HALOS tatlong oras lang mula sa Manila ay nasa baranggay na nina Andrea sa Catanduanes sina Vincent at RJ.Madaling nakabisa ni RJ ang lugar kaya hindi sila naligaw ng ama-amahan. Saglit pa, kumakatok na ang batang binata sa bahay nina Toto na agad namang pinagbuksan ng huli.Rumehistro agad sa anyo ni Toto ang pagtataka nang ang bumungad sa kan’ya matapos niyang buksan ang pinto ay si RJ, na may kasamang pamilyar din ang mukha sa kan’ya.“M-magandang umaga po, k-kuya, este Boss Toto…” ani RJ na nahihiya.Nagtatanong ang mga mata ni Toto. Tinanguan siya ni Vincent bilang pagbibigay galang din sa biglaan nilang pagsulpot doon.“S-si Papa Vincent po…!” pakilala ni RJ. “Pa, si Boss Toto. Ang supplier natin dito ng abaka.”Inilahad ni Vincent ang palad na malugod namang tinanggap ni Toto. “Vincent Valderama at your service, boss Toto.” aniya na nagbiro pa. “Nagkita na rin tayo ng personal. Sa wakas.”Tumawa si Toto. Niluwangan ang bukas ng pinto para makapasok ang dalawang bisita. “Oo ng
NAKAPIKIT ng mariin si Vincent. Sa isip ay pilit inaapuhap ang isang senaryo sa buhay niya may dalawang taon na ang nakararaan.Binalikan sa kan’yang alaala ang gabi ng kaarawan ng isa sa matalik niyang kaibigan. Si Fael…Sa kasagsagan nang pagsasaya nilang magkakaibigan, wala siyang kamalay-malay, na may isa palang nilalang na naghihintay ng pagkakataon upang mapansin niya, na nakahandang ibigay ang sarili sa kan’ya dahil sa hangaring magkaroon ng anak.Mapalad ba siya, na siya ang napili nito? Ang hinangad? Ang – pinagnasaan?At bakit siya?Itinodo niya ang konsentrasyon. Pilit na binubuo sa imahinasyon ang itsura ng babaeng nakaniig niya nang gabing iyon. Na nanay ng anak niya…Maganda ang babae. Bagama’t hindi man ito ang tipong sopistikada sa kilos at itsura, pero ang simpleng kagandahan nito, batid niya na maaari ring makabihag ng lalaking katulad niya.Mas nilaliman pa niya ang concentration. At natukso siyang ibalik sa gunita kung paano niya ito inangkin nang gabing iyon. Ilan
“M-mare…?” atubili si Meldy kung paano kakausapin uli ang kaibigan matapos magpaalam sina Vincent at tuluyan nang umalis. Nasa tabing bintana uli si Andrea. Malungkot na nakatanaw lang doon habang nahihimbing pa rin si Vince. Nilapitan ni Meldy ang kaibigan. Hinaplos-haplos ang likod nito. “S-sorry Andeng, ha? Kung ako man ang may kasalanan nang ipinagkaka-gan’yan mo, patawarin mo ako…!” basag ang tinig na wika pa niya. Humarap si Andrea kay Meldy. Nginitian ito. “Wala ka namang kasalanan mare, eh. Naging over acting lang ako. Ewan ko ba? Bigla kasi akong – n-natakot…! Pasensiya ka na sana sa akin kanina, ha?" “Andeng…!” Napaiyak na si Meldy. Niyakap nito ang kaibigan. Naaawa siya rito. Totoo ‘yon. "Ano bang pasensiya ang sinasabi mo riyan?" “Siguro lang, nagkataon na hindi ako handa nang dumating siya sa ganitong sitwasyon. Na nalaman niyang nagkaanak siya sa babaeng ‘di naman niya kaano-ano." patuloy ni Andrea. “Kahit na nga ba noon pa man, iniisip ko na’ng posibleng mangyari i
“BULAGA!” Magtatago si Vincent sa likod ng pinto pagkatapos ay gugulatin si Vince. Tatakbo naman ang bata habang panay ang hagikgik nito na tuwang-tuwa sa pakikipaglaro sa ama.Hahabulin ito kunwari ni Vincent. Pag nahuli ay kakargahin. Kikilitiin. Pupupugin ng halik.Siyang-siya sa pakikipaglaro sa anak. Literal na tatay sa aspetong iyon.Naroong itataas nito sa ere ang anak. Na kunwa’y pinalilipad. Naroon ding hihiga siya sa semento at ilalagay ang bata sa tiyan at aalugin ito na kunwari ay nangngabayo ito sa tiyan niya.Titigil saglit pag napapagod na sa pakikipag-gaslawan dito. At ang pinaka-pahinga ay pupupugin uli ito ng halik saka ikukulong nang mahigpit sa kan’yang mga bisig, bago muli na namang lalaruin na tila ba walang kapaguran.Nagpapasigla rin sa sistema ni Vincent ang maliit na tinig nitong parang musika sa pandinig niya kapag humahagikgik at sumisigaw dahil sa katuwaan.Ito ang unang araw nila ni Vince. Ang kauna-unahang bonding moment nilang mag-ama. Akalain niya ban
“O-OKAY lang ba kung kilalanin natin ang isa’t-isa, Andrea?” Alanganin man ay mas pinili na rin ni Vincent na itanong iyon sa dalagang ina.Kailangan talaga nilang magkakilala nito. Dahil kahit ano pa ang sabihin, may nag-uugnay na sa kanila ngayon. Ang kanilang anak.Magkaharap silang nakaupo sa sofa nang mga sandaling iyon habang si Vince ay hinayaan na lamang ni Andrea sa pagkakahimbing nito sa sa stroller.Binuksan niya ang telebisyon at kunwari’y nakatutok ang mga mata sa panghapong programa, pero wala naman doon ang atensyon niya kun’di nasa ama ng anak niya. Nakakailang. Nakakapanibago. Pero umpisa ngayon, kailangan niyang masanay sa presensiya nito. “O-oo naman. Wala naman akong choice, ‘di ba? ‘Andito ka na eh.” Biro ni Andrea. Pinipilit maging kaswal at nilalabanan ang pagkailang.Napangiwi si Vincent. “Napilitan ka lang na tanggapin ako rito?”Parang naalarma si Andrea sa narinig. “H-hindi naman sa ganoon. Mas tama sigurong sabihin na – nabigla lang ako." Napatango si Vin
HUMANGA si Vincent sa ganda ng tanawin sa lugar na iyon nina Andrea. Kung doon nga lang sa barangay na iyon, humahanga na siya ng husto, ano pa kaya kung i-explore niya ang buong probinsiya?Mula sa kamalig na nakaharap sa karagatan, kitang-kita niya ang ganda ng kalikasan na biyaya ng Maykapal. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kabuoan nitong abot tanaw ng kan’yang mga mata. Ayon sa naalala niyang pag-aaral noon, ang Catanduanes ay isang pulong lalawigan sa silangang bahagi ng Pilipinas at direktang nakaharap sa Pacific Ocean. Napakalawak pala nito.Babalik at babalik siya sa lugar na ito. Hindi lamang para sa anak niya kun’di maging para sa magandang pakiramdam na dinaranas niya nang mga sandaling iyon…Ang sarap damhin ng hangin na tumatama sa kan’yang balat. Nakakagaan sa emosyonal at pisikal. Para bang, kung may problema ka, pag naririto ka sa lugar na ito, all your worries will disappear, ika nga. Mawa-washed out ang mga kabigatan sa puso mo kahit pansamantala lang.Sariwa ang h
“RJ - ?” tawag ni Vincent sa anak-anakan matapos silang kunan ng pictures nito.Lumingon ang binata na pabalik na sana sa kamalig.“Huwag mong ia-upload sa face&book ‘yan, ha?” nakangiti pero tila may banta ang tingin ni Vincent sa anak.Tumawa si RJ. “Yes, ‘Pa. Alam ko po. Don't worry."“Pero i-forward mo sa akin ‘yan. Lahat nang kuha mo sa amin, okay?”“Ikaw ang mag-a-upload?" Tumawa si RJ."Well, let's see."Ngumisi si RJ. "Okay, 'Pa. Noted!" at bumalik na ito sa kamalig na sinalubong naman ni Mary na inusyoso agad ang mga litrato.Si Andrea nama'y natigilan. Ayaw ipa-upload ni Vincent ang mga pictures nila. Bakit? Dahil ba may iniingatan ito? Pinu-protektahan ba nito ang sarili niya? Kasi baka may magselos o magalit? Sino? Si Trina pa rin ba? O, ‘yong tumawag kanina na tinawag nitong – honey? Sino kaya 'yon? Si Trina pa rin ba, o, ibang babae na this time?Ipinilig ni Andrea ang ulo. ‘Andami niyang tanong. Ano ba ang pakialam niya sa buhay ni Vincent?Eh, ano naman kung hanggang
HINDI MAIWASAN ni Andrea, kahit sabihin pang wala siyang karapatan - ang magselos. Bakit nga ba ang hindi, inamin niya na sa sarili na ‘hinahangad’ pa rin niya ang ama ng kan’yang anak.Iilang oras pa lang niyang nakakasama si Vincent pero hayon at nagkukukot nang mabuti ang kalooban niya sa isiping anomang oras ay pwede siyang ma-etsa puwera nito dahil may iba nga itong pinaglalaanan ng puso niya.“Yes, honey. We’re still here at the province. I’m sorry I missed your calls.” ani Vincent sa tumawag na kasintahan. “Our flight back to Manila will be on five in the morning tomorrow. Yes of course, honey. Before you know it, I'll be at the Manila airport again tomorrow night to pick you up.” Iyon ang mga sagot ni Vincent kay Yuri na bahagya lamang naulinigan nina Andrea.Foreigner ba ang tinatawag nitong honey? Tanong pa ni Andrea sa sarili. Panay ang English nito, eh."You too, honey. Take care. Hmmnn, yes. And I love you too." Pinutol na ni Vincent ang tawag.Iyon ang malinaw na naul