Share

Kabanata 248

last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-28 22:45:39

Ang pangunahing dahilan ni Max sa pagpunta roon ay para tuparin ang kanyang pangako. Sa oras na iyon, kausap niya ang isang monghe tungkol sa dagdag na donasyon na binigay niya sa templo.

Sandaling naghintay si Aeris, nang mapansin niyang mukhang matatagalan pa si Max. Tahimik niyang sinabi rito na maglilibot muna siya bago siya lumabas ng main hall at pumunta sa likod ng templo.

Tahimik at payapa ang lugar na iyon. Habang naglalakad si Aeris, nakita niya si Zaldy. Nagpalit na ito ng simple per
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 264

    Pagliko ni Aeris sa kanto ay muntik na siyang mabangga sa isang tao.Agad siyang huminto. “Sorry—” Pero bago pa niya matapos ang sasabihin, nakilala na niya ang taong nasa harapan niya.Si Zaldy!Ngayon, mas youthful at casual ang pananamit ni Zaldy. Nakasuot ito ng ripped jeans, sneakers, at hoodie kaya mukha siyang isang ordinaryong college student. May nakasabit ding puting over-ear headphones sa leeg niya.Nang nagtama ang kanilang mga mata, binati siya ni Zaldy ng isang inosente at magalang na ngiti. “Ms. Aeris, what a coincidence!”“Hmm.” Bahagyang tumango si Aeris. Hindi niya inaasahang makakasalubong si Zaldy sa isang nursing home.Kusang nagpaliwanag naman si Zaldy. “My mother is staying here. I came to visit her.”Muli siyang tumango. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin.“What about you, Ms. Aeris? What brings you here?” Agad na tanong nito. “Nandito rin ang papa ko,” sagot ni Aeris. Wala naman siyang nakikita na dahilan para itago iyon.Ngumiti si Zaldy. “What a coin

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 263

    Nang makita ni Aeris kung gaano katindi ang galit ni Angelito sa mukha ay lalo siyang natuwa.Lumabas ang mapanuya niyang ngiti sa kanyang mukha. “Nabalitaan kong hindi na stable ang mental state ni Lorien dahil sa lahat ng nangyari. Mr. Jurial, hindi dapat binabalewala ang mental health issues. Kapag may sakit ang isang tao, kailangan niyang magpagamot. Kung hindi, baka may mga inosenteng taong madamay at masaktan.” Malinaw ang babala sa kanyang mga salita.Nakakagulat ang mga nangyari kay Lorien. Ayon sa mga kumakalat na balita, nagkukulong ito sa apartment nito dahil sa takot na humarap sa ibang tao.Ilang araw nang sunod-sunod na natagpuan si Lorien na natutulog sa labas, malapit sa entrance ng apartment building niya, tuwing madaling-araw.Matigas ang ulo nitong itinangging kusang bumababa siya. Sa halip, ipinipilit niyang may pumapasok daw sa apartment niya at naglalabas sa kanya nang hindi niya nalalaman.Ilang beses na rin siyang tumawag sa pulis. Pero ayon sa imbestigasyon, w

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 262

    Lumingon si Aeris sa kanyang ina. “Ma, mauna ka na sa loob. Malalamig na ang sabaw. Baka hindi na iyon mainom ni Papa kapag lumamig pa.”Agad na naiintindihan ni Chennie na si Aeris na ang bahala kay Angelito. Hindi na siya nakikipagtalo. Matapos itong masamang tingnan, tumalikod siya at pumasok.Susundan sana siya ni Angelito, pero pinigilan siya ni Aeris. “Mr. Jurial, sandali lang po. Simula nang magkasakit si Papa, ayaw na niyang makakita ng mga taong hindi niya kilala. Mas mabuting huwag na ninyo siyang istorbohin.”Tiningnan siya ni Angelito. “Aeris, kalokohan iyan. Ilang taon na kaming magkakilala ng papa mo. Paano mo ako matatawag na estranghero?”Ngumiti si Aeris, pero walang bahid ng saya ang kanyang mga mata. “Mr. Jurial, nagbibiro po ba kayo? Matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan, pinlano mo pa ring pabagsakin ang Montalban family. Hindi namin kailangan ng kaibigang tulad mo.”Dahil wala namang kahihiyan si Angelito, wala ring dahilan si Aeris para magpakabait dito. Ma

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 261

    Hindi napigilan ni Aeris na muling magtanong sa kanyang ina. “Ma, kailan bumalik sa Cagayan si Rebecca pagkatapos ng divorce niya?”Ayon kay Chennie, sa pamamagitan na lamang ng mga mensahe sila nagkukumustahan ni Rebecca matapos itong mag-asawa. Hindi naging maganda ang naging buhay may asawa ni Rebecca. Pagkatapos ng kasal, naging full-time housewife ito.Noong una, nagkasundo silang magkita kahit isang beses man lang kada taon. Pero dahil sa kani-kanilang buhay may asawa, hindi nila iyon nagawa ng maayos. Ilang beses na binisita ni Chennie si Rebecca, pero matapos niyang manganak kay Aeris, bihira na siyang makadalaw dahil kailangan niyang alagaan ang anak.Hanggang isang araw, bigla na lamang nagpakita si Rebecca sa Cagayan na punong-puno ng pasa ang katawan. Sinabi nitong nakipag-divorce na siya sa asawa.Doon nalaman ni Chennie na isang alcoholic ang dating asawa ni Rebecca at madalas siyang bugbugin nito kapag lasing. Ilang beses ding nabuntis si Rebecca, pero paulit-ulit siyan

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 260

    Pagkatapos, umakyat si Chennie sa itaas. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya dala ang isang bank card at iniabot iyon kay Aeris. “Itago mo muna ang card na ito. Ibinenta ko na ang lahat ng alahas at ari-arian ko. Magagamit mo ang perang naroon.”Nag-aalala si Chennie na baka kulangin sa pera si Aeris para pamahalaan ang kumpanya, kaya abala siya sa pakikipag-ugnayan sa mga posibleng bumili ng kanyang mga ari-arian.Naibenta na niya ang ilan sa mga ito, pati na rin ang mamahaling alahas na ibinigay sa kanya ng asawa niyang si Antonio. Balak sana niyang ibigay ang pera kay Aeris kinabukasan o sa susunod na araw, pero maaga nang nakauwi ang anak niya.Itinulak ni Aeris pabalik ang card sa kanyang ina. “Bakit hindi mo muna sinabi sa akin bago mo ibenta ang lahat? Ma, may pera ako. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kumpanya.”Ayaw tanggapin ni Aeris ang pera ng kanyang ina, pero hindi rin nagpatalo si Chennie. Matagal silang nagtalo tungkol dito. Sa huli, nang mapagtanto ni Ch

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 259

    Pagkauwi ni Aeris, kinuha niya ang laptop niya at pinanood ang video sa USB drive na ibinigay ni Daphne. Maikli lang ang video, ipinakita lang nito si Rowena habang inaabot ang isang bank card sa isang babae.Masyadong malayo ang camera kaya hindi marinig ang sinasabi ni Rowena. Halatang hindi nangahas si Daphne na lumapit pa. Mukhang iniimbestigahan muna ni Daphne si Aeris bago siya nagdesisyon na lumapit dito.Malaking tulong talaga kay Aeris ang pagiging tapat nito. Inutusan naman ni Aeris si Ms. Karyl na ihanda ang pera at ihatid iyon kay Daphne kinabukasan.Kapag nakapasok na si Daphne sa mga Jurisl sa pamamagitan ng pagpapakasal, siguradong magkagulo ang lahat.Nanatili ang tingin ni Aeris sa naka-pause na video. Napaisip siya kung alam ba ni Danilo ang plano ng mga anak at apo nito na itulak sa pagka bankrap ang pamilya niya. Palagi naman siyang tinatrato ng maayos ni Danilo. Kung minsan, sobra pa nga ang kabaitan nito kaya hindi siya mapakali.Pero paano kung naging mabait it

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 1

    “Pumapayag na akong pakasalan ka.” Sa harap ng Civil Affairs Bureau, sa opisina kung saan dapat sila magpakasal, nakatingin si Aeris sa nakasarang pinto habang tumatawag sa telepono. Ngayong araw dapat sila magpapakasal ni lucas. Pero maghapon siyang naghintay—mula pa alas-nuwebe ng umaga hangga

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    Kabanata 7

    Ilang minuto lang ang nakalipas ng makaalis si Aeris mula sa ospital ng nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina na si Chinnie. Dahil sa galit niya ay hinayaan niya lang itong tumunog hanggang sa kusa itong maputol. Pero wala yatang balak na huminto sa pagtawag ang Ina niya, dahil tumunog ul

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 6

    Namamanhid at kumikirot ang pisngi ni Aeris dahil sa sampal, pero mas masakit ang nararamdaman niya sa dibdib niya na para bang tinusok siya ng ilang milyong karayum. Alam niyang kailangan ng Ina niyang si Chinnie ang tulong ni Lucas para sa pamilya nila, pero hindi niya akalain na ito mismo ang

  • Vengeance and temptation: married to my ex's enemy    kabanata 5

    Narinig ni Lucas ang gulo sa labas.Nawala agad ang ngiti sa kanyang mukha nang makita si Aeris. Naging malamig ang mga tingin sa babae na tila galit at nanunumbat.Napansin naman agad ito ni Aeris. Nakatayo siya sa likod ng kanyang ina na si Chinnie na wala ring emosyon ang mukha.“Hijo, Lucas, pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status