共有

Chapter 4

作者: Susi
last update 公開日: 2026-03-31 07:23:44

PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.

“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.

Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon ng issue ay tiyak na magkakaroon ng epekto iyon sa reputasyon ng kumpanya.” pang-aaliw niya rito.

Napakagat labi naman si ALexa at pagkatapos ay tumulo na ang luha sa mga mata. “Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang hindi mag-guilty sa totoo lang dahil hindi ako ang kasama mo noong mga panahong nahihirapan ka. Maniwala ka sa akin Bran, mahal na mahal kita.” hilam ng luha ang mga matang sabi ni Alexa rito. “Isa pa, mataas na ngayon ang naabot mo kaya tiyak na hindi na tututol pa ang pamilya ko kung sakaling magpakasal man tayong dalawa.” 

Hindi ito nagsalita at naktingin lang sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumigil siya. “O ayaw mo na akong pakasalan ngayon?” 

Nang marinig naman ito ni Bran ay kaagad na lumambot pa lalo ang kanyang ekspresyon. Alam niyang labis din namang nahirapan noon si Alexa dahil sa paghihiwalay nila. Sa sobrang laki kasi ng agwat ng pamumuhay nila noon ay iyon ang naging napakalaking hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Kahit na sobrang higpit ng pamilya nito noon sa pagitan nila ay nakagawa pa rin ito ng paraan para kontakin siya. At kahit na sino pa ang dumating sa buhay niya ay walang makakapantay rito. 

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Paano mo naman nasabi yan? Ikaw pa ba? Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba?” bulong niya rito bago niya ito yakapin ng mahigpit. Kumawala siya rito at hinawakan ang magkabila nitong balikat habang nakatitig siya sa mga mata nito.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito. Parang pinipiga ang kanyang puso kaya nakikita niyang umiiyak ito dahil sa kaniya. “Bigyan mo pa ako ng kaunting oras okay? Kapag naging successful ang napakalaking proyekto na trinarabaho ni Emily ngayon ay hihiwalayan ko na siya at magpapakasal na tayong dalawa.” muli niyang hinalikan ang noo nito.

Dahil sa sinabi ni Bran kay Alexa ay gumaan ang pakiramdam niya kahit papano. Isa pa, kung madadaliin  niya ang lahat at pilit na gigipitin si Bran ay baka magsawa ito sa kaniya. Mahirap na. Hindi pwedeng mapagod ito sa kaniya. Hindi pwede. 

~~~~~

Sa isang mataas na gusali ay nakatayo sa tabi ng bintana si Izek, nakasuot ng isang abuhing suit kung saan ay tahimik na naghihintay sa pagdating ng isang napaka-espesyal na bisita. Ilang sandali pa ay narinig niya ang papalapit na mga yabag kaya dahan-dahan siyang lumingon. Lumapit sa kaniya ang assistant niyang si Shawn. 

“Sir, nandito na po si Miss Emily.” spesyal na nagpalit si Shen Yuan ng damit na seda na kulay champagne. Halos nakalimutan na niya kung ano ang orihinal niyang hitsura dahil lagi siyang minamaliit ni Lu Jinheng dahil sa pagiging simple at kawalan ng pagkababae.

Taas noong naglakad si Emily papasok sa silid kung saan sila nakatakdang magkaroon ng dinner ng lalaking nakatakdang pakakasalan niya. Huminga siya ng malalim at niyuko ang kanyang sarili. Sa totoo lang, halos makalimutan niya na ang kanyang itsura at kung gaano siya ka-eleganteng tingnan kapag nakabihis siya. Simula kasi noong maging magkarelasyon sila ni Bran ay hindi na niya nagawa pang magbihis ng katulad ng mga oras na iyon. 

Nang tuluyan siyang makarating sa loob ay nakita niya kaagad ang lalaking kanina pang naghihintay sa kaniya. “Long time no see.” sabi nito sa kaniya at kumurba ang labi para ngumiti sa kaniya ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti.

Natigilan siya ng marinig niya ang sinabi nito. “Nagkita na ba tayo dati?” gulat niyang tanong dito.

Hindi ito nagsalita sa halip ay nakatitig lang sa kaniya hanggang sa ito naman ang nagtanong sa kaniya. Ibinalik nito ang tanong sa kaniya. “E ikaw, kilala mo ba ako?” malamig ang boses na tanong nito sa kaniya.

Bakit siya nito tinatanong kung kilala niya ito? Sino ba naman ang hindi makakakilala rito e ito lang naman ang tagapagmana ng pamilya Escalante. Higit pa doon ay ang apelyido pa lang nito ay nagtataglay na kaagad ng kapangyarihan at naglalakihang ari-arian. Nakalagay ito sa ilang magazine, balita at social media dahil sa husay nito sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. Kaya nga lang ay kumalat din sa lahat na ang taong nasa harap niya ay walang puso at kailanman ay hindi interesado sa mga babae. Naka-focus lang ito palagi sa trabaho. 

Habang magkasalubong ang kanilang mga mata ay hidni niya maiwasang hindi makaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Isa pa ay naiilang din siya sa paraan ng pagtitig nito, parang nanunuot ang mga mata nito hanggang sa kaibuturan ng pagkatao niya sa totoo lang hanggang sa tuluyan na siyang nag-iwas ng kanyang mga mata dahil hindi niya na matagalan pa ang mga titig nito.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 5

    KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 4

    PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 3

    NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 2

    PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda

  • Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire   Chapter 1

    NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status