"Umalis ka na. Kung hindi ay kakasuhan na kita." Mariin ko siyang tinignan."Anita please hear me out. Nagsisisi na ako. Pakinggan mo lang ako. Iyon lang...""Umalis ka na, Jaco..." hinahawi ko ang mga braso ko dahil panay ang hawak niya rito. "Alis na. Wag kang magpapakita sa akin. Puro problema dala mo." Tinulak ko siya ng akma na naman niya akong hahawakan. "Anita... please... di ako lalayo, saktan mo lang ako, wala akong pakielam. Anita, dito lang ako... anita please...Anita...." Desperadong aniya habang umiiyak. Hindi ako nagpatinag. Hindi ako magpapatinag.Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Napaatras ako at natigilan ako ng marinig ang malakas niyang hagulhol niya habang nakatago ang mukha sa leeg ko. "Jaco ano ba! Umalis ka na!" Tinulak ko siya ng mahismasan na ako. Inipon ko ang buong lakas at halos matumba siya sa mga upuan dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Kumuyom ang kamao ko. Utang na loob. Umalis ka na. "A-anita... please... saktan mo lang ako... di
Hindi ko alam kung papaano nangyari na ngayon ay nasa hapag na kaming lahat para kumain ng hapunan. I salute Mama Sheryl for being... civil. Alam kong paborito nila si Daniel pero knowing my background with Jaco, papaano niya ito pinapasok. Ang bilis ng pangyayari at di ko masundan. Madalas ang sulyap ko kay Diego na tahimik na nangingiti sa usapan ng papa niya at si Jaco. Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko. Pagkatapos niyang tawagin ang pangalan ko ay di na niya ulit ako tinignan o kinausap man lang. Maingiyak-iyak si Mama Sheryl nang dumating si Diego. Para rin akong nakahinga ng maluwag. Pero ang ganitong pambabaliwala niya.... nalulukot ang puso ko.Anong nangyari sa kaniya? Nasaan siya? Bakit ngayon lang siya? Sinong kasama niya? May problema ba siya?"Diego..." hindi ko na napigilan at tinawag na ang pansin niya.Nilingon niya ako at nginitian."Hmm?"Saglit akong natulala, di maalam ang sasabihin o ang gagawin. "N-namiss kita..." I don't know if that's a good one. Pero iyon
Bakit ba ako minamalas sa relasyon? Bakit... bakit may ibang babae na naman? Bakit ako pa rin ang pinakanasasaktan? Bakit ako rin ang nagagago? For once, can they spare me? Babae lang ba ako para lokohin ng ganito? Why they couldn't accept me for who am I? Bakit kailangang may ibang babae rito? Bakit si Diego pa? Nakabuntis? Papaano? Bakit si Karen pa? Kinarma ba ako dahil tinago ko sa kaniya? Wala ba akong karapatan na protektahan ang sarili? Nakipagsex siya dahil sa galit sa akin? Anong kasalanan ko bukod sa pagtatago ng nakaraan namin ni Jaco? Iyon lang naman. Hindi ko naman niloko si Diego para gaguhin niya ako ng ganito? Tinutulak ko naman papalayo di Jaco, diba?Marami akong tanong at pagdududa sa sarili. Marami akong reklamo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Bakit mali na naman ako?"Kailangan ko ng umalis."Lumuhod sa harapan ko si Diego, nagmamakaawa, umiiyak, at humihingi ng tawad at pagsisisi. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko. I felt betrayed. Gulong-gulo na
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Napapikit nang masilaw sa sinag ng araw sa labas ng bintana. Doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko ako ngayon. Alas cinco na ng umaga pero kasisimula ng umaga ko ay tinatamad na ako, parang binugbog ang katawan ko sa sobrang sakit. Ang bigat ng pakiramdam at ang hirap pang dumilat. Gusto ko na lamang humilata buong araw.Saglit akong natulala. Kailan nga nung huli akong nagkaganito?Hindi naman pwedeng magpaliban ako ng klase lalo at review test ng mga bata ngayon.Naligo na rin ako at nagayos. Masama ang pakiramdam ko. Nagulat pa ako ng makita na nakaayos na ang mga gamit ko sa cabinet. Nagsuot na rin ako ng salamin para itago ang pamamaga ng mga mata ko. Bumaba na ako dala-dala ang mga gamit ko. Sinalubong ako ng katahimikan, natigilan ako ng mapagtanto na nasa bahay na pala talaga ako. Huminga ako ng malalim saka tinuloy ang paglalakad."Anita... anak..." Napatingin ako sa bulwagan ng kusina kung nasaan si Mama. Bumaba agad tingin ko s
Magccommute sana ako kahit malate ng isang oras. Kailangan ko lang pumunta sa terminal. Pero nang makalabas sa bahay ay nadatnan ko ang dalawang SUV. Si Diego na agad naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. At si Jaco na naghihintay sa tabi ng sasakyan niya. Natigilan ako. Bakit nandito ang dalawang 'to?"A-anita..." namungay ang mga mata ni Diego ng makalapit sa akin. Kita ko ang paghihirap sa kaniyang mukha. May mga pasa akong nakita sa mukha niya. Ganoon ba kalakas ang suntok ni tito Marcio para umabot pa sa dami nito?"Diego, anong ginagawa mo rito?" Napalunok siya."I-ihahatid na kita...."Huminga ako ng malalim bago umiling."Salamat na lamang. Pero kaya ko ang sarili ko.""Mahal, please. K-kahit ngayon lang? M-malelate ka." "Wag na, Diego. Nagmamadali rin ako."Agad ko siyang nilampasan para makaalis na. Pero nahinto rin ng hawakan niya ang braso ko para patigilin."A-anita..." nagmamakaawa ang tingin niya sa akin. Napabuntong-hininga ako saka hinawi ang kamay niya."Diego,
Nakarating sa kinauukulan ang tungkol kay Karen. Hindi naman ako nagsumbong dahil ang tanging ginawa ko ay nagexplain kay principal tungkol sa ginawa kong pagsampal kay Karen.She's suspended, I know. Ganun rin naman ako. Pero dahil lumabag siya sa batas ng mga guro ay alam kong mawawalan siya ng lisensya. Turns out, Diego is not the only one.For being ambitious, she lingers herself with politicians and businessmen. May lumabas na mga litrato tungkol sa parttime job niyang prostitute at ilang maseselang mga gawain kasama sila."Nanindig balahibo ko! Gosh! Alam ko naman na nasa loob talaga ang kulo 'nyan e. Pero ang lala pala talaga." Si teacher Beks na nakangiwi habang nakatingin sa bakanteng mesa ni Karen."Hindi na nakakapagtaka. Matagal na naming alam sa highschool na may gusto 'yan kay...Diego. Hinabol-habol pa niya si sir Engineer 'nung huli, diba?" Nakuha na nila ang pansin ko.Napangiwi si teacher Claire."Nainis nga si Engineer. Hindi ko narinig pero baka minura niya si girl
"Makikipagusap lang ako kung babalikan mo na ako."Nagpantig ang tenga ko sa narinig.Rinig ko ang tawa na naman ni Eiza na halos ilabas ang ngalangala. Napasipol si Hayes at agad tumalikod habang ngingisingisi. Sinamaan ko ng tingin si Jaco."Tama ba na makielam ka tungkol kay Diego at Karen?" Nawala ang magaang itsura niya at napalitan ng bagsik. "They deserve to suffer." Namulsa pa ito.Napanganga ako."Jaco! Tungkol ba ito sa ginawa nila sa akin?!" Hindi niya ako sinagot kaya inis kong sinapak ang braso niya."Jaco!""Yes.""Bakit mo ginawa 'yun? Akala ko sinwerte lang ako at napadali ang lahat..." hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil gulat pa rin ako. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa impluwensya na dala niya. Ngunit bakit pa?"Di ka na lang sana nakielam. Jaco, sinisira mo ang negosyo nila Diego. Personalan na 'yan." Umiwas siya ng tingin sa akin."I want them to suffer. I don't tolerate people hurting you." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I once heard him said
"A-ako na nga..." Inagaw ko agad sa kaniya ang tuwalya at kinuskos na ang sarili. Gusto kong magmura dahil nananatili pa si Jaco sa tabi ko. Kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Sumimangot ako."Shit. Are you blushing?" Natatawang tanong ni Eiza na nilapit pa ang mukha sa akin.Sa sobrang hiya ko ay tinulak ko siya at nakasimangot na kumuskos. Iniwas ko ang mukha sa kanila."Upo ka na nga! Bakit ka ba nakatayo diyan?!" Hindi ko mapigilan di mapasigaw dahil nakatayo pa talaga si Jaco sa tabi ko!Humalakhak ang bobita. "She's awkward." Puta. Isang salita lang talaga Eiza, ingungodngod na kita sa plato mo."Okay, uupo na." At umupo nga sa tabi ko. Sinamaan ko agad ito ng tingin."Doon ka sa malayo." Parang hari na sumandal siya sa upuan at tamad na nilingon ako."Ssshh. Don't look at me." Napanganga ako."A-ano?!""Your cleavage is distracting me." Sumimangot ito at nainom ng tubig. Halos mabingi ako sa tawa ni Eiza. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at shit! Nakali