habang nakatingin sa akin. May lungkot at pag-aalala sa kanyang mga mata, ngunit wala na siyang nagawa.
"Anak..."
Iyon ang huling nabasa ko sa kanyang labi bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
Humahagulgol ako habang nakaluhod sa lupa.
"Bakit... bakit..."
Maya-maya ay naramdaman kong may lumapit sa akin.
Isa sa mga armadong lalaki.
Itinutok niya ang malamig na dulo ng baril sa aking noo.
Ngumisi siya.
At muli kong narinig ang nakakabinging putok.
BANG!!!
"ALENA!"
"Hoy!"
"Binabangungot ka!"
Bigla akong napabalikwas ng bangon.
Hingal na hingal akong napaupo sa kama habang mabilis ang tibok ng aking puso. Basang-basa ng pawis ang aking noo at likod. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan.
Nakayuko lamang ako habang pilit na kinakalma ang aking sarili.
Pakiramdam ko ay nangyari na naman ang lahat.
Parang bumalik na naman ako sa araw na nawala sina Nanay at Tatay.
"Okay ka na, Alena?"
Nag-aalalang tanong ni Manang Isay habang marahang hinihimas ang aking likod.
"O-oh..."
Hindi ko halos maibuka ang bibig ko.
Inabot niya sa akin ang isang basong tubig.
"Oh, ito. Uminom ka muna."
"Salamat po."
Agad kong inubos ang laman ng baso.
Unti-unti lamang humupa ang mabilis kong paghinga.
"Napagod ka siguro."
Ngumiti nang bahagya si Manang Isay.
"Ganyan din ako kapag sobrang pagod. Hindi mapalagay ang isip ko, tapos puro masasamang panaginip ang dumadalaw."
Hindi ko na lamang sinabi na hindi iyon simpleng bangungot.
Alaala iyon.
Mga alaalang pilit kong kinakalimutan ngunit patuloy akong sinusundan.
"Sige, matulog ka na ulit."
"Bukas isasama ka ni Sir MJ."
Napakunot ang noo ko.
"Ho?"
"Kailangan niya ng assistant para sa isang charity event."
"Ako po?"
Ngumiti siya.
"Naku, bukas ko na ipapaliwanag. Humiga ka na."
Pagkatapos ay marahan niya akong pinaypayan.
"Ipaghehele pa kita."
Napatawa na lamang ako.
Sa mga unang araw ko rito ay akala ko isa siyang napakasungit na matanda.
Palaging nakasimangot.
Palaging galit.
Ngunit habang tumatagal ay unti-unti kong nakilala ang totoo niyang pagkatao.
Mahilig lang pala siyang magbunganga.
Sa totoo lang, napakalambot ng kanyang puso.
Bagama't isa siyang matandang dalaga, ramdam na ramdam ko ang kanyang pagiging parang isang ina.
Marahil kaya hindi ko gaanong naramdaman ang pagiging mag-isa sa mansyong ito.
Eksaktong alas-sais ng umaga ay ginising niya ako.
"Bangon na."
"Nauna nang nagising si Sir MJ kaya mahiya naman tayo."
Mabilis akong bumangon at naghilamos.
"Bilisan mo."
"Puntahan mo na siya sa kanyang silid."
Pupungas-pungas pa akong naglalakad sa pasilyo nang bigla kong marinig ang malalakas na kalabog.
CRASH!
BASAG!
May kung anong ibinabato sa loob ng silid.
"Naku! Ano ba ang nangyari?"
Nauna pang tumakbo si Manang Isay kaysa sa akin.
Pagdating namin sa tapat ng pinto ay agad niya akong sinenyasan.
"Huwag ka munang pumasok."
Tahimik kaming naghintay.
Patuloy pa ring may mga bagay na nababasag sa loob.
Maya-maya pa ay tumigil din ang ingay.
"Sige."
"Pumasok ka na."
Pagpasok ko ay halos mapanganga ako.
Nagkalat ang mga basag na salamin.
Wasak ang flower vase.
Biyak ang mga mamahaling baso.
May isang malaking painting pang nakasandal sa dingding matapos itong ihagis.
Halos lahat ng babasagin sa silid ay pinagdiskitahan ng aming amo.
Napailing ako.
"Sira siguro talaga ang ulo."
Sayang naman ang mga gamit.
Pero nang maisip ko iyon ay napabuntong-hininga rin ako.
Kung tutuusin...
Pareho lang pala kami.
Ako man ay may mga sugat na pilit itinatago.
Siya rin.
Ang kaibahan lang, ako ay umiiyak sa katahimikan.
Siya naman ay naglalabas ng galit sa pamamagitan ng pagbabasag ng mga gamit.
Ano kaya ang problema niya?
Negosyo?
Pamilya?
Sa babae?
O baka naman...
Sa lalaki?
Napangiti ako sa sarili kong naiisip.
"Ano ang nakakatawa?"
Nanigas ako.
Nahuli pala niya akong nakangiti.
"Naku..."
Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko napansin ang malaking bubog na hawak ko.
Bigla nitong hiniwa ang aking daliri.
"Aray!"
Agad na umagos ang dugo.
Napatingin si Sir MJ.
Walang sabi-sabi ay mabilis siyang lumapit at binuksan ang medical kit.
Tahimik niyang nilinis ang sugat ko.
Pagkatapos ay maingat niya itong binalutan ng gasa.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
"Mabait din pala si Sir."
Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay bumalik ang seryoso niyang mukha.
"What are you?"
"Stupid?"
"Dapat nag-iingat ka."
Napasimangot ako.
"Eh bakit ho kasi kayo nagbabasag?"
Napatingin siya sa akin.
"Kung galit kayo o may kaaway kayo, huwag ninyo pong ibuntong sa mga baso."
"Malay ninyo, kayo rin ang masugatan."
Hindi ko napigilang sabihin iyon.
"Sino ba ang amo rito?"
"Ikaw ba?"
"Tinuturuan mo ba ako ng dapat kong gawin?"
Napaatras ako.
"Naku... hindi naman po."
"Ang sinasabi ko lang..."
"Alena!"
Biglang sumingit si Manang Isay.
"Halika rito."
"Pumunta ka sa kusina."
May sasabihin pa sana ako ngunit pinigilan na niya ako sa pamamagitan ng tingin.
Pagdating namin sa kusina ay napailing siya.
"Ikaw naman kasi."
"Huwag kang matabil."
"Kung gusto mong manatili rito sa mansyon, matuto kang manahimik."
Napayuko ako.
Mukhang mali nga ang ginawa ko.
Bigla kong naalala ang bilin sa akin ni Boss Mauricius bago ako ipinadala rito.
"Blend in."
"Magandang makapasok ka sa Escallon Valderama Mansion."
"Matagal na naming minamanmanan ang lugar na iyan."
"Marami nang empleyadong bigla na lamang nawawala."
"Pero sa tuwing iniimbestigahan..."
"Laging MALINIS ang resulta."
Napakagat ako sa aking labi.
Ibig sabihin...
Mas malalim ang misteryong bumabalot sa mansyong ito kaysa sa inaakala ng lahat.
At ngayon...
Isa na ako sa mga taong nasa loob nito.
"Alena!"
Napapitlag ako.
"Tulala ka na naman."
"Sumunod ka sa akin."
Dinala ako ni Manang Isay sa isang napakalaking walk-in closet sa ikalawang palapag ng mansyon.
Napuno iyon ng mamahaling damit, sapatos, at iba't ibang accessories.
May inilabas siyang isang olive green na gown.
Iniabot niya iyon sa akin.
"Isukat mo."
Napatingin ako sa kanya.
"Ano ho ito?"
Napairap siya.
"Bobo ka ba talaga o nagtatanga-tangahan?"
"Eh di gown."
Napangiwi ako.
"Grabe naman kayo."
"Ang ibig kong sabihin, bakit ko isusuot?"
Napabuntong-hininga siya.
"Gaya ng sinabi ko kagabi."
"Isasama ka ni Sir MJ sa charity event."
"Ikaw ang magiging date niya sa party."
"Ako?"
"Ba-bakit ako?"
"Nariyan naman si Vivien."
"At saka... anong malay ko diyan?"
Natawa si Manang Isay.
"Kapag pumayag ka..."
"May bonus."
Napalingon agad ako.
"Bonus?"
"Oo."
"Sa mga espesyal na gawain, mapagbigay si Sir MJ."
"Teka..."
Magkano po?"
Ngumiti siya.
"Ten thousand pesos."
Nanlaki ang aking mga mata.
"Seryoso?"
Tumawa siya.
"Ay, kaya ko po 'yan!"
Napailing na lamang si Manang Isay habang natatawa.
Sa isip-isip ko, malaking halaga na iyon.
Madadagdag na naman sa aking ipon.
Matagal na akong nag-iimpok ng pera.
Pangarap kong makabili ng maliit na lupain balang araw.
Isang simpleng lugar na malayo sa ingay ng siyudad.
Malayo sa mga lihim.
Malayo sa karahasan.
At kapag dumating ang panahong tapos na ang lahat ng komplikasyon sa buhay ko, gusto ko na lamang mamuhay nang tahimik—sa isang tahanang ako mismo ang tatawag na akin.
Chapter 24Alena's POV"MJ!"Umalingawngaw ang masiglang boses ni Vivien sa buong foyer ng mansion.Kabababa pa lamang ni Boss MJ mula sa kanyang sasakyan nang halos patakbo siyang sinalubong ng dalaga. Ilang buwan din kasi itong nawala upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito ng Fashion Design sa ibang bansa.Kitang-kita ang pananabik sa mukha ni Vivien.Ngunit kabaligtaran naman iyon ng naging reaksyon ni Boss MJ.Hindi siya ngumiti.Hindi siya yumakap.Ni hindi man lang niya hinawakan ang balikat ng babae."Welcome back," malamig niyang bati.Parang empleyado lamang ang kausap.Bahagyang natigilan si Vivien ngunit agad ding bumawi.Lumapit siya at kumapit sa braso ni Boss MJ."Hindi mo ba ako na-miss?" malambing niyang tanong habang nakanguso pa.Napatingin lang si Boss MJ sa kanya bago humugot ng malalim na buntong-hininga."Sana naman, Vivien... ginamit mo ang perang ipinadala ko sa makabuluhang paraan."Nag-iba ang ekspresyon ni Vivien."Bakit?""Inisa-isa ko ang financial reports m
Chapter 23Mark Jacob’s POVKailangan kong lumipad papuntang Malaysia para sa isa na namang misyon.Hindi ito basta ordinaryong assassination contract. Isa itong misyong kayang magpagulo sa buong mundo kapag nalaman ng publiko.Ang target ko...Si Prince Nathan ng Sweden.At ang mas nakakagulat...Ang mismong hari ng Sweden ang nag-utos na ipapatay ang sarili niyang panganay na anak.Hindi ako nagtanong kung bakit.Bilang isang assassin, hindi ko trabaho ang manghusga. Ang trabaho ko ay ang tapusin ang misyon na ibinibigay sa akin.Pero kahit ako ay hindi napigilang mag-isip.Anong klaseng ama ang magpapapatay sa sarili niyang anak?Tahimik na ipinaliwanag ng handler ko ang buong sitwasyon habang nasa private jet ako."Classified ang impormasyong ito, Mark. Walang dapat makaalam."Tumango lamang ako."Si Princess Isabelle ay hindi basta nakidnap ng mga terorista."Napatingin ako sa kanya."Ang mastermind ay si Prince Nathan."Natahimik ako."Siya mismo ang nagplano ng kidnapping ng sa
Chapter 21Alena's POVMula Zamboanga ay tumulak na ako sakay ng isang cargo vessel patungong Sandakan, Malaysia. Hindi ito ordinaryong biyahe. Bawat oras na lumilipas ay katumbas ng panganib sa buhay ng isang taong kailangang mailigtas.Tahimik akong nakatayo sa gilid ng barko habang pinagmamasdan ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng hangin sa aking mukha, ngunit hindi nito kayang alisin ang bigat na nararamdaman ko.Isang prinsesa ang nakataya sa misyong ito.Princess Isabelle of Sweden. Twenty-seven years old.Ayon sa intelligence report, isang buwan na siyang bihag ng isang kilalang teroristang grupo na sangkot sa kidnapping, human trafficking, at illegal arms trading. Naglabas na ng malaking ransom ang pamilya ng prinsesa, ngunit alam naming lahat ang katotohanan.Hindi nila balak buhayin ang prinsesa.Ang ransom ay isa lamang paraan upang makakuha pa sila ng mas maraming pera bago tuluyang patayin ang kanilang bihag.Dahil dito, humingi ng tulong ang gobyerno ng Sweden sa
Chapter 20Alena's POVLumabas ako sa opisina ni Boss MJ na damang-dama ko pa rin ang pag-iinit ng aking mukha. Hanggang sa makarating ako sa hallway ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na tibok ng puso ko.Napahawak ako sa sarili kong pisngi."Hindi kaya... nagsisimula na niya akong akitin?"Napailing ako."O baka naman ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa bawat tingin niya?"Hindi.Hindi ako maaaring magkamali.Sanay akong magbasa ng kilos ng tao. Bahagi iyon ng trabaho ko.Kung ginagamit niya ang charm niya para ilapit ang loob ko..."Kung iyon ang paraan para malaman ko ang higit pa tungkol sa kanya..."Bahagya akong ngumiti."Sige... hindi kita aatrasan.""Tingnan natin kung sino ang unang susuko."Hindi niya alam na mas sanay akong makipaglaro sa isip ng tao kaysa sa pakikipaglandian.Ilang taon akong sinanay ng ahensiya.Ang bawat ngiti.Bawat titig.Bawat salita.Lahat ng iyon ay maaaring maging sandata.At sa pagkakataong ito, si Boss MJ ang target ng aking imbestigasyon.
Chapter 19Mark Joseph’s POV“Halika na, Alena. Sumabay ka na.”Tahimik lang siyang tumango bago sumakay sa sasakyan. Pagkasara pa lamang ng pinto ay agad niyang hinubad ang suot niyang sapatos. Napansin kong may bahid pa iyon ng dugo na makikita sa kanyang takong—dugo ng lalaking gumawa ng gulo sa charity event at walang awang pinatumba ni Alena sa loob lamang ng ilang segundo sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.Hindi siya nagpakita ng kahit katiting na pag-aalinlangan. Wala ring bakas ng takot sa kanyang mukha.Para bang normal na araw lang ang lahat ng nangyari.Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Kanina lamang ay para siyang isang tigreng mahaba ang mga pangil na sanay humarap sa panganib. Ngayon naman ay parang isang simpleng empleyadang pagod na pagod matapos ang mahabang araw.Kakaiba talaga ang babaeng ito.Hindi ko maintindihan.Napakahinhin niyang magsalita, pero kapag may panganib, napakabilis niyang kumilos.Maliit lang ang pangan
Chapter 18Alena’s POVDumating din sa wakas ang araw ng charity event na ilang linggo naming pinaghirapan.Mula sa pagpaplano, pag-aayos ng venue, pag-iimbita ng mga bisita, paghahanda ng programa, hanggang sa pinakamaliit na detalye, halos wala kaming pinalampas ni Boss MJ.Dahil sa nangyaring sunog at pagsabog noong mga nakaraang araw, mas pinaigting pa niya ang seguridad ng buong lugar.May mga metal detector sa bawat entrance.May mga security personnel na nakakalat sa iba't ibang bahagi ng venue.May mga pulis ding nakabantay sa labas.Hindi niya gustong maulit ang anumang trahedya.Lalo na't maraming kilalang personalidad, negosyante, government officials, at mga kilalang philanthropists ang dumalo upang suportahan ang programa.Habang pinagmamasdan ko siyang kausap ang head of security, narinig kong mahina siyang nagsalita."Sana walang masamang mangyari."Hindi niya alam na narinig ko iyon.Napangiti ako nang bahagya.Sa likod ng pagiging seryoso at matapang niya, isa pala si







