แชร์

4: WHAT IF MALAMAN NILA?

ผู้เขียน: MindofShystaljo
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-10-05 21:45:54

Matapos ang kaunting usapan na naganap sa labas ay agad din naman kaming pumasok sa loob ng napakalaki at mawalawak na bahay.

"Hija, halika. I will show you your room." Nakangiti na wika ng ina ni Thunder.

Tumango ako bilang sagot habang nakangiti. Sinulyapan ko naman si Thunder na busy sa pakikipag-usap sa kanyang ama. Kaya naglakad na ako at sumunod sa ginang.

"Excited na talaga ako na maging mommy lola." Kinikilig na sabi ni tita Tina, ina ni Thunder.

Hindi ko kasi alam kung ano ba ang tama at dapat na itawag sa kanya pero napagpasyahan ko pa rin na tawagin siyang mommy sa harap ni Thunder o ng kahit sino. Pero kapag sa isip ko lang ay napagpasyahan ko na Tita Tina ang itawag sa kanya.

Nang marating namin ang isang pintuan ay agad na binuksan ni Tita Tina ang pinto at bumungad sa amin ang malawak na kwarto. Parang kasing laki lamang ito nang apartment na siyang inuupahan ko noon.

"Hindi ka ba sinasaktan ni Thunder?" Napaangat ako nang tingin kay Tita Tina dahil sa kanyang naging tanong. Binigyan pa niya ako nang isang magaan na ngiti na parang hinihintay niya ang pagsagot ko.

Tumikhim naman ako upang bumwelo at makahanap nang tamang isasagot.

"Hindi po, hindi naman po siya ganung klase ng uri ng tao mommy." Natatawa ko na sagot na siyang sinundan niya ng tawa. "He's moody but I can handle naman po." Sunod ko pa na sabi na mas ikinatawa ni Tita Tina.

"He is." May ngiti na sagot niya sa akin. "May pagkamatigas ang ulo ng anak kung ayon kaya kung meron kayong hindi pagkakaunawaan ay sabihin mo lang sa akin Rainy." Saad pa niya at lumapit sakin bago iginaya ako paupo sa malambot na kama. "Tanda mo ba noon? Ang dami niyang dinadala na babae dito, pero sa lahat ikaw pa rin ang pinakagusto ko. Nagpapasalamat nga ako dahil noong ikasal kayo ay naging matino yang si Thunder, hindi na naulit ang pambababae niya kaya mas napanatag ako ng pakasalan ka niyang muli." Magaan na kwento ni Tita Tina.

Parang may kung anong tinik ang bumara sa aking lalamunan dahil sa bawat salita na binibitawan nito.

Wala akong alam. Gustuhin ko mang matuwa pero ni isa wala akong alam sa ikwenento niya dahil hindi ako si Rainy na nakasama nila.

"Mom!" Isang buong boses naman ang aming narinig mula sa pintuan at sabay kaming napalingon.

Matutuwa ba ako sa pagdating ni Thunder o mas madadagdagan ang aking pagkailang?

"O'sya, maiwan ko na kayo ng kayo ay makapag pahinga, magluluto na rin ako ng ating hapunan." Pamamaalam ni Tita Tina bago marahan pa na hinaplos ang aking likod tsaka tumayo at nagtungo palabas ng pinto.

Bumilis naman ang tibok ng aking puso ng marinig ang pagsara ng pinto. Tumikhim ako at inabala ang sarili sa pag-aayos ng gamit namin at paglalabas noon sa maleta.

"Hindi mo kailangang gawin yan. You can rest, si Yaya Linda na ang mag aayos niyan mamaya." Imik ni Thunder ngunit hindi naman ako nag abala na siya ay lingunin at nagpatuloy.

Nawalan ako sa mood makipag usap dahil sa nasabi ni Tita Tina. Pero hindi ko naman sila masisisi o hindi naman ako pwedeng magalit dahil simula't sapol hindi dapat ako nahulog kay Thunder. Hindi ko dapat s'ya nagustuhan. Hindi ko dapat s'ya minahal.

Nabalik ako sa katinuan nang may humigit sa aking kamay at hinila pahiga ng kama. Para akong lantang gulay na basta na lamang bumagsak sa kama kasunod noon ay ang pagpatong ni Thunder sa aking ibabaw.

He grabbed my waist and pinned it on my top of my head. Ang hininga niya ay tumatama sa aking mukha at kanyang mga mata ay nakatitig lang sa akin.

"Hindi mo ba ako narinig?" Inis na tanong niya.

Teka bakit siya maiinis?

"Narinig." Maikili ko na sagot at pumiglas, ngunit bigo ako na makaalis.

Parang may nagkakarerahan na kabayo sa aking dibdib dahil sa aming posisyon ngayon at nakahinga lamang ako ng maluwag ng umalis siya sa ibabaw ko at nahiga sa aking tabi.

Nakatitig lamang ako sa kisame at hindi makapaniwala sa nangyari. Naramdaman ko ang pagtayo ni Thunder at mabilis na pumasok sa banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig doon at napailing ako.

Napahinga ako ng malalim bago umayos ng higa, hindi maiwasan na mapakagat sa labi at nagpapadyak. Kinikilig ba ako?

No! Hindi maari. 'Bawal tayong kiligin Summer!'

Sa kakaisip ng kung anu-ano tungkol sa mga pinapakita ni Thunder ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

~~

Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko mula sa labas ng pintuan. Sinulyapan ko ang relo ko na aking suot at pasado ala-syete na ng gabi.

Medyo naging mahaba rin ang tulog ko at hindi ko man lang namalayan o nakutaptapan kung nasaan na ba si Thunder.

"Ma'am Rainy." Rinig ko na boses mula sa labas. "Papasok na po ako." Sunod pa niyang sabi at kasunod noon ang pagbukas ng pintuan.

Bumungad sa akin si Yaya Linda. Isa sa kasambahay nina Tita Tina.

"Naku hija, kanina pa ako nakatok. Mukang pagod na pagod ka dahil hindi mo namalayan. Ay siya ikaw ay maghinaw na at magpalit ng damit, hinihintay kana nila sa baba." Dire-diretso na sabi ni Yaya Linda.

Naghikab pa ako ng bahagya at nag-unat bago tumango bilang sagot sa matanda.

Hindi naman ako nag aksaya pa ng segundo at nagsimula ng gawin ang dapat. Nang matapos ako ay ipinusod ko lang ng isa ang mahaba kung buhok na hindi ko man lang nagawang suklayin, bago napagpasyahan ng bumaba.

Nakita ko naman agad ang maamo na mukha ni Tita Tina, suot ang magaan na ngiti habang may pag kaway pa sa akin.

"Rainy, halika. Dito ka maupo." Turo ni Tita Tina sa tabing upuan ni Thunder.

"Mukang napasarap ang tulog mo hija." Ngingiti-ngiti na wika naman ni Tito Arthur.

"Opo eh, hindi ko na nga po namalayan ang oras." Medyo nahihiya ko pa na sagot at isang halakhak naman ang sinagot ng ama ni Thunder.

Habang si Thunder naman ay tahimik lamang na nakikinig at nakaupo.

"Mabuti naman at napagbigyan mo ako anak na makapunta kayo dito ng iyong asawa." Basag ni Tita Tina habang tanging mga kubyertos lamang ang mapapakinig sa bawat sulok ng kusina.

"Of course mom, basta para sayo. Kelan ba ako tumanggi." Magalang na sagot ni Thunder.

Gusto ko ng umirap sa kawalan kaso hindi ko magawa. Hindi lang kasi ako sanay na mabait siya, magalang o kahit na ano pang kinikilos niya ngayon.

Samantalang kapag nasa sariling bahay naman daig pa niyang si Elsa kung balutan ng kalamigan ang buong bahay.

Ang ibig kung sabihin, bilang sa daliri ang pag imik niya, ang pag uusap namin. Laging matalas ang tingin na parang anytime ay ihahagis ka na lang sa kung saan.

"Salamat naman kung ganun." Sagot pa ni Tita Tina.  "Rainy, basta sasabihin mo lang kapag may kalokohan na ginawa sayo ang anak ko ha, alam mo naman noon. Babaero yang anak ko noon."  Tumikhim ako sa huling sinabi sa akin ni Tita Tina.

Parang nag stock lahat ng aking kinakain sa aking lalamunan. Hindi ko alam, wala akong alam. Ngayon ko lang nalaman na babaero si Thunder.

"Mom." Buo at mababa na tono na suway ni Thunder sa kanyang ina.

Nginitian ko lang ang ginang dahil hindi ko rin naman alam ang dapat isagot, pakiramdam ko kung magtatagal kami dito ay unti-unti na akong mabubuko na hindi ako si Rainy. Hayst!

Natitiyak ko rin na kung malaman man nila ang totoo ay sukdulan din ang magiging galit nila sa akin.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • WS1: Wife In A Contact   42: Wife and Son

    I kissed Light on his forehead. Nakatulog na ito at halos hindi ako makatayo dahil sa panghihina. Naging makasarili ako. Sarili ko lang ang iniisip ko, ni hindi ko man lang naramdaman ang nais ng anak ko. Hindi ko man lang siya na tanong kung okay lang ba siya. Ako lang ang nag desisyon ng para sa amin. Knowing that Light is expecting his father, but I’m keeping him away from Thunder. Sumandal ako sa pintuan ng makalabas sa kwarto ni Light. Pinunasan ko ang luha na siyang nagla-landas sa aking pisngi na siya namang naging isang mahina na hikbi. Tinakpan ko ng aking kamay ang aking bibig upang mapanatiling tahimik ang aking bawat hikbi. I walk towards my room at isinubsob ang mukha sa unan. I’m the worst mother ever.Hindi ko rin nagawang magsalita sa harap ng anak ko hanggang sa ito’y makatulog na. “I’m sorry Light, kung hindi man ako naging mabuting ina para sa’yo.” I said with those sobs. KINAUMAGAHAN, maaga akong gumising at pumasok sa trabaho. Hindi ko kasi alam kung paano

  • WS1: Wife In A Contact   41: Do I Have a Father?

    “Who are you talking to?” I asked him at para naman itong namutla at agad na pinagpawisan. “Sinong kausap mo?” Pagtatagalog ko sa tanong ko. “My cousin.” Bahagya ako na tumango. “Bakit galit ka ata, inaway ka na naman ba?” Tanong ko pa at nagtaas-baba lamang ito ng kanyang balikat. “Nakapag desisyon na ako. But promise me na hindi mo pababayaan si Light at huwag mo siyang aalisin sa iyong paningin.” Saad ko at parang mas lalong nag-iba ang hilatya ng kanyang mukha. “Natatae ka ba, Cloud?” Hindi mapigilan na bulalas ko. “No.” Mabilis niya na sagot. “Agad na? Nakapag desisyon ka na agad?” Marahan akong tumango. “Yep! Tama ka rin naman, hindi naman ako magtatagal. It just four days at papaunahin ko si Bea pauwi ng Pinas at susunod na lang ako ng ang lahat ay naka set na at tutulong na lang ako sa pag-aayos.” Paliwanag ko at marahan ito na tumango na medyo umiling. “Ayos ka lang ba?” Mabilis naman ito na tumango sa akin. May kakaiba talaga sa lalaki na ito.“It can’t be.” Umiiling na

  • WS1: Wife In A Contact   40: Picture

    “Anong napag-usapan niyo?” Hindi ako nag-abala na lingunin si Cloud at tumingin lamang sa labas ng bintana ng kanyang kotse. “Just.” Huminga ako ng malalim. “She wants that I’m the one who organize ng mga gagamitin at design na gagawin sa loob ng simbahan sa araw ng kasal niya. And I think pati sa mismong venue.” Tapat ko na sagot. “About the payment?” Cloud asked. “She triple it once na pumayag ako.” Mahina na sagot ko.“Magkano ang pinakamahina?” Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang side ng kanyang mukha, ang matangos nitong ilong pati na rin ang mapula nitong labi. “I know Tag-init. Gwapo ako.” Napairap ako sa kanyang sinabi. “Mahina na ang 800 thousands.”“Then do it, ako na ang bahala kay Light.” Nilingon ko siyang muli dahil sa sinabi. “Pag iisipan ko pa rin.”"Do it, Summer." Pinal na boses ni Cloud. "Sa Pilipinas ang ganap noon Cloud." Mahina ko na sabi dahil baka marinig ni Light na siyang busy paglalaro ng tablet niya sa likod."Isang buwan ka ba doon? Do you still

  • WS1: Wife In A Contact   39: Light

    “Ms. Saavedra, may nagpapa bigay po.” Malawak ang ngiti ko na sinalubong si Bea. Kinuha ko mula sa pagkakahawak niya ang isang bungkos ng bouquet. I smell the white rose inside of it at talaga namang pinabanguhan pa ni kumag. “Thank you, Bea.” Nakangiti ko pa na sambit. “Araw-araw na ‘yan ma’am. Para namang pupunuin na ni sir ang inyong bahay niyan.” Napailing ako sa panunukso ni Bea. “Shh, wag kang maingay.” Suway ko bago naglakad patalikod rito at naupong muli sa aking swivel chair. Kinuha ko ang aking cellphone at may hinanap na pangalan roon. I dialed his number and after a few rings he answered. “Hindi ko alam sa’yo kung bakit hindi ka pa natigil alam mo naman ang paulit-ulit na sinasabi ko.”“At sinabi ko rin na hayaan mo ako.” Anas na boses sa kabilang linya. “Yeah, magkano naman ang naging discount mo sa isa na ito? Don’t tell me na double na naman ang bayad mo dito?” Nakaingos ko na sagot. I heard him chuckled in the other line kaya napailing ako. “Mas maa-appreciate

  • WS1: Wife In A Contact   38: Canada

    SUNNY“Patay na tayo.” Napasabunot ako sa sariling buhok. I looked at the man who looked like a statue beside me. “Fvck Thunder! Hindi mo ba susundan?” Sikmat ko rito at hinampas siya sa kanyang braso ngunit para itong hindi man lang tinablan. “It’s too late, he’s my cousin. Alam ko ang nasa isip niya. How about you?” Nag iwas ako ng tingin sa agad nitong tanong.“B-bakit napunta sa akin?” “Eyes can’t lie, Sunny.” I scoffed. “Yeah— eyes don’t lie, Thunder.” I turned off the flat screen TV where the CCTV’s connected and leaned on the sofa. “You hurt her, Der and I will not forgive you. Pwede namang ibang salita na lang piliin mo bakit ‘yon pa.”“I’m scared.”“Tang4 ka rin pala ngayon ko lang nalaman.”“I know, that’s why we need to finish this job. I want to win her back, hindi niya ako basta iiwan.”“Nangako ba?” Nakataas na kilay na tanong ko dito. Ilang minuto niya akong tiningnan and I saw how lonely he is. Kung gaano niya gustong tumakbo palapit kay Summer upang humingi ng taw

  • WS1: Wife In A Contact   37: Escaped

    Nagising ako bandang alas-syete ng umaga. I do my morning routine and also checked my phone ngunit wala man lang reply mula kay Thunder. Hindi ko man lang din ito naramdaman o nakita sa loob ng room na tinuluyan namin. No sign of him, akala ko pa naman ay magkakausap kami but I’m wrong.Walang tanda niya na siya ay umuwi rito kagabi. Ano ba ang aasahan ko?Marahil ay si Sunny na nga ang pinili nito at hindi ako. Sa isipin na ‘yon ay gusto kong tampalin ang aking bibig. Bakit ko nga ba sinabi ang bagay na ‘yon?No doubt, na pipiliin niya talaga ang kaibigan ko dahil magpapakasal sila. Samantalang ang kagaya ko na kasal lamang sa papel ay maghahangad pa ng mas higit doon. Hindi man lang sumagi sa isip ko noon na kaya ako na sa posisyon na ito dahil lamang sa isang kasunduan, ‘yon lang at wala ng iba and after that papakawalan na niya ako kapag nakuha na niya ang mana nito. Ilang minuto akong nag-isip kong tama ba ang gagawin ko ngunit dinala na sadya ako ng mga paa ko sa harap ng pi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status