Share

WHEN DESIRE BECOMES A SIN
WHEN DESIRE BECOMES A SIN
Penulis: Anne Author

Chapter 1

Penulis: Anne Author
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-31 21:18:29

Dear lovely readers

Welcome to my story that blurs the line between love and sin a tale of passion born in silence and tested by consequence.

Caleb and Lyra Mae never meant to cross the line.

They were bound by circumstance, drawn together by something deeper than either of them could explain. One night changed everything one kiss that awakened a desire neither of them could forget nor forgive.

This story isn’t about perfect love.

It’s about temptation, restraint, and the haunting pull of emotions that defy reason.

When desire becomes too strong to resist, when hearts betray logic and duty, what happens when love itself becomes a sin?

Through every page, you’ll walk with Caleb and Lyra Mae feeling their hesitation, their longing, their quiet heartbreak. You’ll see how love can heal and destroy at the same time, how guilt can burn just as much as passion, and how silence sometimes speaks louder than words ever could.

I wrote this story for those who have ever loved the wrong person at the wrong time for those who have fought their own hearts, yet still found beauty in the pain.

So if you’re ready to step into a world where emotions run deep and desire dares to challenge destiny

Welcome.

This is their story raw, forbidden, and unforgettable.

With love ❤️

Anne Author 🫰

---

LYRA’S POV

Tutol man ang kalooban ko sa muling pag-aasawa ni Mama, hindi ko na siya pinigilan.

Dahil alam kong karapatan din niyang lumigaya pagkatapos ng lahat ng hirap at sakripisyo niya sa pagpapalaki at pagpapaaral sa akin ng mag-isa.

Kasama ako nang lumipat siya sa napakalaking bahay ng bago niyang asawa. Isang bahay na hindi ko inakalang may ganoon kalaki at katahimikan.

Sa bawat hakbang ko sa marmol na sahig ng bahay, parang may boses na bumubulong sa akin

“Lyra Mae, hindi ka nababagay sa lugar na ito.”

“Maganda ba ang bahay anak?”

masayang tanong niya sa akin habang umiikot ang mga mata niya sa paligid, halos hindi maitago ang kagalakan sa mukha.

Matagal ko nang hindi nakita ang ganoong saya sa mga mata ng mama ko. Iyon bang ngiting walang pagod, walang lungkot at puno ng pag-asa.

“Opo, Ma. Maganda po,” sagot ko, pilit na ginawang masigla ang sagot ko.

Pero sa loob-loob ko, may nararamdaman akong kaba. Dahil alam kong ang lahat ng ito ay may kapalit.

Lumapit sa amin ang asawa ni Mama si Mr. Alfredo Villarreal.

Mukha na mang mabait, maayos manamit at may boses na may halong awtoridad.

Pero sa kabila ng magalang niyang ngiti, may kung anong bigat sa presensya nito.

Marahil dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit kami nandito sa mundong sa pangarap ko lang hinahangad.

“Lyra, anak,” tawag ni Mama. “Hindi mo ba babatiin ang Tito Alfredo mo?”

Magalang akong ngumiti at nagmano sa kanya.

Ngumiti rin siya nang marahan, parang pinipilit maging malambing.

“Feel at home, hija. This house is yours too.”

Sana nga, naisip ko.

Pero kahit gaano kaganda ang lugar, ramdam kong bisita lang ako rito.

Ilang sandali pa, may namataan akong pigura ng isang lalaki.

Nakatayo siya sa paanan ng hagdan, suot ang puting long sleeves na bahagyang bukas sa dibdib, at ang mga manggas ay nakatupi hanggang siko.

Malamig ang titig na tila walang emosyon, pero puno ng kapangyarihan.

Saglit lang nagtama ang aming mga mata, pero sapat na iyon para bumilis ang tibok ng puso ko.

May kakaiba sa mga mata niya hindi galit, pero hindi rin init ng pagtanggap.

Isang titig na parang tumagos sa kaluluwa ko at nag-iwan ng marka.

“Lyra, anak,” tawag muli ni Mama, halatang gustong basagin ang tensyon.

“Siya si Caleb, anak ng Tito Alfredo mo. Caleb, this is my daughter, Lyra.”

“Welcome,” malamig niyang sagot.

Walang ngiti. Walang emosyon.

At bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya kami.

Tahimik siyang umakyat sa paikot na hagdanan ang bawat hakbang niya ay parang may kasamang bigat ng distansyang inilalagay niya sa pagitan naming dalawa.

Naiwan akong nakatulala, sinundan ng tingin ang likod niyang tuwid, disiplinado, at walang bahid ng emosyon.

Siya pala si Caleb Villarreal

The young CEO everyone talks about.

Cold. Brilliant. Untouchable.

At ngayon… ang lalaking makakasama ko sa iisang bubong.

Kinagabihan, tahimik ang hapunan sa mahabang hapag-kainan.

Si Mama at ang asawa nito ay masayang nagkukwentuhan tungkol sa mga plano nila sa bagong simula.

Ako naman, abala sa pagtitig sa basong may lamang tubig sa harapan ko, habang pilit na iniiwas ang tingin ko sa kabilang side ng mesa.

Paminsan-minsan, napapasulyap ako sa lalaki tahimik rin siya, tulad ko.

Nang muling magtagpo ang aming mga mata, may kung anong pumintig sa loob ko isang init na hindi ko alam kung dapat ko bang katakutan… o hayaan.

Isang pakiramdam na alam kong mali, pero mahirap itanggi.

Dahil sa bawat titig niya, para bang may hinihila siyang parte ko na matagal ko nang itinago isang parte na ayaw kong maramdaman sa isang tao.

“Anak, okay ka lang ba?” tanong ng mama ko sa akin, pansamantalang nabasag ang katahimikan ko.

“O-opo, Ma. ‘Wag niyo na po akong alalahanin,” mabilis kong sagot, sabay pilit ngiti. “Medyo pagod lang po siguro ako sa biyahe.”

“Ganoon ba? Mas mabuti sigurong tapusin mo na ang pagkain mo para makapagpahinga ka na.”

“Sige po, Ma,” sagot ko.

Muling bumalot ang katahimikan sa paligid namin.

Sa kabilang side ng lamesa, lihim kong naririnig ang mahinang paghinga ng lalaki at ramdam ko ang presensya niyang dahan-dahang pumapasok sa sistema ko.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong meron sa kanya.

Pero isang bagay ang sigurado

simula sa gabing iyon.

hindi na magiging tahimik ang buhay ko.

Itutuloy...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 29

    Caleb’s POV Hindi ko na alam kung paano ko nairaos ang biyahe papuntang ospital. Basta ang alam ko lang hawak ko si Lyra, umiiyak, nanginginig, at sumisigaw sa sakit… at ako? Halos mabaliw ako sa takot. Pagdating namin sa ER, halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw. “Help! Someone help us! She’s pregnant she’s in pain please!” Agad na lumapit ang dalawang nurse at isang doctor. Halos agawin nila si Lyra mula sa mga bisig ko, pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya nang mahigpit. “Sir, please, kailangan naming i-assess siya,” sabi ng nurse, pero hindi ko binitiwan. “Caleb…” mahina niyang bulong, puno ng sakit at takot. “W-Wag kang umalis, wag mo ako iiwan Hindi ko alam kung paano ako nakahinga. “Baby, I’m right here. Hindi ako aalis.” Habang inilalagay nila siya sa stretcher, patuloy siyang napapangiwi sa sakit, halos mapatid ang boses sa pag-iyak. At ako? Wala akong magawa kundi tumakbo sa gilid niya habang itinutulak nila ang stretcher papasok sa loob ng ER.

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 28

    Lyra’s POV Araw‑araw akong nakikipaglaban sa sarili ko at sa konsensya ko. Sa bawat ngiti ko sa harap ng Mama ko, pakiramdam ko ay durog‑durog na ako sa loob. Pero hindi ko iyon ipinapakita, pero alam ko sa sarili ko na masama iyon para sa magiging anak ko. Isang araw habang nasa opisina kami ni Caleb, at abala sa trabaho, unti‑unti kong naramdaman ang unang kirot sa puson ko. Parang paunang babala, sandali lang yon pero pinagpawisan ako ng malamig. Pinilit kong binawala ang naramdaman ko, pinilit kong itago kay calen at maging sa mga kasamahan ko, pero alam ko sa sarili ko na sa mga susunod na araw hindi ko na ito maiiwasan pa. Lumipas ang maghapon oras na ng uwian sumakay ako sa sasakyan ni Caleb napagkasuduan kasi ulit namin na sa hiding place namin kami magpalipas muli ng gabi. Ang kanyang condo habang nasa byahe kami papunta sa condo biglang sumakit ulit ang puson ko, Parang may tumusok ng sa loob niyon. Napabuntong-hininga ako pilit tiniis ang nararamdaman

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 27

    Caleb’s POV Mabilis lumipas ang mga araw… pero kahit ilang beses ko nang sinubukan palakasin ang loob ko, naduduwag parin akong sabihin sa mga magulang namin ang totoong kalagayan ni Lyra. Araw-araw, paulit-ulit lang ang cycle. Pag nasa malaking bahay kami Tahimik. Civil. Pormal. Kaming dalawa ni Lyra, parang dalawang taong walang alam sa isa’t isa. Walang tinginan. Walang hawakan. Walang kahit anong senyales na may koneksyon kami. Para kaming dalawang bida sa teleserye na sanay magtago ng lihim. Kaibahan kapag nasa condo kami Doon ako nagiging totoo. Doon ko nararamdaman ang takot… at ang responsibilidad. Doon kami nag-uusap kung paano haharapin ang mga araw na darating. Doon ko siya niyayakap kapag natatakot siya. Doon ko siya pinapatawa kapag nakikita kong pinipigilan niyang umiyak. Doon ko nakikita kung gaano siya kalambing, at kasabik mabuhay kahit puno ng kaba. Pero sa bahay? Para kaming hindi magkakilala At hindi ko alam kong hanggang kailan ko

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 26

    Lyra’s POV Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ni Caleb, agad kong naramdaman ang bigat ng tension sa hangin. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check na parang may hinihintay na tawag na hindi dumarating. Nang tumingin siya sa pinto at makita niya ako, parang huminto sandali ang mundo niya. Tumayo siya bigla at mabilis na lumapit sa akin. “Lyra…” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang tawag niya bago niya ako agad hinila sa yakap. Napalunok ako at hindi na nakapagpigil. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, at doon tuluyang bumigay ang luha ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, halatang nag-aalala rin, pero pilit niya akong tinatahan, hinihimas ang likod ko ng marahan. “Hey, baby… hey, what happened?” bulong niya, puno ng kaba habang sinusubukan akong pakalmahin. Humigop ako ng hangin mahina, nanginginig bago ko nasabi ang mga salitang ilang oras ko nang sinusubukang tanggapin. “C-Caleb… buntis ako,” halos pabulong, para

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 25

    Lyra’s POV Pagka-akyat ko sa kwarto ko, hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit ko, dumiretso nq agad ako sa banyo. Pakiramdam ko kasi… baka kung magtagal pa ako kahit ilang segundo, mabaliw na lang ako sa pag-iisip Nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ko ang maliit na test kit na binili ko kanina sa botika. dalawang test kit ang kinuha ko dahil hindi sapat ang isa. Kailangan ko ng kasiguraduhan, kahit ang totoo… mas takot akong malaman ang sagot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maputla. Para akong hindi huminga ng ilang oras. “Please…” mahina kong bulong habang hawak ang test kit. “Please… sana hindi.” Pero kahit anong dasal ko, alam ko na sa loob-loob ko may kutob na akong tama lahat ng kinatatakutan ko. Huminga ako nang malalim habang hinihintay kong lumabas ang resulta, pakiramdam ko mas lalong lumakas pa ang tibok ng puso ko. At sa sandaling tumingin ako sa test kit parang biglang tumigil ang paligid ko. Dalawang linya. Hindi agad umabot sa

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN     Chapter 24

    Caleb’s POV “Habang yakap ko siya, gusto ko siyang pangakuan na magiging maayos ang lahat, kahit na hindi ko pa alam ang kasagutan sa sitwasyon namin ng mga sandaling iyon. All the plans I had made during my two-day business trip and all the schedules and the million-dollar deal I had finalized in Singapore suddenly felt insignificant the moment I found out about Lyra’s condition. I had to admit to myself that I had no idea what to do next, or how we would face this new reality. But one thing was clear I wouldn’t abandon her. I wouldn’t let her face this alone. Makalipas ang ilang sandali, hinaplos ko ang balikat niya at tinanong, “Baby, may gusto ka bang kainin? Gusto mo bang ipagluto kita?” Ngumiti siya at nagtanong, “Bakit, marunong ka bang magluto?” Napangiti ako nang bahagya. “Of course. Ano bang gusto mong kainin?” “Hmm… parang gusto ko ng carbonara,” sagot niya, medyo nag-iisip. “Yung may malambot na bacon sa ibabaw, konting parsley, at yung maraming gr

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status