Pagkatapos pumasok sa silid, kinuha ni Cerise ang isang vase upang paglagyan ng mga bulaklak, ayaw na niyang makitang inis si Sigmund. Ngunit ano ang narinig niya pagpasok niya sa loob?
"Kayo namang dalawa ay legal na mag-asawa, bakit hindi niyo na lang gawing opisyal para wala nang ibang tsismis na kumakalat?"
Nakatayo si Sigmund sa tabi ng bintana, hindi sumasagot, ngunit nagtagpo ang kanilang mga mata.
Habang kumakain ng orange mula sa lata, may sinabi naman ang matandang ginang, "Sa tingin ko, tama ang mommy mo. Mas mabuti nang ipahayag niyo na ito nang direkta."
"Hindi! Mamita! Hindi puwedeng isapubliko ang kasal namin!" Lumapit si Cerise, inilapag ang mga bulaklak sa kabinet, at seryosong nagsalita.
"Bakit hindi puwedeng ipahayag? Kitang-kita ko kayo, magkasama kayong natulog." Tinanong siya ni Mrs. Beauch.
N
Sa loob ng Whitmore Estate, nanatiling malamig at mabigat ang katahimikan. Parang usok ng insenso sa sinaunang templo, gumagapang ito sa bawat sulok ng silid. Dahan-dahang ibinaba ni Nathan ang hawak na cellphone, at sa kanyang mga mata’y may bakas ng lungkot, pagkadismaya, at kawalan ng direksyon. Hindi siya agad nakapagsalita, tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib, hindi siya makagalaw.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo ang kanyang ama, si Nicolas, ang taong sa isang tingin pa lang ay kayang magpatahimik ng buong mundo. Ang mga mata nito ay parang naglalagablab na karbon, handang sunugin ang anumang pagtutol.“O, pumayag ba?” tanong nito, malamig ang tono pero puno ng paghuhusga.Hindi kumibo si Nathan. Wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa sandaling iyon, dumagundong ang palad ng kanyang ama sa armrest ng silya. Tumalbog ang alingawngaw ng tunog sa apat na sulok ng kwarto, tila isang kulog sa gitna ng bagyo.“Sa dinami-rami ng babae, bakit si Am
Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana
Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum
Hindi naitago ni Cerise ang hinanakit nang sumagot siya, "Hindi ko kinikilala ang relasyong ‘to!"Mabilis siyang bumangon mula sa kama, isinara ang ilang butones ng kanyang blouse habang nagmamadaling hanapin ang kanyang sapatos. Sa isip niya, mas ligtas kung babalik na lang siya sa kanyang maliit na apartment. Maari naman siyang umalis bukas, at ayaw na ayaw niyang muling paglaruan pa ang dignidad niya sa lugar na ito."‘Wag mong sabihing hindi mo ‘to kinikilala."Nakita ni Sigmund ang balak ni Cerise na magsapatos. Agad siyang lumapit at hinila ang braso ng babae, pilit niyang pinaharap ito habang ang malamig at madilim nitong mga mata’y nanunuot sa kanya."Ano bang gusto mong mangyari, Sigmund?!"Hindi na napigilan ni Cerise ang magtaas ng boses. Sobrang higpit ng pagkakakapit nito sa kanya kaya’t napairi siya sa sakit.Hinawakan ni Sigmund ang kabilang kamay niya at itinupi iyon sa harap ng kanyang dibdib. Matigas ang tinig nitong nagsalita, "Asawa kita sa papel, may selyo’t pirma
Pagkatapos ng hapunan, nagsalo-salo ang buong pamilya sa mga prutas habang nanonood ng isang dramang pampamilya sa sofa. May halakhakan, tahimik na titig, at ilang salitang palitan habang dumaraan ang oras. Nang tumayo na ang matandang lalaki at babae para magpahinga, kasunod na ring nagpaalam sina Mr. at Mrs. Beauch. Hanggang si Cerise at Sigmund nalang ang natira sa sala.Tahimik na nakayuko si Cerise, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigil ang mga damdaming ayaw niyang ipakita. Sa tabi niya, tila walang pakialam si Sigmund, nakatingin lamang ito sa mga patalastas sa telebisyon. Wala siyang imik, hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone."Busy ako, huwag ngayon!" matigas niyang sagot.Sa kabilang linya, maririnig ang maingay na usapan ng mga tao. May halakhakan, may malalakas na boses, pamilyar ang isa—si Izar?Nais sanang sabihin ni Cerise na lumabas na lamang siya para hindi sila mapilitang magkasama sa gitna ng katahimikan ng gabi. Ngunit
Hindi mapigilan ni Cerise ang mapatingin sa binata. Tahimik itong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang pagkakaupo, tila ba isang sundalong laging handa. Ngunit hindi ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang mabasang emosyon, tila wala itong nararamdaman, ngunit para kay Cerise, iyon ang mas nakakabahala. Nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring abala.Kinuha niya ang tsarera na nasa gitna ng mesa at isa-isang nilagyan ng tsaa ang tasa ng mga nakatatanda. Una kay Mamita, sunod kay Papito, at sa dulo, kay Ginang Beauch. Pilit niyang iniiwasang pansinin ang tensyon na nagsisimulang bumalot sa silid. Parang unti-unting nababawasan ang hangin sa paligid, at hindi niya alam kung bakit.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Mamita, may bakas ng paglalambing sa mga mata nito. Nang marinig niya ang bulong ng matanda, ramdam niyang may kakaiba sa tono nito.“Napakabait talaga ng apo namin,” sabi ni Mamita, ang boses ay malam