Share

Chapter 2: Prank?

KRIESHA

"Bago po ako magsisimula, Sir Tres. Maaari ko po bang malaman kung ano 'yung preferred food mo? Will it be related to dietetics or you just want something delicious and native?" Hindi ko kasi alam kung ano sng preferred dish niya. Baka kapag saka lang ako matapos ay saka lang siya mag react.

Nakikita ko kasi ang ganitong troubleshoot sa iilang drama sa TV. Kung saan 'yung bida, magkakaroon ng problema in the middle or the end of the competition.

Bakit ako nag-alala in advance?

Dapat lang naman siguro 'yon dahil ako ang bida ng buhay ko, di'ba?

Alam naman natin na ang problema, papasok ng walang paalam. Aalis kung kailan solved na.

Okay na ang maging wa-is at advance, kaysa tanga. Madalas pa naman ako pumapalpak.

Napabuntong hininga na lamang ako sa katotohanang iyon. Kaya sana Lord, kung nakikinig ka man... Tulongan niyo sana akong huwag pumalpak.

Taimtim akong nanalangin. Sana, makarating kay Lord.

"Good question, and you are quite vigilant with your work. That's great to be involved in work ethics." ang malalim niya talagang boses ay ang nakakabighani. Kahit hindi siya masyadong impressive, nakarating pa rin sa'kin 'yung pagpupuri niya sa'kin.

"Salamat po, Sir."

"For your quest today, I want you to combine the three categories you have mentioned. It must be specialized in dietetics and deliciously native dishes. Then, I'll decide whether to hire you or not once I got a taste of your work's result."

"You can have the time as much as you want, you may start now."

"Uhh, hindi ba ako directed ma-hire? Di'ba sabi mo po, nag-iisang spot na lang ang natira para sa'kin?"

Nagtataka niya akong tiningnan, para bang sinasabi niya sa'kin sa kaniyang paninitig, if I'm for real?

"Having one slot remaining for you doesn't mean you're hired directly. Saan ka makakahanap ng trabaho na walang assessment, Miss Cervantes?"

Tameme ako sa kaniyang tinuran. Napaka-seryoso niya at mukha siyang wala palagi sa mood. Masungit kahit na tingnan mo lang sa mukha.

"Pasensya na po..." Paghingi ko ng paumanhin at nahihiyang napapayuko ng bahagya. Napakagat din ako sa aking labi nang maramdaman ko ang matutulis niyang pagtingin sa'kin. Animo'y pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Alright. Just do your job so that we can proceed with the evaluation afterwards." Ang boses niya ay kalmado, ngunit sa likod ng kalmado niyang boses ay nagbibigay ito ng striktong impresyon.

Uri na hindi madaling mauto, at mdaling magalit.

Umalis din siya matapos sabihin sa'kin iyon. Napabuntong hininga naman ako sabay nguso.

"Parang kailan lang, napakabait at napaka-approachable niya. Pero ngayon, parang nagbalat anyo lang at naging ibang tao na." Wika ko sa tahimik na pananalita. Bahagya ko pa siyang nilingon at nakitang abala ito sa kaniyang tablet doon sa sala. Tutok na tutok ito. Nakapang de kuwatro pa ang kaniyang mga hita at kitang medyo salubong ang makakapal nitong kilay.

Subalit, agad din akong nag iwas ng tingin dahil ramdam ko ang bahagya niyang pag baling ng tingin sa'kin.

Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa natataranta kong pagpigil sa aking hininga, na ngayon ay naging mabilis na pag tibok.

"Gaga, nakita niya kaya akong nakatingin?" Tanong ko sa aking sarili, habang natataranta na ring nag halungkat ng maaaring lutuin sa fridge.

MAKALIPAS ang isang oras at tatlongpong minuto, inihain ko ang mga pagkain na napagdesisyonan kong lutoin at iha-in sa kaniya.

"Are you done?" Dinig kong tanong niya, kung kailan sana ay tatawagin ko na siya.

Naghubad ako ng apron nang sinagot ko siya, bahagya din akong lumayo sa lamesa upang bigyang daan siya. "Opo, tapos na ako."

Tumayo siya at isinantabi ang pinagkaabalahang tablet sa midi center table, saka direktang tumungo sa kinaroroonan ng dining table.

"What are these?" Tanong niya nang nakatingin sa mga nakahaing putahe sa lamesa. Naupo din siya sa katapat na upoan sa kabisera.

"Pininyahang manok po na may carrots, patatas, at bell pepper. Tiyaka lumpia." Maayos kong sagot.

Binalingan niya ako ng saglit na tingin, "Why did you choose to cook these?" Yung mga mata niya ay tila naghahanap ng valid reasons kung bakit ito ang mga napili kong lutuin.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan, pero hindi iyon sapat na rason para hindi ko siya sagutin. Tiyaka, hindi ba't normal lang naman na tanungin ang aplikante sa mga bagay-bagay na nag-uukol sa gawaing trabaho na ninanais mong pasukan?

"Ang mga 'yan po ay isa sa mga paborito kong pagkain, kaya naisip kong ito na lamang ang lulutuin lalo pa't ang kategorya na ibinigay mo ay mga pagkain masustansya at pinaghalong native dish." Paliwanag ko.

Hindi siya sumagot, bagkus ay kumuha siya ng isang pirasi ng lumpia at tinikman iyon.

Mariin akong napalunok, lalo pa't hindi ko agad napansin ang aking sarili na nakatingin sa kaniyang magandang adams apple.

Halos saulo ko ang pamamaraan niya sa pagnguya at paglunok.

"This one's good. Enriched with tiny cubes of veges with crashed meat." Puri niya. Kung hindi siya nagsalita, hindi rin ako natauhan sa pag daydreaming ko. Nahigit kong muli ang aking hininga nang magtagpo saglit ang aming mga mata.

Ano bang meron sa kaniya at ganito na lamang ako mag react?

Masyado ba talaga siyang nakakatakot para ako'y maging conscious sa maliliit kong aksyon?

Oh kaya, iba? Pero hindi ko lang alam kung bakit?

"Salamat po at nagustohan mo Sir." Sambit ko.

Sumunod naman niyang tinikman ang pininyahang manok. Gamit ang kutsara, nilasap niya ang katamtamang tamis ng sabaw, bago ang pinakuluang manok.

Kagaya kanina, hindi ko ulit napansin ang sarili na nakatingin sa kaniya.

Aaminin ko, guwapo siya. May appeal at maganda ang pangangatawan. Dumagdag pa sa karisma niya ang paging seryoso at strikto. Lalo na kapag ang mga makapal nitong kilay ay nagkasalubong.

Napatingin siya ulit sa'kin at ako naman ay mabilis na umiwas, sabay lunok ng mariin.

Masyado na ba akong obvious?

Kakainis ba naman kasi, bakit ang guwapo niya? Napapatitig tuloy ako sa kaniya kahit hindi ko naman talaag intensyon.

"I like this. The sweetness of the pineapple juice suits the fresh steamed chicken. Also the carrots, bell pepper and the potatoes gives the best aroma which become inviting to the tasters." Litanya niya habang mainam na nginunguya ang kinakain niyang manok na pinaresan niya ng sabaw nito. "You can add these to my food menu. Also, gusto kong magluto ka pa ng mga native na pagkain nang sa gano'n ay magawa ko ring matikman ang timpla mo. It seems to be very different than those well known restaurants, which makes me feel at home too."

Lumiwanag ang aking mukha at tila lahat ng agam-agam ko kanina ay naglaho na parang bula sa ere at napalitan iyon ng malawak na ngiti sa aking labi.

"Ibig sabihin po ba... tanggap na ako bilang nutritionist mo Sir?" Nagagalak kong tanong.

At ang nakakagulat pa, to the point na umawang ang aking bibig ay ang biglaan niyang...

Pag ngiti.

"Yes, you're hired." Natutuwa niya ring ulat. Para bang nagliwanag ang maambon na langit sa aura ni Sir at nawala yung paging strikto niya. Bagay na mas ikinatuwa ko pa.

"Hala, salamat po Sir!" Halos mag talon-talon ako sa tuwa, at muntikan ko pa nga siyang yakapin nang tumuwid ako sa katinuan.

Mabuti na lang.

Napakamot na lamang ako sa ulo at pa simpleng ngumisi sa kabaliwan ko. Sobrang saya ko kasi talaga. "Sorry sir. Muntik na, hehe." Paghingi ko ng paumanhin na ikina-ngisi at ikina-iling niya rin.

"Mabuti at hindi mo ginawa, kundi sesanti ka kaagad." Wika niya na ikina-ngiwi ko.

"Mabuti nga po, sorry..."

Kita ko nga ang aliw sa mukha niya, tila ba ako ang dahilan no'n lalo na sa kagagahan ko. "Falling in love and clinging unto me is strictly prohibited. Neither, in or out of work."

Umayos at tumuwid ako sa pagkakatayo, sabay saludo. "Noted, Sir! Makakaasa kang hindi ako gano'n." Panata ko, "Sadyang natuwa lang talaga ako ng sobra dahil ito ang una kong trabaho matapos mag graduate." Pagbabahagi ko rin.

He just smiled at me, nakikita ko naman ang genuity doon at ang tuwa para sa nakamit ko. "Kung gano'n, Miss Cervantes. Congratulations." Tumayo siya at hinarap ako. Pagkatapos ay naglahad ng kamay sa'kin, upang makipag-kamay. "Hope to work well with you."

Natutuwa ko namang tinanggap ang kaniyang kamay, at nakipag-kamay. "I'm under your care, Sir Tres."

"You know what, Miss Cervantes. Actually, this is not the first time that I tasted your cooking. But I'm glad that you participated my assessment." Siya ang naunang nagbawi ng kamay, bago ako.

Sa sinabi niya, nagulat ulit ako. Napakarami ba namang pasabog kasi ni Sir.

"Po?" I pardon him.

"The moment you stepped into this building, you're already hired and was appointed to be my personal nutritionist. That's the real thing, but because I want to test my employee especially that she's doubting her own abilities... I made you went through my assessment." Laglag ang panga ko nang malaman ko iyon.

So, ibig sabihin... Simula pa lang, hired na talaga ako?! Pero, na tripan ni Sir para mag assessment dahil hindi ako confident sa talent ko?

Tama?

"That's all for today, Miss Cervantes. My secretary will explain the things that you have to learn furtherly, I have to take my leave."

Hanggang sa nakaalis na siya ay nasa pwesto ko pa rin ako. Nakatigalgal at pino-proseso ang lahat.

Yes, gano'n ako ka gulantang.

Feeling ko, napaglaruan ako ng nasa tamang huwisyo. Pero, hindi man lang ito napansin. Bagay na makakapagsabi kung gaano ako ka...

Tanga.

But hey, ayus lang 'yun noh! Hindi naman talaga laro 'yun, test 'yon ni Sir sa'kin. Kahit ano na lang naisip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status