Share

Chapter 3

Penulis: Anne Author
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-31 21:48:42

Lyra’s POV

Isang buwan ang mabilis na lumipas mula noong gabing nagkita kami ni Caleb sa kusina.

At simula noon, pilit kong kinokontra ang sarili ko. Pilit kong iniisip na sandali lang iyon. Na nadala lang ako ng katahimikan… ng gabi… ng kung ano mang hindi ko dapat maramdaman para sa kaniya.

Pero sa tuwing nakikita ko siya… sa tuwing muling nagtatama ang mga mata namin…

may tanong na paulit-ulit na umaalipin sa utak ko.

Talaga bang wala lang iyon?

Tuwing nagkakasalubong kami sa hapag o sa hallway, parang may hangin na pumapagitan sa amin isang hangin na puno ng mga salitang ayaw naming bitawan.

Hanggang isang gabi, matapos ang mahabang araw sa trabaho, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala akong dalang payong.

Wala ring masasakyang jeep o taxi.

Lasing sa lamig ang hangin, at nababasa na ako mula ulo hanggang paa.

At gaya ng biro ng tadhana… doon ko siya muling nakita.

Huminto ang itim niyang sasakyan sa tapat ko.

Bahagyang bumaba ang bintana, at sumilip ang mga mata niya matigas, malamig, pero may kung anong init sa ilalim.

“Hop in,” sabi niya, mahinahon pero may diin.

“H-ha?” halos bulong ko.

“Sumakay ka na, Lyra. Basang-basa ka na. Baka magkasakit ka pa.”

At bago pa ako makatanggi, kusa nang gumalaw ang mga paa ko.

Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng malamig na aircon at ng amoy ng pabango niyang hindi ko maipaliwanag kung bakit umaalingawngaw sa dibdib ko.

Tanging tunog sa paligid ay ang malakas na bagsak ng ulan at ang ugong ng makina.

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

Masyadong tahimik.

Masyadong malapit.

“Salamat,” mahina kong sabi.

Hindi siya sumagot, pero kita ko sa gilid ng paningin ko ang pag-igting ng panga niya parang may gusto siyang sabihin, pero pinipili niyang lunukin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya huminto sa gilid ng daan.

“May baha papasok ng village. Hindi tayo makakadaan,” sabi niya.

Tumango ako kahit hindi ko alam ano ang susunod.

“May malapit na hotel dito. Doon muna tayo magpapalipas ng gabi hangga’t hindi humuhupa ang baha.”

Nanlaki ang mga mata ko. “H-hotel?”

“Don’t worry,” mahinahon niyang sagot. “It’s just for tonight. And I don’t bite…”

Bahagya siyang ngumiti. “Unless you ask.”

At dahil wala na akong ibang choice, sumama na ako.

Pagpasok namin sa hotel, sinalubong kami ng receptionist.

“Good evening po, sir, ma’am. Welcome to Yao’s Hotel.”

“Good evening. Two rooms, please,” sabi ni Caleb.

Habang nagta-type ang receptionist, kita ko ang maliit na pag-aalangan sa mukha niya.

“I’m sorry… isa na lang po ang available na room.”

Nagkatinginan kami.

May sandaling katahimikan bago siya tumango.

“We’ll take it.”

Pagpasok namin sa kwarto, malamlam ang ilaw na kulay pula mula sa lampshade. Humahalo ang lamig ng aircon sa amoy-ng-ulan na nakadikit pa sa mga balat namin.

“Basang-basa ka,” sabi niya habang inaalis ang relo niya at isinasabit ang jacket.

“Ikaw na muna maligo,” sabi ko. “Mas nabasa ka kaysa sa ’kin.”

Bahagya siyang ngumiti. “Okay.”

Kinuha niya ang tuwalya at pumasok sa banyo.

Habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig, tumingala ako sa bintana.

Malakas pa rin ang ulan pero mas malakas ang ingay ng isip ko kapag siya ang laman nito.

Paglabas niya mula sa banyo, nakasuot siya ng puting robe. Basa pa ang buhok.

Bahagyang nakabukas ang robe niya sa dibdib, at hindi ko na tinapos ang tingin ko.

“Your turn,” sabi niya, halos bulong.

“S-sige.”

Malalim ang hinga ko sa loob ng banyo. Mainit ang tubig, pero hindi nito tinatanggal ang kaba ko.

Bakit ako kinakabahan?

Dahil magkasama kami sa iisang silid?

O dahil… kay Caleb mismo?

Paglabas ko, agad kong naamoy ang red wine at mainit na pagkain.

Ayos niya ang maliit na mesa may pasta, tinapay, at dalawang baso ng alak.

“I ordered while you were showering,” sabi niya. “Baka gutom ka na.”

“Hindi mo na sana ginawa…”

“It helps with the cold,” sagot niya, sabay salin ng alak sa baso ko.

Tahimik kaming kumain sa una.

May mga pagkakataong nagtama ang mga mata namin, saglit lang pero sapat para umigting ang hangin sa pagitan namin.

Hanggang sa bigla siyang magsalita.

“Lyra.”

“Hmm?”

Umiling siya. “Nothing.”

Pero malinaw hindi iyon “nothing.”

Matapos ang pagkain at ilang lagok ng alak, nagtanong siya ulit.

“Lyra… do you have a boyfriend?”

Napatigil ako.

Kita ko na nakatutok ang tingin niya sa akin seryoso, diretso, naghihintay.

“W-wala…” halos pabulong kong sagot

May kumislap sa mata niya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o kabahan lalo.

“Good.”

“B-bakit mo tinanong?”

“Because I don’t want anyone messing with my plans.”

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Tumayo ako, dala ang baso ko, at lumapit sa bintana.

Naramdaman ko ang alak, ang init sa pisngi ko at ang bigat ng titig niya.

Narinig ko ang mga yabag niya.

At paglingon ko… nariyan na siya.

Isang dangkal na lang ang pagitan namin.

“C-Caleb…”

Hindi ko natapos.

Dahil hinawakan niya ang batok ko matatag, mainit at hinalikan ako.

Gusto ko sanang kumawala.

Gusto ko sana siyang itulak

Pero mas malakas ang tukso.

Kaya hinayaan kong magtagpo ang labi namin.

Mainit. Mabagal na kalaunan ay biglang naging mapusok.

Isang halik na matagal naming pinigilan.

Isang halik na hindi dapat, pero nangyari pa rin.

Sa labas, ang ulan ay walang tigil.

Sa loob, kami ay naglalagablab.

At habang lumalalim ang bawat kislot ng labi namin, mas tumitibok ang puso ko sa paraang hindi ko kayang kontrolin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 80

    Caleb’s POV Nagising ako bago pa sumikat ang araw, gaya ng nakasanayan ko mula nang bumalik ang mag-ina ko. Hindi na ito dahil sa trabaho o obligasyon kundi dahil sa takot. Tahimik na takot na baka sa isang iglap, paggising ko wala na naman sila. Ang bahay ay tahimik, pero hindi ibig na walang tao dahil may mga kasambahay akong sanay gumalaw nang hindi naririnig, may private chef na naghahanda ng almusal sa ibaba, may seguridad sa labas na palaging alerto. Pero kahit gaano pa kaayos ang lahat sa paligid ko, may bahagi sa akin na hindi kailanman naging payapa simula noong umalis ang mag-ina ko. Limang taon akong naghanap. Sa bawat lungsod na may kahit katiting na posibilidad, sa bawat pangalan na maaaring ginamit niya, sa bawat bakas na inakalang kanya sinundan ko. Ginamit ko ang lahat ng kaya kong gamitin pera, impluwensya, koneksyon, mga taong sanay maghukay ng katotohanan. May mga pagkakataong halos abot-kamay ko na siya, pero palaging nauuwi sa wala. Parang sinadya

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 79

    Lyra’s POVPregnancy has a way of changing everything, even when life already feels full. This one came quietly, subtly, but its presence is constant. It’s not overwhelming, just… there, gently shaping every day.Caleb has been different too. Protective, yes, more than I ever remember him being before. I can’t really blame him. After everything the years we spent apart, the time I spent raising Liam without him, the distance, the secrets he’s cautious. He watches every small movement I make, making sure I’m safe. Sometimes it’s a bit much, but mostly, it’s comforting.“Lyra, slow down. Here, let me take that,” he said one morning, reaching for my bag as we walked to the car.“I’m fine,” I said, smiling.“I know,” he said quietly. “But I just… want to make sure you’re okay.”I sighed softly, letting him do it. It’s not controlling. It’s just love. Fierce, steady, protective love the kind that comes after loss and longing, after time apart, after realizing what matters most.Even the l

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 78

    Caleb’s POV Pregnancy didn’t announce itself loudly in our home. It arrived the way everything meaningful had between us quietly, patiently, threading itself into our days until it felt like it had always belonged there. Lyra moved more carefully now. Not weak never that but deliberate. Like every step mattered. Like she was already listening to the small life growing inside her. Liam listened too. He became observant in a way that surprised me. Every morning, he’d eye Lyra’s plate. “Did you eat enough, Mama?” Every night, before bed, he’d remind her, “Doctor said you need rest.” He said it like it was his job. And maybe it was. One evening, I found him sitting on the couch beside her, his small hand resting flat against her stomach. His face was serious, focused. “What are you doing, bud?” I asked. “I’m talking to the baby,” he said without looking up. Lyra smiled softly. “He says good night every day.” I sat beside them, resting my arm along the back of the couch, wa

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN     Chapter 77

    Caleb’s POV Months passed after Lyra and I got married, and life slowly settled into something quieter, steadier something real. Marriage didn’t change the foundation of our family. It strengthened it. Our days were no longer measured by big events, but by routines that felt meaningful in their simplicity. Mornings with shared coffee. Evenings with Liam’s stories from school. Nights when Lyra and I talked in low voices once the house had finally gone still. May sarili na kaming ritmo bilang pamilya. Tuwing umaga, sabay kaming nagkakape ni Lyra bago ako pumasok sa opisina habang naghahanda si Liam para sa school. Tuwing gabi, sabay-sabay kaming kumakain walang cellphone, walang istorbo. Kwentuhan lang. Simpleng araw-araw na sandaling mahalaga. We were halfway through the meal. Liam was swinging his legs under the chair, humming to himself while pushing vegetables around his plate. Lyra sat across from him, watching with that patient smile she reserved only for him. “P

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 76

    Caleb’s POV Sleep didn’t come all at once. It never does after a day like that after vows spoken aloud, after hands held in front of everyone who mattered, after promises that felt heavier and lighter at the same time. I drifted in and out, aware of Lyra’s warmth against me, the steady rhythm of her breathing grounding me more surely than sleep ever could. At some point in the night, I surfaced just enough to realize where I was. Our room was wrapped in darkness, the kind that doesn’t threaten but protects. Moonlight slipped in through the curtains in thin silver lines, tracing soft shapes across the walls. Lyra was tucked against my side, her head resting where it had always belonged, her body fitting into mine with an ease that still amazed me. My arm was draped over her waist without conscious thought. Even asleep, I knew where she was. Even asleep, my body chose her. I watched her for a long moment. Her face was calm, unguarded in sleep. No smiles for anyone else, no streng

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 75

    Lyra’s POV Hours passed quickly, and the party was over. Only silence remained Not the hollow silence that feels lonely, but the kind that settles gently after a day filled with voices, laughter, and celebration. The kind of quiet that feels earned. The lights were dim, warm, casting soft gold shadows across the walls. Somewhere outside, the night breathed slowly, as if the world itself had decided to lower its voice for us. For the first time since the ceremony, since the vows, since the applause and music and endless congratulations, it was just us. Caleb closed the door behind us, the soft click echoing through the room. I stood there for a moment, still wearing my gown, still feeling the weight of the day resting on my skin. My feet ached faintly, my body tired in a pleasant way, but my heart felt impossibly full, stretched wide with emotion I couldn’t yet name. He turned to face me slowly, like he was afraid the moment might shatter if he moved too fast. “We’re really m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status