LOGINPakiramdam ni Shane ay totoong himatayin na siya sa pagkakataon na ito dahil tunay na nakakatakot ang nangyayari ngayon. Yumakap siya nang mahigpita at halos itago ang sarili sa pagitan ng katawan ng mga magulang. "Mom, ayaw ko pa pong mamatay!""Honey, ano ang nangyayari, sino ang humahabol sa atin?" Dumoble ang kaba na nadarama ni Tanya at natatakot na rin siya. Hindi na lang ito basta paramdam at pananakot ng taong nagawan niya ng kasalanan."Huwag kayong gumalaw at manatiling naka yuko." Utos ni Troy sa mag ina niya saka kinuha na rin ang baril na laging dala at nasa sasakyan lang. Talagang pinag planuhang tambangan sila ng hibdi pa kilalang tao at doon pa sa makipot na daan at malayo pa sa highway. "Shit!" Napamura si Ronald nang bigla may bumato sa bintana ng sasakyan at nabasag iyon. Ang bato na ginamit ay naka balot sa papel at may sulat iyon. Halos mabingi siya sa tinis ng boses ng dalawang babae at grabe ang hiyaw dahil sa gulat at takot. "Calm down at manatiling naka yuko
"Nagulat po kayo kung paano ko nalaman? Baka nakalimutan ninyo na naalala ko na ang lahat. Isa sa iniwang last will and testament ay kami ng kakambal ko ang may karapatan sa bahay na ito. Nakasaad din doon na kapag nawala si mommy at nag asawa kang muli ng ibang babae ay mawalan ka ng karapatang tumira sa pamamahay na, ito!" Matigas na paalala ni Kiana sa ama.Napatiim bagang si Troy at binibigyan siya ng anak na gumawa ng hindi maganda. Mukhang tama nga si Tanya, na brainwash na ni Denver ang isip ng anak kaya ganito na kung manalita sa kaniya. Alam ni Karen ang tungkol sa bagay na iyon dahil naroon ito noon nang ipaalala ng abogado nila ang tungkol sa last will and testament ng ina nito. Kailangan niyang pumira noon sa pinagawang kasulatan upang walang maging gulo sa pagitan ng dating asawa at ni Tanya. Iyon ang isa sa reason kung bakit malaya niyang nasusuportahan sina Tanya noon dahil sa kasunduan."Karen, wala namang umaagaw sa bahay na ito, hija. Nagkamali ka lamang ng intindi s
"Sana ay masaya ka sa ginawa mong pagpatay sa batang walang muwang na nasa sinapupunan pa lang ng tiyan ng kaniyang ina." Malakas na basa ni Kiana sa nakasulat sa kahon.Pahablot na kinuha ni Troy ang hawak ng katulong at binasa rin ang naka sulat doon. Mabilis niyang tinawag ang tauhan upang halughugin ang paligid at may kaaway na nakapasok."Dad, ano ang ibig sabihin ng naka sulat sa kahon? May pinatay ba si Shane?" Mukhang nag aalala at takot na tanong ni Karen."You shut up! Ano ang pinagsasabi mo riyan? Hindi masama ang kapatid mo para gawin iyang nasa isip mo!" Galit na sita ni Tanya sa babae saka niyakap nang husto ang anak na muling natakot."No, hindi biro itong nangyayari ngayon. Kaya na ayaw mong tumawag ng pulis at takot kang malaman ng iba ang ginawa ng anak mo?" Nang uuyam na tanong ni Kiana sa ginang. "Estupida! Shut up at walang kang alam. Kung sino man ang gumawa ng kalukuhang ito ay tiyak na gusto lamang manggulo!" Inagaw ni Tanya ang kahon na hawak ng asawa saka pi
"Ahhhh, mommy!" Hintakutan na sigaw ni Shane saka mabilis na isinara ang pinto ng silid. Halos takbuhin niya ang pababa sa hagdan.Patakbong umakyat si Tanya sa hagdan kasunod ang asawa niya. Sa gitna ng hagdan ay nakasalubong niya ang anak na nagsisigaw pa rin at takot na takot. "Shane, what's wrong? Ano ang nangyayari?" Nag aalala njyang tanong saka pinigilan na ito sa pagbaba sa hagdan."May tiyanak...may tiyanak po sa silid ko!" Naghihistirikang hiyaw ni Shane habang nagtatalon talon na para bang takot iapak na ang mga paa."What the hell are you talking about?" Angil na ni Troy sa anak at hindi natutuwa sa kahibangan na sinasabi nito. "Honey, huwag ka naman ganiyan at natatakot na nga ang anak natin." Sita ni Tanya sa asawa."Kakanood niya iyan ng horror movie kaya kung ano na lang ang nakikita!" Iritableng ani Troy."No, totoo pong mayroong box sa silid ko po at mukhang bata ang laman!" Napaiyak na si Shane dahil sa takot."Sa halip na pinapagalitan mo ang anak mo ay tingnan mo
"Sorry!" Mukhang labas sa ilong na paghingi ng tawad ni Shane sa kapatid habang hawak ang kamay nitong humihila pa rin sa buhok niya."May sinasabi ka?" tanong ni Kiana at muling hinila pababa ang buhok ng kapatid. "A-ouch! I said sorry!' Pasigaw na sagot ni Shane at napatingala nang husto ang ulo dahil sa ginagawa ng kapatid sa buhok niya."Hindi iyan ang gusto kong marinig!" Matigas na turan ni Kiana."Shane, say it at nang hindi ka na nasasaktan pa!" Pagalit na utos ni Troy sa anak.Pakiramdam ni Shane ay lalong dumugo ang bibig niya dahil sa mariin na pagkalapat ng mga labi. Ang pagsabi ng sorry ay labag na sa kalooban na, what more ang bawiin ang sinabi kanina na ikinagalit ng kapatid?"Karen, bitiwan mo na ang kapatid mo at baka mabalian siya ng buto." Pakiusap na ni Tanya at naaawa siya sa anak. Tinulungan na rin siya ng asawa na makatayo at mukhang hindi rin kayang awatin ang anak nito sa pananakit kay Shane."Let's see kung sino ang mas matigas sa ating dalawa!" Nakangisi la
Napangisi si Shane nang makita ang dugo sa kamay ng kapatid. "Bitch, hindi lang iyan ang matikman mo mula sa akin kapag–argh!" Pumaling sa kaliwa ang mukha niya at hindi na natapos ang pagsasalita. Nakaramdam din siya ng hilo nang dumapo ang sampal ni Kiana sa kaniyang pisngi. Hindi nakuntinto si Kiana sa isang sampal lamang. Kung lalaki lang ang kaharap ay suntok ang matitikman nito sa kaniya. Magkasunod na sampal pa ang pinadpo niya sa magkabilang pisngi ni Shane saka hinila muli ang buhok upang patingalain ito. "Sino ang malandi, ang ina ko na legal na asawa o ang ina mong kabit?""Ahh, mommy, help me!" Hiyaw ni Shane at hindi alam kung alin ang unang sapuin, ang pisngi na ramdam niyang namamaga na o ang buhok na halos mabunot sa anit niya dahil sa higpit na pagka sabunot doon."Bitiwan mo ang anak ko!" Galit na sinugod ni Tanya ang babae at balak na hablutin din ang buhok nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagtaas ng isang paa at yumama iyon sa tiyan niya. "Ahhhh!"Nanlaki ang







