Share

Chapter 6- Jealous

TIRIK NA TIRIK ang araw kung kaya't nanatili muna kami sa may kubo. Hindi ko maiwasang bumilib sa mga magsasaka na nakikipagsapalaran sa init ng panahon. Bukod kasi sa mga halamang hayop ay may taniman din ang farm nila Franco. Kaya nga pakiramdam mo ay nasa province ka kapag nag-stay ka rito.

Hindi nga namin maiwasan ni Elaiza ang magkailangan lalo na nang magkaharap kami sa tapat ng hapagkainan. Siyempre, inihain ni Tita Friday ang specialty raw niyang adobo.

TIRIK NA TIRIK ang araw kung kaya't nanatili muna kami sa may kubo. Hindi ko maiwasang bumilib sa mga magsasaka na nakikipagsapalaran sa init ng panahon. Bukod kasi sa mga alagang hayop ay may taniman din ang farm nila Franco. Kaya nga pakiramdam mo ay nasa province ka kapag nag-stay ka rito.

Hindi nga namin maiwasan ni Elaiza ang magkailangan lalo na nang magkaharap kami sa tapat ng hapagkainan. Siyempre, inihain ni Tita Friday ang iniluto niyang adobo at mainit na kanin.

"Alam mo bang specialty ito ni mama noon pa man," kwento sa akin ni Franco. Bagay na hindi ko naman inaasahang sasagutin ni Elaiza sa kawalan.

"Franco was right. Madalas iluto 'to ni tita lalo na kapag nagpupunta ako sa kanila," may tonong pagmamalaki pa ni Elaiza.

Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang magselos kahit na wala naman akong dapat ikaselos. 'Yung malaman ko pa lang na si Elaiza ang tinutukoy ni Tita Friday na bisita ay hindi ko na maiwasang kabahan lalo na't batid ko na malaki ang pagkagusto niya kay Franco, and knowing her, hindi siya 'yung tipo ng babae na basta-basta na lang nagpapatalo.

Ilang sandali pa ay bumulong sa akin si Franco. "'Wag mo nang bigyan ng kahulugan ang mga sinabi niya, she's a family's friend kaya natural lang na magpunta siya sa bahay namin."

Napatango naman ako sa sinabi ni Franco at sa pagsulyap ko kay Elaiza ay napansin kong masamâ ang tingin niya sa akin habang masaya nitong kausap si Tita Friday.

Inilibot pa nga ako ni Franco sa kabuuan ng farm, subalit hindi naman namin inaasahan na eeksena roon si Elaiza. At dahil nga tirik na tirik ang araw ay may dala itong payong habang kami naman ni Franco ay matapang na tinitiiis ang hapding dulot ng init sa aming mga balat. Pero kahit gano'n ay pinagsuot ako ni Franco ng longsleeve na damit kasabay ng sumbrerong gamit-gamit ko kanina. Nakita ko kung paano umilalim ang tingin sa akin ni Elaiza habang inaalalayan akong maglakad ni Franco. Pero dahil iginagalang ko ang property nila Franco ay isinawalang bahala ko na lamang iyon.

Naglakad kami nang naglakad kung saan ay ipinakita sa akin ni Franco ang taniman ng mga bulaklak. Mayroong mga orchids, rosas, gumamela at marigold. Pero dahil mahilig ako sa marigold ay iyon ang pinitas ni Franco para sa akin matapos niya akong papiliin ng gusto kong bulaklak. Pagkatapos ay siya na itong naglagay niyon sa likod ng aking tainga, bagay na ikinasamâ muli ng tingin ni Elaiza.

Hanggang sa nagawa nitong kunin ang atensyon ni Franco. "Franco, tingnan mo ang paru-paro, dumapo sa akin!" masayang sabi ni Elaiza.

Nakita ko namang napangiti si Franco at lumapit sa pwesto nito. Hanggang sa kusa na ring lumipad palayo ang paru-paro. Doon ko lang nalaman na mahilig pala sa paru-paro si Franco kahit na lalaki siyang tao. Gusto niya raw pagmasdan ang makulay nitong mga pakpak na lalong nagbibigay kulay sa mga halaman.

Ilang sandali pa ay narinig naming napaingit si Elaiza. "Ah!" At doon namin namalayan na natapilok ito. Gusto ko sanang matawa dahil alam niya namang farm ang pupuntahan ay nagawa pa niyang magsuot ng may takong. Pero dahil napapaingit siya sa sakit ay hinayaan kong alalayan siya ni Franco hanggang sa makabalik kami sa may kubo.

Hindi ko alam kung nananadya lang ba si Elaiza dahil nang karga-karga na siya ni Franco ay siyang pagngisi naman niya sa akin. Nakasunod lamang ako sa kanila hanggang sa makabalik kami sa kubo.

Todo alala naman si Tita Friday sa nangyari kay Elaiza. "Diyos ko, hija, bakit kasi hindi ka nag-iingat? Paano ka na niyan makakapaglakad pauwi?"

"Ahm, alam ko naman pong hindi ako pababayaan ni Franco, right, Franco?" Nakangiti pa itong lumingon kay Franco habang si Franco naman ay tila hindi makapagdesisyon.

"Naku, mabuti pa nga at ikaw na ang maghatid kay Elaiza pauwi, Franco at baka mapasamâ pa ang pilay niya sa paa," nag-aalalang wika ni Tita Friday. Nang sabihin iyon ni Tita Friday ay tila pinagseselos pa ako ni Elaiza dahil nagawa pa nitong mapakapit sa braso ni Franco habang napapaingit.

Si Franco naman ay nag-aalala para rito. "Sobrang sakit ba?"

"O-oo.." pag-iinarte pa ni Elaiza na halata namang sinasadya lang para mapunta sa kaniya ang atensyon ni Franco. Napapailing na lamang ako habang nakamasid sa kanila. Kung p'wede nga lang sana na magpaalam na rin akong umuwi para hindi ko nararamdaman 'to ngayon. Oo, nagseselos ako lalo na't batid ko na nananadya lang itong si Elaiza.

Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon upang hubarin na ang longsleeve na damit na ipinahiram sa akin ni Franco. Kaya naman lumitaw muli ang kaputian ko dahil na rin sa matinding sikat ng araw.

Makailang segundo pa ang lumipas ay nagawa akong kausapin ni Franco. "Mandy, maliligo na muna ako bago kita ihatid, hah? Pagkatapos ay ihahatid ko na rin si Elaiza pauwi. Mag-i-stay ako sa kanila hanggang sa maging okay ang pakiramdam niya." Napatango ako at hindi nakasagot agad. "Pasensya ka na, hah? Alam kong hindi ka pa masyadong nag-e-enjoy pero kailangan na rin kitang isabay pauwi, e."

"O-okay lang, Franco, naiintindihan ko naman," sagot ko kahit na nagtatago ang inis sa buong sistema ko. Kung hindi lang naman dahil kay Elaiza, edi sana ay hindi mapuputol ang bonding namin ni Franco sa farm.

Nagpaalam naman kami ng maayos kay Tita Friday bago kami umalis. At dahil kinakailangang kargahin ni Franco si Elaiza ay tiniis ko iyong makita hanggang sa makarating kami sa pinag-parkingan ng Saturn Aura niyang sasakyan. Magkatabi kami sa may driver's seat habang nasa likuran naman niya pinaupo si Elaiza. Sadyang panalo pa rin naman ako dahil hindi niya ginustong ma-out of place ako kahit na higit na nangangailangan ng atensyon ngayon si Elaiza. Nakita ko sa may salamin kung paano ako samâan ng tingin ni Elaiza gayong nakuha ko pa rin ang dapat na pwesto ko sa sasakyan ni Franco. At habang nagmamaneho si Franco ay bigla kong naalala ang plano pa sana naming daanan pagkatapos sa farm. "Hindi na pala tayo makakadaan sa sementeryo."

"Oo nga, e. Di bale, marami pa namang next time at promise, babawi ako sa'yo."

Napangiti ako nang tipid. "Hindi mo naman kailangang mangako, Franco.."

"Okay, gagawin ko na lang, just for you." Nagbigay naman iyon ng munting kilig sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe.

Nalaman ko na lang na nakarating na kami sa tapat ng bahay ko nang magawa akong gisingin ni Franco. Tila naalimpungatan naman ako kaya halos magulat ako nang bumungad ang mukha niya sa harapan ko. Iyon pala ay akma niyang tatanggalin ang seatbelt. "A-ahm, ako na.." sabi ko. Hinayaan niya naman akong tanggalin iyon hanggang sa magpaalam na rin ako sa kaniya. "Sige na, ihatid mo na si Elaiza at 'wag mo siyang iiwan hangga't hindi okay ang pakiramdam niya." Hindi ko alam kung bakit tila may kirot sa dibdib nang sabihin ko 'yon. Pero masayang isipin na kaya kong magpalaya para kay Elaiza.

"I'm sorry talaga," tanging nasabi niya. Saka naman ako napatango at napangiti. Kapagkuwa'y bumaba na rin ako ng kaniyang sasakyan habang narinig kong nag-request naman si Elaiza na ilipat na siya sa tabi ni Franco. Hindi naman nakaangal si Franco lalo pa't inihabilin si Elaiza ng kaniyang ina sa kaniya.

Kumaway pa sa akin si Franco bago pa sila tuluyang umalis hanggang sa pumasok na rin ako sa loob ng bahay at doon nagpahinga.

Pasado alas tres pa lamang ng hapon kung kaya't mahaba pa ang araw para maburyo akong mag-isa. Ramdam ko na naman ang pangungulila na madalas kong nararamdaman. At kung kasama ko lang siguro hanggang ngayon si Franco ay hindi ko 'to mararamdaman.

Napatitig ako sa salamin at nakita ko ang aking sarili na nakabusangot. Kaya naman hindi ko naiwasang kausapin ang aking sarili.

"Bakit ka ba malungkot? Malinaw naman sa'yo na mas kailangan siya ni Elaiza, 'di ba? Saka, bakit ka ba nagseselos? Wala kayong relasyon kaya wala kang karapatang magselos kung sino ang nakakasama niyang iba." Doon ko lang namalayan na nasabunutan ko na ang sarili sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hanggang sa magawa ko na lang tawagan si Bianca upang kahit papaano ay mawala ang buryong nararamdaman ko.

"Ano na naman ba? Kapag bored ka ay ako ang tatawagan mo? Saka akala ko ba ay magkasama kayo ngayon ni Franco?"

"Galit 'yan? E, heto nga at hindi na kami magkasama."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Kaya pala naisipan mo ako ngayong tawagan. Hay, nakakatampo ka na, hah? Kanina gustung-gusto kong magpunta riyan tapos ayaw mo naman akong payagan, tapos ngayon ay pipilitin mo akong makipagkita kung kailan ayoko na!" Ramdam ko ang pagtatampo sa boses niya kaya naman umisip ako ng dahilan para mapapayag siya.

"Bianca naman, pumayag ka na. 'Wag kang mag-alala at ililibre kita ng pagkaing gusto mo. Ayoko lang talagang ma-bored dito sa bahay."

"Okay sige, saan ba tayo magkikita?" Napangiti ako, o, 'di ba? Ang bilis niya lang mauto! Pero seryoso ako sa panlilibre.

"Ite-text ko na lang sa'yo. Basta magbihis ka na, okay? Ayokong maghintay nang matagal."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. " Kaloka ka, ikaw na nga itong may favor ikaw pa 'tong demanding. O, siya! At dahil ililibre mo naman ako ay hindi na ako aangal!"

"Ayun! Sige, hah? See you!"

"Okay, see you when I see you!" pagbibiro pa niya at doo'y pareho na naming ibinaba ang linya.

Makalipas ang mahigit trenta minutos ay dumating na rin siya sa tagpuan namin. Sa entrance ng mall kami nagkita at todo yakap agad siya nang makita ako.

"So, saan mo ako ililibre, Mandy, hah?" Pambihira, wala talaga 'tong ibang inisip kundi ang kumain, e. Hindi naman tumataba. 'Yung totoo? Saan niya kaya inilalagay ang mga kinakain niya?

Napailing na lamang ako habang natatawa. "Mamaya na tayo kumain, samahan mo na muna ako!" excited kong sabi at hinila ko siya patungo sa isang boutique ng mga bags at damit.

"Kaloka ka, ang dami mo ng bags at damit, 'di ba? Bibili ka na naman?"

"Gano'n na nga," sagot ko habang hindi na maalis ang pagkakatitig ko sa damit na umagaw agad ng atensyon ko. Kaya naman nag-request agad ako sa saleslady na isukat iyon.

Hindi naman naiwasang mapahanga sa akin ni Bianca at pagkatapos ay nagdesisyon ako na bibilihin iyon. "Ikaw ba, Bianca, may gusto ka rin bang bilihin?"

"Wala, hindi ko naman kailangan magsuot ng ganiyan, 'no? Hello, teacher ako at hindi modelo," sarkastiko pang sabi niya.

"I know pero, sa mga special occassions naman ay p'wede mo itong isuot. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, ibibili kita ng damit!" Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko kasabay nang paghalukipkip.

"Talaga? Pero, ang mahal dito, Mandy. Okay na ako sa tig-two hundred lang na damit, 'no? Kasi hindi naman ako fashionista katulad mo."

"Bianca, libre ko 'to kaya hindi mo kailangan umangal sa presyo."

"Iyon na nga, e. Libre mo, kaya nakakahiya. Parang mas mahal pa 'to sa friendship natin, e."

Napangiti ako. "Hindi naman matutumbasan ng kahit magkano ang friendship natin, Bianca. Hay, para wala nang drama, pumili ka na. Sige na!" Pinilit ko si Bianca na makapili ng damit na gusto niya kahit magkano pa ito. Nagsukat siya nang nagsukat hanggang sa may bumagay sa kaniya. Sa petite niya kasing pangangatawan ay napakahirap niyang bagayan ng damit. Mabuti na lang at may magagandang creations doon ng damit na talagang bumagay sa kaniya.

Matapos naming mamili ng damit at bags ay ayaw pa rin magpaawat ni Bianca sa pagpapasalamat sa akin. Hanggang sa abutan na rin kami ng gutom kung kaya huminto muna kami sa isang restaurant. At dahil nga inistorbo ko siya ay gastos ko lahat. Wala namang kaso iyon sa akin lalo na't sarili ko lang naman ang binubuhay ko ngayon. May ipon na rin kahit papaano kaya para sa akin ay walang problema kung makakatulong naman sa iba.

Habang naghihintay kami ng order namin ay bigla akong napasilip sa aking messages at doo'y tila tumigil ang mundo ko nang mag-send sa akin si Elaiza ng mga sweet photos nila ni Franco. At para bang kumulo agad ang dugo ko sa selos lalo na't napatunayan ko na plano talaga niyang solohin si Franco at para pagselosin ako. At hindi naman ako tanga para isiping walang nangyari sa kanila. And knowing Franco, hindi ito basta-basta aamin sa ginawa niyang kalokohan.

"Mandy, okay ka lang?" Nabalik lang ako sa realidad dahil sa winika ni Bianca. At doo'y nakita niya ang nakakuyom kong mga palad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status