Share

CHAPTER 5

I started packing my clothes and personal belongings with a smile on my lips. This is the happiest day of my life. I thought they would ignore my request. Walang ibang mahalaga para sa akin, kundi ang pamilya, buong pamilya at masayang pamilya tulad nito. Hindi talaga ako makapaghintay kung saan kami magbabakasyon ngayon.

Kasalukuyan na kaming nasa byahe at halos ilang oras rin ang binuno sa byahe. Buti na lang hindi napagod si Dad. Niyogyog ko na ang balikat ni Mommy upang gisingin siya dahil itinigil na ni Daddy ang sasakyan sa isang tabi.

Pagkabukas ko pa lamang sa binatana ng kotse sumalubong na ang malakas na hangin sa aking mukha at kasabay niyon ang huni ng mga ibon. Wow! Ang refreshing naman rito, kaya ipinalibot ko pa ang aking mga mata. Nakita ko ang iba’t-ibang klase ng mga bulaklak na malalago at magaganda. Para itong malaking harden, hindi lamang malaki, kundi sobrang lawak na taniman ng mga bulaklak.

I was taken aback when someone blocked my sight of the magnificent surroundings, but even more surprised when a strange man opened the car door for me. Pero mas ikinagulat ko nang makita ko ang buong pagkatao nito. Shet! Bakit nandito ang lalaking ito?

“Maraming salamat, iho.” Wika ni mommy.

Tumango ito na may ngiti sa labi at kinuha ang mga dala naming gamit. Namamasukan ba ito bilang taga-dala ng luggage? Hays! Pero mayaman ang lalaking ‘to, may private room nga sa school na pinapasukan ko, e. Tapos college na siya sa isang sikat na university. Kung ganoon nga, ano ang ginagawa nito sa Quezon Province?

I’m going crazy!

“Olive. Hindi mo ba babatiin si Kuya Aragon mo?” Si Mommy ang pumukaw sa maraming katanungan kong utak. “Hindi mo ba siya namumukaan?”

“Mom, ano po bang pinagsasabi mo-”

“Hilda, Jerick. Mabuti naman at nakarating kayo nang maaga.”

Napatigil ako sa pagsasalita nang sumalubong ang isang babae na kasing edad lang rin nila mommy and daddy. Nasa mid-fourthies ganun, maganda rin ito, nakikita kong close sila ni Mommy at Daddy. Napapansin ko kanina pa ako nanghuhula, mababaliw na ako rito.

“Siya na ba si Olive? Ang maganda kong inaanak.” May matamis na ngiting lumapit ang ginang sa akin, sabay hawi sa buhok. “Mukhang hindi muna ako kilala, ah.”

“P-po?” Naisagot ko na lang. Shems. Ninang ko pala ‘to! Bakit hindi ko alam?! “He-hello po, Ninang. Kamusta po kayo?”

Wow? Olive, ang bait, ah?

“Napakabait naman ng inaanak ko. Naaalala pa pala ako kahit bata pa siya noong huling nagpunta kayo rito sa probinsya.” Komento nito.

Ngumiti ako na akala mo’y sumasang-ayon. Bago ‘to, ah. Mabait daw ako? Kahit sina mom and dad ‘yata hindi maniniwalang mabait ako.

“Nako, may pagka-m*****a rin ‘yan.” Kontra ni mommy.

Sabi sa inyo, e. Kokontra mga magulang ko.

“Mom, binubuking mo naman ako, e.” Sabat ko para kunwari nakikisama lang ako.

Nagtawanan kaming lahat, maliban na lang kay Aragon. Nakakahiya naman sa pangalan niya at mas nakakahiyang anak pala siya ng Ninang at Ninong ko. Grabe! Buti na lang pala hindi ko siya nasapak that time at hindi siya pumayag na magharap kami sa guidance.

“Joker ka pala. Manang-mana sa tatay at nanay.” Natutuwang sabi nito. “Oh, siya. Aragon, anak. Ipasok muna ang mga gamit nila. Halika na’t pumasok sa loob naghihintay ang iyong Ninong Recy.” Dagdag pa nito kaya ngumiti na lamang ako at sumunod na kami nila mommy at daddy, nagpahuli naman si Aragon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status