Nang pagbalik niya’y sinamahan na rin niyang bumalik sa hospital ang Mama niya. Tinurokan muna ito ng painkiller at naabutan niyang tulog na ito pagkatapos niyang makiusap sa doktor ayon sa mga tests na kanilang isasagawa. Nanlulumo siya kapag nakikita ang ina na dati ay masigla at masiyahin.
Hindi niya aakalain na aabot sa puntong mas bababa pa sa 40 kls ang timbang ng ina dahil sa sakit. Alam niyang labis ang sakit na nararamdaman nito base palang sa laki ng ibinawas sa timbang nito mula noong pag-alis niya.
Paulit-ulit na nadidinig niya ang sinabi ng doktor.
“Ihanda mo na ang sarili mo sa anumang pwedeng mangyari. Ano mang oras ngayon ay puwede siyang mawala. We can only give her painkillers to ease the pain. We can’t treat her anymore. Masyado nang nagspread ang cancer cells sa katawan niya. You can only hope na umabot pa siya kahit isang buwan.”
Lumabo ang tingin niya sa luhang bumalot sa mata niya. Ayaw niyang umiyak, at hindi siya iiyak! Buhay pa ang Mama niya, ano ang dapat niyang iiyak? Kung nagawa niyang malampasan ang stomach cancer, tatlong taon na ang lumipas, siguradong may gamot nang nagawa na mas effective panlaban dito. Alam niyang may Diyos, may awa ang Diyos.
“Riri, ‘nak.” Tawag nito sa kanya. Bagamat nanghihina ay nakuha parin nitong umupo.
“Ma!” Tumabi si Cerise sa hospital bed nito at yumakap.
“Huwag kang malungkot, lahat naman ng tao papunta din sa kamatayan eh.”
“Maaa!” Ayaw niyang marinig ang mga salitang iyon o kahit isipin na mag-isa nalang siya sa mga dadating pang taon. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa ina at hinawakan ang kamay nito.
“Oh, bakit? Mabuhay ka nang mabuti para makaalis nang hindi nag-aalala si Mama.”
“Ma…” Wala na siyang ibang masabi kung hindi ang pantig na iyon. Alam niyang naghihintay lamang ang kanyang mga luha na mag-unahan sa pagtulo.
“Sabihin mo nga kay Mama, ‘nak. Inalok ka ba ng divorce ni Mundo (Sigmund)?”
“Ma… Alam mong ayaw niyang tinatawag siyang ganyan.” Humagikhik naman ang Mama niya at tumango siya pero ngumiti ito.
“Okay. Ang bait naman ng baby ko. Nababahala ka ba kung paano ka makakahanap nang pampalit sa kanya? Siya ang nawalan, hmp!”
Ani nito habang pinanggigigilan ang pisngi niya.
“Syempre naman, Ma.”
“Very good. Kahit anong oras, dapat masaya kang haharap sa mundo ha? Wag mong papabayaan ang sarili mong mabaon sa lungkot.”
“Opo.”
Sumasang-ayon man siya ngayon, alam niyang hindi niya kayang humarap nang masaya sa mundo. Nagpakamatay ang Papa niya, minahal niya ang taong hindi niya dapat mahalin, at ngayon, ang nag-iisang tagabigay ng lakas sa kanya ay iiwan na rin siya. Paano niya pa makukuhang maging masaya?
Matapos ang maikling kwentuhan ay nakatulog uli ang Mama niya. Takot na takot siyang mag-isa sa darating na mga araw, at nakatulog siyang ginagambala nito.
Laking gulat niya nang maalimpungatan sa presensyang nadama, si Sigmund pala.
Naihatid na ang pagkain sa Mama ni Cerise at pinaalis silang dalawa para mag-usap habang siya’y kakain.
“Natakot ka ba kagabi?” Mahinahong tanong nito.
Limang taon ang tanda sa kanya ni Sigmund, hindi na sa kanya bago na maging tunog kuya ito paminsan-minsan. Pero napapasaya pa rin siya nang kahit ganitong interaksyon nila.
Ngumiti si Cerise at tumango. “Ayokong isipin ni Mama na ako pa rin yung batang pag iniiwan niya sa inyo noon, eh magdadabog tas iiyak kasi hinahanap siya. Pero hindi ko magawang hindi umiyak.”
Napalunok siya. Kahit ngayong kinukuwento niya lang ito ay napapaiyak na siya, ano pa kaya kung tuluyan na siyang iwan?
“Pwede mo naman akong tawagan para samahan ka.”
Saad ni Sigmund.
Napahalakhak naman si Cerise. “Maghihiwalay na nga tayo.”
“I watched you grow up, Cerise…”
“Hindi matutuwa si Ate Vivian kapag sobrang lapit mo sa’kin. Hindi rin maayos ang kalusugan niya, mas mabuti nang huwag mo siyang pag-alalahanin.”
Napatingin sa malayo si Cerise na mukhang nanibago naman si Sigmund. “I appreciate the thought and you being sensible. Pero alam mong malapit din si Vivian sa Mama mo, hindi siya papayag na papabayaan lang kita .”
“So, kaya mo ginawa lahat ng ito dahil kay Ate Vivian?”
“Legally, you’re my wife. Ang pamilya mo ay paamilya ko rin.”
“Pero soon…”
Naiintindihan niya si Sigmund pero alam niyang wala nang pakialaman pagkatapos ng divorce.
May biglang tumalsik na bola ng volleyball sa direksyon ni Vivian, na agad namang hinarang ni Sigmund dahilan para mapalapit ang mukha niya sa babae. “It will be the same in the future. Walang magbabago.”
Napalunok naman si Cerise sa pag-a-eye-to-eye nilang dalawa. Napagtanto niyang hindi niya kailanman makakalimutan ang maamo nitong mukha at sa tuwing makikita niya ito ay mauulit lamang ang pagmamahal niya dito. Kaunti lang ang pagitan nila at naamoy niya ang pabango nito at di niya maiwasang magtanong.
“Hindi ka man lang nagbago ng pabango, all these years?”
“Mabango pa rin naman ah. Sanay na akong gamitin ‘to, ba’t ko pa papalitan?” Natagalan bago naman nakasagot si Sigmund kaya kinuha na niya itong pagkakataon para bumalik sa ward.
Hindi niya lubos maisip ang kalagayan niya kung sakali mang tulungan pa siya ni Sigmund pagkatapos ng divorce. Ayaw na niya pa itong makita kung sakali man. Mas masasaktan lang siya kung makikita niyang masaya ito sa iba.
“Maghihiwalay na kayo diba? Riri will bless you, and you will bless Riri, right?”
“Opo.” Napatingin si Sigmund sa babaeng naglakad sa tabi niya at sa mabilis na segundo ay nagbigat ang paghinga niya.
“That’s good. Lumaki siyang kasama ka, huwag naman sana siyang pahiyain mo ha. Syempre, bilang ina, gusto ko lang na tulungan mo siya kung nahihirapan man siya.”
“Ma! Ano ba’ng sinasabi mo?” Galit na tanong ni Cerise dahil parang naghahanda na nga ang ina.
“Sinabi ko na sa’yo na normal lang ang mamatay. Hiram lang natin ‘to, tapos ako binabalik ko na. Kung mawawala tala si Mama, ano nalang ang gagawin mo mag-isa?”
Alam ng Mama ni Cerise na hindi kakayanin ng anak ang pagkawala niya kaya sinabi niya ito habang nandyan si Sigmund.
Si Cerise naman ay nag-uumapaw na ang emosyon at natitipon na ang luha sa mata niya dahilan para mapasigaw ito.
“Hindi ka aalis! Hindi ako papayag!”
“Eh kahit naman ako hindi rin, pero ayaw ni Lord eh. Dalawang beses na akong nagkacancer, yung isa chance na yun pero ngayon…”
Napatingin naman sa kamay niya ang Mama ni Cerise. “Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po siya pababayaan.”
Hinawakan ni Sigmund ang kamay ni Cerise. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha.
‘His hands are warm.’ Naisip niya. ‘Pero hindi para sa akin.’
“I don’t need you to take care of me!” Malakas niyang pagtutol. “Kaya ko ang sarili ko. I will live well kaya ipangako mong hindi ka basta-basta susuko.”
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ni Sigmund.
“Opo. Alam ni Mama yan.”
Yinakap ni Cerise ang ina niya at umalis muna si Sigmund upang magsigarilyo.
Nagulat naman siya nang madatnan pa ito paglabas niya.
“Bakit andito ka pa?” Hindi niya mapigilang itanong.
“Hindi pa tayo hiwalay, bakit pinapalayas mo na ako?”
“Hindi kita pahihirapan. Huwag mong isipin ang sinabi ni Mama.”
“So hindi na tayo pamilya pagkatapos ng divorce?”
Walang ekspresyon sa mukha ni Sigmund. Tulad ng nakasanayan, malamig at maamo ang anyo nito, ngunit ang pagkakatali niya ng ribbon ay perpekto; malinis, pantay, at may kung anong alaalang ibinubulong."Okay na," anito matapos ang ilang saglit, saka dahan-dahang binitiwan ang ribbon.Gustong magsalita ni Cerise, isang payak na ‘salamat’ sana ang lalabas sa kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita. Sa halip, tahimik siyang tumuloy sa loob, bagama't parang nakalimutan niya kung alin sa mga paa ang dapat unang iangat. Ang pakiramdam niya’y may kung anong anino ang susunod sa kanya, handang habulin siya at pabagsakin sa sahig.Sa loob ng bahay, nakaupo ang matandang mag-asawa sa sofa, pareho silang may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig nila ang mga yapak, sabay silang tumingin sa pintuan. Lumuha agad ang matandang babae, agad nitong tinawag si Cerise, "Apo, hindi mo na yata mahal si Mamita!"Biglang lumambot ang puso ni Cerise. Bago pa man siya tuluyang makalapit, iniunat na niya a
Pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan. Kaya nang muling bumalik siya sa bansa, sumakay agad siya ng taxi papunta sa radio station.Tahimik lang ang biyahe, ngunit hindi rin mapigilan ng drayber na lingunin siya paminsan-minsan sa rearview mirror.“Sa TV ka ba nagtatrabaho, Miss? Parang nakita na kita dati.”Napatawa si Cerise. “Baka kamukha ko lang ‘yon.”Hindi pa rin nakuntento ang drayber. Mas pinagmasdan siya nito habang bumababa ng taxi at pumasok sa gusali. Nang tuluyang mawala ang babae sa loob, saka lang siya napa-"Aha!"“Cerise?” bulong niya habang agad na inilabas ang cellphone.Agad siyang nag-record ng maikling clip habang papasok si Cerise, saka tinawag muli, “Cerise!”Luminga si Cerise at kumaway ng isang magalang na ngiti, tila walang ideya sa paparating na gulo.Ngumiti ang drayber, parang fanboy na kinikilig. Kumaway pabalik, saka walang patumpik-tumpik na in-upload ang video sa social media.Nag-viral ito agad.—Banda hapon, papunta sana si Cerise sa din
Maaga pa lang ngunit tila hinugot mula sa bangungot si Sigmund nang bigla siyang magising. Basang-basa ng malamig na pawis ang kanyang katawan habang mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Isang mukha ang nananatili sa isipan niya, duguan, baluktot sa hirap, parang nananaghoy sa pananakit. Halos hindi siya makahinga habang pilit inaalis ang imahe sa kanyang ulo.Kumaripas siya ng abot kamay sa cellphone, kinapa ito sa dilim, saka agad nag-dial ng pamilyar na numero. Sa kabilang linya, may sumagot na boses, mababa, paos, tila gising mula sa luha kaysa sa antok. Napahinto si Sigmund sa kinatatayuan niya, tila pinutol ng tinig na iyon ang pag-inog ng oras sa paligid niya. Hinayaan niyang lamunin ng katahimikan ang pagitan nila bago siya muling nakapagsalita."...Wrong number," mahinang bulong niya, saka dahan-dahang ibinaba ang cellphone.Ngunit hindi ganoon kadaling mapawi ang narinig niyang tinig.Nana
Tumunog ang anunsyo sa paliparan, isang malamig, mekanikal na paalala na panahon na para magpaalam. Nagkatinginan ang dalawang pares ng mata, sandaling nagtagpo ang paningin, bago sabay na umiwas. Para silang dalawang pulong dati’y magkadugtong, ngayo’y tuluyang inihiwalay ng karagatang imposibleng tawirin.Umupo si Cerise sa loob ng eroplano, ngunit kahit pa umaandar na ito, hindi rin umusad ang kapayapaan sa kanyang isip. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga salitang binitiwan ni Vivian.Isang saksak na walang dugong tumulo, pero dama ang hapdi.Napangiti si Cerise, pilit, malamig. Ngiting pinipilit takpan ang dati niyang sarili, ang babaeng madaling bumigay sa kahit anong pangakong siya ang pipiliin. Noon, sapat na ang kahit anong dahilan. Basta siya. Pero ngayon, hindi na.Ayoko nang magmahal nang gano’n kahina.Pagbalik niya sa bansa, sinalubong siya ni Kara. May kislap ng pagkabahala sa mga mata nito, punô ng tanong.“Nagkita kayo, ’di ba? Sa Pearl Pav
“Pero umuwi na si Cerise sa Pilipinas.” Mahinang sabi ni Kara habang inaanyayahan siyang pumasok sa bahay. Maingat niyang inilapag ang isang tasa ng tsaa sa harapan ni Sigmund. “Kakaalis lang niya.”Mapait ang ngiti ni Sigmund habang palabas ng apartment. Ilang ulit na niyang sinubukang buuin sa isip ang mga salitang dapat niyang sabihin, pero ni isang letra ay walang lumabas sa kanyang bibig. Nakakatawa, sa dami ng taon, hindi pa rin niya kayang harapin si Cerise.Umuwi rin siya kaagad nang malaman iyon.Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Nakatingin siya sa pangalan sa screen, “Asawa.” Napalalim ang tingin niya. Tatawagan ba niya? Makakaya ba niyang marinig ang boses nito nang hindi natitinag?Mainit ang araw sa kalangitan, parang pasensya niyang nauupos. Marahil dahil sa init kaya parang nahihilo siya sa sarili niyang damdamin. Tumingala siya sa langit, inayos ang suot na amerikana, at tumawid sa kabilang kalye. Nakahawak pa rin sa cellphone ngunit hindi niya ito mapindot.Mula
“Boss, tungkol po sa mga tsismis sa Internet...” Mahinang pumasok ang boses ni Secretary Lee mula sa pintuan.Hindi siya nilingon ni Sigmund. “Huwag kang mag-alala. Umalis ka na muna.”Tumango si Lee at maingat na isinara ang pinto sa kanyang paglabas, hindi na naghihintay ng karagdagang utos.Naiwang mag-isa si Sigmund sa opisina. Inilapag niya ang hawak na panulat, saka malalim na naupo sa itim na leather chair. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na alingawngaw ng lungsod sa labas ng salaming bintana.Nakatitig siya sa hindi pa nabubuksang bote ng alak na iniwan ni Vivian, isang paanyayang baka makagaan kahit paano sa bigat ng loob.Bumalik sa isip niya ang gabing iyon, ang pulang mantsa sa kumot bago siya lumisan. Isang tahimik ngunit mapanuyang paalala na hindi niya mabura. Isang tanong ang paulit-ulit na gumulo sa isip niya: Paano ko siya haharapin pag gising niya?Inasahan niya kahit isang salita mula rito, kahit galit, kahit paninisi. Pero ang ibinalik lang sa kanya nito a