LOGINKAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha?
Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo na ang singsing kahit gaano pa iyon kamura. Ngunit ang lalaking nasa harap niya na ngayon niya lang nakasama ay binigyan na siya kaagad ng regalong nagkakahalaga ng milyon. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon sa totoo lang. Ipinatong ng lalaki ang kanyang baba sa kamay nito pagkatapos ay muling tumitig sa kaniya kasabay ng pagsasalubong ng kilay. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong nito sa kaniya. Nang marinig niya ang tanong nito ay parang doon lang bumalik sa kanyang katinuan si Emily. Napailing siya at mabilis na sumagot. “Hi-hindi naman sa ganun Mr. Escalante. Nagulat lang ako.” sagot niya na totoo naman. Idagdag pa na ang kulay na iyon ang pinaka-paborito niya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magtaka, samantalang si Bran ay ni hindi yata alam ang paborito niya. “Pero, paano mo nalaman na ang kulay na ito ang pinakagusto ko?” Hindi siya tanga para hindi malaman na ang ganung klase ng diamente ay rare at napakamahal. Hindi ganun kadali ang maka-secure ng piraso nito. Bigla itong nagyuko ng ulo at pagkatapos ay hinalo ang kape na nasa harap nito saka nagkibit balikat. “Wala lang. Nagustuhan ko lang ang kulay na yan.” kaswal na sagot nito sa kaniya. Nagkataon lang ba talaga ang lahat? Dahil lang ba sa nagustuhan nito ang kulay na iyon? Napatitig siya sa lalaki, gusto niya sanang magtanong ngunit sa huli ay hindi na niya nagawa pa. “Hindi ba at mariin mong tinanggihan ang pagpapakasal sa akin? Why the change of heart?” tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang napalunok at nagyuko ng kanyang ulo. “Pa-pasensya na sa nangyari, naging padalos-dalos ang desisyon ko noon.” sagot niya rito. Sa totoo lang, hindi niya akalain na hanggang ngayon ay wala pa rin itong asawa. Napakatagal ng panahon ang nakalipas simula nang talikuran niya ang kasunduan sa pagpapakasal rito. Habang nag-iisip ay mas gugustuhin niya nang magpakasal sa estrangherong lalaki na nasa harap niya kaysa magpakasal kay Bran na walang ginawa kundi ang gamitin siya. Magpapakasal na lang din naman siya ay doon na sa magiging mataas siya at tiyak na magsisisi si Bran kapag nalaman nito kung sakali. Bumuntong hininga siya. Alam niya na isa itong kilalang tao sa lipunan at hindi nito gugustuhing magpakasal sa babaeng hindi nito kapantay kaya mabilis niyang ibinuka ang kanyang bibig. “Ngayon na bumalik na ako sa aking pamilya ay ako na ang mamamahala sa kumpanya katulad ng plano ng aking mga magulang noong una. Isa pa, hindi kita pakikialaman kapag kinasal na tayo at kung ayaw mong ipaalam sa publiko na ako ang asawa mo ay ayos lang din naman sa akin.” diretsang sabi niya rito dahil alam niya kung anong reputasyon ang pinangangalagaan nito. Idagdag pa na wala siyang magiging pakialam kung anuman ang gawin nito sa labas. Mambabae ito hanggat gusto nito basta itago lang nito iyon sa mata ng publiko. Simula nang lokohin siya ni Bran ay wala na siyang tiwala pa sa salitang pag-ibig. Isa na lang iyong kalokohan para sa kaniya. Kung ito nga na hindi pa ganun kayaman ay nagawa siyang lokohin, ito pa kayang lalaking kaharap niya na kayang-kayang bilhin ang lahat? Ilang sandali pa ay siya naman ang nagtanong dito. “Pero bakit pumayag ka sa kasal na ito?” gusto niyang malaman ang tunay na dahilan. Kung tutuusin ay masasabi niyang nasa kamay na nito ang lahat ng gusto nito at kung may naisin pa itong iba ay madali na lang nitong makuha iyon kaya bakit? Bakit ito pumayag na magpakasal sa kaniya? Idagdag pa na minsan na niyang sinubukang takasan ang kasal na iyon. Hindi man lang ba ito nakaramdam ng galit sa kaniya? O gusto nitong gumanti sa kaniya dahil sa ginawa niya noon? Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon. Nanatili itong tahimik ng ilang segundo hanggang sa tuluyan na itong sumagot. “May utang na loob ako sa lolo mo kaya ngayong nasa edad na ako ay tutuparin ko ang kanyang kahilingan na pakasalan ka. Huwag kang mag-alala magiging tapat akong asawa sayo.” sabi nito sa kaniya bago siya tinitigan. “At kung iniisip mong mambabae ako, hindi ko iyon gagawin.” dagdag nito na para bang nabasa nito ang nasa isip niya. …KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo
PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon
NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama
PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda
NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon







