Share

Chapter 2

Author: Susi
last update publish date: 2026-03-31 07:22:56

PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? 

Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. 

Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagdating sa kaniya ay hindi nito magawa ang mga bagay na iyon. Kapag sasabihin niyang gusto niya ng bago at magandang damit o kaya alahas ay palagi lang nitong sinasabi sa kaniya na ayaw siya nitong magbihis dahil ayaw nitong makita ng ibang lalaki ang kanyang kagandahan na akala niya noon ay nakakakilig pero ngayon… 

Gusto niya na lang maawa sa sarili niya ng mga oras na iyon. Sinamahan niya sa hirap si Bran hanggang sa magkaroon ito ngunit hindi niya akalain na ngayon pa lang may maayos na itong katayuan sa buhay ay hindi na nito naisip na siya ang magiging kasama nito.  

Mahigpit na nakapakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa labis na galit. Naabot nito ang lahat dahil sa kaniya at hindi siya mananahimik na lang sa isang tabi. Hindi siya papayag! 

Ngayon ay para na siyang basura sa mata ni Bran pagkatapos siya nitong pakinabangan ng ilang taon at sigurado siya na kung hindi niya ito nahuli, sa mga susunod na araw ay gagawa at gagawa na rin ito ng paraan para itapon siya.  Hindi na siya magpapauto pa rito. Tumayo siya at bumalik sa kanyang silid, muling kinuha ang kanyang cellphone at hinanap sa kanyang contacts ang numerong napakatagal na niyang hindi tinatawagan.

Ilang ring ang lumipas bago tuluyang sumagot ang nasa kabilang linya. “Mommy, hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako pero hindi ba at sinabi mo sa akin na sa oras na magbago ang isip ko at tuluyang matauhan ay tatanggapin niyo akong muli hindi ba?” tanong niya rito.

“Emily?” nang tuluyan niyang marinig ang tinig ng kanyang ina mula sa kabilang linya na napakatagal niyang tiniis ay parang bumuhos ng tuluyan ang kanyang emosyon. Naghalo-halong pagod at hinanakit ang kanyang naramdaman.

“Mommy… sobrang pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko…” napakagat siya ng kanyang labi at nag-umpisang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

Hindi niya masisisi kung galit sa kaniya ang kanyang mg magulang. Minsan na niyang dinismaya ang mga ito.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan mula sa kabilang linya at para bang nagulat talaga ang kanyang ina dahil sa pagtawag niya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahaba nitong buntong hininga. “Alam mo naman na ang kasal na iyon ay ang lolo mo mismo ang nag-ayos hindi ba? Ngayong nakapag-isip isip ka na ay itutuloy mo ang pagpapakasal kay Izek Escalante sa susunod na buwan.” muli itong humugot ng malalim na buntong hininga. “Kung ganyan ang plano mo ay umuwi ka na at maghanda, kailangan mong makausap ang pamilya Escalante at personal na humingi ng tawad lalong-lalo na kay Izek syempre.”

“Matanda ka na Emily, hindi ka na bata kaya dapat malaman mong ang usaping ito ay hindi isang biro.” 

“Naiintindihan ko Mommy.” mabilis na sagot niya rito. Akala niya ay hindi siya muling tatanggapin ng kanyang ina ngunit hindi niya akalain na napakabilis nitong pumayag at pauwiin siya.

Ang natitira niyang oras ay gagamitin niya para mapabagsak ang mga taong nanakit sa kaniya. Hindi naman pwedeng tumahimik na lang siya at umupo sa isang tabi. Mabilis niyang tinawagan ang isang tao at mabilis na kinansela ang isang proyekto na nagkakahalaga ng milyon milyon. Kung makukuha iyon ng kumpanya ni Bran ay malaking tulong iyon sa pag-unlad nito ngunit dahil sa ginawa nila sa kaniya ay hindi siya papayag na maging masaya ang mga ito. 

Nasa kaniya pa rin ang huling halakhak.

~~~~~

KINABUKASAN ay maagang dumating si Bran. ang mukha nito ay hindi maipinta at mukhang mainit din ang ulo nito nang pumasok sa opisina. Inaasahan na ni Emily na babalik ito kaagad kaya naroon siya at kalmadong hinihintay ito. 

“Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” galit na tanong nito sa kaniya. “Anong nangyari? Bakit mo kinansela ang proyekto? Alam mo naman kung gaano kahalaga iyon hindi ba? Isa pa, anong pumasok sa isip mo at ni hindi mo man lang ako tinanong? Basta ka na lang nagdesisyon ng sarili mo!” nagpalakad-lakad ito sa harapan niya hanggang sa tuluyang tumigil at tumingin sa kaniya na may malalamig na mga mata. 

Sa loob-loob ni Emily ay hindi niya maiwasang hindi mapangisi. Napakasama ng mukha nito na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil ba nasira niya ang bakasyon ng mga ito? 

Ibinaba niya ang tasa ng iniinom niyang kape at kalmadong tumingin dito. “Hindi ko napansin na naka-silent pala ang cellphone ko tyaka, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Kinailangan kong magpahinga.” 

Habang nakatitig sa lalaking may matalim na mga matang nakatitig sa kaniya ay unti-unti niyang nasasabi sa sarili niya na hindi na niya ito kilala pa. Hindi nito pinansin ang sinabi niya o mas tamang sabihin na wala itong pakialam sa kaniya. Gumuhit muli ang sakit sa dibdib niya.

“Pero hindi pa rin iyon sapat para sayangin mo ang napakalaking proyekto Emily!” naiinis ng sabi nito sa kaniya at halos hampasin na nito ang mesa sa sobrang inis.

Ngumiti siya rito. “E ikaw Bran? Kamusta naman ang bakasyon niyo ni Alexa kahapon? Hindi ka ba nag-enjoy kaya pinoproblema mo pa iyon?” puno ng panunuya na tanong niya rito. Wala siyang pakialam sa kung anong sabihin nito.

Natigilan si Bran nang marinig ang sinabi ni Emily. Habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya, pakiramdam niya ay ibang tao ang nakikita niya ng mga oras na iyon. Kahit na gaano kakalmado ang mukha nito ay puno naman ng galit ang mga mata nito. 

Napalunok siya ng wala sa oras. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Emily sa kaniya dahil napakalaking tulong nito lalo na sa kumpanya at masasabi niya na kung iiwan siya nito ay baka maparalisa ang takbo ng kumpanya. 

Bigla niyang naisip na kaya nagagalit si Emily sa kaniya ay dahil sa paggalaw niya sa pera mula sa kanilang joint account. Sa totoo lang ay masasabi niyang padalos-dalos ang naging desisyon niyang iyon ngunit hindi niya kasi matiis na makitang malungkot si Alexa kaya niya iyon ginawa at habang nakatingin kay Emily ay wala siyang naramdaman ni kahit na katiting na pagsisisi dahil sa ginawa niya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 5

    KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 4

    PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 3

    NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 2

    PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 1

    NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status