공유

WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE 

 
WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE   
작가: Angela

KABANATA 1: THE BETRAYAL

작가: Angela
last update 게시일: 2026-04-26 17:13:45

  KABANATA 1: THE BETRAYAL 

  “HAPPY 2ND ANNIVERSARY, BABY!”

  Nakangiti akong nakatingin sa malaking cake na dala-dala ko. Sa aking kabilang kamay ay ang paper bag na naglalaman ng expensive watch na pinag-ipunan ko ng halos isang taon para sa kanya. Raymont. Ang lalaking akala ko ay magiging asawa ko balang araw.

  Dalawang taon. Dalawang taon kaming naging matatag. O least, iyon ang akala ko.

  Dahil surprise nga dapat, hindi ko siya tinext o tinawagan. Tahimik akong pumasok sa condo unit niya. May copy naman ako ng susi, kaya walang kahirap-hirap na binuksan ko ang pinto.

  Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. ‘Paano kaya siya magugulat?’, iniisip ko. I prepared everything. Kahit yung favorite niyang wine binili ko pa.

  Pero… bakit sobrang tahimik?

  “Raymont?” tawag ko nang mahina habang inaalis ang sapatos ko. “Baby, nandito na ako. Happy anniver—”

  Natigilan ako nang marinig ko ang mga tunog galing sa kwarto niya. Hindi lang iisang boses. May babaeng tumatawa. Tawa na pamilyar na pamilyar ako.

  At kasabay noon, narinig ko ang boses ng lalaking mahal ko.

  “Elvy… shhh… baka may dumating,” sabi ni Raymont habang tumatawa rin.

  Elvy? Elvy? Bakit nandito si Elvy dito? Si Elvy, ang step-sister ko? Ang kapatid na itinuring ko na ring tunay na kadugo?

  Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanigas ang buong katawan ko. Ang cake na hawak ko ay muntik nang mahulog sa sahig dahil sa panghihina ng mga kamay ko.

  Dahan-dahan, parang may sariling desisyon ang mga paa ko na lumapit sa pintuan ng kwarto niya. Bahagyang nakabukas ito. Isang inch lang ang agwat pero sapat na para masilip ko ang loob.

  At doon… doon nag-collapse ang mundo ko.

  Nakita ko sila. Nakita ko si Raymont, ang boyfriend ko, na nakahawak sa bewang ni Elvy. At si Elvy… si Elvy na nakangiti habang hinahagod ang kamay sa buhok niya.

  At ang pinakamasakit… hinalikan niya ito.

  Hinalikan niya si Elvy sa labi. Gaya ng paghalik niya sa akin. Gaya ng mga pangakong tayo lang dalawa, may iba na pala.

  “Mmm… ang sarap mo talaga,” bulong ni Raymont bago humiwalay sa halik. “Kahit kailan, ikaw lang ang gusto ko.”

  ‘Ikaw lang ang gusto ko.’

  Those words. Sinabi niya ‘yan sa akin kagabi lang sa phone. Sinabi niya na mahal na mahal niya ako. Na excited na siyang magka-pamilya tayo. Pero ngayon, ibang babae na pala ang tinutukoy niya. At ang masaklap, sarili kong step-sister pa!

  Hindi ko na napigilan. Ang mga luha ko, na kanina ko pa pinipigilan, ay tuluyan nang bumagsak. Pero hindi iyong luha ng lungkot lang… kundi luha ng matinding galit at panloloko.

  Bumitaw ako sa cake at hinayaan itong nakatayo sa mesa. Malakas kong tinulak ang pinto kaya bumungad ako sa kanila nang todo.

  Gulat na gulat silang dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Raymont at agad na bumitaw kay Elvy. Si Elvy naman, mabilis na hinila ang kumot para takpan ang sarili niya, pero huli na ang lahat. Nakita ko na lahat.

  “JOANNA?!” sigaw ni Raymont. Nanlalabo ang paningin ko pero kitang-kita ko ang takot at gulat sa mukha niya. “B-Baby… ano… anong ginagawa mo dito?”

  Tumawa ako. Tumawa ako nang malakas pero puno ng pait at sakit. “Ano ang ginagawa ko dito?” ulit ko sa kanya. Ang boses ko ay nanginginig sa galit. “Diba anniversary natin ngayon, Raymont? Diba dapat surprise ko sayo? Pero mukhang ako yung na-surprise ah!”

  Tumingin ako kay Elvy na nakayuko na ngayon. “At ikaw… Elvy? Ikaw talaga ‘to?”

  “Joanna, h-hindi mo naiintindihan—” panimula ni Elvy, iyak-iyak pa kunwari.

  “TUMIGIL KA!” sigaw ko na umalingawngaw sa buong kwarto. “Wag mo akong lalapitin ng mga palusot mo! Kapatid kita! Tinuring kitang tunay na kapatid kahit magkaiba tayo ng dugo! Ginawa kitang kasama sa lahat ng bagay! Pinapahiram ko sayo lahat ng gamit ko! Binibigay ko lahat ng gusto mo! At ito ang isusukli mo sa akin?!”

  Humarap ako kay Raymont. Ang lalaking akala ko ay prinsipe ko, ngayon ay mukhang demonyo na sa paningin ko.

  “At ikaw, Raymont! Dalawang taon! Dalawang taon tayong magkasama! Lahat ng sakripisyo ko, lahat ng pagmamahal ko, binalewala mo lang ganun-ganun na lang?” Lumapit ako sa kanya, hindi ko na inaalala kung anong mangyayari. Gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob.

  “Sinabi mo sa akin na busy ka sa work! Sinabi mo na pagod ka kaya di tayo makalabas! Pero ang totoo? Nandito ka lang pala! Nasa piling ng step-sister ko!”

  “Joanna, please, pwedeng mag-usap tayo nang maayos?” Sabi ni Raymont habang inaabot ang kamay ko pero mabilis ko iyong tinabig.

  “WAG MO AKO HAWAKAN! HUWAG MO AKONG DAPUAN!” sigaw ko. “Nandidiri ako! Nandidiri ako sa’yo! Sa inyong dalawa!”

  Tumingin ako sa mga mata niya, diretso sa kaluluwa niya. “Akala mo ba madali? Akala mo ba okay lang na lokohin mo ako? Na habang ako dito, nagpapaka-stress para sa future natin, kayo naman dito… nag-eenjoy?!”

  “Joanna, mahal kita, ikaw lang—”

  “TAMA!” Putol ko sa kanya. “Wag mo nang gamitin ‘yang salitang ‘mahal’! Marumi na ‘yan! Dinumihan mo na ng katraydoran! Paano mo nasabing mahal mo ako kung may kaya kang gawin ‘to? Kung may kaya mong halikan siya habang ako yung babaeng tinatawag mong ‘future wife’ mo?”

  Lumingon ako kay Elvy na umiiyak na talaga ngayon. “Ikaw Elvy… alam mo kung gaano ko kamahal ang lalaking ‘to. Alam mo kung gaano ko siya pinahalagahan. Pero bakit? Bakit kailangan mong mang-agaw? Bakit kailangan mong sirain ang pamilya natin? Wala ka bang konsensya?”

  “Sorry… sorry Joanna, napusuan lang ako… mahal ko rin naman siya eh,” sagot ni Elvy na parang bata na umiiyak.

  Napangisi ako sa kawalan. “Napusuan? Oh really? So dahil lang sa ‘napusuan’ ka, pwede mo nang itapak ang pagkatao ko? Pwede mo nang talikuran ang kapatid mo? Alam mo Elvy, mas malala ka pa sa hayop. Ang hayop, alam kung sino ang pamilya nila. Ikaw? Wala kang pinipili!”

  “Tama na Joanna, wag mo naman saktan si Elvy!” Singit ni Raymont, tinatago pa sa likod niya ang babae.

  Doon tuluyang napuno ang baso.

  “HA?” Tawa ko nang mapakla. “Ako yung nananakit? Eh ikaw nga itong nanakit eh! Raymont, tingnan mo ako! Tumingin ka sa mga mata ko! Ako yung girlfriend mo! Ako yung pinangakuan mo! Pero ngayon, ipinagtatanggol mo pa siya sa akin?!”

  “Gago ka rin pala noh? Akala ko iba ka sa mga lalaking nanloko sa iba. Akala ko ikaw yung totoo. Pero mali pala ako. Pare-pareho lang kayo. Pare-pareho lang kayong mga traydor!”

  “Lahat ng regalo ko sayo, lahat ng effort ko… sayang lang pala. Binigay ko sayo ang buong mundo, tapos ibabalik mo lang sa akin na puro kasinungalingan?” Kinuha ko yung paper bag na may relo at inihagis iyon sa kanya. Tumama ito sa dibdib niya at nahulog sa sahig.

  “Yan oh! Regalo ko sayo! Pero mukhang hindi mo na deserve yan! Hindi mo na deserve ang kahit ano mula sa akin!”

  “Joanna, please, calm down. Let’s talk,” pagmamakaawa niya pero puno ito ng galit sa mukha ko.

  “Wala na tayong pag-uusapan! Wala na!” Sigaw ko hanggang sa mapuno na naman ang lalamunan ko. “Raymont, tapos na tayo. Tapos na! Hindi mo lang alam kung gaano ako ka-sawa sa mga kasinungalingan mo! Sawa na akong magmahal ng taong hindi marunong makuntento!”

  Tumingin ako sa kanilang dalawa. Sa kanilang mga mukha na puno ng guilt.

  “At ikaw Elvy,” seryoso akong tumingin sa kanya. “Salamat. Salamat dahil ipinakita mo sa akin kung sino ka talaga. Wala akong kapatid na katulad mo. At simula ngayon, wag mo na akong tatawaging Ate o kapatid. Kasi sa paningin ko… patay na ang kapatid na inakala ko sayo.”

  “Joanna… wag naman ganito…” humahagulgol na sabi ni Elvy.

  “Umalis ka sa harap ko. Ayoko na kayong makita. Pareho kayong nakakasuka.”

  Humarap ako at akmang aalis na sana nang magsalita ulit si Raymont. “Joanna, mahal kita. Alam mo yan. Nagkamali lang ako. Isang beses lang to—”

  Humarap ako ulit sa kanya, mas malamig na ang tingin ko. “Huwag mong isipin na maniniwala ako sayo ulit. Dahil alam mo Raymont? Once a cheater, always a cheater. At hindi ako tanga para bumalik sa taong sumira ng pagkatao ko.”

  “Masaya kayo? Edi good! Sana maging masaya kayo sa ginawa niyo. Sana mahanap niyo yung happiness na ninakaw niyo sa akin.”

  “Pero tandaan niyo ito… ang karma, hindi nagmamadali. Pero sigurado ako, darating din ang araw na mararamdaman niyo rin yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na parang pinupunit ang dibdib mo kasi yung taong pinagkatiwalaan mo, siya pa pala ang papatay sa puso mo.”

  Huminga ako nang malalim. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. Wala na akong iiwan dito kundi ang sakit at alaala.

  “Goodbye, Raymont. Sana hindi na tayo magkita ulit.”

  At tuluyan na akong tumalikod. Wala na akong ininda kahit anong tawag niya. Wala na akong narinig kahit anong iyak ni Elvy.

  Lumabas ako ng unit na parang binagsakan ng langit at lupa, pero sa kabila ng lahat… may pakiramdam ako na gumaan din ang loob ko.

  Dahil sa wakas… nakita ko na ang totoo. Hindi na ako bulag.

  At simula sa araw na ito… hindi na ako si Joanna na sunud-sunuran at tanga sa pag-ibig.

  Magbabago ako. At babangon ako. At sa pagbangon ko, sisiguraduhin kong hinding-hindi na nila ako madadapa ulit.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       Kabanata 5 : The mysterious material

    Kabanata 5 Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse habang kumakain. Katatapos lang ng work ko kaya puro kain ang nasa isip ko. "Mamaya nanaman baby, huh" saad ko at ibinaba ang hawak kong ice cream. Pinaandar ko ang makina at pinaharutrut ang kotse pauwi. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaniho ng biglang maalala ang pangalan ng lalaking nakasama ko ng gabing iyon. Nanaman. Sa araw nato, ilang beses ng bumabalik ang pangalang iyon pati na ang nangyari. "Hay. Kalimutan mo na sya saka hindi mo alam kong tatanggapin ba nya ang batang to. Malay mo may asawa na pala sya. Masmabuting ituon mo ang sarili sa future mo at ng bata" pangungumbinsi ko sa sarili. Nang makarating ako sa bahay, dali dali akong naglakad papasok. Dama ko ang lamig at pagkukulang sa sariling bahay. Matagal na akong nakatira rito ngunit simula ng gabing iyon, ramdam ko ang kulang, para bang sya ang kaylangan ko upang mabuo ako. Inilagay ko ang aking mga dala sa couch at naupo. Hinawakan ko ang aking tyan kahit

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 4: FINDING HER 

    KABANATA 4: FINDING HER “FIND HER. I don’t care how much it costs. I don’t care how long it takes. FIND HER NOW.” I slammed my fist hard on the mahogany desk, making the expensive pens and documents jump. My jaw was clenched so tight I could feel the muscles straining. Anger. Pure, unadulterated anger was coursing through my veins, mixed with a frustration I hadn’t felt in my entire life. Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas mula noong hinayaan kong makatulog siya sa bisig ko. Mula noong ibinigay niya ang sarili niya sa akin nang buong-buo. At nang magising ako kinabukasan… wala na siya. Nawala siya. Parang bula na naglaho sa hangin. Tumingin ako sa malaking kama ko. Nandoon pa rin ang gusot ng kumot. Nandoon pa rin ang amoy niya—amoy ng strawberry at ng kabataan—na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa ilong ko kahit ilang beses ko nang linisin at palitan ang bedsheet. “Sir, pasensya na po. Wala pa rin

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 3: PREGNANT 

    KABANATA 3: PREGNANT Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas simula noong iniwan ko si Silas na natutulog sa kama niya. Mula noon, hindi ko na siya nakita ulit. Wala akong naiwan na number, wala akong itinanong tungkol sa buhay niya. Para bang isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip na bigla na lang naglaho paggising ko sa umaga. Sinubukan kong hanapin siya sa social media, pero wala akong mahanap na Silas na tumutugma sa itsura niya. Siguro nga magkaibang mundo kami. Siya, yung taong mayaman at makapangyarihan. Ako, yung ordinaryong babae na nasaktan at naghanap ng takas. Pero kahit wala na siya, bakit parang nandiyan pa rin siya? Bakit parang nandoon pa rin ang init ng haplos niya? Bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang epekto ng gabing iyon sa katawan ko? Nakaupo ako ngayon sa opisina ko, nakatitig sa computer pero wala akong maintindihan sa binabasa ko. Ang isip ko, lumilipad. At ang t

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 2: WILD NIGHT 

    KABANATA 2: WILD NIGHT “Wala na… tapos na lahat.” Paulit-ulit ko ‘yang sinasabi sa sarili ko habang naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam kung mabasa man ako nang tuluyan. Wala akong pakialam kung giniginaw na ako. Kasi alam niyo ba kung ano mas masakit? Yung mas mainit pa ang pakiramdam ng puso mo kaysa sa lamig ng tubig-ulan na tumatama sa balat mo. Yung pakiramdam na parang pinipiga at dinudurog ang dibdib mo sa bawat paghinga. Lahat ng pangarap ko, gumuho nang isang iglap. Yung lalaking akala ko ay magiging asawa ko, nasa piling ng kapatid ko. Yung pamilyang akala ko buo, puro kasinungalingan lang pala ang pundasyon. Napahinto ako sa isang madilim na eskinita. Doon, doon ko na pinakawalan lahat ng iyak. Humagulgol ako nang malakas. Hinampas ko ang sarili ko, hinampas ko ang puno sa tabi ko dahil sa sobrang frustration. “BAKIT?!” sigaw ko sa kawalan. “Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat ah? Mahal ko siya eh! Mahal ko kayo lahat!

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 1: THE BETRAYAL

    KABANATA 1: THE BETRAYAL “HAPPY 2ND ANNIVERSARY, BABY!” Nakangiti akong nakatingin sa malaking cake na dala-dala ko. Sa aking kabilang kamay ay ang paper bag na naglalaman ng expensive watch na pinag-ipunan ko ng halos isang taon para sa kanya. Raymont. Ang lalaking akala ko ay magiging asawa ko balang araw. Dalawang taon. Dalawang taon kaming naging matatag. O least, iyon ang akala ko. Dahil surprise nga dapat, hindi ko siya tinext o tinawagan. Tahimik akong pumasok sa condo unit niya. May copy naman ako ng susi, kaya walang kahirap-hirap na binuksan ko ang pinto. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. ‘Paano kaya siya magugulat?’, iniisip ko. I prepared everything. Kahit yung favorite niyang wine binili ko pa. Pero… bakit sobrang tahimik? “Raymont?” tawag ko nang mahina habang inaalis ang sapatos ko. “Baby, nandito na ako. Happy anniver—” Natigilan ako nang marinig ko ang mga tunog galing sa kwarto niya. Hindi lang iisang boses. May babaeng tumatawa. Tawa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status