/ Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 8: Marked as Untouchable

공유

Chapter 8: Marked as Untouchable

작가: Lyric Arden
last update 최신 업데이트: 2024-12-24 00:25:46

Napatingin si Sigmund sa suot ng dalaga na kagabi pa niya nakita.

Nahiya naman si Cerise at namula ang tenga.

“Ano bang iniisip mo? Kagabi mo pa ‘yan suot. Magpalit ka pagkatapos mong maligo.”

Nang maalala ang interaksyon nila ni Izar ay mas naging desidido siyang palitan ito. Nakuha niyang tumayo at sumandal sa sofa.

Hindi na siya nakareklamo nang makita ang suplado nitong mata ‘tila ba pinapamadali siya.

Napairap nalang siya sa kawalan.

Sumang-ayon nalang siya dito at naghanda ng susuotin.

“Gumagana kaya ang CR dito sa ilalim?” Pabulong na tanong niya habang nakatayo sa harap ng pinto ng banyo.

Napansin naman ito ni Sigmund at ‘tila narinig ang bulong niya.

“You can use the one in the master’s bedroom.”

Hindi na siya sumagot at nagsisimula na nga siyang makaramdam ng pangangati.

Napatanong tuloy siya sa sarili kung nagamot na ba ang pagiging mysophobic ni Sigmund. Noong nakaraang gabi lang ay naligo siya sa nadumihan niyang tubig. Natumba siya sa tubig kaya madumi na iyon para kay S
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

관련 챕터

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 9: After Divorce

    “Gabi na.”“But it feels very uncomfortable, I feel like I’m going to die!”Narinig niya ang pag-iyak sa kabilang linya.Hindi maramdaman ni Cerise ang anumang awa, kundi ang pagiging hipokritikal, pero hindi niya magawang punain ito.“Tatawagan ko yung doktor mo. Humiga ka lang at magpahinga, okay?”Pinatay ni Sigmund ang tawag at agad na nagdial ng isa pang numero, attending physician ni Vivian.Namangha si Cerise sa naging pag-uusap ng dalawa. Napagtanto niyang alam nito lahat ng tungkol kay Vivian, pero hindi man lang maalala ang edad niya.Mapait siyang napangiti. Nang nakaraang oras lang ay halos mawalan na ito ng malay sa sakit pero hindi niya man lang nasabi ito kay Vivian.-Walang ibang maririnig kung hindi ang halos salitan nilang paghinga. Matapos maibigay ang gamot kay Sigmund ay nagpasya na itong umuwi. Hindi nakareklamo si Cerise dahil naisip niyang wala naman siyang karapatan pagdiktahan ito. Naisip niya rin na baka labis ang pag-aalala nito kay Vivian at nais niyang m

    최신 업데이트 : 2024-12-24
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 10: Drifting in Darkness

    Alas sais ng umaga nang magising si Sigmund. Napatingin siya sa cellphone at bumungad sa kanya ang draft ng message niyang “Sa’n ka?” na hindi niya naisend kay Cerise dahil wala naman silang conversation.Nakatulog pala siya sa pag-iisip kung isesend niya ba ‘to o hindi.Halos manginig ang hinlalaki niya palapit sa mala-eroplanong icon ng text message nang bigla siya’ng makatanggap ng tawag.Pagkatapos ng tawag ay halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo nito.-Bago pa man si Cerise makalapit sa pintuan kung saan siya lumabas kagabi pauwi ay nanghihina na ang paa niya. Alam niya kung ano ang meron sa likod ng pintuan, natanggap niya ang text ng doktor ng mama niya.Pinapapapunta lang siya nito doon, pero alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi siya tinetext ng kanyang doktor dahil alam nitong lagi siyang pumupunta, araw-araw siyang dumadalaw.“Hospital. ASAP.”Iilang letra lamang ito pero katumbas na ng patay niyang pag-asa at hindi na ulit mababalikan pang mga pagkak

    최신 업데이트 : 2024-12-24
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 11: A Stolen Moment

    Napagpasyahan ni Cerise na umuwi at magpaalam na.“Mamita, Mom, Dad, aalis na po ako. Masyado na akong nakakaabala sa inyo.”“Riri! This is your home too. Mamaya na.” Ani ng matanda dahil naisip nitong dapat ay samahan nila ito sa pagdadalamhati.“Alam ko po. You will always be my family.” Ngumiti si Cerise at tumango.Ngayon ay nadako ang tingin ng buong pamilya kay Sigmund dahil alam nilang siya ang dahilan nang labis na kagustuhang umalis ni Cerise.Si Sigmund na kanina pa tahimik ay hindi makapaniwalang gagamitin ni Cerise ang kanyang Mamita para lang makuha ang household registration ng kanilang pamilya. Kung mapagbibigyan siya ay wala na talagang hadlang sa kanilang divorce.“Nakita nilang lahat kung gaano mo kagusto ang divorce.”Nagulat naman si Cerise sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang lantaran nitong sasabihin ng ganun-ganun lang ang paghihiwalay nila.“Divorce? Ah!”Nabigla naman ang matanda dahilan upang mahimatay ito.“Mamita!”Ilang minuto muna ang nagdaan bago magisi

    최신 업데이트 : 2024-12-24
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 12: In Her Shadow

    Nang makaalis si Sigmund ay narinig ni Cerise ang pagring ng cellphone nito. Alam niyang walang iba kung hindi si Vivian ito dahil walang magtatangkang tumawag dito sa ganitong oras ng gabi.Hindi man masabi ni Vivian ng diretsahan pero ayaw niyang kasama ni Sigmund si Cerise mas lalo pa kung silang dalawa lang.Napaisip naman si Cerise na baka pamilya talaga ang turing sa kanya ni Sigmund kaya sinamahan siya nito sa mga nakaraang araw. Pero tapos na siya sa pagmaang-maangan kaya napagpasyahan niyang umalis pagkahating-gabi.Iyon ay kung nagising siya sa pagkakatulog.Nagising siyang pababa na ang araw at mag-isa sa higaan. Halos isang araw siyang natulog?Mabilis siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa bukas na ilaw na parte ng bahay para makita si Sigmund… na nagluluto.“Oh. Kain.” Walang kaemo-emosyon nitong pag-aalok. Napaisip tuloy siya kung napilitan lang ito na ayain siya dahil naabutan niyang nagluluto ito.“Bakit ka pa nandito?” Sagot naman ni Cerise na sumunod sa pag-upo sa h

    최신 업데이트 : 2024-12-25
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 13: Seeds of Discord

    Alam ni Cerise na walang magagawa ang pagrereklamo niya kung meron man ay siguradong baka masaktan lang siya ni Sigmund. Kinuha niya ang sopas nito at pagalit na tinusok ng tinidor ang spam.Naiinis siya dahil wala siyang maisip na ibang kainisan. Masarap naman kasi yung linuto nito kaya wala na siyang ibang magagawa pa kung hindi kumain. Gusto niya pang ipaalala na vegetarian na siya at hindi siya dapat kumain ng spam pero hindi naman ito bawal.Kinukumbinse nalang niya ang sarili para sa ikabubuti.Sumimangot naman si Sigmund.Alam niya ang ugaling ito ni Cerise. Ganito siya kapag ayaw niya ang ginagawa niya pero kailangan niyang sumunod. Gusto pa man niyang pansinin ang pagsaksak nito sa ulam niya ay hindi na siya nagsalita at baka lumipad pa ang tinidor papunta sa kanya.“Nagamot na ba yang mysophobia mo?” Curious na tanong nito.

    최신 업데이트 : 2024-12-26
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 14: Heart in Denial

    Hindi mawala sa isip ni Cerise ang ilang hadlang sa kanilang divorce. Akala niya ay simpleng tatlong araw lang ito ng buhay niya at ngayon halos mag-iisang buwan na mula ng dumating siya sa Pilipinas.Ayaw naman niyang sisihin ang Papito niya na masyadong matagal nang nawala dahil sa business trip nito, ayaw niya lang na baka isipin ni Sigmund na may alam siya dito. Dahil ganito ang pagkakakilala sa kanya ni Sigmund, baliw na baliw parin sa kanya.Pero hindi niya rin maalis sa isipan na tinuring siya ng dalawang matanda bilang kanilang apo, minsan pa nga ay kinakampihan siya nito kaysa kay Sigmund.Ngayon ay ang unang araw niya sa trabaho. Mukhang umaayon sa kanya ang tadhana dahil mayroong bakante para sa balita sa tanghali ng tatlumpung minuto. Hindi man gaano katagal pero tinatanaw ito ni Cerise bilang mabuting pagkakataon upang mahubog ang career.Nakatali ang mahaba niyang bahok pares ng kanyang kulay lila na bestida at simpleng itim na stilettos. Nagtungo siya sa loob ng studio

    최신 업데이트 : 2024-12-26
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 15: The Boiling Point

    Kakalabas lamang ni Cerise mula sa pang-gabi niyang programa. Dahil mas marami ang nanood ng balita sa gabi ay inilipat siya sa parehong programa sa gabi. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang isang brand new Rolls-Royce Cullinan at binati siya ng driver.“Miss Harrod, pinapasundo ka ni Boss.”Magalang naman itong tinanggihan ni Cerise. “Pasensya na. May lakad ako ngayong gabi.”“Miss Harrod, sabi ni Boss…”“Ceri!”Halatang nag-iba ang tono ng boses ng driver at mukhang nainis pa ito. Akmang lalapit na sana ito kay Cerise nang biglang may huminto na isang limited edition sports car, Mercedes-AMG GT R Pro, sa likod nito. Napalingon ang driver sa pinagmulan ng maliit at malumanay na tinig na pagmamay-ari pala ng babaeng nasa loob ng kakahinto lang na sasakyan.“Ms. Lin! Kumusta ka?” Pagbati ng driver.Napatingin naman si Vivian sa driver at ngumiti. “Mabuti! This is my sister, she’s mine for tonight.”Nang marinig ito ng driver ay tumingin ito sa nagmamaneho ng Mercedes, tumango, at

    최신 업데이트 : 2024-12-26
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 16: Where Love Still Dwells

    “Gusto ko nga ang ginagawa ko.” Sagot ni Cerise. Para sa kanya ang pagiging parte nang pagpapaalam ng katotohanan sa madla ay isang napakadakilang propesyon. Nararapat lang na maipahayag ang katotohanan at malaman ng mga tao ang katotohanan.Kahit man ay nang-iinit na siya sa layo sa kanya ni Sigmund ay sinabi niya ito nang buong determinasyon. Mabuti siyang tinitigan ni Sigmund kung mayroon bang pag-aalinlangan sa pagkakasabi nito pero hindi man lang ito kumurap.“Sigmund,” narinig nilang pareho ang papalapit na tinig ni Vivian. Lumayo naman sa kanya si Sigmund at nagsimulang maglakad pabalik. Sinalubong nito si Vivian.“Asan si Ceri? Naghihintay si Mr. Colton sa kanya.”“Nasa banyo siguro.” Walang pag-aalinlangan nitong sagot. Naglakad ang dalawa palayo at narinig nga ni Cerise ang mga ito. Hindi na siya nagsalita para makaiwas pa sa ibang mga tanong.Nang nakabalik na siya sa loob ay agad naman niyang inaya nang umuwi si Percy. Ngumiti lang siya at sumenyas nang aalis kay Vivian. M

    최신 업데이트 : 2024-12-29

최신 챕터

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 140: Whispers Behind Closed Doors

    “Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 139: When Pain Won’t Speak

    “Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 138: Behind A Single Yes

    Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 137: Uncrossed Lines

    Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 136: Tangled in Silence  

    Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 135: Secrets That Don’t Sleep  

    Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 134: Still His Wife

    Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Mask Falls    

    Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Deal She Never Asked For  

    “Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status