Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 7: Beyond the Stains

Share

Chapter 7: Beyond the Stains

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2024-12-24 00:24:02

Nabigla si Sigmund sa tanong ni Cerise pero mas matimbang ang pagkairitang nararamdaman niya. “Get your hand off her.”

May diin nitong sabi at halos patayin na si Izar sa tingin.

Inalalayan naman ni Izar ang kamay ni Cerise sa pagtanggal sa pagkakaangkla nito sa braso niya.

“You’re not going to the meeting? Diba may lakad ka?” Tanong nito. Sa pagkakaalam niya ay may nabanggit itong pupuntahan kaya ano pa bang rason ang meron siya na andito parin ito?

“Here.” Sabay abot ng credit card niya. Lito namang tiningnan siya ni Cerise imbes na tanggapin. Sa irita ay pinasok niya ito sa paper bag na hawak niya at umalis sakay sa kanyang kotse.

“Hindi man gaanong halata pero nahihirapan rin si Sig.” Ani Izar habang nakatitig sa papalayong pigura ng kotse ni Sigmund.

“Hm?” Kaswal na tanong ni Cerise pero biglang namasa ang gilid ng kanyang mga mata.

Kung ayaw nito sa kanya at gusto nang makipaghiwalay, bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?

“Think about it, Vivian is in poor health, at matagal kang nasa abroad. It may look fine on the outside, you and Vivian getting along well, pero si Sigmund? Baka may iba siyang pinagdadaanan na ‘di natin alam. So as his wife, intindihin mo muna.”

Saad nito sabay gulo ng buhok niya na parang bata.

Inirapan niya ito pero alam niya ang gustong sabihin ni Izar, pero ayaw niyang maniwala. Ayaw niya ring isipin na baka napilitan lang si Sigmund at baka umasa pa siya.

-

Pagkatapos niyang alalayan ang ina sa pagtulog ay umuwi na siya sa tinutuluyang condo. Inilapag niya ang maleta at tiningnan ang credit card na bigay sa kanya ni Sigmund.

“You can buy things from that.” Ani isang malalim na pagod na tinig mula sa sofa.

Dagli niyang binuksan ang ilaw at nakitang nakahilata ito. Ang sapatos nito ay nasa gilid habang suot pa ang kanyang medyas, ang coat niya ay nakasabit rin, at nakapikit ang mata nito habang nakaunan sa kanyang dalawang kamay. Mukhang nanonood ito ng basketball bago pa man siya dumating.

Ang alam niya ay laging natutulog ito sa lugar ni Vivian, kaya bakit parang napapadalas ang pamamalagi nito sa condo niya?

“Babawiin mo ba ‘to sa’kin?” Biglang natanong ni Cerise dahil kung hindi bakit parang palagi nalang siya nandito?

Dumilat ito at umupo sabay tingin sa kanya. Walang kaemo-emosyon at ang nakagawiang blangko nitong titig. “Akala ko ‘di ka na babalik?”

Alam niyang ayaw nitong makita siya kaya nagmamadali siyang nag-ayos ng gamit. “Paalis na rin ako. Ibabalik ko lang ang card mo.”

Aligaga niyang inilagay ang card sa mesa at nakitang nasa mesa ang divorce agreement na hindi parin napipirmahan ni Sigmund.

“Aah!” Napalingon siya nang marinig ang daing ni Sigmund. Nakahawak ito sa bandang tiyan niya at mahigpit ang kapit niya. Naglalabasan ang ugat nito sa leeg at nagsisimulang mamula.

Biglang nataranta si Cerise pero nakontrol ang sarili sa paglapit sa kanya dahil alam niyang mysophobic (maselan sa dumi) ang asawa niya. “Pa…kihanap ng gamot k-ko… Aaahh!”

Nanghihina nitong sabi. Bigla itong napayuko habang nakadiin sa kanyang tiyan.

Agad namang nakita ni Cerise ang gamot na tinutukoy nito at dinala sa kanya.

“Okay ka lang ba?”

“Tulungan mo ako.” At tinuro kung anong gamot ang dapat niyang inumin.

“Akin na ang kamay mo.”

Sumunod naman si Sigmund at kumuha ng tableta si Cerise upang ilagay sa kanyang palad.

Napangiti si Sigmund. “Now, which among us has mysophobia?”

Sarkastikong tanong nito nang makita ang pag-iingat ni Cerise na dumampi ang balat niya sa balat nito.

“Syempre ikaw!” Iniwan niya ito upang kumuha ng tubig at binalot ng tissue ang baso. Alam niyang hinding-hindi nito magugustuhan na humawak nang ano mang pinaghawakan ng iba, lalo na kung siya ang humawak. Ganoon kalala ang mysophobia ni Sigmund.

“Tulungan mo ako.”

Nakaluhod lang malapit sa kanya si Cerise, noong una ay nagdalawang-isip pa ito pero nang makita ang panghihina nito ay napagpasyahan niyang tulungan na.

Hindi niya alam paano siya tutulungan. Naalala pa niya noong mga bata pa sila nang bigla niyang yinakap ito ay anim na buwan siya nitong hindi pinansin.

Nakita naman ni Sigmund na bakante ang dalawang kamay nito kaya hinawakan niya ito at inilagay sa kanya. “Kung di mo ako itutulak, paano ako tatayo?”

“Oh.” Hindi na siya sumagot at umupo sa may likod nito at dahan-dahan niya itong tinulak.

Ramdam niya sa kanyang mga kamay ang init ng katawan nito na nasa pinapagitnaan lamang ng manipis na tela ng kanyang damit. Bigla namang umalab ang puso niya ani mo’y kumukulong tubig.

Sumandal si Sigmund sa mga balikat niya habang inaayos ang posisyon nito at ininom ang gamot na bigay ni Cerise.

Inabot ng dalaga ang tubig upang di na ito mahirapan, at namula nang magtagpo ang mata nila.

Magkatabi silang dalawa, sa sahig, nakaupo, at magkadikit ang mga braso. Ang walang manggas niyang bulaklakin na bestida, at ang nakatupi hanggang sa may sikong polo ni Sigmund. Ramdam nila ang init ng bawat isa sa magkadamping mga balat.

“I don’t mind you being dirty.”

Tumingin ito sa kanya, ngayon, ay may emosyon. Hindi niya alam kung dahil ba sa hinang-hina ito kanina kaya naging malumanay ang mga titig nito o sadyang totoo nga ang sinasabi nito.

“Kaya ‘wag mo nang irarason ‘yan sa susunod.” Dagdag nito.

Napangiti nalang si Cerise at kinumbinse ang sarili na masyado itong mahina para isipin kung ano ang ayaw at gusto nito.

Hindi niya tinanggap ang nakabalot ng tissue na baso, sa halip ay hinawakan niya ang likod ng palad nito at dahan-dahang inilapit sa labi niya ang baso.

Namanhid naman si Cerise sa ginawa ni Sigmund.

“Dinala kita sa likod ko noong mga bata pa tayo. Nalimutan mo na ba ‘yon?”

Hindi siya umimik.

‘Nyenyenye. Pero nung yinakap kita hindi mo na inulit.’ Ani niya sa isipan.

Nang makitang nakainom na ng gamot si Sigmund ay paalis na dapat siya pero binigatan nito ang sarili sa pagsandal sa kanya at hindi siya nakagalaw.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin pero bago pa man siya madala ay pinigilan na niya ito, “Kailangan ko pang bumalik sa ospital.”

“Ihahatid kita.”

“No need. Hindi maayos ang pakiramdam mo, kaya magpahinga ka na.”

Umiwas siya ng tingin habang mahinhing tinanggihan ito.

“Masyado nang madilim. I’m worried for you as a girl.”

Napasinghap siya at nakuha ng atensyon ang divorce agreement. “Bakit hindi ka pa rin pumipirma?”

“Divorce requires the household registration book, nasa sa’yo ba?”

Oo nga pala. Kailangan niya ito as a proof of agreement ng pamilya nila.

Nang maaksidente ang pamilya nila ay nabahala ang ama niya na baka ay kung ano lang ang mangyari rin sa kanya, kaya matapos ang pakikipag-usap sa pamilya Beauch ay ipinagkatiwala ito sa pamilya ni Sigmund pagkatapos ng kanilang kasal kaya wala sa kanya ito.

“Hindi pa sigurado kung makukuha mo agad iyon.” Ani Sigmund na mas sumiksik pa sa kanya.

Unti-unti namang nabibigatan si Cerise sa pagsandal nito kaya tatayo na sana siya nang magsalita ito.

“Gusto mo bang maligo muna?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 173: A New Year’s Silence

    Umalingawngaw ang tunog ng video call sa kalagitnaan ng katahimikan sa maliit na apartment. Mula sa kusina, kusang lumakad si Cerise patungo sa sala nang marinig ang salitang "Mamita." Parang awtomatikong gumalaw ang kanyang mga paa, dala ng gulat at pagkasabik na hindi niya maipaliwanag. Nang maupo siya sa harap ng laptop, agad niyang pinunasan ang kanyang mukha. Wala siyang suot na make-up, pero ayaw niyang makita ng matanda ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi.Nasa gilid si Sigmund, nakalagay ang isang kamay sa likuran ni Cerise, ngunit ang katawan nito’y nakalayo. Sa kabila nito, malinaw pa ring kita ang kanilang mga mukha sa screen. Kitang-kita rin ang pagkairita sa mukha ng matandang babae habang pinagmamasdan sila.“Baby, sinaktan ka ba agad ng batang ‘yan pagdating niya?” tanong ni Mamita na hindi maitago ang pag-aalala sa boses.Mabilis na umiling si Cerise. “Hindi, Mamita. Nang binuksan ko lang ang pinto kanina, may buhangin na pumasok sa mata ko, napuwing lang ako. Masa

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 172: A Knock in The Cold  

    Sa malamig na gabi ng Bagong Taon, tahimik na pinupunasan ni Cerise ang sahig ng kanilang inuupahang apartment. Basang-basa ang kanyang palad, nanginginig ang mga daliri, ngunit patuloy siyang nagwawalis ng mga alikabok at lumang bakas ng nakaraan. Marahang umiikot ang timba sa gilid ng kanyang paa habang pinipilit niyang ituon ang sarili sa gawaing bahay, para makalimot, kahit panandalian.Ngunit sa gitna ng katahimikan, isang katok sa pinto ang pumunit sa kanyang ulirat. Napahinto siya. Nanlamig ang kanyang batok. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang likod kahit wala namang bukas na bintana. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay nang ibaba niya ang basahan. Dahan-dahan siyang tumayo, hawak pa rin ang timba, habang humigpit ang tibok ng kanyang puso.Hatinggabi na. Si Kara ay nasa Pinas, at si Percy nama’y umalis pa noong umaga. Sino pa kaya ang maaaring kumatok sa ganoong oras?Napasinghap si Cerise. Mabilis na sumagi sa kanyang isipan ang alaala ng gabing dumating si

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 171: Targeted

    Agad na bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Percy matapos marinig ang tunog.Sa loob ng apartment, natagpuan niyang nakatayo si Cerise, nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na hawak ang pulso ng lalaking may hawak na kutsilyo. Buong lakas ang kanyang sigaw sa takot nang marinig niyang may bumungad sa pintuan.Nang lumingon si Percy, tumambad sa kanya ang isang matangkad at payat na lalaking nakasuot ng itim na leather jacket, may suot na baseball cap at mask. May hawak itong matalas na kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Cerise. Halata ang hangarin nitong patayin ang babae."Cerise!" sigaw ni Percy, hindi na naisip kung saan galing ang lakas ng loob.Sa sandaling iyon, alam na ni Cerise na ang lalaking ito ay walang ibang layunin kundi tapusin ang kanyang buhay. Hindi ito magnanakaw. Hindi ito lasing. Isa itong mamamatay-tao.Habang abala ang lalaki sa pagbabantay kay Percy, biglang itinaas ni Cerise ang kanyang paa at buong lakas na inapakan ang paa ng lalaki gamit ang pitong

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 170: A Knife At Your Neck

    Hindi niya maipaliwanag kung ang lamig na nararamdaman ngayon ay dahil ba sa klima o sa lungkot na hatid ng katahimikan sa paligid. Suot niya ang mapusyaw na turtleneck sweater, pilit na kinukubli ang ginaw na hindi lang pisikal kundi abot sa kanyang damdamin. Habang naglalakad pauwi, bawat yapak niya ay tila dumadagundong sa walang laman na kalsada, at ang bawat paghinga ay may dalang buntong-hininga na ayaw kumawala.Pagpasok niya sa kanyang tirahan, sinalubong siya ng katahimikan, isang uri ng katahimikang hindi nagpapatahan kundi lalong nagpapabigat ng dibdib. Wala ni isang tunog, maliban sa mahinang tikhim ng air purifier sa gilid ng kwarto. Tinanggal niya ang coat, inihagis sa isang sulok, saka naupo sa sofa. Doon lang niya naalala ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ito, at agad na lumitaw sa screen ang tatlong missed calls ni Sigmund at pitong messages. May tatlong voice messages at isang video message pa.Napapikit siya sandali. Tila ba tumigil ang oras habang

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 169: Stay Behind

    Napatingin si Cerise sa mga mata nito, umaasang may makikita siyang sinseridad, ngunit wala. Kaya napalingon siya palayo.“Huwag mong subukan, ayoko nang pilit.”Saglit na nanahimik si Sigmund. Ramdam niyang muli siyang tinanggihan ng tanging babaeng dati’y nahuhumaling sa kanya.Gusto niya itong sigawan, gusto niyang ipaalala kung sino siya. Pero hindi niya magawa. Sa halip, tahimik niyang hinawakan ang kamay nito at hinayaan siyang manatili sa kandungan niya.“President, nasa airport na po tayo,” saad ng driver sa unahan.Mabilis na napabuntong-hininga si Cerise at nagtangkang bumaba.Ngunit pinigilan pa rin siya ni Sigmund.“Maaga pa,” bulong nito.“Malelate ako sa flight.”“Ihahatid kita ng sarili kong eroplano,” kalmadong sagot nito.Wala siyang nagawa kundi ang manatiling nakaupo. Pinaglalaruan ni Sigmund ang kanyang mga daliri. Ramdam niya ang kirot sa pagkakakurot nito ngunit hindi siya nagreklamo. Alam niyang kapag umangal siya, baka lalo pa itong maging mapusok.“Naipaliwana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 168: Don't Deny Me

    Hindi niya namalayang napalingon siya pabalik. Nandoon pa rin si Sigmund, nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Walang salita, walang senyales ng emosyon, binuhay niya ang makina at umalis na tila ba walang nangyari.Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Napalukso ang laylayan ng coat na suot ni Cerise, bago pa man niya ito mahawakan. Ngunit higit sa ginaw sa kanyang balat, mas naramdaman niya ang pagyelo ng kanyang damdamin.Ginawa ba niya ang lahat ng iyon dahil nakita niya si Percy?Hindi dapat CEO ang isang Sigmund Beauch. Ang dapat sa kanya artista. Kung sumali siya sa mga award shows, siguradong mauubusan ng tropeo ang mga tunay na aktor. Sa presensya niya, para bang walang binatbat ang mga tinaguriang movie king.Napailing si Cerise at agad pinigilan ang sarili sa pag-insulto pa sa lalaki. Humarap siya kay Percy na nanatiling tahimik, may bahid ng ngiti sa mga labi. “Tara na. Pasok ka,” wika nito, kalmado ang boses.Tum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status