Share

Chapter 3

Author: Susi
last update publish date: 2026-03-31 07:23:20

NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” 

Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.

Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. 

Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala namang problema. Isa pa, gusto ko siyang kunin na maging flower boy sa kasal namin ni Bran e.” 

Nang banggitin niya ang salitang kasal ay kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Alexa, ngunit mabilis nitong ikinalma ang sarili na parang walang narinig. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita ang bata. Tumingin ito sa ina. “Mommy, hindi ba at ikaw ang pakakasalan ni Tito Bran?” 

Naging malamig ang hangin sa buong opisina dahil sa sinabi ni Jax. alanganing ngumiti si Alexa at niyuko ang anak bago kinurot ang pisngi nito. “Ano bang pinagsasasabi mo anak? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan okay?” sermon nito sa anak.

Ngunit hindi man lang natinag si Emily mula sa kinauupuan at sa halip ay nakangiti pa siya. Nilingon niya ang bata. “Jax, tama ang mommy mo. huwag na huwag kang magsasalita ng mga ganyang bagay okay? Isa pa, matagal na kaming magkarelasyon ng Tito Bran mo at alam ng lahat ang tungkol doon. Don’t tell me, may lihim na relasyon ang mommy mo at Tito Bran mo?” tanong niya sa bata kahit na hindi pa nito iyon lubos na naiintindihan. Hindi naman para sa bata ang patamang iyon kundi sa dalawa niyang kasama sa loob ng opisina.

Nagdilim ang mukha ni Bran dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay sinamaan ng tingin ang bata. Mabilis na yumakap ito sa ina a mukhang natakot. Nilingon naman ni Alexa si Bran na para bang tinatanong nito gamit ang mga mata kung bakit nito ginagawa iyon sa anak. 

Ilang sandali pa ay sinulyapan ni Bran si Alexa. “Lumabas ka muna.” sabi nito rito.

Halos manigas ang katawan ni Alxa nang marinig niya ang pagpapalabas ni Bran sa kaniya. Parang gusto niya tuloy isipin na hindi totoo ang lahat ng sinabi nito sa kaniya ngunit para patunayan ang sinasabi nito ay itrinansfer nito sa kaniya ang pera para sa kasal nilang dalawa ni Emily kaya pinigilan na lamang niya ang kanyang emosyon. 

Nang maiwan sa loob ng silid si Bran at Emily ay halos masakal na siya sa totoo lang. Napaka-awkward ng pakiramdam niya kaya mabilis niyang ibinuka ang bibig niya. “Ah Emily, siya nga pala gusto mo bang mag-dinner tayo sa labas mamaya?” tanong niya na may kalahating ngiti sa labi. Iyon lang ang naisip niyang paraan para muli niya itong mapaamo dahil alam niyang galit ito sa kaniya.

Bibilhan niya rin ito ng mga regalo para mas lalo pa itong sumaya dahil alam niya na mababaw lang din naman ang kasiyahan nito. Simula nang maging magkarelasyon silang dalawa ay wala pa siyang nakitang kaibigan o kamag-anak nito sa totoo lang, tanging siya lang ang kakampi nito kaya ayaw din siya nitong iwan at takot din itong mawala siya. Kaya sigurado siya na papayag ito at mapapatawad siya nito kaagad.

Tuluyan na siyang ngumiti rito. “Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin. Walang magiging problema sa pera.” 

Inaasahan naman na ni Emily na mag-iisip ito ng paraan para paamuhin siyang muli at ito na nga. Hilaw siyang tumawa pagkatapos ay tumungo. “Sure, mag-iisip ako.” sabi niyang nakangiti ngunit hindi umabot ang saya sa kanyang mukha. 

Ang lahat ng meron ngayon si Bran ay dahil sa pagsisikap niya kaya isa-isa niyang babawiin ang lahat. Lahat lahat. 

Samantala, inasahan naman na ni Bran na ang mga ganung bagay ang makakapagsaya kay Emily ngunit ng mga oras na iyon habang nakatitig sa babae ay para bang may kung anong kaba ang bumalot sa buong pagkatao niya, na para bang bumubulong sa kaniya na mayroong mali ngunit hindi niya naman masabi kung ano ito. 

Sa halip ay ipinilig niya na lang ang kanyang ulo at huminga ng malalim. “Siya, magpagaling ka na lang muna at pagkatapos ay saka mo gawin ang iba pang dapat mong gawin para sa proyekto. Basta huwag mong kalimutan ang date natin mamayang gabi okay?” ngumiti siya rito.

Sa mga sandaling iyon naman ay isang mensahe ang natanggap ni Emily sa kanyang cellphone. “Miss Emily, ako ang assistant ni sir Izke. dahil sa balita na gusto mo ng ituloy ang pagpapakasal sa kaniya ay gusto ka niyang imbitahan sa isang dinner mamayang gabi.” iyon ang nakalagay sa mensahe kalakip ng address kung saan sila magkikita.

Kaagad na pinatay ni Emily ang kanyang cellphone nang mabasa niya ito pagkatapos ay tumayo na para umalis. Sinulyapan niya si Bran. “Pasensya na pero kailangan kong makipagkita sa isang importanteng tao mamayang gabi kaya pwede bang sa susunod na lang ang alok mo? Importante din ang taong iyon para sa proyekto.”  sabi niya at alam niya na makakalusot siya rito kapag sinabi niya iyo dahil wala namang importante rito kundi ang kumpanya.

Nang marinig ni Bran ang tungkol sa proyekto ay agad na nagliwanag ang mukha niya. Idagdag pa na hindi na muling binaggit pa ni Emily ang tungkol sa pera na inilipat niya sa account ni Alexa. Akala niya ay mahihirapan siyang kausapin ito tungkol doon ngunit hindi niya akalin na magiging ganun lang naman pala kadali ang lahat. Tumango siya rito. “Sige, sa susunod na lang tayo mag-date. Mas importante rin naman ang tungkol sa proyekto para sa kumpanya.” 

Ngumiti siya kay Emily. “Hindi na kita pipigilan pa, ngunit sana ay maging maayos ang pag-uusap niyo ng taong iyon.” muli niyang pang sabi rito.

Halos manlabo naman sa galit ang mga mata ni Emily ng mga oras na iyon dahil sa ipinapakita ng lalaking minsan niyang minahal ng buong puso niya. Ni hindi man lang siya nito nilambing nang makita ang pagbabago ng pakikitungo niya rito. Parang wala talaga itong pakialam sa kaniya. Sa huli ay hindi na lang siya nagsalita at walang lingong tumalikod tyaka lumabas ng opisina nito. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 5

    KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 4

    PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 3

    NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 2

    PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 1

    NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status