MasukCaleb’s POV
Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at mga buwan ngunit nanatiling pareho ang katahimikan sa bahay. Walang ingay, walang buhay para bang bawat sulok ng bahay ay may lihim na gustong ikubli. Sa araw, abala ang mga tao. Pero pagsapit ng gabi, nangingibabaw ang katahimikan ng buong paligid. Isang gabi, habang nasa study room pa rin ako, tinatapos ko ang ilang papeles na inuwi ko mula sa opisina. Ang tanging tunog sa silid ay ang mahinang pag-ikot ng wall clock at ang marahang paglipat ko ng mga pahina. Pagod na ako, at hindi ko maikakaila masakit na rin ang ulo at batok ko. Kaya nagpasya akong tapusin na ang trabaho at magpahinga. Inayos ko ang mga dokumento sa mesa, isinara ang ilaw ng study, at tahimik na lumabas ng silid. Habang paakyat na ako sa hagdan, bigla kong narinig ang mahinang kaluskos mula sa ibaba. Napahinto ako. Magha Hatinggabi na sino pa ang gising sa ganitong oras? Mula sa direksyon ng kusina, may bahagyang liwanag na nagmumula sa loob. Kumikinang ang marmol na sahig sa ilalim ng malamlam na ilaw, doon napansin kong may taong gumagalaw. Tahimik akong bumaba, maingat ang bawat hakbang para hindi madinig ng kong sino man ang nasa loob ng kusina sa ganitong dis oras ng gabi. At paglapit ko sa kusina, doon ko siya nakita. Si Lyra ang anak ng step mom ko, Ang stepsister kong Simula pa lang nang una ko siyang makita, may kung anong nagbago sa loob ko parang may sumabog na tahimik na bagyo na hanggang ngayon ay hindi humuhupa. At sa bawat araw, linggo at buwan na lumilipas, mas lalo akong hinihila ng isang damdaming hindi dapat umusbong. Isang pagnanasa. Isang paghahangad. Isang bagay na alam kong mali… pero parang ayaw kong labanan. Nakatayo siya sa ilalim ng malamlam na ilaw, suot ang simpleng pajama. May ilang hibla ng buhok na nakawala sa pagkakatali, at tila malalim ang iniisip habang naghuhugas ng mga plato. Marahan ang bawat galaw maingat, may ritmo, ayaw gumawa ng kahit anong ingay. At sa katahimikan iyon, para siyang may sariling mundo. Dapat ay umakyat na ako. Dapat ay umiwas ako. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa tanawing pinapanood ko. Simple lang siya, pero may presensyang siyang mahirap balewalain. Ang bawat kilos niya ay payapa ngunit sa loob ko, may gumugulo. Naglakad ako ng dahan-dahan palapit sa ref. ng hindi niya namamalayan. “Hindi ka katulong dito,” sabi ko habang kumukuha ng tubig sa refrigerator “Kaya hindi mo kailangang gawin ‘yan.” Nagulat siya, halos mabitawan ang plato. “C–Caleb… I-ikaw pala,” mabilis niyang sabi, halatang nagulat. “A-akala ko tulog na ang lahat.” Ngumiti siya. “Naawa ako kina Manang Rosa, kaya ako na muna ang tumulong. Wala rin naman akong ginagawa. Saka matatapos narin naman ako. Bahagya siyang tumingin sa akin saglit lang, pero sapat para maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Tahimik akong tumitig sa kanya. At sa sandaling iyon, parang uminiit ang buong sistema ko. Ang ilaw sa kusina, ang tunog ng tubig, at ang mahinang paghinga niya lahat iyon biglang naging malinaw. Ilang sandali pa, natapos na siya sa paghuhugas ng mga pinggan, Pinunasan niya ang kanyang mga kamay, at nang muling magtagpo ang aming mga mata, pareho kaming natigilan parang may biglang sumabog sa pagitan namin na hindi namin kayang pangalanan. “M-mauuna na ako sa’yo,” kandautal niyang sabi bago umiwas ng tingin sa akin, halatang nagmamadaling kumawala sa bigat ng sandaling iyon. Pero bago siya makalakad, naamoy ko pa ang gamit niyang pabango na banayad, pero sapat para lalo akong mawalan ng kontrol sa sarili ko. May kung anong init na dumaloy sa katawan ko isang pakiramdam na pilit kong itinatanggi dahil hindi ko dapat ito maramdaman. Tumango lang ako, hindi siya sinagot. Tahimik siyang naglakad palayo, maingat ang bawat hakbang. Pagdating niya sa paanan ng hagdan, sandali siyang lumingon. At doon, muling nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin. At sapat na iyon para bumilis ang tibok ng puso ko. Pagkaalis niya, nanatili akong nakatayo sa kusina. Tahimik. Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang imahe niya si Lyra, nakatayo sa ilalim ng malamlam na ilaw, tahimik pero may dalang alon na hindi ko kayang pigilan. At sa gabing iyon, habang muling bumabalik ang katahimikan sa mansyon, alam kong may nagbago. Hindi ko pa kayang pangalanan, pero sigurado akong may bahagi ng mundo kong unti-unting sinimulan niyang guluhin. Itutuloy...Caleb’s POV Hindi ko na alam kung paano ko nairaos ang biyahe papuntang ospital. Basta ang alam ko lang hawak ko si Lyra, umiiyak, nanginginig, at sumisigaw sa sakit… at ako? Halos mabaliw ako sa takot. Pagdating namin sa ER, halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw. “Help! Someone help us! She’s pregnant she’s in pain please!” Agad na lumapit ang dalawang nurse at isang doctor. Halos agawin nila si Lyra mula sa mga bisig ko, pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya nang mahigpit. “Sir, please, kailangan naming i-assess siya,” sabi ng nurse, pero hindi ko binitiwan. “Caleb…” mahina niyang bulong, puno ng sakit at takot. “W-Wag kang umalis, wag mo ako iiwan Hindi ko alam kung paano ako nakahinga. “Baby, I’m right here. Hindi ako aalis.” Habang inilalagay nila siya sa stretcher, patuloy siyang napapangiwi sa sakit, halos mapatid ang boses sa pag-iyak. At ako? Wala akong magawa kundi tumakbo sa gilid niya habang itinutulak nila ang stretcher papasok sa loob ng ER.
Lyra’s POV Araw‑araw akong nakikipaglaban sa sarili ko at sa konsensya ko. Sa bawat ngiti ko sa harap ng Mama ko, pakiramdam ko ay durog‑durog na ako sa loob. Pero hindi ko iyon ipinapakita, pero alam ko sa sarili ko na masama iyon para sa magiging anak ko. Isang araw habang nasa opisina kami ni Caleb, at abala sa trabaho, unti‑unti kong naramdaman ang unang kirot sa puson ko. Parang paunang babala, sandali lang yon pero pinagpawisan ako ng malamig. Pinilit kong binawala ang naramdaman ko, pinilit kong itago kay calen at maging sa mga kasamahan ko, pero alam ko sa sarili ko na sa mga susunod na araw hindi ko na ito maiiwasan pa. Lumipas ang maghapon oras na ng uwian sumakay ako sa sasakyan ni Caleb napagkasuduan kasi ulit namin na sa hiding place namin kami magpalipas muli ng gabi. Ang kanyang condo habang nasa byahe kami papunta sa condo biglang sumakit ulit ang puson ko, Parang may tumusok ng sa loob niyon. Napabuntong-hininga ako pilit tiniis ang nararamdaman
Caleb’s POV Mabilis lumipas ang mga araw… pero kahit ilang beses ko nang sinubukan palakasin ang loob ko, naduduwag parin akong sabihin sa mga magulang namin ang totoong kalagayan ni Lyra. Araw-araw, paulit-ulit lang ang cycle. Pag nasa malaking bahay kami Tahimik. Civil. Pormal. Kaming dalawa ni Lyra, parang dalawang taong walang alam sa isa’t isa. Walang tinginan. Walang hawakan. Walang kahit anong senyales na may koneksyon kami. Para kaming dalawang bida sa teleserye na sanay magtago ng lihim. Kaibahan kapag nasa condo kami Doon ako nagiging totoo. Doon ko nararamdaman ang takot… at ang responsibilidad. Doon kami nag-uusap kung paano haharapin ang mga araw na darating. Doon ko siya niyayakap kapag natatakot siya. Doon ko siya pinapatawa kapag nakikita kong pinipigilan niyang umiyak. Doon ko nakikita kung gaano siya kalambing, at kasabik mabuhay kahit puno ng kaba. Pero sa bahay? Para kaming hindi magkakilala At hindi ko alam kong hanggang kailan ko
Lyra’s POV Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ni Caleb, agad kong naramdaman ang bigat ng tension sa hangin. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check na parang may hinihintay na tawag na hindi dumarating. Nang tumingin siya sa pinto at makita niya ako, parang huminto sandali ang mundo niya. Tumayo siya bigla at mabilis na lumapit sa akin. “Lyra…” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang tawag niya bago niya ako agad hinila sa yakap. Napalunok ako at hindi na nakapagpigil. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, at doon tuluyang bumigay ang luha ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, halatang nag-aalala rin, pero pilit niya akong tinatahan, hinihimas ang likod ko ng marahan. “Hey, baby… hey, what happened?” bulong niya, puno ng kaba habang sinusubukan akong pakalmahin. Humigop ako ng hangin mahina, nanginginig bago ko nasabi ang mga salitang ilang oras ko nang sinusubukang tanggapin. “C-Caleb… buntis ako,” halos pabulong, para
Lyra’s POV Pagka-akyat ko sa kwarto ko, hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit ko, dumiretso nq agad ako sa banyo. Pakiramdam ko kasi… baka kung magtagal pa ako kahit ilang segundo, mabaliw na lang ako sa pag-iisip Nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ko ang maliit na test kit na binili ko kanina sa botika. dalawang test kit ang kinuha ko dahil hindi sapat ang isa. Kailangan ko ng kasiguraduhan, kahit ang totoo… mas takot akong malaman ang sagot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maputla. Para akong hindi huminga ng ilang oras. “Please…” mahina kong bulong habang hawak ang test kit. “Please… sana hindi.” Pero kahit anong dasal ko, alam ko na sa loob-loob ko may kutob na akong tama lahat ng kinatatakutan ko. Huminga ako nang malalim habang hinihintay kong lumabas ang resulta, pakiramdam ko mas lalong lumakas pa ang tibok ng puso ko. At sa sandaling tumingin ako sa test kit parang biglang tumigil ang paligid ko. Dalawang linya. Hindi agad umabot sa
Caleb’s POV “Habang yakap ko siya, gusto ko siyang pangakuan na magiging maayos ang lahat, kahit na hindi ko pa alam ang kasagutan sa sitwasyon namin ng mga sandaling iyon. All the plans I had made during my two-day business trip and all the schedules and the million-dollar deal I had finalized in Singapore suddenly felt insignificant the moment I found out about Lyra’s condition. I had to admit to myself that I had no idea what to do next, or how we would face this new reality. But one thing was clear I wouldn’t abandon her. I wouldn’t let her face this alone. Makalipas ang ilang sandali, hinaplos ko ang balikat niya at tinanong, “Baby, may gusto ka bang kainin? Gusto mo bang ipagluto kita?” Ngumiti siya at nagtanong, “Bakit, marunong ka bang magluto?” Napangiti ako nang bahagya. “Of course. Ano bang gusto mong kainin?” “Hmm… parang gusto ko ng carbonara,” sagot niya, medyo nag-iisip. “Yung may malambot na bacon sa ibabaw, konting parsley, at yung maraming gr







