MasukCaleb’s POV
Habang nagmamaneho pauwi, tanging mahinang tunog ng makina lang ang maririnig. Wala na ang ulan. Wala na ang ingay sa labas. Pero sa loob ng kotse, mas mabigat pa rin ang katahimikan. She was staring out the window, arms crossed, her face calm but distant. Parang sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niyang walang nangyari. Gusto kong magsalita. Gusto kong itanong kung ano ang iniisip niya, kung nagsisisi ba siya, o kung ramdam niya rin ang bigat na dinadala ko ngayon. Pero hindi ko magawa. Lalo na at alam kong ako ang unang umangkin sa kanya. At sa bawat paglingon ko sa kanya, pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng guilt at pagnanasa na hindi ko dapat maramdaman. I tightened my grip on the steering wheel. The air between us felt too thick not because of silence, but because of everything left unsaid. Pagdating namin sa bahay, gaya ng dati, sinalubong kami ng katahimikan. Walang tao sa sala. Tahimik. Malinis. Parang walang puwang para sa mga nangyari kagabi. Lumabas ako ng sasakyan at binuksan ang pinto sa side ko, ganoon din ang ginawa niya. Tahimik pa rin siya habang lumalakad papasok. Sabay kaming pumasok sa loob. Amoy ko pa rin ang faint vanilla scent ng bahay. Dati nakaka-presko ang amoy, pero ngayon, parang mabigat sa dibdib. "Good afternoon, Sir Caleb, Ma’am Lyra," bati ni Manang Rosa habang papalapit. "Where’s Dad?" tanong ko sa kanya. "Wala po si Sir Arturo at Ma’am Lorna." "Wala sila? Saan nagpunta?" tanong ni Lyra. "Wala po, Ma’am. Nagpunta po sila sa Singapore, magbabakasyon daw ng ilang araw. Sa weekend pa po ang balik." Tumango ako. "Okay, salamat, Manang." "Sige po, Sir," sagot niya bago tuluyang umalis. Pag-alis ni Manang Rosa, bumalik ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Lyra. She didn’t even glance at me. Diretso lang siyang naglakad papunta sa hagdan at nagpatuloy paakyat. Tahimik. Mabagal. Parang bawat hakbang niya ay pilit iniwan ang alaala ng gabing dapat hindi nangyari. Naiwan akong nakatayo sa sala, nakatingala sa hagdan. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko mabigat, magulo, hindi mapakali. She’s just upstairs, but it feels like she’s miles away. Huminga ako nang malalim, pilit pinakakalma ang sarili ko. You should’ve stopped, Caleb. You knew better. Para na kayong magkapatid. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maalis sa isip ang init ng mga labi niya, ang paraan ng pagtitig niya bago ko siya tuluyang inangkin kagabi. I closed my eyes for a second. In my head, I could still hear her whisper my name like a secret she shouldn’t have spoken. Tahimik pa rin ang buong bahay. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig, mabagal, paulit-ulit, parang bawat segundo ay pinapaalala sa akin ang ginawa kong hindi ko na mababawi. Umupo ako sa sofa, pinisil ang sintido ko. My mind was a mess. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula o paano haharapin siya, o kung kaya ko pa bang magpanggap na walang nangyari. I should’ve known better. Pero kagabi… kagabi, nang magtagpo ang mga mata namin, nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa akin… wala na akong nagawa. I gave in. Alam kong umakyat siya para umiwas. At sa totoo lang, hindi ko siya masisisi. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pero kahit anong gawin ko, kahit anong sulyap ko sa paligid, siya lang ang nasa isip ko. It’s ironic. Dati, tuwing magkakasalubong kami, komportable lang ako parang normal lang. Ngayon, kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa bawat paghinga ko. Sa bawat paghinga, parang mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Stop thinking about her, Caleb. You have to. Pero paano kung ayaw ng utak ko makinig? Kahit anong pilit kong itanggi, hindi na ako sigurado kung gusto ko pa bang bumalik sa dati. Lyra’s POV Tahimik. Sobrang tahimik. Pagpasok ko sa silid, halos bumagsak ang balikat ko sa bigat ng lahat. Wala na ang lagaslas ng ulan kagabi, wala na ang tunog ng mga patak sa bubong pero sa loob ko, parang hindi pa rin natatapos ang bagyo. Nang marinig kong nagsara ang pinto sa likod ko, doon lang ako nakahinga nang malalim. I pressed my back against the door, eyes shut tight, as if I could lock everything out, the memories, the warmth, him. Pero kahit anong pilit kong itulak palayo, bumabalik pa rin. His touch. His breath. The sound of his voice when he whispered my name like it meant something forbidden. Bumuntong-hininga ako, napaupo sa gilid ng kama. My whole body felt heavy not from exhaustion, but from confusion. Bakit ako nagpadala? Bakit ko siya hinalikan? Bakit parang wala akong pinagsisisihan kahit alam kong dapat meron? Sa labas ng bintana, maliwanag na ang langit. Ang mga dahon sa hardin ay kumikislap pa sa natitirang hamog. Tahimik ang paligid, pero sa dibdib ko, parang may malakas na tibok na ayaw tumigil. Wala siyang sinabi buong biyahe pauwi. Wala ring tingin, walang tanong, walang paliwanag. Pero ramdam ko sa bawat paghinga namin, may mabigat na hindi masabi. Hinaplos ko ang labi ko, marahang napangiti ng mapait. Parang nandun pa rin ang init ng halik niya. I stood up, walked to the mirror, and stared at my reflection. Nakita ko ang sarili kong parang hindi ako. May kakaibang ningning sa mga mata ko isang halo ng takot, hiya, at pagnanasa. “Get a grip,” mahina kong sabi sa sarili ko. Pero paano, kung bawat paghinga ko ay amoy pa rin niya? Tinanggal ko ang suot kong jacket at nagtungo sa banyo. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa balat ko, hoping that it would wash away the memory of his hands tracing every inch of me. Pero kahit anong lamig, hindi nito kayang patahimikin ang apoy na iniwan niya sa loob ko. Nang matapos akong maligo, nagsuot ako ng simpleng damit white shirt at maikling shorts parang gustong kalimutan ng katawan ko ang lahat ng nangyari. Pero paglabas ko, bigla akong natigilan. Nandoon siya. Si Caleb. Nakasandal sa frame ng pinto ng silid niya, parang matagal nang naghihintay. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Caleb…” halos pabulong kong sabi. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, at sa sandaling iyon, parang huminto ulit ang oras. Ang mga mata niya, pagod, pero buhay. May lalim, may tanong, may bigat. “I was just checking if you’re okay,” mahinahon niyang sabi, halos paos. Tumango lang ako, pilit na iniwas ang tingin. Hindi ko alam kung gusto kong makita siya o gusto kong lumayo. “Lyra…” Parang may gustong sabihin ang pangalan ko sa bibig niya. Bawat pagbigkas niya ng pangalan ko, parang may kasamang bigat ng damdamin na ayaw niyang ipakita. “About last night—” “Don’t,” mabilis kong putol. Napatingin siya sa akin, nagulat pero hindi nagalit. Ayokong pag-usapan. Ayokong marinig kung siya lang ba ang nagsisisi o kung ako lang ang hindi dapat umasa. Tahimik kaming pareho. Hangin lang ang gumagalaw sa pagitan namin, pero pakiramdam ko ay iyon na ang tanging nagbubuklod sa amin ngayon. He sighed, tumingin sa gilid. “Lyra, I can’t pretend it didn’t happen. I tried.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. “But I also can’t—” Naputol ang boses niya, parang nilunok ng sarili niyang emosyon. He stepped closer. One step. Then another. Hanggang maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. “—I can’t keep doing this,” he whispered. “Being near you, and pretending I don’t want to touch you again.” Parang nawalan ako ng lakas. Hindi ko siya matingnan, pero nararamdaman ko ang bawat salitang tumatama sa puso ko. “Caleb…” mahina kong sabi. “We can’t.” Alam kong totoo ‘yon. Pero mas totoo ang nararamdaman ko ngayon ‘yung kaba, ‘yung sakit, at ‘ang pagnanasa na hindi ko maintindihan. He nodded slowly, as if forcing himself to agree. “Maybe we just need space.” “Yeah,” sagot ko, halos bulong. “Maybe.” Pero pareho naming alam kahit gaano kalayo ang pagitan, hindi kayang burahin ng distansya ang nangyari kagabi. Pag-alis niya, naiwan akong nakatulala sa pinto. Tahimik ang buong bahay, pero sa dibdib ko, may tunog na hindi ko mapigil tibok ng pusong ayaw magpahinga. At doon ko lang napagtanto… ang pinakamahirap kalabanin ay hindi ang mali kundi ‘yung mga bagay na tama sa pakiramdam pero bawal sa realidad. Itutuloy...Caleb’s POV Hindi ko na alam kung paano ko nairaos ang biyahe papuntang ospital. Basta ang alam ko lang hawak ko si Lyra, umiiyak, nanginginig, at sumisigaw sa sakit… at ako? Halos mabaliw ako sa takot. Pagdating namin sa ER, halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw. “Help! Someone help us! She’s pregnant she’s in pain please!” Agad na lumapit ang dalawang nurse at isang doctor. Halos agawin nila si Lyra mula sa mga bisig ko, pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya nang mahigpit. “Sir, please, kailangan naming i-assess siya,” sabi ng nurse, pero hindi ko binitiwan. “Caleb…” mahina niyang bulong, puno ng sakit at takot. “W-Wag kang umalis, wag mo ako iiwan Hindi ko alam kung paano ako nakahinga. “Baby, I’m right here. Hindi ako aalis.” Habang inilalagay nila siya sa stretcher, patuloy siyang napapangiwi sa sakit, halos mapatid ang boses sa pag-iyak. At ako? Wala akong magawa kundi tumakbo sa gilid niya habang itinutulak nila ang stretcher papasok sa loob ng ER.
Lyra’s POV Araw‑araw akong nakikipaglaban sa sarili ko at sa konsensya ko. Sa bawat ngiti ko sa harap ng Mama ko, pakiramdam ko ay durog‑durog na ako sa loob. Pero hindi ko iyon ipinapakita, pero alam ko sa sarili ko na masama iyon para sa magiging anak ko. Isang araw habang nasa opisina kami ni Caleb, at abala sa trabaho, unti‑unti kong naramdaman ang unang kirot sa puson ko. Parang paunang babala, sandali lang yon pero pinagpawisan ako ng malamig. Pinilit kong binawala ang naramdaman ko, pinilit kong itago kay calen at maging sa mga kasamahan ko, pero alam ko sa sarili ko na sa mga susunod na araw hindi ko na ito maiiwasan pa. Lumipas ang maghapon oras na ng uwian sumakay ako sa sasakyan ni Caleb napagkasuduan kasi ulit namin na sa hiding place namin kami magpalipas muli ng gabi. Ang kanyang condo habang nasa byahe kami papunta sa condo biglang sumakit ulit ang puson ko, Parang may tumusok ng sa loob niyon. Napabuntong-hininga ako pilit tiniis ang nararamdaman
Caleb’s POV Mabilis lumipas ang mga araw… pero kahit ilang beses ko nang sinubukan palakasin ang loob ko, naduduwag parin akong sabihin sa mga magulang namin ang totoong kalagayan ni Lyra. Araw-araw, paulit-ulit lang ang cycle. Pag nasa malaking bahay kami Tahimik. Civil. Pormal. Kaming dalawa ni Lyra, parang dalawang taong walang alam sa isa’t isa. Walang tinginan. Walang hawakan. Walang kahit anong senyales na may koneksyon kami. Para kaming dalawang bida sa teleserye na sanay magtago ng lihim. Kaibahan kapag nasa condo kami Doon ako nagiging totoo. Doon ko nararamdaman ang takot… at ang responsibilidad. Doon kami nag-uusap kung paano haharapin ang mga araw na darating. Doon ko siya niyayakap kapag natatakot siya. Doon ko siya pinapatawa kapag nakikita kong pinipigilan niyang umiyak. Doon ko nakikita kung gaano siya kalambing, at kasabik mabuhay kahit puno ng kaba. Pero sa bahay? Para kaming hindi magkakilala At hindi ko alam kong hanggang kailan ko
Lyra’s POV Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ni Caleb, agad kong naramdaman ang bigat ng tension sa hangin. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check na parang may hinihintay na tawag na hindi dumarating. Nang tumingin siya sa pinto at makita niya ako, parang huminto sandali ang mundo niya. Tumayo siya bigla at mabilis na lumapit sa akin. “Lyra…” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang tawag niya bago niya ako agad hinila sa yakap. Napalunok ako at hindi na nakapagpigil. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya, at doon tuluyang bumigay ang luha ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, halatang nag-aalala rin, pero pilit niya akong tinatahan, hinihimas ang likod ko ng marahan. “Hey, baby… hey, what happened?” bulong niya, puno ng kaba habang sinusubukan akong pakalmahin. Humigop ako ng hangin mahina, nanginginig bago ko nasabi ang mga salitang ilang oras ko nang sinusubukang tanggapin. “C-Caleb… buntis ako,” halos pabulong, para
Lyra’s POV Pagka-akyat ko sa kwarto ko, hindi pa man ako nakakapagpalit ng damit ko, dumiretso nq agad ako sa banyo. Pakiramdam ko kasi… baka kung magtagal pa ako kahit ilang segundo, mabaliw na lang ako sa pag-iisip Nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ko ang maliit na test kit na binili ko kanina sa botika. dalawang test kit ang kinuha ko dahil hindi sapat ang isa. Kailangan ko ng kasiguraduhan, kahit ang totoo… mas takot akong malaman ang sagot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maputla. Para akong hindi huminga ng ilang oras. “Please…” mahina kong bulong habang hawak ang test kit. “Please… sana hindi.” Pero kahit anong dasal ko, alam ko na sa loob-loob ko may kutob na akong tama lahat ng kinatatakutan ko. Huminga ako nang malalim habang hinihintay kong lumabas ang resulta, pakiramdam ko mas lalong lumakas pa ang tibok ng puso ko. At sa sandaling tumingin ako sa test kit parang biglang tumigil ang paligid ko. Dalawang linya. Hindi agad umabot sa
Caleb’s POV “Habang yakap ko siya, gusto ko siyang pangakuan na magiging maayos ang lahat, kahit na hindi ko pa alam ang kasagutan sa sitwasyon namin ng mga sandaling iyon. All the plans I had made during my two-day business trip and all the schedules and the million-dollar deal I had finalized in Singapore suddenly felt insignificant the moment I found out about Lyra’s condition. I had to admit to myself that I had no idea what to do next, or how we would face this new reality. But one thing was clear I wouldn’t abandon her. I wouldn’t let her face this alone. Makalipas ang ilang sandali, hinaplos ko ang balikat niya at tinanong, “Baby, may gusto ka bang kainin? Gusto mo bang ipagluto kita?” Ngumiti siya at nagtanong, “Bakit, marunong ka bang magluto?” Napangiti ako nang bahagya. “Of course. Ano bang gusto mong kainin?” “Hmm… parang gusto ko ng carbonara,” sagot niya, medyo nag-iisip. “Yung may malambot na bacon sa ibabaw, konting parsley, at yung maraming gr







