ログインNADATNAN ko si Roman na nakaupo sa harap ng bar counter, tahimik na umiinom ng alak. Rinig ko ang bawat lagok na kanyang ginagawa.Agad ko siyang nilapitan.“Roman...”Mabibigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa kanya. Ilang oras na akong balisa sa paghahanap kay Chantal, at kahit alam kong ligtas na siya, hindi pa rin lubusang nawawala ang kaba sa dibdib ko hangga't hindi ko siya nakikita nang personal.Ang bawat hakbang ko, ay may dalang bigat na parang dagundong sa sahig. Tumutunog ang aking sapatos, habang humahalik sa marmol na bato.“Oh, dumating ka na pala.” Nakangiti niyang iniabot sa akin ang isang baso ng alak. “Uminom ka muna.”Hindi ko man lang tiningnan ang baso. Ayokong mag aksaya ng oras. Kailangan ko ng makita si Chantal ngayon din!“Ayoko. Dalhin mo muna ako sa asawa ko. Gusto kong makita ang asawa ko."Marahan siyang natawa bago humigop ng alak.“Kalma ka lang. Huwag mo munang gambalain ang asawa mo. Tulog na siya.”Napahinto ako saka ako napatingin sa kanya.
“Sir.”Mabilis na binuksan ni Lionel ang pinto ng backseat para sa akin.Tahimik akong sumakay at isinara niya agad ang pinto bago lumipat sa passenger seat katabi ni Harrison na siyang nagmamaneho.Kasunod namin ang lima pang itim na SUV sakay ang mga naka suit na black.Mga tauhan ko ang sakay ng mga iyon.Kapag sabay-sabay silang lumalabas kasama ko, iisa lang ang ibig sabihin noon—may mahalagang misyon na kailangang tapusin.Umandar ang convoy at mabilis na nilisan ang gusali.Ilang minuto ring katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan bago iyon binasag ni Lionel.“Mabuti naman po at nakita na si Madam, sir.” Nakangiti siya, at sa rearview mirror niya ako tiningnan.“Hm.”Maikli lamang ang naging tugon ko.Hindi dahil ayaw kong makipag-usap.Kundi dahil ang isip ko ay nasa ibang lugar.Nasa kanya.Nasa asawa ko.“Sir,” muling sambit ni Lionel, “paano nga po pala siya napunta kay Boss Roman? Hindi ba’t puro ilegal na transaksiyon ang ginagawa roon? Bakit naman mapapadpad doon si
“ANO?!” halos mabasag ang salamin sa opisina sa lakas ng aking sigaw. Hindi ko mapigilang magreact ng ganoon. Gulat na gulat ako.Napatingin sa akin ang mga empleyado. Isa-isang nagdungawan ang mga ito mula sa kani-kanilang cubicle, halatang nagulat sa bigla kong reaksyon.Ngunit wala akong pakialam sa kanila.Sa mga sandaling iyon, ang tanging mahalaga ay ang balitang narinig ko mula sa kabilang linya. Hindi ko inaasahang sa buong hapong paghihintay, makakatanggap ako ng magandang balita.Mahigpit kong hinawakan ang cellphone habang nakikinig kay Roman.Siya ang pinakamalawak ang koneksiyon sa aming magkakaibigan. Kilala ko rin ang uri ng mga negosyong pinapasok niya—mga negosyong hindi kailanman dapat inuusisa ng mga awtoridad.Kaya naman lalo akong nabigla sa mga sinabi niya."Oo.. Dinala siya dito ilang oras na ang nakakalipas... HIndi ako ang tumanggap sa kanya. Isa pa, hindi ko siya kilala. Noong dinalahan siya ng customer sa silid, nagulat kaming lahat, pagbukas ng malaking box
“UMALIS daw po agad si Madam pagkatapos niyang makita ang CCTV footage, sir,” balita ni Lionel sa kabilang linya. Halatang nagmamadali ang kanyang tinig. “Tiningnan ko po ang parking area. Wala na po roon ang sasakyan niya.”Bigla akong kinabahan.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mariin kong tanong habang mahigpit na nakahawak sa cellphone.“Sinuri ko rin po ang CCTV footage sa parking area. May isang bagay po akong napansin na kakaiba.”“Ano iyon?”Sandaling natahimik si Lionel bago nagsalita.“Blind spot po ang daanang dinaanan ni Madam patungo sa parking ng hotel. Hindi malinaw ang kuha ng camera. Pero bago iyon, may nakita po akong kahina-hinalang detalye.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa aking katawan.“Anong detalye?”“Sir, iba po ang suot ng taong nagmaneho ng sasakyan ni Madam.”Napatuwid ako ng upo.“Ano?”“Opo. Nang dumating po si Madam sa hotel, malinaw sa CCTV na nakasuot siya ng puting blazer at itim na paldang hanggang tuhod. Pero nang may sumakay sa driver's sea
POV: Jeremiah"Sir, nagpunta po dito ang asawa niyo, tiningnan niya po ang CCTV footage ilang buwan na ang nakakaraan. Gaya po ng sinabi niyo, ipinakita ko po iyon sa kanya."Bahagya akong natigilan nang marinig ang ulat mula sa manager ng hotel.Ilang segundo akong natahimik bago unti-unting napangiti.Ibig sabihin...Nagsimula na ring maghanap ng katotohanan si Chantal.Sa wakas.Matapos ang lahat ng pagtatalo, pagdududa, at masasakit na salitang ibinato niya sa akin, nagkaroon din siya ng lakas ng loob na alamin kung nagsisinungaling ba talaga ako.At alam kong kapag nakita niya ang footage, mauunawaan niya ang lahat.Mauunawaan niyang hindi ko siya niloko.Hindi ko siya nais saktan.At hindi ako nagsinungaling kailanman.“Ano pa ang ginawa niya diyan?” tanong ko habang nakasandal sa aking upuan.“Wala na po, Sir. Pagkatapos niyang makita ang footage, umalis na rin po siya.”Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.“Sige. Salamat.”Pagkababa ko ng tawag, tuluyan akong napangiti
ILANG araw nang hindi umuuwi si Jeremiah sa bahay.Ni isang mensahe ay wala akong natanggap mula sa kanya.Wala na ang mga pasalubong niyang madalas iuwi. Wala na rin ang simpleng pangungumusta na dati ay hinahanap-hanap ko ngunit hindi ko pinapahalagahan.Unti-unting nagsimulang sumikip ang aking dibdib.Nag-aalala na ako.Hindi ko alam kung nasaan siya.Hindi ko alam kung kumusta na siya.At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya matapos ang lahat ng masasakit na salitang ibinato ko sa kanya.Hindi na ako mapakali.Kailangan kong malaman ang katotohanan.Kailangan kong malaman kung nagkamali ba talaga ako.At ang sagot ay matatagpuan lamang sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.Sa hotel.Sa hotel kung saan aksidente akong nakapasok sa maling silid ilang buwan na ang nakalilipas.Mabilis akong naligo at nagbihis.Pagharap ko sa salamin, halos hindi ko nakilala ang sarili ko.Lumalim ang aking mga mata.Namayat ang aking mukha.At ang dating sakto kong palda







