Share

CHAPTER 6

“Ito na ba si Olive?” Manghang tanong sa akin ng isang medyo may edad na lalaki. Hinuha ko medyo may edad kumpara kay mommy at daddy.

Siniko ko si mommy nang mahina sabay bulong. “Mommy, sino siya?”

“Ang Ninong Recy mo...” Pabalik na bulong ni mommy bago ngumiti. “Kaya, pwede bang bumati ka at ngumiti.” Dagdag pa ni mommy.

“Hello po! Ako nga po si Olive.” Sagot ko na may malaking ngiti sa aking mga labi. Ang hirap naman magpanggap na masayahin at pabibo. Hays!

Naupo na kami sa sala at may mga pagkaing nakahain sa mesa tulad nang green tea, coffee, juice at sandwich. Alam na alam nila ang breakfast namin, ah. Ganito ang nakahain palagi sa mesa namin noong bata pa ako na sabay-sabay kami kumain nila mommy and daddy. Ngayon na lang ulit ‘to mangyayari pero ngayon, hindi na lang kaming tatlo kundi anim.

“Kamusta naman kayo sa Manila? Ang tagal na rin pala noong huling punta ninyo rito. I heard you are often travelling to various countries to promote the Lala Olive Fragrance Corporation. How is the company doing in terms of business?" Si Ninong Recy ang nagtanong.

"The success of Lala Olive Fragrance Corporation has been remarkable, resulting in me taking frequent business trips abroad to promote the product. Our production operations have been broadened and more staff have been recruited to meet the escalating demand." Daddy replied. 

Mahabang kwentuhan pa ang naganap. Ubos na’t lahat ang pagkaing kinakain namin hindi pa rin sila tapos mag-usap, para silang mga teenager umakto sa harapan namin ni Aragon. Panis na laway ko rito panay ngiting pabebe lang nagagawa ko. Tapos itong si Aragon, walang kwenta parang pipi, ayaw magsalita o kahit isang ngiti man lang wala!

“Ah, Aragon?” Pukaw ni Ninang rito.

Isang walang buhay na tingin ang ibinaling nito kay Ninang. “Why, Mommy?”

“Why don't you take Olive for a stroll while we talk? Baka kasi naiinip na siya.”

“Okay po.” Matipid nitong sagot at saka tumayo na hindi man lang ako niyaya, o tiningnan.

As I followed behind him, I don't know why I was nervous. I just felt it; I know I have nothing to fear, but why is it so frightening to be with this man? Sa sobrang kabang nararamdaman ko hindi na nakakagulat kung bigla na lang akong matapilok dahil sa presensya niyang dala-dala.

“Ah, babalik na lang ako sa kanila. Iwan na kita rito-”

“Relax, hindi naman ako katulad mo.” Wika ni Aragon na may pang-iinsultong ngiti.

"What do you mean?"

“Hindi ako troublemaker.”

“Anong gusto mong iparating-”

"I should be more afraid of you."

Inirapan ko siya. “Hoy! Sobra na ‘yang bibig mo, ah.” Umuusok ang ilong ko sa lalaking ‘to, ah. Akala mo kung sino. “Kanina ang tahimik mo, ngayon ang daldal mong manghusga.”

Ngumisi lang ito sa akin. “Whatever.”

Attitude?! Pag ito sinapak ko tamo.

Nilampasan niya ako at naglakad patungo sa labas kung saan maraming iba’t-ibang flowers and roses na nakakamangha talaga sa ganda at ang mabangong halimuyak nito na sumasabay sa malamig na hangin. Ibang-iba talaga ang hangin sa province kumpara sa Manila.

Tumigil ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ikinalma ko ang aking sarili. Dinama ko ang fresh na hangin at mabangong halimuyak ng mga bulaklak. When I opened my eyes, I looked at Aragon. He is older than me, but he is not respectable. Manigas siya, hindi ko siya gagalangin. Panget ng ugali niya!

I rolled my eyes at him. "Aragon, right?"

Tumingin siya na parang bored na bored. Hays, bored rin naman ako lalo na’t siya ang kasama ko masyadong Kj.

“Alam mo bang ang panget mong kasama?” Marahan akong tumawa para asarin siya. “Kaya siguro tulugin ka, 'no?”

Hindi siya nagsalita. Ang tahimik niya at kahit anong sabihin ko parang wala siyang naririnig. Ano bang tingin niya sa akin? Hangin lang? Sa dami-dami nang makakasama rito, siya pa. Buong akala ko pa naman magbabakasyon kami nila mommy rito na kami lang. Ayun pala makakasama ko pa ang lalaking ‘to.

"Aragon-"

"Don't bother talking to me if you have nothing good to say."

I hissed under my breath. "You!"

“Olive. Bakit ganyan ka tumingin sa Kuya Aragon mo?”

“Po?” I stopped myself nang makita ko si mommy. Bibinggo na sa akin ang mayabang na ito.

"I saw you were irritatedly staring at him."

Nginitian ko na lang si mommy at saka umangkla sa braso niya. “Mom, nag-uusap lang kami ni Kuya Aragon, wala akong ginawang masama sa kanya.”

“Are you sure?” Paninigurado ni mommy.

“Mom, mukha ba akong basagulera?”

“Sometimes.” Mabilis na tugon ni Mommy.

“Wow! Hindi man lang pinag-isipan.”

“Aragon. Salamat at pagpasensyahan muna si Olive. May pagka-m*****a lang talaga siya.”

Ngumiti ang loko na akala mo kung sinong magalang at mabait. “No worries po.”

Ayoko masira ang bakasyon naming pamilya rito ng dahil lang sa lalaking anak nina Ninang at Ninong. Ewan ko ba kung bakit ganito ang ugali nito, samantalang approchable and lovely naman sina Ninang at Ninong. Siguro ampon siya kaya ganoon ang ugali niya.

Pagkatapos magpanggap ng lalaking ito sa harap ni mommy, bumalik na kami sa dining table sapagkat kakain na daw ulit kami bago mamasyal sa kabuuan ng malawak na taniman ng mga bulaklak.

Pagkakarinig ko kanina, ginagamit ang mga bulaklak na ito upang gawing pabango at iyon naman ang kumpanya ni mom and dad. Ang Lala Olive Fragrance Corp ang gumagawa ng proseso para makabuo ng mga perfume products.

Hindi ako mapakali habang nasa mesa at kausap ang mga hindi ko kilalang business man and business woman. Akala ko ba, nandito kami para magbakasyon? Pero sa nangyayari, business pa rin ang inaatupag nila. Balak ba ni mommy na makipag-partner kay Ninang at Ninong pati na sa mga trabahador?

I gave out a fake smile just to respect them. The conversation is boring as hell. Kahit saan ako lumingon, negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito. Heck. What do I know about what they're discussing? What's the point of listening to their discussion? Hindi pa nga ako tapos sa high school, nakakarinig na ako ng mga business boring stuff. I'm upset because, aside from being boring, this Aragon is right next to me, but in fairness, ang bango niya. But his attitude is disgusting! Arrogant.

Tinapik ko nang mahina ang braso ni mommy and whispered over her ear. "Mom, I'm bored."

Alam kong narinig niya ako dahil panandalian niya akong nilingon pero umakto itong walang narinig at bumalik sa discussion. Naiinis na nagpakawala ako nang malalim na hininga. Sobra na ang inis na nararamdaman ko dahil ganito pala ang magiging set up nang sinasabi nilang bakasyon. Ano ako rito? Wala lang?

“I’ll just get some fresh air, Mom.” Bulong ko kay mommy at saka tumayo at tuluyang umalis na hindi hinihintay ang magiging sagot niya.

Wala akong pakialam kung bastos ang dating nang ginawa kong pag-alis. Sinabi ko naman sa kanyang bored na ako. Ngunit halatang walang pakialam si mom and dad sa akin, I told them that I’m bored, imbis na sundan nila ako hinayaan lang nila akong umalis na parang hangin.

They promise to me. But look what is happening. Nag-uusap sila na parang walang katapusan.

Nang makalabas sa loob nang pinagdadausan ng meeting nila nagtungo ako sa mga bulaklak na ang lago-lago at mukhang alagang-alaga ng mga nagtatrabaho rito. Sana bulaklak na lang ako, para inaalagaan rin ako. Dahil wala naman akong makakausap dahil wala naman akong kaibigan, tatambay na lang ako rito hanggang sa matapos silang mag-usap-usap. Magsasawa rin ang mga ‘yan. Kung magsawa?

“Ow, hello, beautiful woman.” Anang boses ng isang lalaki na nakatayo mula sa hindi kalayuan kung saan ako nakatambay. “Bored ka na ba?”

Hindi ako sumagot. Ayoko nang kausap, lalong ayokong kausap ang katulad ng lalaking ‘to. Mukha pa lang halatang bolero na, e. Nakasuot siya nang puting polo at halata ang yayamanin niyang datingan. Siguro ay anak ito nang isa sa mga kausap nila mom and dad sa loob.

Tumango na lang ako bilang pagbibigay nang notice na nakita ko siya at bumati ako. Para naman hindi bastos tingnan.

"You are?"

“Olive Perez.” Napipilitang tugon ko. “Kilala muna ako. Pwede mo ba akong bigyan ng katahimikan?”

Tumawa ito. “Hindi mo ba tatanungin kung sino ako?”

Sumandal ako sa bakal na hamba na humaharang sa mga bulaklak at tumingin sa suot kong sapatos na parang bored na bored. “Bakit ko naman kailangan alamin?”

"Come on, Olive-"

“Excuse me. I have to go.” Pigil ko sa sasabihin niya sapagkat ayokong pahabain ang usapan.

Pero hindi niya ako hinayaang makaalis. Humarang siya sa daraanan ko at may ngisi sa mga labi na parang hindi gagawa nang mabuti. Wala akong takot sa mga katulad nila, marami na ‘yata akong na-encounter ng mga katulad niya.

"You are the only one who turned me down." Mapanganib na sabi nito. "Here is your punishment."

Mabilis na lumapat ang labi nito sa aking mga labi at naramdaman ko ang isang kamay niya na pumisil sa aking puwitan, kaya’t sa gulat at galit na naramdaman ko, malakas ko siyang binayagan at nang hindi ako makuntento, sinampal ko pa siya upang mas madarama niya ang sakit na ginawa ko.

“Bastos ka!” Nanggagalaiting sigaw ko. Pinaghahampas ko siya. “How dare you! Fuck you!”

Naputol ang paghampas at ang iba ko pang sasabihin ng may umagaw sa braso ko. Nang tingnan ko kung sino iyon, nakita ko ang madilim na mukha ni Aragon. Buong akala ko ay sa akin siya magagalit ngunit ang masamang tingin niya ay pumupukol sa lalaking nambastos sa akin. Nagulanta ako nang malakas niyang sinikmuraan ang lalaki.

Humigpit ang kapit ni Aragon sa aking kamay at kitang-kita ko kung paano magtagis ang kanyang bagang. “Kung nangangati ka. Magparaos ka sa club, hindi sa mga babaeng matino na bibiktimahin mo. You still haven't changed, Christopher.”

The guy named Christopher looked at me, then a very irritating smirk came on his lips. “May araw ka rin sa akin, dude.” Mayabang na tugon nito.

I glared at him. Puno nang galit ang mga mata ko. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa bumulagta ang bastos na walang modo na lalaking ito. “Pervert! Pasalamat ka hindi kita nabugbog, walang hiya ka!”

Nginitian lang nito ang galit na nararamdaman ko. “Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman, ‘di ba? Aminin mo na lang kasi na nagpapakipot ka lang-”

Walang pag-aalinlangan kong sinuntok sa mukha si Christopher dala ng aking galit. Wala akong pagsisising ginawa ko iyon. “Hayop ka!”

"Olive!"

Naghari ang katahimikan nang marinig namin ang sigaw na iyon, at si mommy nga iyon. Kasama niya ang mga ka-meeting niya kanina pati na ang mga trabahador, nakita ang ginawa kong pagsapak kay Christopher at pagmura ko rito. Hindi ako nakaimik habang nakatingin sa galit na galit na mukha ni mommy. Kailangan ko na naman magpaliwanag pero kahit ano naman ang paliwanag ko, lalabas at lalabas pa rin akong masama.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status