LOGINWalang tao sa silid.Malinis ang kama. Maayos ang mga unan, parang hindi man lang ginamit. Wala na rin ang mga dokumentong kanina’y binabasa ni Jeremiah. Ang natira na lang ay ang banayad na amoy ng sabon at shampoo—amoy niya.Napakunot ang noo ko.“Huh? Umalis ba siya nang hindi nagpapaalam?” bulong ko sa sarili, may halong inis.Bigla kong naalala ang nangyari sa mall.Nanlamig ang kamay ko.Hindi kaya napanood na niya? Maraming nag-video kanina. Halos lahat yata ng tao doon may hawak na cellphone. Paano kung may nag-post na… at nakita niya?Napailing ako.“Wala naman akong ginawang masama…” bulong ko. “Iniwan ko nga si Jansen…”Pero bakit ganito ang pakiramdam ko?Pagdating ko kanina, ramdam ko na agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang bahay. At sabi pa ng isang katulong—Hindi pa raw kumakain si Jeremiah.Huminga ako ng malalim.“Babawi na lang ako bukas,” sabi ko sa sarili. “Kapag hindi na siya galit.”Naupo ako sa harap ng vanity mirror at kinuha ang blower. Dahan-dahan kong pina
NAMASYAL ako sa mall kasama sina Marie at Rodolf. Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos akong lagnatin, at ngayon lang ulit ako nakaramdam ng gaan. Magaang ang pakiramdam ko habang naglalakad kami—tawanan, kwentuhan, at konting asaran."Uy, kumain tayo," aya ni Rodolf, sabay hawak sa tiyan. "Nagugutom na ako.""Ako rin," sabay na sagot ni Marie.Napangiti ako. "Sige, treat ko na ito.""Ay, hindi na—" agad na tanggi ni Marie. Akala niya ay isa lang akong regular na empleyado."Oo nga, okay lang kami," dagdag ni Rodolf.Umiling ako. "Hindi. Treat ko na. Mabuti kayo sa akin, kaya dapat mabuti rin ako sa inyo."Nagkatinginan silang dalawa, saka sabay na ngumiti. "Thank you!"Pumasok kami sa isang samgyupsalan. Mainit ang hangin sa loob, may halong amoy ng karne at usok—karaniwang eksena, pero masaya.Ngunit pag-upo ko pa lang—Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.Si Jansen.At si Veronica.Huli na para umiwas.Nakita na nila ako."Chantal?" agad na tumayo si Jansen. Nag
"TALAGA bang nademote sina Winona at Geraldine?" usisa ni Rodolf habang palihim na lumilingon sa kabilang mesa, na para bang baka bigla na lang sumulpot ang dalawa.Napangiti lang ako, saka bahagyang yumuko sa papel na hawak ko kunwari ay abala. "Hindi naman ‘demote’… inilipat lang," mahinahon kong sagot. "Nagsisinungaling kasi sila. At ayaw pala ni sir ng sinungaling.""Grabe," napailing si Marie. "Pero malakas sila kay Ma’am Lucille, ‘di ba? Bakit sila ang naalis dito, at hindi ikaw?"Umangat ang tingin ko sa kanila, saka ngumiti nang tipid. "Mas gusto raw ni sir ang mapagkakatiwalaan," sagot ko. "Kaya ako ang naiwan. Doon lang naman sila sa marketing dinala.""Eh mas mataas ang sahod dito sa opisina ni sir," singit ni Rodolf. "Lugi sila.""Baka naman—" napangisi si Marie, bahagyang lumapit sa akin. "Type ka ni sir."Napailing ako, kunwaring natatawa. "Naku, kayo talaga. Huwag niyo na lagyan ng malisya ang lahat.""Sure ka?" tukso pa ni Rodolf. "Kasi parang iba ang trato sa’yo—"Hin
Dahan-dahang napatingin ang dalawa sa likuran ko, saka sila nagkatinginan bago nagbigay ng alanganing ngiti. Para bang may biglang nagbago sa hangin—isang presensyang kinatatakutan nila. Ilang segundo pa, saka nila ako binitawan."Ah, sir… kinukumusta lang po namin si Chantal. Baka may sakit pa siya…" nakangiting sabi ni Geraldine. Marahan niya akong hinawakan sa balikat, ngunit may bahagyang pisil doon—isang babala. 'Huwag kang magsalita.'"Oo nga, sir," dagdag ni Winona, pilit ding ngumiti. "Matagal kasi siya sa loob, nag-aalala lang kami."Humigpit ang aking kamao. 'Talaga? Ngayon nag-aalala kayo?'Tahimik lang na nakatingin si Jeremiah sa kanilang dalawa. Walang emosyon ang mukha niya, ngunit ramdam ang bigat ng kanyang presensya. Maya-maya, bumaling ang tingin niya sa akin at unti-unting lumapit."Totoo ba ang sinasabi nila, Miss Gray?" malamig ngunit diretso niyang tanong.Napalunok ako. Ito na ang pagkakataon ko. Akala nila mahina ako. Akala nila tatahimik na lang ako. Maghinta
“Malapit na… konting-konti na lang…” mahina kong bulong habang pilit na kinokontrol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako tumanggi. Humawak lang ako sa laylayan ng aking palda, saka pumikit.“Sir, may sakit daw si Chantal?” biglang tanong ni Lucille habang papasok sa loob.Bigla akong nagmulat. Timing na timing.“Sir, may lamok!” bigla kong sigaw, sabay sampal ng malakas sa pisngi ni Jeremiah.Pak!Saglit na natahimik ang paligid.Agad akong nagkunwari, kunot-noo na hinahanap ang kung anong lumilipad. “Nasaan na ‘yun? Kanina pa ‘yun paikot-ikot…”“May lamok?” nagtatakang tanong ni Lucille, napatingin din sa paligid. “Wala naman akong nakikita…”Nanigas si Jeremiah. Kita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya—parang pinipigilan ang sarili.Nakokonsensiya ako. Ramdam ko ang init ng pisngi niyang tinamaan ko. Pero wala na akong choice.“Lucille…” malamig niyang tawag.“P-po, sir?”“Ibabawas ko sa sweldo mo ang pagpapabaya mo sa opisina,” diretso niyang sabi. “Bakit nagkaroon ng lamok dito?”
Martes na ako nakapasok sa opisina. Pagdating ko pa lang, agad kong napansin ang kakaibang eksena—mono block na upuan ang gamit nina Geraldine at Winona, kapalit ng dati nilang swivel chair. Bakit kaya?“Ano’ng nangyayari?” tanong ko kay Rodolf habang inilalapag ko ang bag ko sa mesa. "Bakit ganyan ang upuan nila?"Napakamot siya sa ulo. “Kahapon kasi, nagreklamo sila na sira na raw yung swivel chair nila. Kinuha ng maintenance, tapos pinalitan muna ng mono block.”“Ha?” napataas ang kilay ko. Mga baliw talaga. Bago pa ang swivel chair nila ah.“Ang akala kasi nila,” dagdag niya habang nakangisi, “mapapalitan din sila ng upuan na gaya ng sa’yo.”Hindi ko napigilan ang sarili ko—napatawa ako. “Grabe, hanggang upuan pinagtitripan nila.”“Hindi pa yun ang pinaka-issue,” sabat ni Marie habang papalapit sa amin. “Kahapon, tinangka nilang kunin yung upuan mo.”“Talaga?” gulat kong tanong.“Oo! Pero sakto, dumating si Mr. Harisson. Pinagbantaan sila na huwag gagalawin ang gamit mo.”“Talaga







