LOGINKABANATA 3: PREGNANT
Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas simula noong iniwan ko si Silas na natutulog sa kama niya. Mula noon, hindi ko na siya nakita ulit. Wala akong naiwan na number, wala akong itinanong tungkol sa buhay niya. Para bang isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip na bigla na lang naglaho paggising ko sa umaga. Sinubukan kong hanapin siya sa social media, pero wala akong mahanap na Silas na tumutugma sa itsura niya. Siguro nga magkaibang mundo kami. Siya, yung taong mayaman at makapangyarihan. Ako, yung ordinaryong babae na nasaktan at naghanap ng takas. Pero kahit wala na siya, bakit parang nandiyan pa rin siya? Bakit parang nandoon pa rin ang init ng haplos niya? Bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang epekto ng gabing iyon sa katawan ko? Nakaupo ako ngayon sa opisina ko, nakatitig sa computer pero wala akong maintindihan sa binabasa ko. Ang isip ko, lumilipad. At ang tiyan ko… grabe, kumakalam na naman ito nang malakas. Tumingin ako sa orasan. Alas-dos pa lang ng hapon. Kakakain ko lang ng lunch isang oras ang nakakaraan! Paano nangyari yun? “Joanna, okay ka lang ba?” tanong ng katrabaho ko na si Sarah habang inaayos niya ang mga files sa desk niya. “Kanina ka pa nakatulala diyan ah. At napansin ko, ang lakas mo na ring kumain lately ha. Diba dati, konti lang kinakain mo para mag-diet?” Napahawak ako sa tiyan ko. Napangiti ako nang tipid. “Hindi ko rin alam eh. Bigla na lang akong nagugutom agad. Parang laging kulang yung kinakain ko.” Totoo ‘yun. Sobrang laki ng pinagbago ng katawan at panlasa ko nitong nakaraang isang buwan. Dati, ayaw na ayaw ko sa matatamis. Lalo na yung Mango Graham o kaya yung sobrang tamis na ice cream. Para sa akin, nakaka-suya ‘yun. Pero ngayon? Araw-araw ko ‘yun hinahanap-hanap. At hindi lang ‘yun. Dati, ayaw ko sa maasim. Yung hilaw na mangga na may bagoong, tinatablan ako ng asim eh. Pero nitong mga nakaraang araw, parang drug ‘yun para sa akin. Pag hindi ko nakakain, naiirita ako, naiiyak, at parang may kulang sa araw ko. “Baka naman stress lang ‘yan?” sabi ni Sarah. “Diba sabi mo may pinagdadaanan ka? Minsan kasi kapag stressed, either hindi kumakain o sobra kumain.” Oo, stress. Siguro nga stress lang. Siguro dahil sa sobrang trauma na naranasan ko kay Raymont at Elvy, nagbago ang sistema ng katawan ko. Pero deep inside, alam ko… hindi lang ‘yun stress. May kakaiba. May kakaibang nangyayari sa akin. Pagkatapos ng shift, dumaan ako sa canteen ng building. Bumili ako ng dalawang sandwich, isang bottled milk, at isang pack ng cookies. Kinain ko lahat ‘yun habang naglalakad papunta sa parking lot. Habang kumakain ako, biglang sumagi sa isip ko si Silas. Yung gabing iyon… yung init ng katawan niya… yung paraan ng paghalik niya… Napahinto ako sa paglakad. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maalala ko ang isang mahalagang bagay. “A-ako pa… first time ko…” “Sigurado ka ba dito, Joanna?” At… at hindi kami gumamit ng proteksyon. Nanlaki ang mga mata ko sa realization. Biglang nanigas ang buong katawan ko. “Hindi… hindi pwedeng… imposible,” bulong ko sa sarili ko. Pero bakit? Bakit hindi pa dumarating yung dalaw ko? Dati, regular naman ako. Minsan delayed ng ilang araw pero dumarating din. Pero ngayon… halos isang buwan na? Dalawang buwan? Hindi ko na mabilang. Wala talaga. At saka yung sintomas… paglaki ng dibdib? Masensitibo? At ang hilig sa pagkain? “Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano Joanna,” saway ko sa sarili ko habang mabilis na naglakad papunta sa sasakyan ko. “Baka dahil lang sa alak, dahil sa stress, kaya nadelay. Normal lang ‘yan.” Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, hindi mapakali ang dibdib ko. Pagkauwi ko sa apartment na inuupahan ko ngayon—oo, umalis na ako sa bahay nila Mama. Hindi ko na kayang manirahan sa iisang bubong kasama si Elvy at ang mga kasinungalingan nila—diretso ako sa ref. Binuksan ko ito at hinanap kung may natitira pa bang maasim. Nakita ko yung isang garapon ng atsara. Kinuha ko ‘yun at kumain ako nang kumain diretso sa garapon. Sarap na sarap ako habang ngumunguya, pero kasabay noon ay takot na umaakyat sa sistema ko. “Kailangan kong malaman. Kailangan kong siguraduhin.” Hindi na ako nakatiis. Nagbihis ako ulit at dumiretso sa pinakamalapit na pharmacy. Bumili ako ng tatlong piraso ng Pregnancy Test Kit. Ayokong umasa, ayokong mag-isip, pero kailangan. Pagkauwi ko, agad akong pumasok sa CR. Ang mga kamay ko, nanginginig nang sobra. Parang may malaking kasalanan akong gagawin. Yung puso ko, tumatambol nang napakalakas na parang sasabog sa dibdib ko. “Please… negative lang. Please negative lang,” dasal ko habang hinihintay yung resulta. Tatlong minuto. Tatlong pinakamahabang minuto ng buhay ko. Nakatitig ako sa puting stick na nakapatong sa lababo. At unti-unti… unti-unti kong nakita ang paglabas ng linya. Isang linya… dalawang linya. POSITIVE. Napasinghap ako. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sigaw na gustong kumawala. Ginawa ko ‘yun sa pangalawa at pangatlong stick. At lahat sila… pare-pareho ang resulta. Dalawang guhit. Buntis ako. Buntis ako sa anak ng estrangherong nakilala ko lang ng isang gabi. Buntis ako kay Silas. Napaupo ako sa sahig ng CR. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot, gulat, tuwa, at sobrang pagkalito. Paano? Paano mangyayari ‘to? Isang beses lang… isang gabi lang… at nabuo agad? Tumingin ako sa tiyan ko. Flat pa naman ito, wala pang pagbabago sa paningin ng iba. Pero alam ko… may buhay na nabubuo sa loob ko. “Baby…” bulong ko habang dahan-dahang idinampi ang kamay sa tiyan ko. “Ikaw ba ‘yan? Kaya pala… kaya pala ganito na lang ako ka-gutom? Kaya pala hinahanap-hanap ko yung mga pagkaing dati ayaw ko?” Kaya pala… kaya pala parang may kulang kapag hindi ako kumakain. Kaya pala sobrang sensitive ko na. Dahil hindi na lang ako si Joanna. Dalawa na kami. Pero paano? Paano ako magiging isang ina? Wala akong asawa. Wala akong boyfriend. At ang tatay ng bata… hindi ko man lang alam kung saan siya makikita o kung sino ba talaga siya bukod sa pangalan niyang Silas. Biglang pumasok sa isip ko si Raymont. Kung sakali mang nangyari ‘to habang kami pa, siguradong iisipin niya sa kanya ‘to. Pero hindi. Alam na alam ko na sa kanya galing ‘to. Kay Silas. Dahil bago mangyari lahat ‘yon… matagal na kaming walang nangyayari ni Raymont. At tsaka… alam ng katawan ko kung kanino ito nagbelong. Yung gabing iyon… ibinigay ko ang sarili ko kay Silas. At ngayon, bunga ‘yon ng gabing piniling ako na maging masaya kahit saglit lang. “Okay lang ‘to Joanna,” kinakausap ko ang sarili ko habang pinipigilan ang luha. “Kaya mo ‘to. Dati, akala mo hindi mo makakaya yung panloloko nila, pero nakaraos ka diba? Ito rin… kakayanin mo.” Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na may kakaibang glow. O baka gawa lang ng isip ko? Pero totoo ‘to. May buhay sa loob ko. “Magiging okay tayo, baby. Pangako. Kahit wala ang Daddy mo… hindi kita pababayaan. Ikaw ang magiging lakas ko. Ikaw ang rason kung bakit kailangan kong bumangon araw-araw.” Pero sa kabila ng determinasyon ko, may isang tanong na bumabagabag sa isip ko. Kung sakaling makita ko ulit si Silas… ano ang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya na may anak siya sa akin? O itatago ko na lang ito para sa kapayapaan ng lahat? Hindi ko alam ang sagot. Sa ngayon, ang alam ko lang… nagbago na ang mundo ko. At habang hinahaplos ko ang tiyan ko, naramdaman ko yung kakaibang gutom ulit. “Gutom ka na naman ba?” tanong ko nang nakangiti. “Sige, bibigyan kita. Kahit anong gusto mo, ibibigay ko sayo.” Tumayo ako at pumunta ulit sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang chocolate at prutas na hinahanap ng panlasa ko. Habang kumakain ako, hindi ko mapigilang mapangiti.Kabanata 5 Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse habang kumakain. Katatapos lang ng work ko kaya puro kain ang nasa isip ko. "Mamaya nanaman baby, huh" saad ko at ibinaba ang hawak kong ice cream. Pinaandar ko ang makina at pinaharutrut ang kotse pauwi. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaniho ng biglang maalala ang pangalan ng lalaking nakasama ko ng gabing iyon. Nanaman. Sa araw nato, ilang beses ng bumabalik ang pangalang iyon pati na ang nangyari. "Hay. Kalimutan mo na sya saka hindi mo alam kong tatanggapin ba nya ang batang to. Malay mo may asawa na pala sya. Masmabuting ituon mo ang sarili sa future mo at ng bata" pangungumbinsi ko sa sarili. Nang makarating ako sa bahay, dali dali akong naglakad papasok. Dama ko ang lamig at pagkukulang sa sariling bahay. Matagal na akong nakatira rito ngunit simula ng gabing iyon, ramdam ko ang kulang, para bang sya ang kaylangan ko upang mabuo ako. Inilagay ko ang aking mga dala sa couch at naupo. Hinawakan ko ang aking tyan kahit
KABANATA 4: FINDING HER “FIND HER. I don’t care how much it costs. I don’t care how long it takes. FIND HER NOW.” I slammed my fist hard on the mahogany desk, making the expensive pens and documents jump. My jaw was clenched so tight I could feel the muscles straining. Anger. Pure, unadulterated anger was coursing through my veins, mixed with a frustration I hadn’t felt in my entire life. Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas mula noong hinayaan kong makatulog siya sa bisig ko. Mula noong ibinigay niya ang sarili niya sa akin nang buong-buo. At nang magising ako kinabukasan… wala na siya. Nawala siya. Parang bula na naglaho sa hangin. Tumingin ako sa malaking kama ko. Nandoon pa rin ang gusot ng kumot. Nandoon pa rin ang amoy niya—amoy ng strawberry at ng kabataan—na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa ilong ko kahit ilang beses ko nang linisin at palitan ang bedsheet. “Sir, pasensya na po. Wala pa rin
KABANATA 3: PREGNANT Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas simula noong iniwan ko si Silas na natutulog sa kama niya. Mula noon, hindi ko na siya nakita ulit. Wala akong naiwan na number, wala akong itinanong tungkol sa buhay niya. Para bang isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip na bigla na lang naglaho paggising ko sa umaga. Sinubukan kong hanapin siya sa social media, pero wala akong mahanap na Silas na tumutugma sa itsura niya. Siguro nga magkaibang mundo kami. Siya, yung taong mayaman at makapangyarihan. Ako, yung ordinaryong babae na nasaktan at naghanap ng takas. Pero kahit wala na siya, bakit parang nandiyan pa rin siya? Bakit parang nandoon pa rin ang init ng haplos niya? Bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang epekto ng gabing iyon sa katawan ko? Nakaupo ako ngayon sa opisina ko, nakatitig sa computer pero wala akong maintindihan sa binabasa ko. Ang isip ko, lumilipad. At ang t
KABANATA 2: WILD NIGHT “Wala na… tapos na lahat.” Paulit-ulit ko ‘yang sinasabi sa sarili ko habang naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam kung mabasa man ako nang tuluyan. Wala akong pakialam kung giniginaw na ako. Kasi alam niyo ba kung ano mas masakit? Yung mas mainit pa ang pakiramdam ng puso mo kaysa sa lamig ng tubig-ulan na tumatama sa balat mo. Yung pakiramdam na parang pinipiga at dinudurog ang dibdib mo sa bawat paghinga. Lahat ng pangarap ko, gumuho nang isang iglap. Yung lalaking akala ko ay magiging asawa ko, nasa piling ng kapatid ko. Yung pamilyang akala ko buo, puro kasinungalingan lang pala ang pundasyon. Napahinto ako sa isang madilim na eskinita. Doon, doon ko na pinakawalan lahat ng iyak. Humagulgol ako nang malakas. Hinampas ko ang sarili ko, hinampas ko ang puno sa tabi ko dahil sa sobrang frustration. “BAKIT?!” sigaw ko sa kawalan. “Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat ah? Mahal ko siya eh! Mahal ko kayo lahat!
KABANATA 1: THE BETRAYAL “HAPPY 2ND ANNIVERSARY, BABY!” Nakangiti akong nakatingin sa malaking cake na dala-dala ko. Sa aking kabilang kamay ay ang paper bag na naglalaman ng expensive watch na pinag-ipunan ko ng halos isang taon para sa kanya. Raymont. Ang lalaking akala ko ay magiging asawa ko balang araw. Dalawang taon. Dalawang taon kaming naging matatag. O least, iyon ang akala ko. Dahil surprise nga dapat, hindi ko siya tinext o tinawagan. Tahimik akong pumasok sa condo unit niya. May copy naman ako ng susi, kaya walang kahirap-hirap na binuksan ko ang pinto. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. ‘Paano kaya siya magugulat?’, iniisip ko. I prepared everything. Kahit yung favorite niyang wine binili ko pa. Pero… bakit sobrang tahimik? “Raymont?” tawag ko nang mahina habang inaalis ang sapatos ko. “Baby, nandito na ako. Happy anniver—” Natigilan ako nang marinig ko ang mga tunog galing sa kwarto niya. Hindi lang iisang boses. May babaeng tumatawa. Tawa







