Share

University of Antiquity
University of Antiquity
Author: Shine

Prologue

Tinakpan ko ng panyo ang aking ilong, dahil sa nalanghap na usok mula sa jeep na dumaan. Naiirita pa akong napabuntong-hininga nang makita ang mga nag-kalat na b****a sa kalye.

"Nasaan na ba kasi si Manong?!" naiinis kong ani tsaka sumusop sa aking milktea.

"Hija," halos maging tipaklong ako sa pagtalon nang kalabitin ako ng isang matanda!

Ngumiti ito sa akin ng matamis, kumalma naman ako sa pagkakabigla't napaayos ng tayo.

"Taho, hija..." mukhang nag-aalinlangan pa ito nang sabihin niya iyon, dahil nakita niya ang hawak-hawak kong milktea.

Napatikhim naman ako't tinignan ang bitbit nito. Na-cu-curious ako kung anong mukha ng taho na nakalagay roon.

Kung ano ba ang lasa ng tinatawag nilang...taho?

"Uh...Lolo, gusto ko ng isa," nang marinig ng matanda ang saad ko, ay bigla itong napangiti.

Sinundan ko ang tingin nito nang bumaling siya sa isang bench na nasa gilid ng kalsada, "Do'n tayo, hija."

"Wait po Manong," ani ko nang tatakalan na sana ako nito sa isang plastic cup, "Mag-kano po 'yan?" 

Natawa ito ng mahina at itinuloy ang pag-takal. "Mura lang hija, 15 pesos."

Oh.

Inilahad na nito ang mainit-init pang taho sa akin, kaya ibinigay ko naman ang bayad.

Tinignan ko pa muli si Lolo, pero tumango lang ito, binigyan niya pa ako ng masarap-'yan-look.

Tinikman ko na nga ang taho, hindi ko mawari kung ano ang i-re-react ko sa nalasahan. Dahil ngayon ko lang naman ito natikman.

"Sulit ang 15 pesos mo, 'no, hija?" ngiting ani ng matanda.

Ngumiti naman ako ng tipid, "Yes po."

Magsasalita pa sana si Lolo nang marinig ko ang pamilyar na boses ng aking driver, si Manong Gustavo.

"Ma'am! Narito lang pala kayo. Tara na po," tumingin pa ito sa matanda at dumako rin ang paningin niya sa hawak-hawak kong isang plastic cup na taho.

"Lo, una na po ako," paalam ko sa matanda. Ngumiti lang ito tsaka tumango bilang pagtugon.

"You're late, Agnes," napatungo  ako sa bungad ng aking Lolo Raoul.

"Sorry Lo..." 

Kasalanan ko bang gumala muna, dahil hindi ko naman kasi nakita kanina ang magaling kong driver sa parking lot?

Bumuntong hininga si Lolo, "Anyway, maglinis ka na sa kwarto mo't kunin lang ang mga mahahalagang gamit."

Napakunot naman ang aking noo nang marinig iyon, "Po? Why Lo? Saan po tayo pupunta?" sabay-sabay kong tanong.

"Hija, tutal patapos na rin ang fist sem niyo. Ipapasok na kita sa napili kong Unibersidad," ngiti nitong ani.

Teka.

Ano?!

Ipapasok sa Unibersidad?!

Ni hindi pa nga nagsisimula ang pictorial namin para sa aming graduation!

"Lo, hindi pa po tapos ang pictorial namin. Tsaka hindi pa rin po nila inilalabas ang listahan kung sino nga ba ang mag-mamartsa talaga, ni hindi ko nga sure kung kasali ako roon..." pabulong kong ani.

Napakunot ang noo nito, "Why? Maayos naman ang mga grado mo hindi ba, hija?"

Bumuntong hininga ako, "Lo, naghihingalo ang aking grado sa contemporary arts...ang iba naman ay...parang tao ng pantay ang paa..."

Napatungo ako agad, inihahanda na ang sarili sa sermon niya. Pero ang tangi ko lang nadinig ay ang malalim na buntong hininga ng matanda.

"I guess...this is your last chance," hindi ko mawari ang sinasabi nito na 'last chance' kaya napatingin ako kay Lolo.

"Sa Unibersidad na papasukan mo'y hindi nila titignan ang iyong grado."

"Wait Lo, stop muna kayo riyan," ani ko't itinaas pa ang kamay ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?" kunot noo kong ani.

"Sa Unibersidad na papasukan mo'y kailangan na kailangan nila ang kagaya mong mga kabataan na namulat sa makabagong siglo...or should I say, iyong paaralan na 'yon ang kailangan mo."

"Po? Anong name ng Unibersidad, Lo?" takang-taka kong saad.

Napangisi ito nang makita ang interes sa mukha ko, "University...of antiquity."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status