Compartir

Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire
Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire
Autor: Susi

Chapter 1

Autor: Susi
last update Fecha de publicación: 2026-03-31 07:22:29

NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. 

Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? 

Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. 

Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyong dalawa ngunit hindi niya akalaing magagawa ito sa kaniya ni Bran.

Umalis ito ilang araw na ang nakakaraan para sa isang business trip at bago umalis, nagbilin ito sa kaniya na huwag na huwag siya nitong istorbohin dahil magiging busy ito. Ngunit dahil sa nabasa niya ay hindi niya magagawang manahimik na lang sa isang tabi. Kailangan niyang makausap si Bran ngayon din at marinig ang sagot mula rito. 

Nakasampung tawag siya bago nito sinagot ang tawag niya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, mabilis siyang nagtanong pagkasagot pa lang nito ng tawag. “Bran, ano itong notification na natanggap ko? Bakit mo itrinansfer kay Alexa ang limang milyon sa joint account natin? Alam mo naman na ang perang iyon ay nakatabi para sa kasal natin diba?” 

Sa kabilang linya ay rinig na rinig niya ang ingay sa paligid na para bang nasa matao itong lugar. Ilang segundong hindi sumagot si Bran sa kabilang linya hanggang sa tuluyan na itong sumagot. “Emily, pwede bang ipagpaliban na lang muna natin ang kasal? May nakilala si Alexa na isang tao at may magandang business idea. Huwag kang mag-alala, maibabalik din ang pera kapag kumita na sila.” 

Halos humigpit ang hawak ni Emily sa kanyang cellphone dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig. “Pero Bran, hindi ba at ikaw na mismo na huwag galawin ang perang iyon?! Sino ang taong nakausap niya? Kakausapin ko.” 

“Pwede ba Emily, hindi mo kilala iyon. Huwag ka ngang umasta na akala mo napakarami mong kilala sa mundo e ordinaryong babae ka lang naman. Ako ang magdedesisyon ng mga bagay-bagay dahil para rin naman iyon sa kumpanya. Hindi pa nga tayo nakakasal ganyan ka na, paano na lang kung kasal na tayong dalawa?” tanong nito sa kaniya.

Ang bawat salitang binitawan ni Bran sa kaniya ng mga oras na iyon, pakiramdam ni Emily ay wala siyang naitulong rito nitong mga nakalipas na taon. Na para bang walang silbi ang lahat ng ginawa niya para rito at maging ang isinakripisyo niya. Idagdag pa na malinaw na minamaliit siya nito. 

Gusto niya na lang matawa ng mga oras na iyon.  Parang isang biro lang ang lahat dito.

Hindi nagtagal ay may narinig siyang isang boses mula sa kabilang linya at malinaw iyong tinig ng babae. Mukhang hindi ito malayo kay Bran at mukhang sinasadya pa talaga nitong iparinig sa kaniya ang sasabihin nito. “Bran, gusto daw ng ice cream ni Jax. pwede bang ikaw na lang bumili para sa kaniya?” malinaw na tinig iyon ni Alexa dahilan para mas lalo pang tumindi ang galit na nararamdaman ni Emily.

Hindi niya na narinig pa ang naging sagot ni Bran kundi muli siya nitong pinagsabihan. “Pwede bang huwag mo muna akong guluhin ngayon? May meeting pa ako. Saka na natin pag-usapan yan.” pagkatapos lang nitong sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon ay bigla na lang nitong ibinaba ang tawag. 

Halos malaglag ang mga balikat ni Emily dahil sa matinding panlulumo. Hindi niya akalain na pagkatapos ng ilang taon nilang pagsasama bilang magkasintahan ay magagawa nito iyon sa kaniya. Malinaw na pinagtataksilan siya nito at ginagamit nito ang trabaho para lang magkasama sila ng babaeng iyon. 

Nitong mga nakaraang taon ay ilang beses ng muntik malugi ang kumpanya ng pamilya ni Bran. ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para hindi ito tuluyang lumubog. Halos hindi na rin siya matulog sa bawat araw dahil nagtrabaho siya araw at gabi para lang hindi malugi ang kumpanya at dahil nga doon ay ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa ospital dahil sa sakit. Palagi kasi siyang nalilipasan ng gutom, higit sa lahat ay hindi siya nagkakaroon ng sapat na tulog kaya ganun na lang din ang nangyari.

Tiniis niya rin ang pang-iinsulto nito sa kaniya na wala galing lang siya sa simpleng pamilya at kung hindi lang dahil sa talento niya ay hinding-hindi siya nito pag-iinteresan. Idagdag pa na sa kumpanya ni Bran ay wala man lang siyang marinig na papuri dahil sa mga sakrpisyo niya samantalang ang babaeng iyon— si Alexa, ilang simpleng salita lang ay todo puri na ang mga tao sa kaniya lalong-lalo na syempre si Bran. 

Nagtatagis ang mga bagang niyang tumayo at naglakad patungo sa silid ni Bran. sa mga nakalipas na taon, kahit na magkasama sila sa iisang bubong ay tig-isa pa rin sila ng silid dahil hindi pa naman sila kasal, bukod pa doon ay kailangan niya ng sarili niyang silid para sa kanyang trabaho. 

Mabilis siyang umupo sa harap ng mesa nito kung saan naroon ang computer nito. Mabilis niya itong binuhay at mabuti na lang dahil ang birthday nito ang password. Kahit na halos limang taon na silang magkarelasyon ay hindi siya nangahas na buksan ang kahit na anumang account nito lalo na sa social media dahil may tiwala naman siya rito. Mabilis siyang naghalungkat at wala naman siyang nakitang kakaiba ngunit nang buksan niya ang email ni Bran ay doon na niya nakita ang conversation nila ni Alexa. 

Nanginginig na ang mga kamay ni Emily ng mga oras na iyon dahil halos himatayin na siya. Ni hindi pumasok sa isip niya na lolokohin siya ni Bran sa totoo lang dahil napaka-sweet nito sa kaniya at ramdam na ramdam niya ang sinasabi nitong pagmamahal, pero ngayon? Hindi na niya alam pa.

Binuksan niya ang ilan sa mensahe na galing mismo kay Bran. napakuyom ang kamay niya nang mabasa na ang kwintas na tinatanong niya noon kay Bran ay ibinigay pala nito kay Alexa. Nabasa niya pa na sinabi nito na desidido na itong makuhang muli ang loob ni Alexa. 

Ang sabi ni Bran sa kaniya noon ay ireregalo niya ito sa isang nilang kliyente, naniwala naman siya at hindi naghinala.

Ngunit ang pinaka ikinadurog niya ay ang sinabi ni Bran na humihingi ng pasensya at wala pa itong lakas ng loob noon. Bukod pa doon ay hindi nito alam na buntis si Alexa at ngayon ay gagawin nito ang lahat para lang mapatawad siya nito at mabuo silang isang pamilya pagkatapos siyang itapon nito. 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 5

    KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 4

    PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 3

    NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 2

    PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 1

    NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status