George’s POVKita ko ang takot sa mukha ni Scarlett, pero sa loob ko, may ngiting hindi mapigilan. Hindi masukat ang kaligayahan ko ngayon.Alam kong hindi pa namin napag-uusapan ang nakaraan, pero para sa akin, ang nangyari kagabi ay malinaw na senyales, hindi ko na siya muling hahayaang mawala. Kung kinakailangan, ikulong ko siya sa buhay ko, gagawin ko. Dahil ako, hanggang ngayon… siya pa rin. Siya lang. I tried to look for other woman nung inakala kong may asawa na siya, ngunit wala akong mahanap. I always end up feeling guilty. “Mommy please… why can’t I go to Dylan’s house?” halos naiiyak na tanong ni Aiah.“Nabigla lang si mommy mo,” mabilis kong sagot, “Actually, ihahatid na kita papunta sa bahay ni Dylan. Di ba Scarlett?” makahulugan ko siyang tinitigan. Nanlaki ang mga mata ni Scarlett, kita ang pagtutol pero hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at inakay si Aiah papunta sa pinto.“George?” may halong galit ang boses niya. Umikot ako at tinitigan siya. “We’ve been going ar
Scarlett’s POV“Carly. Hey, Carly!”“Huh?” Para akong biglang hinugot mula sa malalim na iniisip nang makita kong winawagayway ni Audrey ang kamay niya sa harap ng mukha ko.“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong, bakas sa mga mata ang pag-aalinlangan.“Yes… yes, of course,” sagot ko, pero ramdam kong hindi kumbinsido pati ako sa sariling sagot.“I think I have to go. You look tired… sorry if I disturbed you,” sabi niya habang tumatayo.“No, Audrey, I’m okay,” pigil ko, ayaw ko pang matapos ang sandaling iyon.Hinawakan niya ang kamay ko, marahan, para bang sinasalo ang bigat na hindi ko masabi. “It’s okay. You look tired… and lost. You need rest. I’m sorry for disturbing you.”“ Thank you again for last night. I hope we have more bonding starting today?” nakangiti nitong sabi. “ Of course.. Of course” Ngumiti ako, kahit may kirot sa dibdib. “Thank you for visiting,” bulong ko.Hindi ko maintindihan kung bakit parang sasabog ang luha ko. Hindi ko naman masabi sa kanya kung anong
Scarlett’s POVNatigilan ako sa tanong ni Audrey.Biglang bumalik sa akin ang alaala ng nangyari kagabi…~ Flashback ~Shit… ang dami pala nila, bulong ko sa sarili habang patuloy na nakikipagsuntukan. Ramdam ko ang adrenalin sa katawan, pero alam kong hindi ako magtatagal. Ouch! Hindi ako nakailag, tumama ng kaunti ang suntok ng isang lalake.Nagulat ako nung lumipad ito.“George?” Si George, binigyan niya ito ng isang malakas na sipa na nagpalipad dito. “Halika na, hindi ko sila matatalo, marami sila!” si George, seryoso at may halong kaba ang boses sabay hila sa akin.Lumingon ako at nakita si Nick na karga karga si Audrey, habang si Sage ay tinutulungan si Elena. Napabuntong-hininga ako at nagpahila na lang kay George palabas ng bar. Nakisabay kami sa rumaragasang tao na nagmamadaling lumabas. Buti na lang at malapit ang kotse niya, sa ilang iglap, nakasakay na kami.“Why are you here?” tanong ko, halatang nagtataka.“We have a business meeting ni Sage at Nick,” simpleng sagot n
Audrey’s POVTeka… bakit nakangiti pa siya?Dahan-dahan niyang itinuro ang isang pinto sa may floor. Napakunot ang noo ko, sinusundan ng tingin ang direksiyon na tinutukoy niya. Tinaasan ko siya ng kilay, sabay pamewang, defensive reflex, siguro.“I… I live here,” mahina niyang sabi.Parang biglang na-drain ang lahat ng dugo ko sa katawan. Natigilan ako.Shit! Nakakahiya… ano ‘to, masyado ba akong assuming?OMG, gusto ko nang maglakad pabalik sa elevator, o kaya tumakbo, pero parang may nakapako sa mga paa ko.“E-ehh… you mean, yu… yun ang condo mo?” halos pautal kong tanong habang tinuturo ‘yung unit na sinabi niya kanina.Nakangiti siyang tumango. Natigilan ako sa reaksyon niya.Shit! Ano’ng nangyayari sa’kin?Bakit parang ang fresh at ang gwapo ni Nick ngayon? ‘Di siya mukhang strikto, ‘di katulad ng nakasanayan ko. May kung anong cool sa ngiting ‘yon.Napatingin ako sa kanya, parang natulala na ako. “Ah… hehe,” ‘yun lang ang lumabas sa bibig ko bago umiwas ng tingin. Nakakahiya
Audrey’s POVTumingin ako kay Sage nang bumukas muli ang pinto ng aking kwarto. Hindi pa rin ako kumilos simula nang umalis sila kanina. Tahimik siyang lumapit, halata sa mukha ang pag-aalala, at marahang hinawakan ang aking kamay.“Nanaginip ka na naman ba?” tanong niya, mababa ang boses.Tumango ako, saka huminga nang malalim.“Sage… hindi ko alam kung panaginip lang ba ‘yun… pero ang totoo, parang tunay siya.” Napatigil ako sandali bago magpatuloy. “Hindi kaya… hindi kaya isa ‘yun sa mga nawawalang alaala ko?” kinakabahan kong tanong.“Possible…” sagot niya, nakatitig sa akin. “Gusto mo bang pumunta sa doktor? Pwede tayong lumipad sa Switzerland para matingnan ka ng dati mong doktor… o kung gusto mo, maghanap tayo ng bago dito sa Pilipinas.”Umiling ako. “Hindi ko alam… pero natatakot ako, Sage. Natatakot ako sa puwede kong maalala.”Muling bumalik sa isip ko ang mga pira-pirasong alaala. Lahat masakit. Lahat nakakatakot.“Sige lang, huwag mong pilitin. Kusa ‘yang babalik ng hind
Audrey’s POVHindi ako makagalaw. Anong nangyayari? Bakit may naririnig akong putok ng baril… at mga yabag… mabilis at mabibigat na yabag? Bakit parang masakit ang aking katawan?Nanginginig ang katawan ko pero parang may humahawak at pumipigil sa akin. Bakit hindi ako makakilos? Anong nangyayari sa paligid? Sino ang humahawak at humihila sa akin? Bakit parang nasa barko ako? Nasaan ako? Bakit… bakit ganito?Blangko.Parang iba’t ibang eksena ang pilit sumasagi sa isip ko, iba’t ibang lugar, iba’t ibang sandali, pero lahat malabo, parang nananaginip ako nang gising.“Audrey… Audrey…”“Huh!”Parang bigla akong naiahon mula sa malalim na pagkalunod. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.“Si Nick?” Napabulong ako, puno ng pagtataka. “Bakit ko kasama si Nick? Anong nangyayari?”Lingon ako nang lingon, gulong-gulo. Unti-unting bumalik ang alaala, si Elena, may sinuntok siya… nagkagulo… nag-ingay ang paligid.Napatitig ako kay Nick, nanlalaki pa rin ang mata.“What’s going on? Wher