Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 142: Pride and Petals

Share

Chapter 142: Pride and Petals

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-05-07 22:29:32

Makalipas ang isang linggo, nakaupo si Sigmund sa kaniyang opisina nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.

Isa sa mga kakilala niya sa korte ang nasa kabilang linya, nagsalita nang mahaba-haba, nagpaliwanag ng maraming bagay—pero sa dinami-rami ng sinabi nito, dalawang salita lang ang tumatak sa isip ni Sigmund:

“Bahala na!”

Talagang nagsampa ng demanda si Cerise.

Hindi niya inakalang kaya ng babae na gawin iyon nang walang pag-aalinlangan. Ganoon nga talaga ito ka-desisido kung ayaw na nito sa isang tao.

Kinahapunan, naglaro siya ng tennis kasama si Izar. Habang nagpapahinga sa gilid ng court, inabot ni Izar ang tuwalya sa kaniya.

“Totoo namang lagi siyang tense kapag kasama ka,” ani Izar habang pinupunasan ang pawis. “Pero ngayon, idedemanda ka niya? Anong meron?”

Napangisi si Sigmund na may halong pangungutya. “Nagpapanic lang siguro para sa direktor ng TV station nila. Baka gusto lang niya akong kausapin para ili
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 170: In Between  

    Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 169: Stay Behind

    Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 168: Don't Deny Me

    Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 167: His Right, Her Silence

    Hindi naitago ni Cerise ang hinanakit nang sumagot siya, "Hindi ko kinikilala ang relasyong ‘to!"Mabilis siyang bumangon mula sa kama, isinara ang ilang butones ng kanyang blouse habang nagmamadaling hanapin ang kanyang sapatos. Sa isip niya, mas ligtas kung babalik na lang siya sa kanyang maliit na apartment. Maari naman siyang umalis bukas, at ayaw na ayaw niyang muling paglaruan pa ang dignidad niya sa lugar na ito."‘Wag mong sabihing hindi mo ‘to kinikilala."Nakita ni Sigmund ang balak ni Cerise na magsapatos. Agad siyang lumapit at hinila ang braso ng babae, pilit niyang pinaharap ito habang ang malamig at madilim nitong mga mata’y nanunuot sa kanya."Ano bang gusto mong mangyari, Sigmund?!"Hindi na napigilan ni Cerise ang magtaas ng boses. Sobrang higpit ng pagkakakapit nito sa kanya kaya’t napairi siya sa sakit.Hinawakan ni Sigmund ang kabilang kamay niya at itinupi iyon sa harap ng kanyang dibdib. Matigas ang tinig nitong nagsalita, "Asawa kita sa papel, may selyo’t pirma

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 166: You Are My Wife

    Pagkatapos ng hapunan, nagsalo-salo ang buong pamilya sa mga prutas habang nanonood ng isang dramang pampamilya sa sofa. May halakhakan, tahimik na titig, at ilang salitang palitan habang dumaraan ang oras. Nang tumayo na ang matandang lalaki at babae para magpahinga, kasunod na ring nagpaalam sina Mr. at Mrs. Beauch. Hanggang si Cerise at Sigmund nalang ang natira sa sala.Tahimik na nakayuko si Cerise, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigil ang mga damdaming ayaw niyang ipakita. Sa tabi niya, tila walang pakialam si Sigmund, nakatingin lamang ito sa mga patalastas sa telebisyon. Wala siyang imik, hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone."Busy ako, huwag ngayon!" matigas niyang sagot.Sa kabilang linya, maririnig ang maingay na usapan ng mga tao. May halakhakan, may malalakas na boses, pamilyar ang isa—si Izar?Nais sanang sabihin ni Cerise na lumabas na lamang siya para hindi sila mapilitang magkasama sa gitna ng katahimikan ng gabi. Ngunit

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 165: All Eyes But His

    Hindi mapigilan ni Cerise ang mapatingin sa binata. Tahimik itong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang pagkakaupo, tila ba isang sundalong laging handa. Ngunit hindi ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang mabasang emosyon, tila wala itong nararamdaman, ngunit para kay Cerise, iyon ang mas nakakabahala. Nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring abala.Kinuha niya ang tsarera na nasa gitna ng mesa at isa-isang nilagyan ng tsaa ang tasa ng mga nakatatanda. Una kay Mamita, sunod kay Papito, at sa dulo, kay Ginang Beauch. Pilit niyang iniiwasang pansinin ang tensyon na nagsisimulang bumalot sa silid. Parang unti-unting nababawasan ang hangin sa paligid, at hindi niya alam kung bakit.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Mamita, may bakas ng paglalambing sa mga mata nito. Nang marinig niya ang bulong ng matanda, ramdam niyang may kakaiba sa tono nito.“Napakabait talaga ng apo namin,” sabi ni Mamita, ang boses ay malam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status