เข้าสู่ระบบ
There’s no such thing as a good person.
Sometimes, lying is your best shot to see if someone is genuine about you or not. Kailangan mong magsinungaling para hindi matapakan ng ibang tao ang ego at dignidad na inaalagan mo. Who knows? Malay mo sa pagsisinungaling ka makaka-jackpot ng ticket papunta sa buhay na sa libro mo lang nakikita—paalis sa impyerno. “Doc, still there?” “Ah, yeah. Let’s talk later, I have an event to attend.” Pinatay ko ang tawag at hindi na hinintay ang sasabihin ng nurse sa kabilang linya. Hindi ko alam na lumalim na naman ang pag-iisip ko habang tinatahak ang daan, papunta sa venue kung saan gaganapin ang reunion ng pamilya ng boyfriend kong si Arkin. Ngayong gabi niya ako balak ipakilala sa mga magulang niya. Normal naman sa lahat ang makaramdam ng kaba, but what I’m feeling right now is different. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ako ng mga kamag-anak niya dahil alam kong mataas ang inaasahan ng mga ito sa akin. He’s from a well-known family, his parents are amongst the most successful businessmen in the industry and also own properties around the country. In short, mayaman. Samantala ako ay tipikal na babaeng hindi pinanganak na mayroon gintong kutsara. I’m a doctor pero hindi ganoon kataasan ang sahod. Nahihirapan pa akong sustentahan ang pamilya at paaralin ang mga kapatid ko dahil sapat lang sa kanila ang perang binibigay ko, minsan kulang pa, kaya madalang akong bumili ng luho para sa sarili ko. Hindi ako iyong tipong lahat ng gusto ay inaasa sa lalaki. Sa totoo lang ay ako pa ang nagpupumilit kay Arkin na huwag akong bigyan ng mga bagay na hindi ko naman kailangan. Ayokong isipin niya at ng ilan na sinagot ko siya dahil lang sa pera, dahil ni minsan ay hindi ako tumanggap mula sa kaniya. Arkin and I lived in different worlds. He’s the type of person who can buy everything he wants while I still have to work hard just to get the things I need. Nagbayad ako sa taxi bago bumaba. Sinuri ko muna ang sarili kung maayos ang itim na dress na inarkila ko pa at kumuha nang malalim na buntong-hininga. I wasn’t even inside, yet my mouth is already losing its tongue. I’m nervous. [I’lll wait for you there.] Iyan ang huling text sa akin ni Arkin noong nakaraang linggo pa. Pagtapos no’n ay wala na akong nakuhang reply mula sa kaniya. I tried to message and call him but he wasn’t responding kaya tingin ko ay abala na naman sa business ng family niya. “I'm here,” tipa ko sa selpon bago iyon i-send sa kaniyang numero. It delivered, but as usual, no response. I actually started to have conclusions in mind. Hindi ko siya masisisi kung may magustuhan siyang ibang babae na mas mayaman sa akin, pero tanga siya sa parte kung maghahanap siya ng babaeng hindi mahigitan ang ganda ko. Mavriele Rae Adieli ito, ’no. Muli ko siyang tinext para tanungin kung nasaan na siya dahil akala ko ay susunduin niya ako rito sa labas, pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Ilang minuto akong naghintay, nang mainip ay ako na ang pumasok sa loob. The guards greeted me as I went inside. Mabuti na lang, akala ko kasi ay hahanapan pa ako ng invitation card ng mga ito dahil parang malaking event ang gaganapin sa loob. Mula pa lang sa naggagandahan at mamahaling muwebles, makintab na kagamitan, kumikinang na malalaking chandelier sa itaas, at magarang mga kasuotan ng mga tao, masasabi kong hindi lang simpleng mayayaman ang kamag-anak ni Arkin. They look like nobles, showing off their professions and expensive jewelries just to make a spotlight for themselves. Mabuti kahit papaano ay nakasasabay sa kanila ang dress na nirentahan ko. Para tuloy akong saling pusa na naligaw rito, ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang ganda ko. Marami na ang narito. Masasabi kong malaki pala ang angkan ng pamilya ni Arkin at halos lahat ata ay mga nakaaangat sa buhay. I reached for one of the glasses of wine as the waiter passed in front of me and sat at the nearby table. I roamed my eyes to find Arkin, only to land my gaze on a man meters away from me. He’s wearing a neat and expensive tuxedo, accentuating his broad shoulders that carried an air of confidence and authority with his unreadable expression. I was stunned when he also looked in my direction but my eyes refused to flee. Instead, I remained fixated on him and saw a competitive glint in his gaze that caught me off guard in my seat. God. That might be the most beautiful hazel cold eyes I saw in my entire existence. They sparkled with flecks of gold and green, as if those eyes reflecting warmth and depth that made my breath hitch. Ilang beses akong napakurap at nag-iwas ng tingin nang mapagtantong nakatitig ako rito. Those hazels are threatened to melt me where I seated the longer I stared. Hindi ko tuloy maiwasang madala sa kuryosidad. Kaano-ano siya ni Arkin? Wala naman siyang nabanggit na may ganitong klase siya ng kamag-anak. Kung titignan ay magkasing edad lamang sila, pero ang lalaki ay halatang respetadong tao. Kahit kasi mga matatanda ay malaki ang galang sa kaniya kapag binabati siya. He’s just sitting in one of the seats but his aura still speaks intimidation and authority. Muli kong iginala ang tingin, iniiwasang muling mapunta ang mga mata ko sa lalaki dahil baka isipin nitong na-star-struck ako sa kaniya kahit na hindi ko naman alam kung sino o artista ba siya. It was almost half an hour of waiting until my eyes expectantly landed on the person I was waiting for, walking through the entrance with his white long sleeve. Napatingin ang mga tao sa kararating lang na si Arkin, but what really caught my attention is the woman with him. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng babae na nakapulupot sa kaniyang braso. Matamis pa ang ngiti ng mga ito sa isa’t isa habang naglalakad papasok. The woman is wearing a long fitted fiery red dress that caught everyone’s attention. She’s drawing admiring glances as they walked inside. My eyes stayed fixated on them until they stopped in front of an elderly man who seemed to be his grandfather. “Grandpa, this is Chel,” Arkin introduced, “my girlfriend.”I paused for a moment, leaving me staring at him and momentarily taken aback.This damn heart is pounding at an unusual pace again. Could there be something wrong with my heart? Should I get myself checked too?Pinilit kong huwag pansinin ang narinig at pinagulong ang upuan para lapitan siya. Kinuha ko ang stethoscope saka iyon isinuot sa tainga. “Let me check your heartbeat.” He didn’t say anything but just nodded as a response. I don’t know why I’m holding my breath now that we’re this close again, listening to the sound of his heartbeat. He’s too close, and I can feel the faint warmth from him. Pakiramdam ko mas naririnig ko pa ang pintig ng puso ko sa lakas ng kabog nito kaysa sa kaniya. “Why is your heart racing so fast?” Wala sa sarili kong tanong. Malakas din kasi ito, animo’y nakikipagkarerahan sa akin.Sa halip na sumagot ay nag-iwas lang siya ng tingin. Namumula ang kaniyang tainga at hindi manlang ako pinansin. “Doc
I didn’t know where that decision came from, but I’d rather forget about it. Who would marry someone you didn’t know? “Mavi, puwede bang makahingi muna ng kaunti? Pambayad ko lang sa tuition f*e ko. Babayaran ko rin kapag nakaluwag-luwag na ako.” Tinigil ko ang pagsusulat. “Hindi ba’t kapapadala ko lang kahapon, kuya?” “Na-short kasi ako. Kababayad ko lang din ng bills dito sa kuryente kaya hindi inabot. Ang natira na lang ay pambili nila Mama at Papa ng gamot.” Malalim akong napabuntong-hininga. Sa pagkakaalam ko, kapapadala ko lang noong nakaraan ng pera para sa tuition f*e ni kuya, panganay kong kapatid. Hindi ko alam kung saan niya dinadala ang mga perang pinadadala ko sa kanila dahil madalas siyang tumawag para humingi ng pera. Ayaw ko naman siyang kuwestyunin dahil ako ang nagpresintang paaralin siya ulit. Tumigil ito ng kolehiyo dahil nabarkada, kaya sinikap kong makapagtapos at magtrabaho para paaralin sila ng dalawa ko pang kapatid. “Mavi?” “Sakto lang ang budge
I don’t plan to stay longer. Hindi ko gustong magpakasal sa ganitong klase ng pamilya kahit na tapalan pa ako ng napakalaking halaga. Wala na akong pakialam kung isipin man ng lolo niya na bastos ako’t hindi nagpaalam umalis. Nang makarating sa tarangkahan ng napakalaking mansyon ay napahinto ako sa paghakbang, ramdam ang marahang kamay na humawak sa pulso ko. Viscenzo. “Where are you going?” Hindi ko siya sinagot. “I’m sorry about what happened earlier—” I cut him off. “There’s no need for me to stay here,” I said, voice was firm yet shaken with restrained fury. “Wala sa usapan natin ang magpakasal at magpanggap na may relasyon sa harap ng pamilya mo. Sabihin mo ang totoo sa lolo mo, wala akong pakialam sa kung anong iisipin ng mga tao.” People will believe in what they just want to believe, they don’t care about the truth. They can think everything about me to satisfy their ego, pero mas pipiliin kong husgahan kaysa mabuhay sa ganitong klase ng pamilya. F*ck these rich
Muling namuo ang tensyon sa hapagkainan. Natahimik ang mga ito dahil tama naman siya. Kung noon ngang nakayanan niyang isalba ang negosyo ng mga Ferratero mag-isa, ngayon pa kayang marami na siyang hawak na kumpanya? Baka nga hindi magiging kawalan sa kaniya kung mawalan man siya ng business partners dahil marami pa ring sikat na kumpanya ang gusto siyang makatrabaho. Maging ang lolo ni Viscenzo ay hindi nakapagsalita. Tila ba lahat ng sasabihin niya ay may tuldok, nag-iiwan ng katahimikan sa lahat na animo’y tinatapos niya ang usapan sa ilang linya. Matapos ang ilang minuto ay muling nagsalita ang lolo ni Viscenzo. “When are you two planning to get married?” Ilang beses akong napaubo sa kinakain nang biglang mabilaukan sa narinig. Hinagod ng katabi ko ang likod ko at inabutan ng tubig na agad kong kinuha. Kasal? Did I hear that old man correctly? Akala ko ba maglalahad pa siya ng milyon para layuan ko ang apo niya? I don’t even know that stranger! “Sa totoo lang ay
He paused for a moment, remained staring at me. I avoided his gaze and cleared the lump in my throat. Hindi ba dapat nasasaktan ako ngayon dahil nasa harap ko na naman ang dalawang nanloko sa akin? Why am I distracted by a mere man that I haven’t even known for too long yet? “We met in a convenience store.” Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Viscenzo. Sa dami ng lugar, sa convenience store pa? Does he even know what kind of place that is? “Right. Nagkakilala po kami sa convenience store. He fell for my beauty and proposed to me right away,” I said, smiling. Viscenzo’s mouth gaped and looked at me in awe, para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko. “You were the one who proposed to me, have you forgotten?” Matapos niyang sabihin iyon ay taka ko siyang tinignan, pero biglang may kung anong alaalang sumagi sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Wala sa sarili akong napasinghap at unti-unting naramdaman ang pag-iinit ng pisngi.
Nang igala ko ang tingin, ngayon ko lang napansin na narito rin pala sina Arkin at Chel na nakatingin din sa akin. Nang mapatitig ako kay Chel ay agad siyang nag-iwas ng tingin. “Are you alright?” Viscenzo, who’s sitting beside me, leaned closer to whisper in my ear. I nodded in response. Tabi niya ay ang lolo niyang tila kanina pa masama ang timpla ng mukha nang makarating kami rito. The air was thick with tension. There’s no need to feel nervous, after all. Hindi ko naman kailangang kunin ang loob nila dahil hindi ko fiancé si Viscenzo. I don’t want to be part of this family, either way. They’re all arrogant. Mabuti na lang bukod sa lolo niya ay hindi nila totoong kadugo si Viscenzo. Naputol ang nakabibinging katahimikan nang pekeng umubo ang may katandaang babae. She looks in her mid-40s. Tingin ko ay isa ito sa mga tita niya. Napatingin kaming lahat doon. Sa hitsura pa lang nito, masasabi kong strikta siya. “So... Mavriele, right?” Tanong nito sa akin na tinan







