Home / Romance / WHY HE LEFT / Chapter 1

Share

WHY HE LEFT
WHY HE LEFT
Author: yourglowing

Chapter 1

Author: yourglowing
last update Last Updated: 2022-02-17 08:38:50

Chapter 1

Jacob Konstantin Avaceña is my stepfather's nephew. I was in my Grade 7 when I first met him. Kasama siya 'nung dinala ni Mama ang bagong boyfriend niya, si Tito Marcio. I knew for sure that he's years older than me.

"Anita, anak, si Jaco. Pamangkin ng Tito Marcio mo. Anak 'nung may-ari sa hotel." Natatandaan ko pa kung gaano kalawak ang ngiti ni Mama nang sabihin niya ito sa akin.

Ayaw ko sa kaniya. Nakakatakot siya. Mukhang pilyo. Mayaman. Walang gagawing mabuti sa akin kung lalapit ako. Iyan ang mga bagay na tumatak sa akin nang makita ko siya sa unang pagkakataon.

"Uy, ano! Magpakilala ka na." Kinurot ako ni Mama at sapilitan hinila paharap. Nakangisi si Tito Marcio habang nanonood sa pangyayari. Ganoon rin ang pamangkin nito na nakakakilabot ang tingin sa akin.

"Galing siya sa Amerika, anak! Kaya wala gaanong kakilala. Bumalik sila dahil tututukan ang hotel." Magiliw si Mama habang ikinukwento nito sa akin.

Hindi nakatakas ang pagsuyod ng tingin nito mula ulo hanggang aking paa. Umawang ang labi niya.

"H-hello, J-jaco... ako si Anita Diane Marrero." Tumingala ako dahil masyado siyang matangkad. Para akong batang musmos sa harapan nito.

Nilahad ko ang kamay sa kaniya. Hindi nagsasalita pero nakatitig ito sa akin, may ngisi sa labi.

Pero dahil mayaman siya, normal na di ito makikipagkamay sa isnag tulad ko. Minuto ata ang lumipas bago tinampal ni Mama ang kamay ko at pilit na tumawa. Nahihiyang naibaba ko ang aking kamay.

Hindi niya ako gusto. Iyon ang napagtanto ko. Sino ba ang magkakagusto sa isang Anita Diane Marrero? Anak ng isang babae sa aliw. Ulila na sa ama at ngayon naman, balak magpakasal ng ina sa nakilalang mayaman na lalaki.

Walang nagkakagusto sa akin. Bata pa lamang ako, nilalayuan ng mga kapwa bata. Sinasaway at pinagbabawalan ng mga magulang na baka maging katulad ako ng aking ina. That was a very harsh childhood life for me.

"Hindi ka niya gusto! Lintek! Akala ko magugustuhan ka niya. Ano ba 'yan, Anita. Sigurado ka bang naligo ka?" Tumango ako at nananatiling nakayuko.

Hinila ako ni Mama sa likod-bahay para pagsalitaan matapos ang pagpapakilala sa sarili ko kay Jaco. Kasalanan ko kung bakit di ako gusto ni Jaco Avanceña. Mga salita ni Mama.

"Ayusin mo nga ang buhok mo! Baka nabaduyan sayo! Ano ba yan! Akala ko magugustuhan ka 'nun." Umingos si Mama saka ako inirapan.

"Palibhasa, di natin kalevel sa buhay. Gusto ng mga taong kapantay nito."

Hindi ako makapagsalita dahil naiyak na lamang ako. Muli na naman akong nasaktan. Walang nagkakagusto sa akin.

Sinaway ako ulit ni Mama na ayusin ang sarili dahil babalik na kami sa bahay kung saan namin iniwan sino Tito Marcio at Jaco. Naging busy si Mama sa dalawa at inutusan na lamang ako na tumungo sa kwarto ko.

"Wag kang lalabas. Naiintindihan mo? Malilintikan ka sa akin." Dinuro niya ako at pinalakihan ng mata. Tumango ako agad. Naiintindihan kung anong pinupunto niya.

"Opo, mama."

"Target ko si Marcio ngayon. Malay mo ay balak akong pakasalan. Giginhawa na ang buhay natin." Di ako makapagsalita. Dahil tulad dati, paulit-ulit lamang ang mga katagang ito.

"Wag kang lalabas, Anita. Baka mabulilyaso. Di ka gusto 'nung binata at baka mandiri pa si Marcio." Iniwan na niya ako 'nun.

Napatitig ako sa malaking salamin sa aking kwarto. I remembered how I stared to my younger self that time. Tinitiitgan ko ang aking sarili.

Manang-mana ako kay Mama, kuha buong mukha ko. Dalawa lang ang aming pinagkaiba. Maitim at malalim ang mga mata ko. Nakuha ko sa Papa ko. Si Mama ay napakagandang kulay tsokolate. Parang nangaakit kong makatitig. Pangalawa ay may nunal ako sa gilid ng labi. Si Mama ay wala. Sa tuwing pinagtabi ay nagmumukha kaming magkapatid. Hindi naman gaano katanda ang Mama ko. Labing-anim na taong gulang siya 'nung mabuntis siya ni Papa.

Anong nakakadiri sa akin? Anong di gusto sa akin ng mga tao?

Muli ay naalala ko ang nangiinsultong tingin sa akin ni Jaco kanina. Marumi na rin ang isip nito sa akin. Panigurado. Dahil hindi naman linggid sa kaalaman ng buong La Felicidad kung anong klase ang trabaho ni Mama sa gabi. Kung papaano niya ako ipagkanulo sa mga kalalakihan.

Napaiyak ako. Hindi naman ako ganun'. Hindi naman ako kinukunsti ni Mama pero mahal ko si Mama. Kami lang narito sa mundo. Kung anong ikasasaya niya... gagawin ko naman.

Mula 'nun ay itinago ko na ang lahat ng mga salamin sa aking kwarto. Ang iba ay pinatungan ko na lamang ng tela dahil di ko makuha sa dingding.

I hated to look at myself in the mirror that time.

Naging masaya si Mama sa pagkalipas ng linggo. Dahil niyaya na siyang pakasalan ni Tito Marcio. Buntis na ang aking Mama.

At bukas na ang kasal.

"Mama..." napalunok ako.

Malaki ang ngiti niya habang nakatitig sa kaniyang eleganteng wedding gown. Bukas na siya ikakasal. Kaya kahit hatinggabi na ay gising pa rin siya. Kakatapos niya lamang magasikaso sa mga kakailanganin.

"Oh? Hija, halika nga dito! Ang ganda ng gown ni Mama, 'noh?" Wala sa sariling napatango ako. Ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng ganito kasaya mula noong mamatay si Papa.

Gusto kong palaging masaya si Mama. Pero bakit ako nasasaktan ngayon?

"Nagustuhan mo ba ang tabas ng gown mo? Inayos ko ng mabuti ang sayo! Naku! Dapat pangalawa ka sa pinakamagandang babae bukas! Tatalbugan natin ang bisita nilang elitista!"

"M-mama..." Bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang hinihimas niya habang kausap ako. Bigla akong naiyak.

"Aba! Bakit ka umiiyak?!"

"M-mama... i-iiwan niyo na ba ako?"

Hindi nakapagsalita si Mama. Pero alam kong iiwan niya ako bukas. Narinig ko 'nung magkausap sila ni Tiya Sela. Sasama na siya sa Manila kung nasaan naninirahan si Tito Marcio. Wala siyang balak na isama ako.

"Hindi kita pwedeng isama. Maiiwan ka rito."

"P-pero, Mama! P-papaano na ako..."

"Malaking pera ang iiwan ko sa'yo. Ipapagawa natin ulit ang panaderya. Alam kong pangarap mo 'yun."

Mas lalong nalukot ang puso ko sa narinig.

"Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Maraming magbabantay sayo rito. Mga pinsan ng Papa mo. Binigyan ko na sila ng pera para di na makapagsalita."

"G-gusto ko pong sumama...." bulong ko. Umiling si Mama saka hinaplos ang buhok ko. Pilit kong hinahabol ang kaniyang tingin pero iniiwas niya ito sa akin.

"Kaya mo na ang sarili mo. Linggo-linggo o di kaya ay buwan-buwan ay libong pera ang ipapadala ko sayo. Gawin mo ang lahat. Bilhin mo lahat ng di ko magawang ibili sayo. Magpakabusog ka kasama mga kaibigan mo."

"D-di... ka na ba babalik?"

"Baka hindi na. Mas maayos ang buhay ng kapatid mo doon, Anita. Intindihin mo."

Pati si Mama. Di na rin ako gusto. Iiwan rin ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jodie Pettry
English version?????
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • WHY HE LEFT   Jacob Konstantin Avaceña

    I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund

  • WHY HE LEFT   Chapter 70

    Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?

  • WHY HE LEFT   Chapter 69

    This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal

  • WHY HE LEFT   Chapter 68

    It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa

  • WHY HE LEFT   Chapter 67

    "Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko

  • WHY HE LEFT   Chapter 66

    "Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status