“Tinatanong pa ba yan? Anong klaseng pamilya yan?”
“Ah Ceri…” Napasinghap siya.
“Tawagin mo ako sa pangalan ko.” Walang emosyon nitong sabi. “Since nandito ka naman, may libreng oras ka naman yata para sumama sa’kin sa Civil Affairs Bureau, diba?”
May kahulugan nitong saad. Civil Affairs Bureau, tatlong salita na sana’y simpleng lugar lamang ngunit parang diin ng patalim sa kanyang puso.
‘Gaga ka kasi. Ikaw rin naman nagtanong.’ Saad niya sa sarili.
Samantalang nagtaka naman siya sa reaksyon ni Sigmund, mukhang hindi ito natutuwa.
Pinipilit niya bang maghiwalay sila?
Hindi marinig ni Cerise ang sagot ni Sigmund kaya tumingin siya ulit dito.
“Okay na ba ngayon?”
“May meeting ako mamaya! Mahalagang meeting.” Napunta ang tingin ni Sigmund sa hangganan ng corridor, at ang sigarilyo sa kamay niya ay naupos na.
“Eh bakit hindi ka pa umaalis?”
Tanong ni Cerise.
Yumuko naman ito at tila sinusuri ang sapatos, at matapos ay tiningnan siya. “May bakanteng posisyon sa marketing department, why don’t you go?”
“Nakaapply na ako sa isang TV station.” Dagliang sagot niya, ‘tila ba nakaprograma ang kanyang sarili sa pagsagot dito. Hindi niya inaasahan na aalukin siya nito ng trabaho, at syempre, dapat niyang tanggihan.
Kung pagkatapos nang divorce ay nagtatrabaho siya sa ilalim niya, ano nalang ang iisipin sa kanya ng mga tao?
“TV Station? Bakit? Ano ba’ng gusto mong gawin?”
“News anchor.” Sagot niya.
“Maybe the job is not that suitable for you.” Bahagyang pagsimangot nito habang hindi siya tinitingnan. Nakatingin lang ito sa malayo pero kalmado at hindi nakababa ang depensa. “Suplada ka pero takot ka parin sa maraming tao.”
“Mas mabuti na ‘to kaysa naman sa poder mo.” Irap niya. “Umalis ka na nga. May gagawin pa’ko.”
Plano niyang bumili ng gamit sa panglinis ng katawan lalo na’t napatagal rin ang pamamalagi niya sa ospital at hindi naasikaso ang sarili. Linagpasan niya ito pero napansin niyang sinundan parin siya nito papuntang elevator. Medyo nanikip naman ang kanyang dibdib nang makita ito dahilan para umiwas siya ng tingin.
Samantalang hindi naman maintindihan ni Sigmund ang inaasta ni Cerise. Alam niyang hindi ito ganyan sa kanya noon. “Alam kong mahirap sa’yo ang pinagdadaanan ni Mama, you can put a hold on a divorce for now.”
Ani sigmund habang diretsong nakatingin sa kanyang payat na mukha.
Natulala siya sa narinig. Kailan ba ang huling beses na tinawag niyang ‘Mama’ ang ina niya, noong nakaraang araw? Buwan? Taon? Hindi na niya matandaan. Isa lang ang alam niya, ‘yun ay ang sana, hindi ito ang huling beses na bibigkasin niya ang salitang iyon, at ang ina niya ang tinutukoy ni Sigmund.
Ngunit ang ganoong pangyayari ay ‘di hamak na isa na lamang ‘sana’ sa ngayon. Napasinghap siya sa mga naiisip at kalmadong tumugon. “Hindi na kailangan. I signed that with all these in mind. You can say that I was prepared when I went home.”
Kasinungalingan.
Kung handa siya sa mga mangyayari, edi sana’y hindi siya ngayon nasa iisang silid kasama ang lalaking pinakamamahal niya’ng hindi naman siya kayang mahalin pabalik. Kung sana ay pinirmahan niya agad ang mga papeles, marahil ay nakalayo-layo na siya at isa lang ang pinoproblema niya.
Ayaw niyang makasabay si Sigmund paglabas ng elevator mabuti nalang at dahil naka-sneakers siya ay mabibilisan niya ang paglalakad. Pero bago pa man siya makalabas ay sumandal na ito sa gilid ng pinto ng elevator, “Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.”
Tiningnan niya ito nang masama.
Naalerto naman si Sigmund sa paraan nang pagtingin sa kanya ni Cerise.
Tumingkayad siya at inilapit ang mukha kay Sigmund, halos ilang sentimetro lang ang layo ng mga mukha nila at damang-dama niya ang paghinga ni Cerise sa may labi niya. Pero sa kakapiranggot na segundo lamang ‘to dahil dagling umiwas si Sigmund.
“May mysophobia ka, alam kong ayaw mong nadidikit sa tao, kaya ‘wag mong ipilit ang sarili mo.” Saad ni Cerise. “Hiwalay na tayo. I sincerely wish you and Ate Vivian a happy marriage.”
Pinilit niyang ipakita ang pinakamatamis niyang ngiti at nang hindi ito umimik ay dagli siyang lumabas nang elevator at matulin na naglakad palayo.
Nang makalayo-layo na siya ay napahinto siya.
Hawak ang puso ay napaupo siya sa isang bench. Nang-iinit ang pisngi at pasuko na ang tuhod sa panghihina.
‘What was that, Cerise?!’ Tili niya sa utak nang maalala ang nangyari kanina. Saan ba siya kumuha ng lakas ng loob?
Napatakip naman siya ng mata sa hiya nang maalala ulit iyon.
“Hindi. ‘Wag. Bawal kiligin.” Pangungumbinse niya sa sarili pero sino ba ang inuuto niya kung hindi ang sarili. Nang kumalma siya ay naisip niyang dapat na ngang mapirmahan ni Sigmund ang divorce papers. Kung tatagal lamang ay masyado lamang siyang mahihirapan magpatuloy. At ang malala ay baka hindi na niya gustuhin pang makipaghiwalay.
Kung si Sigmund lang ay maituturing siyang pamilya, pero hindi siya. Hindi niya magagawang magkunwaring wala lang sa kanya ang lahat kung makikita niyang magiging mag-asawa si Vivian at Sigmund.
‘Gusto ko lang naman maging asawa niya!’ Sigaw niya sa isip.
“Ma’am, bayad po.” Ani cashier habang hinihintay kiboin nang customer niyang tulala.
“Ay oo nga pala.” Tarantang sabi ni Cerise at hinanap ang wallet niya.
“Ako na.” Saad ng isang boses at iniabot ang credit card nito.
Nagulat naman si Cerise at dagling napalingon sa likod niya.
“Kuya Izar!” Halos patiling tawag nito.
Ibinalik naman kay Izar ang card niya at sabay silang naupo sa labas ng convenience store. Pinagbuksan siya nito ng binili nitong noodles na hindi naman niya tinanggihan dahil paborito niya ito.
“Ngayon lang kita nakita ah. Nagtatampo ako na hindi mo man lang ako dinalaw.” Malumanay na sabi nito sabay nguso.
Natawa naman si Cerise. “Kuya naman! HAHAHA! Para kang pato.”
“Izar. ‘Wag mo akong makuya-kuya at baka isipin nila sobrang tanda ko na. Dati lang iyon kasi halos kapantay mo lang tuhod ko.” Natatawa nitong sabi.
Sumimangot naman si Cerise sa sinabi nito. Si Izar man ang pinakamabait sa mga kababata niya, hindi maipagkakailang ito rin ang pinakamalakas manukso sa kanya.
“Are you doing well?” Biglang nag-iba ang tono nito. Malumanay parin pero ngayon ay may bakas na ng pag-aalala. Naintindihan naman agad ni Cerise ang tinutukoy nito, at dahan-dahan siyang tumango. “Asan ba ang cellphone mo?”
Iaabot palang niya sana nang hablotin ito ni Izar sa kamay niya at dahan-dahang inilapag sa palad niya pagkatapos. “Ayan ang number ko, tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Kahit bahay pa ‘yan, isang tawag lang ako.”
Biro nito sabay tawa. Tumango naman si Cerise. “Ayusin mo. Kapag ‘di ka agad dumating…”
“Dadating ako.” Tila may kahulugan nitong sabi. Napatingin naman sa kanya si Cerise at pinisil nito ang pisngi niya.
“Aray!”
Humalakhak naman ito nang napakalakas.
“Alam kong gusto mo na si Sig kahit noong mga bata pa tayo, pero marami pang bagay ang meron sa mundo. Hindi lang sa kanya ka pwede maging masaya.”
Napatingin siya dito. Noon palang, si Izar na talaga ang nakakaintindi at naging kakampi niya.
Tumayo si Izar at inalok siya ng kanyang braso para humawak si Cerise.
“You’re acting like I’m some elderly. Kaya ko naman maglakad kahit hindi nakahawak sa’yo.” Nakangiting sabi ni Cerise.
“Bitawan mo siya”
Nagulat sila sa narinig. “Bakit ka nandito?”
Umalingawngaw ang tunog ng video call sa kalagitnaan ng katahimikan sa maliit na apartment. Mula sa kusina, kusang lumakad si Cerise patungo sa sala nang marinig ang salitang "Mamita." Parang awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa, dala ng gulat at pagkasabik na hindi niya maipaliwanag. Nang maupo siya sa harap ng laptop, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha. Wala siyang suot na make-up, pero ayaw niyang makita ng matanda ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.Nasa gilid si Sigmund, nakalagay ang isang kamay sa likuran ni Cerise, ngunit ang katawan nito’y nakalayo. Sa kabila nito, malinaw pa ring kita ang kanilang mga mukha sa screen. Kitang-kita rin ang pagkairita sa mukha ng matandang babae habang pinagmamasdan sila.“Baby, sinaktan ka ba agad ng batang ‘yan pagdating niya?” tanong ni Mamita na hindi maitago ang pag-aalala sa boses.Mabilis na umiling si Cerise. “Hindi, Mamita. Nang binuksan ko lang ang pinto kanina, may buhangin na pumasok sa mata ko, napuwing lang ako. Masa
Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si
Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong
Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang
Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana
Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum