Se connecterElena’s POVAng bawat ngiti ko ngayong gabi ay isang bitag, at bawat titig ay isang kasinungalingan. Sanay na ako sa ganitong laro. Sa harap ni Elliot, sa mundong ito, ako si "Lena," ang babaeng nakilala niya sa isang madilim na bar habang kumakanta, ang babaeng nakuha ang kanyang atensyon sa gitna ng usok at alak.Si Elliot ay gwapo, may matikas na tindig, at tila isang marangal na ginoo sa harap ng maraming tao. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kaniyang dignified na anyo ay ang isang gangster na uhaw sa dugo at kapangyarihan.I have been monitoring their business for almost five years. At nandito na ako sa lugar kung saan konti na lang at malalaman ko na ang mysterio tungkol kay Elliot. Ngunit ang lahat ng kasanayan ko sa pagpapanggap ay tila biglang naglaho nang mamataan ko ang isang pigura na hindi ko inaasahang makikita rito.Sage?Halos mawala ako sa aking karakter nang magtama ang aming mga mata. Hindi ito ang Sage na nakasuot ng tactical gear, hindi ito ang malamig na lid
Sage’s POVUmikot ako at pinakita ang presensiya ko kay Elliot.Tsaka lang ako nagawang sulyapan ni Elliot matapos niyang malasap ang bawat sandali ng kanyang pakikipag-landian kay Elena. Sa harap ko, tila ba isa siyang hayop na ninanamnam ang kaniyang huli, bago tuluyang mapagtanto na hindi lang siya ang tanging mabangis na hayop sa silid na ito.Nang sa wakas ay dumapo ang kanyang paningin sa akin, agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Ang kaniyang mapusok na awra ay biglang napalitan ng labis na pagkagulat na may halong kagalakan.“Mr. Sage San Fernando? You... you actually came?” bulalas niya. Ang kanyang boses ay punung-puno ng sigla, tila ba nakakita siya ng isang gintong pagkakataon na bigla na lang lumitaw sa kaniyang harapan.“You didn’t reply to my invitation. I thought... I thought the Swiss Titan had no interest in our local circles,” dugtong niya, hindi maikubli ang kanyang pagkamangha.“I am sorry, Mr. Lacraso, for this little surprise,” tugon ko. Pinilit kong magpakawa
Sage’s POVNanlaki ang aking mga mata. Ang tibok ng puso ko na kanina pa kalmado ay biglang nag-iba ng ritmo, mabilis, malakas, at puno ng pagkagulat. Halos hindi ko siya makilala.Elena?Nakalaylay ang kaniyang buhok sa malalambot na kulot, bumabagay sa isang Itim na gown na hapit sa kaniyang katawan. Ang kaniyang tindig ay puno ng poise, at ang kanyang mga mata ay tila nagniningning sa ilalim ng mga chandelier. Wala na ang tactical gear at ang lansa ng gabi, wala na ang angas. Ang nakikita ko ngayon ay isang banyagang reyna sa gitna ng mga halimaw.Nagdilim ang paningin ko nang makita kong nakaangkla ang kanyang kamay sa braso ni Emilio Lacraso, ang babaero at gangster na anak ni Mr. Lacraso. Ang kanyang presensya sa tabi ng lalaking iyon ay tila isang insulto sa lahat ng pinaghirapan ko para protektahan siya.Anong ginagawa mo rito? Nakita kong natigilan siya nang makita ako, ngunit pinilit niyang kumalma at ngumiti sa lahat.Pinanlakihan ko siya ng mata, isang tahimik na sigaw
Sage’s POVPagbaba ko mula sa aking Aston Martin DBX 707, agad akong sinalubong ng mansyon ng mga Lacraso.Ang mansyon ay tila isang modernong palasyo na nagniningning sa gitna ng kadiliman. Ang arkitektura nito ay kombinasyon ng glass-and-steel at klasikong disenyo, matatayog na puting kolum, naglalakihang mga bintanang yari sa tempered glass, at isang grand entrance na may malawak na bukana.Ang driveway ay napalilibutan ng mga landscape gardens na may mga spotlight na nakatutok sa mga mamahaling ornamental plants, habang ang sentro ng fountain sa harap ay may estatwa ng isang gintong agila na sumasagisag sa kapangyarihan ni Emilio Lacraso.Hindi lang basta transportasyon ang mga kotseng pumapasok, isa itong fashion show ng mga makina.
Sage’s POVAng basement ng aming safehouse ay amoy semento at luma, isang lugar kung saan ang katotohanan ay pilit na hinahugot sa bawat patak ng dugo. Sa gitna ng silid, nakagapos si Agila sa isang bakal na kursi.Kahit duguang at hirap huminga, may bakas pa rin ng nakakangilabot na ngiti sa kaniyang mga labi."Sino ang nag-pondo sa inyo, Agila?" tanong ko habang dahan-dahang isinusuot ang aking leather gloves."Hindi kayo aabot ng South Port nang walang sapat na armas at logistic support. Masyadong malinis ang galaw niyo para sa isang hamak na watak-watak na grupo."Tumawa siya nang paos, isang tunog na parang bakal na kinakalos sa semento. "Akala mo ba... kami lang ang kalaban mo,
Sage’s POVMula sa madilim na bintana ng kotse ni Ron, pinanood ko ang bulto ni Elena sa gitna ng kalsada. Kahit na nababalot siya ng dilim, damang-dama ko ang kaniyang nagngangalit na aura. Ang bawat kilos niya, ang padabog na pagkuha sa helmet, ang marahas na pagsabit nito sa motor, ay tila mga sigaw ng pagrerebelde na tumatama sa aking pandinig.Nang makita ko ang kaniyang repleksyon sa side mirror, hindi ako nagkamali. Isang matalim at nakakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin, kasunod ng isang mapanghamong eye roll na tila ba sinasabing wala siyang pakialam sa aking posisyon.Napahigpit ang kapit ko sa aking tuhod. Gusto kong mapangiti, pero pinigilan ko ang aking sarili. Matigas talaga ang ulo mo, Elena.Sa totoo lang, kung wala ang putok ng kanyang sniper rifle kanina, baka hindi na ako ang nakaupo rito ngayon. Alam ko na utang ko sa kanya ang hininga ko sa gabing ito. Ang kaniyang "I was worried about you" ay tila isang mainit na haplos sa aking pagod na puso, isan
Elena’s POV“Close ba kayo ni Agent Cipher, Elena?” bulong ng kasama ko habang nagmemeryenda kami. Nakatingin siya sa di-kalayuang si Sage, na kausap pa rin ang Chief.“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong ko, pilit, kalmado.“Parang favorite ka niya, ha?” nakangising tugon niya.Dumilim ang mukha k
Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayo
Sage’s POV Pagkababa ko sa motor ni Elena, dumiretso ako sa headquarters namin ni Ron. “Andito ka na pala, Sage. May nakuha akong bagong lead mula sa mga ebidensyang nakuha mo sa warehouse,” sabi ni Ron. “How was it? Eto, tignan mo.”Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki. “Si Agila?
Elena’s POVMatalim akong nakatingin kay Sage. “Ano na naman ang ginagawa ng lalakeng ito rito? Alam kaya ni Audrey ang mga pinaggagawa ni Sage?” Narinig namin ang papalayong yabag.“Pa-papatayin mo ba ako?” galit kong sabi, mahina ang boses ko nang alisin niya ang kamay niya sa aking bibig. “Ku







