Mag-log inNaramdaman ko ang kanyang bigat na dumagan sa akin, idiniin ako sa matigas na pader ng pasilyo. Ang amoy ng kanyang pabango, isang pamilyar na timpla ng sandalwood at panganib, ay sumakop sa aking pandinig. Bago ko pa man magawang sikuhin ang kaniyang tadyang o gamitin ang hidden blade sa aking suot, naramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking tenga.
![]()
Elena’s POVNapatingin ako sa labas ng bintana ng hallway ng condominium, tanaw ang malawak at madilim na kalangitan ng lungsod. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pabalik-balik sa aking isip ang pamilya ni Jessica, o mas kilala ngayon bilang si Audrey.Ang mga San Fernando.Hindi lang si Jessica ang nakataya rito. Ang dami at ang lalim ng mga kalaban na nakapaligid sa kanilang pamilya ay tila isang malaking galamay ng pugita na hindi pa tuluyang nailalantad sa liwanag.Masyadong malawak ang kanilang imperyo, at kasabay ng kapangyarihang hawak nila ay ang masidhing galit ng mga taong nagtatago sa anino, mga kalaban na handang pumatay sa oras na makita ang kaunting kahinaan.
Elena’s POVNakaabang pa rin ang aking kanang kamay sa hawakan ng baril sa ilalim ng aking coat nang dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse ni George. Sinalubong ko ang kaniyang seryosong tingin.“Good evening, Elena,” bati niya, pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili, ngunit bilang isang ahente, rinig ko ang bahagyang panginginig sa kaniyang boses.Agad kong binitawan ang aking armas at pinalitan ng isang pormal at magaan na ekspresyon ang aking mukha.“George! Kumusta? Magandang gabi rin.”“Can we invite you for a drink? May gusto lang sana akong malaman. And…” bigla siyang napahinto at lumingon sa paligid ng madilim na parking garage, tila
Elena’s POVHindi ako pwedeng magkamali. Ang mga mata ng isang ahente ay hindi nadadaya ng simpleng guni-guni. May kakaiba sa labas ng gusali, hindi guni guni ang nakita ni Audrey kung hindi totoong tao.Mabilis ngunit walang tunog akong kumilos. Lumabas ako ng gallery gamit ang fire exit sa gilid at mabilis na umikot patungo sa likod ng building, sa mismong bahagi kung nasaan ang bintana ng opisina ni Jessica/Audrey sa ikalawang palapag.Agad na sumalubong sa akin ang masukal na garden na napaliligiran ng matataas na halaman at ornamental na mga kawayan. Ang hangin dito sa likod ay mas malamig, tila may dalang banta. Nanatiling nakahawak ang kanang kamay ko sa dulo ng a
Elena’s POVNgunit hindi siya natinag. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, nanliliit ang kaniyang mga mata na tila may binabasa sa aking mukha. Hindi siya naniniwala sa akin.Pakiramdam ko, unti-unti nang nabibitak ang maskara ko sa harap niya. May kung anong misteryoso at malamlam sa kanyang aura ngayon.Bigla, napatigil siya. Napapikit ang kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang ulo.“Ahh!” Isang daing ng matinding sakit ang kumawala sa kaniya, parang may kung anong pumupunit sa loob ng kanyang bungo.“Miss Audrey! Audrey, are you okay?” Halos may panginginig ang boses ko habang lumalapit sa kanya.Bigla akong kinabahan at tatawag na
Elena’s POVNakatulog pala ako sa ibabaw ng mesa. Sinalubong ng aking namumungay na mga mata ang liwanag mula sa nakabukas pa ring laptop, kung saan nakalatag ang mga litratong nakuha ko kagabi mula sa opisina ng mga Lacraso.“Haaay...” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko.Wala. Wala akong nakuha kahit isang kahina-hinalang impormasyon. Ang lahat ng nandoon ay puro malilinis at legal na kontrata.Napahawak na lang ako sa aking ulo, tila sumasabay ang kirot niyon sa bigat ng frustration na nararamdaman ko. Limang taon na akong nagmamasid, pero parang palaging may isang hakbang na nauuna sa akin ang mga Lacraso.Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. Doon, dinatnan ko si Ethan
Sage’s POVIsang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatanaw mula sa bintana ng aking kotse. Sa 'di kalayuan, nakita kong tumatadyak sa inis at nanggigigil si Elena habang naghihintay ng sasakyan.“Stubborn woman,” bulong ko sa sarili, habang pilit na pinapawi ang kirot sa aking kaliwang pisngi. Malakas siyang manuntok, pero mas masakit pala siyang sumampal.Nang masiguro kong ligtas siyang nakasakay sa taxi at walang anumang kahina-hinalang sasakyang sumusunod sa kaniya, mabilis kong binalot ng seryosong tingin ang aking mukha. Inapakan ko ang gas at pinaharurot ang aking Aston Martin patungo sa aming hideout.Dumiretso ako sa loob at dinatnan si Ron na kasalukuyang kumakain ng ramen.
Elena’s POVAt last, the two-day training has ended. Hindi ko akalaing magiging ganito ka-intense kahit dalawang araw lang. Pakiramdam ko, isang linggo kaming nag-training.I have to admit, magaling talaga si Sage. Alam niya kung paano pabilisin ang training pero effective pa rin. Kaya siguro lahat
Sage’s POVNangingiti kong sinundan ng tingin si Elena habang papalayo ito. I don’t know, but I’m actually enjoying seeing her angry face. Nakakatuwang makita siyang naiinis. Mas lalo siyang gumaganda kapag ganon.“Elena…” mahina kong bulong.Nagising ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang tuno
Elena’s POV“Close ba kayo ni Agent Cipher, Elena?” bulong ng kasama ko habang nagmemeryenda kami. Nakatingin siya sa di-kalayuang si Sage, na kausap pa rin ang Chief.“Bakit mo naman nasabi ’yan?” tanong ko, pilit, kalmado.“Parang favorite ka niya, ha?” nakangising tugon niya.Dumilim ang mukha k
Elena’s POV Kahapon ang huling araw ko kay Audrey, kaya ngayon, excited akong gumising nang maaga. Sa wakas, makakabalik na ulit ako sa opisina.“Good morning!” masigla kong bati sa lahat pagdating ko.Pagpasok ko sa headquarters, napansin kong andoon na silang lahat. Bakit kaya ang aga nila ngayo







