Share

KABANATA 2: WILD NIGHT 

Author: Angela
last update publish date: 2026-04-26 17:14:18

KABANATA 2: WILD NIGHT

“Wala na… tapos na lahat.”

Paulit-ulit ko ‘yang sinasabi sa sarili ko habang naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam kung mabasa man ako nang tuluyan. Wala akong pakialam kung giniginaw na ako.

Kasi alam niyo ba kung ano mas masakit? Yung mas mainit pa ang pakiramdam ng puso mo kaysa sa lamig ng tubig-ulan na tumatama sa balat mo. Yung pakiramdam na parang pinipiga at dinudurog ang dibdib mo sa bawat paghinga.

Lahat ng pangarap ko, gumuho nang isang iglap. Yung lalaking akala ko ay magiging asawa ko, nasa piling ng kapatid ko. Yung pamilyang akala ko buo, puro kasinungalingan lang pala ang pundasyon.

Napahinto ako sa isang madilim na eskinita. Doon, doon ko na pinakawalan lahat ng iyak. Humagulgol ako nang malakas. Hinampas ko ang sarili ko, hinampas ko ang puno sa tabi ko dahil sa sobrang frustration.

“BAKIT?!” sigaw ko sa kawalan. “Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat ah? Mahal ko siya eh! Mahal ko kayo lahat! Bakit kailangan niyo akong saktan ng ganito?!”

Bakit kailangan maging ganito kasakit magmahal? Bakit yung mga taong tapat, sila pa ang laging talo?

Gusto kong mawala. Gusto kong magising na lang bukas at wala na lahat ng sakit na ito.

Dahil hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko pwedeng umuwi sa bahay dahil nandoon sila Mama at si Elvy. At hindi ko kayang makita sila ngayon. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako.

Kaya napadpad ako sa isang bar. Hindi ako mahilig uminom, pero ngayong gabi… kailangan kong malasing. Kailangan kong makalimot. Kahit saglit lang.

Pumasok ako sa loob. Maingay, madilim, at puno ng usok at amoy alak. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin—siguro dahil basa ako at mukhang gusgusin kumpara sa mga magagarang suot ng mga tao dito. Pero wala na akong pakialam.

Umupo ako sa counter at sumigaw sa bartender. “Isang shot! Puno! At dagdagan mo pa!”

Isa… dalawa… tatlo…

Dumaan ang ilang oras, pakiramdam ko umiikot na ang mundo ko. Mainit sa pakiramdam, humuhupa nang kaunti ang sakit ng ulo at puso ko, napapalitan ng antok at kalasingan.

Nakita ko sa salamin ng counter ang itsura ko. Namumugto ang mga mata, gusgusin, at kaawa-awa.

‘Ganito na lang ba ako katanga, Joanna?’ tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko. ‘Binigay mo lahat, tapos ganito lang ka-easy para sa kanila na iwan ka?’

Dahil sa inis at sama ng loob, ininom ko ulit yung baso na puno ng whisky. Pero dahil lasing na ako, napadalian ako at naisli ito sa lalamunan ko. Nabulunan ako. Umuubo-ubo ako habang tinatapik ang sarili kong dibdib.

Bigla na lang may malamig na kamay na dumampi sa likod ko. Isang pamilyar na amoy—amoy mamahaling pabango na halimuyak na halimuyak—ang bumalot sa ilong ko.

“Easy there, Miss. Baka mabilaukan ka pa,” malalim at baritunong boses ang bumungad sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita siya.

Isang lalaki. Naka-suot ng itim na long sleeves na nakatupi ang manggas hanggang siko, na nagpapakita ng matatipunado niyang braso. May suot siyang relo na mukhang sobrang mahal. Tumingin ako sa mukha niya.

Gwapo. Sobrang gwapo. Pero hindi yung tipo ng gwapo na parang boy next door. Yung gwapo na mataray, seryoso, at may aura ng pagiging makapangyarihan. Matangos ang ilong, pormang porma, at ang mga mata… dark brown at nakakapanindig balahibo tumingin.

“S-sino ka?” utal kong tanong. Nanginginig pa ang boses ko dahil sa alak at iyak kanina.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at umupo sa katabing upuan ko. Hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ko. “Mas mahalaga kung sino ka. At bakit umiiyak ang isang magandang babae na katulad mo dito sa madilim na lugar na ‘to?”

Natawa ako nang mapakla. Humiga ako sa counter at tinuro siya. “W-wala kang alam! Wala kayong alam! Lahat kayo pare-pareho! Mga manloloko! Mga traydor!” Itinuro ko pa ang kawalan. “Lahat sila… ginawa lang akong tanga!”

Tinitigan niya ako. Walang emosyon ang mukha niya pero parang may kung anong lambing sa mga mata niya. “Lasing ka na.”

“Oo! Lasing ako! At gusto ko pang lumasing! Kasi pag gising ko… sana wala na lahat ng sakit! Sana mawala na yung pakiramdam na parang pinapatay nila ako nang dahan-dahan!”

Hindi siya sumagot. Sa halip, inabot niya ang baso ko at inilayo iyon sa akin. “Tama na. Hindi nakakaganda ang sobrang alak. Lalo na sa babaeng mag-isa.”

“Eh ano ngayon?! Wala namang may pakialam sa akin eh! Wala na akong mapuntahan! Wala na akong pamilya! Wala na akong boyfriend! Wala na akong—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nandoon na naman ang bukol sa lalamunan ko. Umiyak na naman ako.

Pero sa pagkakataong ito, hindi ako iniwan mag-isa.

Dahan-dahan, inabot niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya pero nakakagulat, nakakaginhawa ito ng pakiramdam.

“Kung wala kang mapuntahan… sumama ka sa akin,” bulong niya. Malakas ang boses niya pero parang bulong lang dahil sa ingay ng bar, pero dinig na dinig ko ito.

Tumingala ako para tignan siya. Malabo na ang paningin ko dahil sa luha at alak, pero kitang-kita ko pa rin ang gwapong mukha niya.

“Sino ka ba talaga?” bulong ko.

“Silas. Ang pangalan ko ay Silas.”

Silas.

Isang pangalan na tumatak sa isip ko kahit pa lutang na lutang ako.

“H-hahayaan mo ba akong sumama sayo? Hindi mo ba ako lolokohin gaya nila?” tanong ko nang parang bata.

Umiling siya. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang pinunasan ang luha gamit ang hinlalaki niya. “Hindi ako katulad nila. At hindi ko kayang saktan ang babaeng nasa ganitong kalagayan.”

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Siguro dahil sa sobrang sakit, siguro dahil sa sobrang pangungulila ng katawan ko sa yakap at pagmamahal… sumama ako sa kanya.

Sumakay kami sa isang napakagandang sasakyan—black luxury car. Tahimik ang buong byahe. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit magkalayo kami ng upuan. Amoy siya ng pera at kapangyarihan, pero hindi siya nakakatakot. Sa katunayan… siya lang ang nagparamdam sa akin ng seguridad ngayong gabi.

Dumating kami sa isang condo unit. Sobrang laki at sosyal. Modern design, malalaking bintana na tanaw ang buong city lights.

Pagkapasok namin, isinara niya ang pinto. At doon, nagbago ang ihip ng hangin.

Hindi na siya yung lalaking tumulong sa akin sa bar. Ngayon, nakatingin siya sa akin na parang ako lang ang babaeng nakikita niya.

“Silas…” tawag ko sa pangalan niya.

Lumapit siya nang dahan-dahan hanggang sa mapaderetso ako sa pader. Dinampian niya ako ng tingin mula sa mata pababa sa labi.

“Joanna…” bigkas niya sa pangalan ko. Paano niya nalaman? Baka nabanggit ko kanina habang lasing ako. Hindi ko na alam. Wala na akong pakialam.

“Gusto mo bang tumigil?” tanong niya habang nakatingin sa mga labi ko. Hinihingal na siya. “Kasi kapag hindi ka humindi… hindi ko na masisiguro ang kaya kong gawin.”

Huminga ako nang malalim. Tinitigan ko siya. Si Silas. Ang estrangherong nakilala ko lang ngayong gabi.

Pero bakit… bakit sa kanya ko nararamdaman na safe ako? Na pwede akong maging mahina? Na pwede kong ibigay lahat?

Dahil sa isip ko… gusto kong burahin ang alaala ni Raymont. Gusto kong burahin na ako yung babaeng niloko. Gusto kong maramdaman na babae ako. Na may halaga ako.

At sa gabing ito… sa bisig ng estrangherong ito… gagawin ko.

Umiling ako. Hinawakan ko ang sinturon niya at hinila siya palapit sa akin hanggang sa magdikit ang mga katawan namin.

“Huwag kang titigil, Silas. Please… iparamdam mo sa akin na buhay pa ako. Iparamdam mo na mahalaga ako,” bulong ko habang nakapikit.

At iyon na ang hudyat.

Hinawakan niya ang mukha ko at dinampian ako ng halik. Hindi ito marahas, pero puno ng pagnanasa at lambing. Iba ito sa halik ni Raymont. Yung kay Raymont, sanay na sanay ako. Pero yung kay Silas… bago. Nakakakilabot pero nakaka-excite.

Dinala niya ako papunta sa malaking kama. Dahan-dahan niyang hinubad ang basang damit ko at pinalitan ng init ng katawan niya.

Bawat haplos niya, bawat dampi ng labi niya sa balat ko… parang kuryente na dumadaloy sa buong sistema ko. Nakalimutan ko na ang pangalan ko. Nakalimutan ko na kung sino sila Raymont at Elvy.

Sa gabing ito… siya lang at ako.

“Silas… a-ako…” nanginginig kong bulong habang hinahagod niya ang kamay sa bewang ko. “A-ako pa… first time ko…”

Natigilan siya sandali. Tumingin siya sa mga mata ko, puno ng pagtataka at lambing. “Sigurado ka ba dito, Joanna? Dahil kapag ginawa natin ‘to… hindi mo na maibabalik pa.”

Tumango ako. Niyakap ko siya nang mahigpit at ibinulong sa tenga niya. “Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang gusto kong maging una. Kasi ikaw yung nagligtas sa akin ngayong gabi.”

At doon nagsimula ang lahat.

Dahan-dahan… puno ng pag-iingat pero sabay sa ritmo ng aming mga tibok ng puso. Ibinigay ko sa kanya ang lahat. Ibinigay ko ang sarili ko nang buong-buo. Walang halong pagdududa, walang halong takot.

Ang sakit na kanina lang ay parang papatay na sa akin… napalitan ng kakaibang init at sarap na hindi ko pa naramdaman kailanman.

Buong gabi kaming hindi natulog. Buong gabi ay pinaramdam niya sa akin kung paano mahalin at alagaan ang isang babae. Ipinakita niya sa akin na ang pag-ibig… o kahit ano man ito… ay dapat masarap at hindi nakakasakit.

Nang sumikat ang araw, nakita ko siyang natutulog sa tabi ko. Hawak-hawak ko ang braso niya, nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Tinitigan ko siya. Ang gwapo niya talaga.

Pero biglang bumalik ang realidad.

Tumingin ako sa paligid. Iba ito. Hindi ito bahay ko. At ang lalaking katabi ko… hindi ko siya kilala. Isang gabi lang ‘to. Isang wild night na mangyayari lang once in a lifetime.

Dahan-dahan akong bumangon. Tinipon ko ang mga damit ko at dahan-dahang nagbihis. Ayokong gisingin siya. Ayokong maging awkward.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       Kabanata 5 : The mysterious material

    Kabanata 5 Kasalukuyan akong nasa loob ng kotse habang kumakain. Katatapos lang ng work ko kaya puro kain ang nasa isip ko. "Mamaya nanaman baby, huh" saad ko at ibinaba ang hawak kong ice cream. Pinaandar ko ang makina at pinaharutrut ang kotse pauwi. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaniho ng biglang maalala ang pangalan ng lalaking nakasama ko ng gabing iyon. Nanaman. Sa araw nato, ilang beses ng bumabalik ang pangalang iyon pati na ang nangyari. "Hay. Kalimutan mo na sya saka hindi mo alam kong tatanggapin ba nya ang batang to. Malay mo may asawa na pala sya. Masmabuting ituon mo ang sarili sa future mo at ng bata" pangungumbinsi ko sa sarili. Nang makarating ako sa bahay, dali dali akong naglakad papasok. Dama ko ang lamig at pagkukulang sa sariling bahay. Matagal na akong nakatira rito ngunit simula ng gabing iyon, ramdam ko ang kulang, para bang sya ang kaylangan ko upang mabuo ako. Inilagay ko ang aking mga dala sa couch at naupo. Hinawakan ko ang aking tyan kahit

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 4: FINDING HER 

    KABANATA 4: FINDING HER “FIND HER. I don’t care how much it costs. I don’t care how long it takes. FIND HER NOW.” I slammed my fist hard on the mahogany desk, making the expensive pens and documents jump. My jaw was clenched so tight I could feel the muscles straining. Anger. Pure, unadulterated anger was coursing through my veins, mixed with a frustration I hadn’t felt in my entire life. Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas mula noong hinayaan kong makatulog siya sa bisig ko. Mula noong ibinigay niya ang sarili niya sa akin nang buong-buo. At nang magising ako kinabukasan… wala na siya. Nawala siya. Parang bula na naglaho sa hangin. Tumingin ako sa malaking kama ko. Nandoon pa rin ang gusot ng kumot. Nandoon pa rin ang amoy niya—amoy ng strawberry at ng kabataan—na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa ilong ko kahit ilang beses ko nang linisin at palitan ang bedsheet. “Sir, pasensya na po. Wala pa rin

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 3: PREGNANT 

    KABANATA 3: PREGNANT Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Isang buwan na ang lumipas simula noong iniwan ko si Silas na natutulog sa kama niya. Mula noon, hindi ko na siya nakita ulit. Wala akong naiwan na number, wala akong itinanong tungkol sa buhay niya. Para bang isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip na bigla na lang naglaho paggising ko sa umaga. Sinubukan kong hanapin siya sa social media, pero wala akong mahanap na Silas na tumutugma sa itsura niya. Siguro nga magkaibang mundo kami. Siya, yung taong mayaman at makapangyarihan. Ako, yung ordinaryong babae na nasaktan at naghanap ng takas. Pero kahit wala na siya, bakit parang nandiyan pa rin siya? Bakit parang nandoon pa rin ang init ng haplos niya? Bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang epekto ng gabing iyon sa katawan ko? Nakaupo ako ngayon sa opisina ko, nakatitig sa computer pero wala akong maintindihan sa binabasa ko. Ang isip ko, lumilipad. At ang t

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 2: WILD NIGHT 

    KABANATA 2: WILD NIGHT “Wala na… tapos na lahat.” Paulit-ulit ko ‘yang sinasabi sa sarili ko habang naglalakad ako sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Wala akong pakialam kung mabasa man ako nang tuluyan. Wala akong pakialam kung giniginaw na ako. Kasi alam niyo ba kung ano mas masakit? Yung mas mainit pa ang pakiramdam ng puso mo kaysa sa lamig ng tubig-ulan na tumatama sa balat mo. Yung pakiramdam na parang pinipiga at dinudurog ang dibdib mo sa bawat paghinga. Lahat ng pangarap ko, gumuho nang isang iglap. Yung lalaking akala ko ay magiging asawa ko, nasa piling ng kapatid ko. Yung pamilyang akala ko buo, puro kasinungalingan lang pala ang pundasyon. Napahinto ako sa isang madilim na eskinita. Doon, doon ko na pinakawalan lahat ng iyak. Humagulgol ako nang malakas. Hinampas ko ang sarili ko, hinampas ko ang puno sa tabi ko dahil sa sobrang frustration. “BAKIT?!” sigaw ko sa kawalan. “Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat ah? Mahal ko siya eh! Mahal ko kayo lahat!

  • WILD NIGHT WITH THE POSSESSIVE BILLIONAIRE       KABANATA 1: THE BETRAYAL

    KABANATA 1: THE BETRAYAL “HAPPY 2ND ANNIVERSARY, BABY!” Nakangiti akong nakatingin sa malaking cake na dala-dala ko. Sa aking kabilang kamay ay ang paper bag na naglalaman ng expensive watch na pinag-ipunan ko ng halos isang taon para sa kanya. Raymont. Ang lalaking akala ko ay magiging asawa ko balang araw. Dalawang taon. Dalawang taon kaming naging matatag. O least, iyon ang akala ko. Dahil surprise nga dapat, hindi ko siya tinext o tinawagan. Tahimik akong pumasok sa condo unit niya. May copy naman ako ng susi, kaya walang kahirap-hirap na binuksan ko ang pinto. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. ‘Paano kaya siya magugulat?’, iniisip ko. I prepared everything. Kahit yung favorite niyang wine binili ko pa. Pero… bakit sobrang tahimik? “Raymont?” tawag ko nang mahina habang inaalis ang sapatos ko. “Baby, nandito na ako. Happy anniver—” Natigilan ako nang marinig ko ang mga tunog galing sa kwarto niya. Hindi lang iisang boses. May babaeng tumatawa. Tawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status