Share

CHAPTER TEN: Awakened

Author: TaleEndure
last update Huling Na-update: 2025-10-28 22:08:54

“Bibili rin ba tayo ng pregnancy test ngayon, ija?” napalingon ako kay Yaya Loling nang bigla siyang magsalita sa gilid ko.

Tatlong araw na nang makabalik kami rito sa Manila mula sa Siargao at naririto kami ngayon sa grocery store dahil naubusan kami ng stock. Sinamahan ko na si Yaya Loling kasi alam kong medyo marami-rami ang bibilhin niya, hindi niya naman kaya iyon nang mag-isa. Si Kuya Emong talaga ang madalas na tumutulong sa pag-go-grocery gayong madalang akong payagan ni Tomi na lumabas-labas, subalit ngayon ay wala si Kuya Emong dahil isinama siya ni Tomi sa kaniyang business trip sa Japan. Walang sinabi si Tomi kung kailan siya babalik at hindi ko na sinubukang alamin.

Palabas na kami ngayon ng grocery store kaya siguro natanong iyon ni Yaya Loling. Linggo-linggo ay bumibili ako ng pregnancy test para alamin kung… may laman na ba ang sinakupunan ko, subalit kahit anong pilit ko, paulit-ulit pa rin naman ang kinalabasan. Negative.

Napabuntong hininga ako. Nasanay na siguro
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-SIX: Power

    “Mom, Dad,” bati ni Tomi pagkalapit na pagkalapit niya pa lang sa amin. Inuna niyang halikan sa pisngi si Tita Glaiza bago yinayakap si Tito Edgar. Nagtanguan lamang si Tomi at Lazarro. Pigil na pigil ko ang aking hininga. Ang mga tuhod ay nanghihina. Hindi ko mahanap ang reaksyong ibibigay ko kay Tomi noong lumapat sa akin ang paningin niya. Tila pinupunit sa napakaraming parte ang puso ko nang imbes batiin at lapitan niya ako ay humarap siya sa babaeng kasama niya. “Mom, Dad, she's Jeaven. My bestfriend.”Kilala ko siya. Noong nag-aaral pa lamang kami ni Tomi, marami siyang kaibigan at grupo. Isa si Jeaven sa mga iyon. Kumpara sa akin, mas close sila ni Tomi dahil napapantayan ni Jeaven ang mga hilig at trip ni Tomi. Mahilig silang mag cutting, mag travel at magpakasaya. Hindi katulad ko, babad ako sa pag-aaral dahil iyon ang gusto ni Mommy para sa akin. Marami nga ang nagsasabi noon na mas mukha pa raw silang in relationships kaysa sa amin. Marami rin ang nagtatanong na hindi ba

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-FIVE: Truth unfold

    Isang oras din ang tinagal ng byahe namin bago ko makita ang pamilyar na kalsada patungo sa mansyon nila Tita Glaiza. Doon kasi gaganapin ang party. Sa laki ng mansiyon nila, tingin ko ay kakasiya na ang mahigit dalawang daang tao sa bulwagan ng mansiyon.Ipinarada ni Kuya Emong ang sasakyan sa harapan ng mansiyon. Makikita mo na ang ilan sa mga bisita ay tumatambay sa garden kung saan may malaking fountains na nakatayo sa gitna. Hindi ko rin sila masisi, maganda talagang tambayan ang garden na iyon dahil tahimik. Binuksan ni Kuya Emong ang pinto ng kotse sa aking harapan bago ako maingat na inalalayan palabas. Nagpasalamat ako sa kaniya nang tuluyan na akong makalabas ng kotse. Naglakad na kami patungo sa loob ng mansiyon. Sa gitna ng mansiyon naroon ang Grand Hall—isang malawak na silid na may nagliliwanag na kristal na chandelier at marmol na sahig na halos kumikintab sa dami ng ilaw. Maraming bisita. Hindi nga ako nagkakamali dahil sa palagay ko ay umaabot na ng tatlong daang

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-FOUR: Instinct

    Maingat kong nilagyan ng red-matte lipstick ang aking labi, pagkatapos ay sinunod ko na ang gloss. Nang makumbinsi ko na ang aking sarili na ayos na ang lahat, tumayo na rin ako ng tuwid at pinagmasdan ang sarili sa salamin. I turn sideways, examining the line of the bodice in the mirror. The red velvet is unbelievable; it's got that deep, reach color that looks expensive—not bright, but deep, like a glass of aged Merlot. It feels incredible, too, heavy and soft, like it was tailored just for me.The sleeves are what make it, though. They're these huge, sheer things that cascade down my arms, almost like a cape, but they’re light. They catch the light whenever I move, with that silver detail along the edges and the neckline. That red velvet dress has a plunging deep V-neckline that is making my cleavage to shown up and beautifully framed and softened by intricate detailing. It plunges, yeah, but the lace trim keeps it from being *too* much. It's sophisticated, not desperate.And look

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-THREE: Party

    Mabigat ang braso, Inilapag ko ang plato sa harapan ni Tomi at agad iyong linagyan ng tacos, egg, couple of toast bread and a mug of coffee. Agad ininom iyon ni Tomi nang mailapag ko na. Hindi mahilig sa heavy breakfast si Tomi at hindi rin siya mahilig sa paulit-ulit na putahi kaya sinisiguro kong paiba-iba ang lulutuin ko kada araw. “Teka, uupo ka na?” kumunot ang noo ko nang pinigilan niya ako sa akmang pag-upo sa tabi niya, “Tawagin mo muna kaya si Kuya para sumabay na sa atin, ” “Ay, huwag na kayong mag-abala pa. Maagang umalis si Lazarro kanina,” liningon ko si Yaya Loling na kakapasok pa lang ng kusina. “Talaga po? Nagsabi ba siya kung saan siya pupunta?” agaran kong tanong. Ilang araw na rin magmula noong mangyari ang gabing iyon at patuloy pa rin akong binabagabag. Paminsan-minsan ay nagigising ako ng hating gabi subalit hindi ko na ginagawa ang nakasanayan kong bumaba sa kusina at uminom ng gatas o tubig. Nitong mga nagdaang araw, naapapansin ko rin na panay ang

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-TWO: Lazarro

    I stared at my little mouse’s face. She was asleep, even snoring softly, her lips slightly parted. I turned my head sharply. She was completely vulnerable on my bed—I could do anything I wanted—but I didn’t get off on that kind of sick kink. I rose from the bed and stepped out of the room. I checked every corner, every door, every window of the house. I paused in front of the kitchen. A faint trace of men’s cologne lingered in the air. I knew someone had broken in. My hearing is precise, and when I heard a sudden crash, I didn’t hesitate. I rushed toward the sound. And there he was—Diamon—running, terrified, trembling. I fixed my gaze on the man emerging from the shadows. Most people wouldn’t notice him in the dark—but I see differently. My vision cuts through the dimness. I watched him freeze when he realized I could see him. I almost laughed as he panicked, fleeing from my eyes. What’s the point? I already saw him. My eyes dropped to the tile where he had stood. A thin blac

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER THIRTY-ONE: Taste

    Naramdaman ko ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa aking puson. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mg mata upang tignan kung ano iyon. Isang maugat na braso ang nakapulupot sa aking bewang at nang tinignan ko kung sino ang nagmamayari noon maging ang ulo ng nakasiksik sa aking leeg, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lazarro. Sandali akong gumalaw upang mapakatitigan pa sana nang maayos ang kaniyang mukha subalit natigil din nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Wala sa sariling napangiti ako. Kung hindi siya dumating kagabi, paniguradong si Tomi ang tatakbuhan at gigisingin ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa sasabihin ko o sasabihan niya akong baliw pero wala na akong pakialam sa kung ano ang sasabihin niya, dahil isa lang ang aking alam—naniniwala sa akin si Lazarro. Naniniwala siya sa akin kahit walang kahit na anong ebidensiya ang makakapagpatunay na tama ang sinasabi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya, mula sa makapal at itim na itim niyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status