공유

Chapter 83

작가: Ced Emil
last update 게시일: 2026-10-26 20:48:38

Habang pabalik siya, tila bawat hakbang ay may dalang mabigat na timbang na pumipigil sa kanya. Nang paliko na sana siya sa hallway, doon pa niya eksaktong nakasalubong ang kanyang ama.

​Napahinto siya nang bigla. Bahagyang nagulat pa siya—para bang nahuli siya sa isang posisyong ayaw niyang makita ng kahit sino, lalo na ito. Ayaw niyang makita ng kanyang ama kung gaano siya kahina sa sandaling ito. Ngunit sa gitna ng mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib, agad din siyang natauhan.

​“Pa...” taw
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Under The Sheets   Chapter 84

    Kanina, pagkaalis ni Nigel ay saglit na natigilan si Lexie. Inaasahan na niya na ganito ang magiging reaksyon ng nobyo pero animo'y hindi pa rin siya nakapaghanda. Parang may sampung sabay-sabay na sampal ang lumagapak sa kanyang pisngi at namanhid ang buong katawan niya.Inangat pa niya ang kanyang kamay upang hipuin ang sariling pisngi—walang pasa, walang bakas ng physical na dusa, ngunit ang kirot na nananalaytay sa kanyang dibdib ay mas matindi pa sa kahit anong sugat. Marami silang mga pangarap, ngunit sa loob lamang ng sampung minuto ay natibag ang lahat nang dahil sa isang katotohanang hindi na niya kayang itago pa.Ang lamig ng ospital na nagmumula sa central aircon ng pagamutan ay kasing lamig ng katahimikan at kirot na iniwan ng binata. Nanatiling nakatayo siya sa mahabang hallway—sa labas ng ICU, nakatunganga kung saan tuluyang umalis ang katipan. Ang lungkot, ang pait at resignation sa mga mata ng binata, gayon din ang basag na tono nito kanina'y tila ba paulit-ulit na nag

  • Under The Sheets   Chapter 83

    Habang pabalik siya, tila bawat hakbang ay may dalang mabigat na timbang na pumipigil sa kanya. Nang paliko na sana siya sa hallway, doon pa niya eksaktong nakasalubong ang kanyang ama.​Napahinto siya nang bigla. Bahagyang nagulat pa siya—para bang nahuli siya sa isang posisyong ayaw niyang makita ng kahit sino, lalo na ito. Ayaw niyang makita ng kanyang ama kung gaano siya kahina sa sandaling ito. Ngunit sa gitna ng mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib, agad din siyang natauhan.​“Pa...” tawag niya, bagamat halos pabulong at may halong panginginig ang kanyang boses.​Hindi ito sumagot. Sa halip, dahan-dahang bumaba ang tingin ng ama sa kanya, napatitig sa kanyang haggard na hitsura—sa gulo-gulong buhok, sa namumulang mga mata, at sa kawalan ng lakas na pilit niyang itinatago. Pero alam niyang hindi iyon nakaligtas sa mata ng ama.​Nakikita niya sa mga mata ng ama ang bahagyang pagkalito, ang tahimik na pagtatanong kung nakapag-isip na ba siya ng gagawin niya. Pero sa kabila noon, m

  • Under The Sheets   Chapter 82

    Hindi namalayan ni Nigel ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Mabilis, magulo, at walang tiyak na patutunguhan. Para bang anumang sandali ay bibigay ang kaniyang mga tuhod sa bigat ng mga isipang hindi niya mawari.​Tila lumilipad at nawawala sa kalawakan ang kaniyang diwa, paulit-ulit na humahampas sa kaniyang dibdib ang napakaraming ‘paano’ at ‘bakit' pero hindi siya makahanap ng mga sagot sa tanong sa utak niya. Ang paligid ay nagiging blangko at maingay nang sabay—isang nakalilitong ingay na nagmumula sa sarili niyang ulo. Subukan man niyang huminga nang malalim upang kumalma, mas lalo lamang sumisikip ang kaniyang dibdib. Hindi siya makapag-isip nang matino. May bahagi sa kaniyang gustong sumigaw upang ilabas ang lahat ng kaguluhan, ngunit maging ang sarili niyang boses ay tila nalunod na sa lalim ng kaniyang pagkalito.Nang bahagyang mahimaamasan siya ay nahanap niya ang sarili niyang nakatayo na siya sa rooftop ng ospital. Animo nawalan ng lakas na sumalampak siya ng upo sa m

  • Under The Sheets   Chapter 81

    Tila ba isang mahabang bangungot ang bawat hakbang pabalik sa hallway ng ICU. Habang unti-unting lumilitaw ang liwanag ng umaga sa malaking bintana sa dulo ng pasilyo, mas lalong nagiging malinaw kay Lexie ang bigat ng katotohanan. Masuyo at mahigpit pa rin ang pagkawak ni Nigel sa kanyang kamay—isang mainit at ligtas na silungan na sa bawat segundo ay tila nananakaw na lamang niya.Alam niyang ang susunod na mangyayari ay bibitawan nito ang kamay niya kapag binunyag na niya ang nalalaman niya. Hindi na malumanay at masuyo ang magiging tono nito kundi mapapalitan na siguro ito ng pagkamuhi at galit. At ito ang kinakatakot niyang harapin.​"Lexie, naupo ka muna rito," marahang saad ng ina ni Nigel habang inaalayan siya patungo sa bakal na upuan na kanina lang ay naging saksi sa kanyang magdamag na pag-iisa. "Kumuha ng tubig ang tito mo. Kailangan mong magpalakas, hija, para kay miss D."​"S-Salamat po, Tita..." halos walang boses na tugon niya at nagyuko ng ulo. Hindi man lang niya mag

  • Under The Sheets   Chapter 80

    Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mata ni Lexie—o mas tamang sabihin na hindi siya natulog ng buong gabi. Kung anong puwesto at posisyon niya nang pumunta siya rito sa labas ng ICU ay nanatiling ganun pa rin hanggang sa magising ang diwa niya mula sa pagkakatulala. Kagabi habang pinapanood niya ang paglabas-masok ng iba-ibang nurse sa ICU ay sumisikip ang dibdib niya.​Bawat pagtunog ng automatic sliding door ng kwarto ay tila isang matalim na karayom na tumutusok sa kanyang pandinig. Sa tuwing may lalabas na doktor na nakabihis ng berde at may hawak na clipboard, napapahawak siya sa gilid ng bakal na upuan. Humihinto ang mundo niya sa loob ng ilang segundo habang hinihintay kung sa kanya ba ito lalakad. Ngunit paulit-ulit ding nakakahinga ng maluwag ang kanyang dibdib sa tuwing aalis ang mga ito nang hindi man lang siya tinitingnan.​Malamig ang hangin mula sa central aircon ng ospital. Tumatagos ito sa manipis niyang damit, ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakiramdam

  • Under The Sheets   Chapter 79

    Hindi na matandaan ni Lexie kung ilang oras siyang naghintay sa labas ng emergency room. Wala rin siyang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya at tanging ang kalagayan ng ina lang tumatakbo sa utak niya. Patuloy sa pagtakbo ang oras habang siya ay animo huminto ang oras para sa kanya.Saka lamang siya natauhan nang bumukas ang malaking double doors ng emergency room. Napabalikwas siya mula sa kinauupuang bangko. Halos maputol ang hininga niya habang mabilis na lumalapit ang doktor na nagtatanggal pa lamang ng kanyang surgical mask at gloves.​"Sino po ang pamilya ni Ms. Thompson?" tanong ng doktor. Ang boses nito ay kalmado, ngunit may bitbit na mabigat na tono.​"Ako po... ako po 'yong anak niya," nauutal na sagot niya. Pilit niyang pinapakalma ang sariling mga kamay upang patigilin ang matinding panginginig ng mga ito. "Dok, kumusta po ang mama ko? L-Ligtas na po ba siya?"​Bumuntong-hininga ang doktor at tinignan siya nang may halong awa. Nanikip ang dibdib niya sa ting

  • Under The Sheets   Chapter 4

    Mula sa nilalarong offline games sa kanyang cellphone ay nag-angat ng mukha si Nigel nang tapikin siya sa balikat ng kaibigan niyang si Philip. Kasalukuyang wala ang professor nila sa ngayon dahil may importante itong pinuntahan kaya Malaya nilang ginagawa ang gusto nila. Nakisilip ang kaibigan sa

  • Under The Sheets   Chapter 3

    Pinagmamasdan ni Lexie ang patak ng ulan na animo binibilang ito. Hindi niya maipaliwanag ngunit nakakalma ng ulan ang utak niya. Simula bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya ang ulan. Palagi siyang naglalaro sa ulan kahit pa ilang beses siyang pinagalitan ng kanyang ina ay hindi niya ito pinap

  • Under The Sheets   Chapter 2

    Kalalabas lang ni Nigel sa isang cubicle at inaayos ang sinturon niya nang bumukas ang pinto ng restroom at pumasok si Lexie. Sakto naman na lumabas din ang babaeng kalampungan niya na inaayos din ang palda. Hindi man lang nag-react si Lexie at sinulyapan ang babae na humarap sa salamin na pagkatap

  • Under The Sheets   Chapter 1

    Sa sikat na unibersidad nag-aaral si Lexie at nagpa-part time job sa Sweet JJ's cafe. Sa tuwing wala siyang klase ay nandito lang siya at kung minsan ay nasa library. Sa dalawang lugar lang naman siya naglalagi at wala siyang ibang mapuntahan. Isa pa ay mas prefer niya ang mapag-isa kung sakaling w

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status