Share

CHAPTER 78: Bwesita!

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-05-01 09:33:44

“Dr. Delgado?” gulat na gulat kong sambit nang makita ko ang babaeng pamilyar sa tabi ng pinto.

Parang may biglang kumurot sa dibdib ko.

Sa isang iglap, umakyat ang inis sa loob ko. Ano ang ginagawa niya rito?

“Elizza, anong ginagawa mo dito?” masayang bati ni Jeremiah habang agad nitong binitiwan ang kamay ko at lumapit sa babae.

Natigilan ako.

Napatingin ako sa aking palad—kanina lang, mahigpit pa ang pagkakahawak niya roon.

Ngayon… parang wala lang.

Tahimik akong napatingin sa kanilang dalaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 83: Sino Yun?

    POV: JeremiahHawak ko ang baso ng whisky, dahan-dahang pinapaikot ang laman nito habang nakasandal ako sa sofa ng VIP floor. Mula rito, kitang-kita ko ang buong ibaba—isang magulong mundo ng mga taong naghahanap ng aliw.May mga nagsasayawan sa gitna, tila ba wala nang pakialam sa paligid. May mga nakasandal sa bar counter, abala sa pag-inom at pakikipagkwentuhan. May mga bagong magkakilala—nakangiti, nagkakapalagayan ng loob sa loob lamang ng ilang minuto.At meron ding mga lumalabas nang magkaakbay… parang matagal nang magkakilala kahit kakakilala lang.Ang iba naman, sumasakay sa elevator. Diretsong paakyat sa mga hotel rooms sa itaas.Napailing ako.Nakakabaliw ang lugar na ‘to.Pakiramdam ko… isa akong tsismosong nag-oobserba, iniisip kung ano ang mga kwento sa likod ng bawat ngiti, bawat hawak, bawat tingin.“Ang lalim ng iniisip mo ah.”Naputol ang pag-iisip ko nang may tumapik sa balikat ko. Umupo si Kim sa tabi ko, kasabay ng pagkuha niya ng sariling baso.Hindi ko siya tin

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 82: May asawa na ko

    “ANO?!” halos lumuwa ang mga mata ni Leila nang marinig ang ibinalita ko. Napatingin pa siya sa akin na parang hindi makapaniwala. “Seryoso ka?”Tumango lang ako bilang sagot, saka ibinaling ang tingin ko sa bintana ng sinasakyan naming cab. Kita ko ang mga ilaw sa labas—paunti-unti nang nagliliwanag ang lungsod habang papalalim ang gabi.“Akala ko ba, hahanapin mo yung naka-one night mo?” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. Napansin kasi naming kanina pa pasulyap-sulyap ang driver sa amin sa rearview mirror.Bahagya akong napairap.“Okay na ako kay Jeremiah,” pabulong kong sagot, pilit na kalmado.“Jeremiah pala ang pangalan niya…” napatangu-tango siya, parang iniipon ang impormasyon. “Mayaman siya ha? Nabili niya agad yung bahay niyo. Daang milyon din kaya ‘yon.”Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong nakatingin sa labas, pero sa loob ko, hindi matahimik ang isip ko.“Magaling ba siya?” bigla niyang bulong ulit, may halong pilyang ngiti.Napalingon ako sa kanya, kunot-noo.“

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 81: Tampo ni Jeremiah

    Iniabot sa akin ni Lolo George ang isang kahong gawa sa kahoy. Agad kong napansin ang kakaibang disenyo nito—mga ukit na tila may kwento, bawat guhit ay parang may pinanggalingang panahon. Mukha itong antigong-antigo, pero lalo itong gumaganda habang tinititigan.Kasunod noon, iniabot din niya sa akin ang isang maliit na susi. Lumang-luma na rin, may bahid ng kalawang ngunit halatang matibay pa rin.“Kapag niloko ka ng apo ko,” seryoso niyang sabi, habang nakatingin diretso sa mga mata ko, “pumunta ka lang sa akin. Ako mismo ang bubugbog sa kanya.”Hindi ko napigilang mapangiti. May kakaibang init sa paraan ng pananalita niya—parang biro, pero may halong paninindigan.“Grabe naman po kayo, Lolo,” natatawa kong sagot, pero sa loob ko, may konting kilig. Hindi ko inaasahan na ganoon niya ako kadaling tatanggapin.Ilang oras na rin kaming nagkukwentuhan noon. Kung anu-ano na ang napag-usapan namin—mula sa kabataan niya, hanggang sa mga kalokohan daw ni Jeremiah noon. At sa kalagitnaan ng

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 80: Joke Lang

    Bahagyang nagulat ang lahat sa aking sinabi. Para bang naputol ang hangin sa silid—walang kahit sinong nangahas magsalita. Nakatitig lamang sila sa akin, tila sinusukat kung hanggang saan ang kaya kong gawin.Walang lugar sa akin ang mga putang inang gaya ng mga ito.Tinitigan ako ng matanda. Ilang segundo ang lumipas, saka siya biglang pumalakpak—isang beses, dalawang beses—at ngumiti na para bang may natuklasang kakaiba. Sumunod din si Elizza, pumalakpak at ngumiti na para bang natutuwa sa nangyayari.Paglingon ko kay Jeremiah, nakangiti siya habang marahang hinihimas ang kanyang baba, wari’y nag-eenjoy sa eksena.Pinaglalaruan ba ako ng mga taong ito? Anong klaseng kalokohan ang ginagawa nila?Lumapit sa akin ang matandang lalaki at marahang hinawakan ang aking balikat. Hindi ko alam kung dapat ko bang alisin ang kamay niya o hayaan na lamang.“Sorry, hija… we’re just playing around.”Playing around? Iyon ang gusto nilang itawag dito?Ganap na ganap na ako—nanginginig ang aking mga

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 79: Insulto

    “Ano’ng nangyayari, Chantal? Bakit parang nagbago ang mood mo?” tanong ni Jeremiah, halatang naguguluhan.“Wala,” maikli kong sagot, halos pabulong pero puno ng diin. “Nasaan ang mga bisita? Pupuntahan ko na.”Hindi ko na siya tiningnan. Nakacross arm ako habang naglalakad papunta sa glass house.Ngunit sumunod siya.At bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang baywang ko—mahigpit.Napapiksi sana ako, pero madiin ang pagkakahawak niya, tila ba pinipigilan niya akong lumayo.Napalingon ako sa kanya.Madilim ang ekspresyon niya.Tahimik.Pero ramdam ko ang tensyon.Nakakainis.Siya pa talaga ang may ganang magpakita ng ganitong ugali?Harap-harapan siyang nakikipaglapit sa ibang babae, tapos ngayon… parang siya pa ang may karapatang magtampo?Huwag nga niya akong subukan.Pagdating namin sa glass house, bumungad sa akin ang isang matandang lalaki.Tinatayang nasa animnapu pataas ang edad. May halong puti na ang kanyang buhok, maayos ang ayos, at may suot na sombrero na parang kay Rizal.

  • Ungol sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 78: Bwesita!

    “Dr. Delgado?” gulat na gulat kong sambit nang makita ko ang babaeng pamilyar sa tabi ng pinto.Parang may biglang kumurot sa dibdib ko.Sa isang iglap, umakyat ang inis sa loob ko. Ano ang ginagawa niya rito?“Elizza, anong ginagawa mo dito?” masayang bati ni Jeremiah habang agad nitong binitiwan ang kamay ko at lumapit sa babae.Natigilan ako.Napatingin ako sa aking palad—kanina lang, mahigpit pa ang pagkakahawak niya roon.Ngayon… parang wala lang.Tahimik akong napatingin sa kanilang dalawa.“May kasama ako. Tinatawagan ka namin kagabi pa, hindi ka namin makontak,” sabi ni Elizza bago siya yumakap kay Jeremiah, na para bang wala ako roon.Parang hindi man lang niya ako napansin.Para akong hangin.Matapos ang ilang sandali ng tila “paglalambingan” nila, saka lang niya ako tinapunan ng tingin—parang ngayon lang niya napansin na may isa pang tao sa silid.“Hi, Chantal,” nakangiti niyang bati.Ngunit sa mata ko—Ngiti iyon ng pagkukunwari.Ngiting may tinatagong kung ano.“Hi,” mati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status