Share

Chapter 30

“Pwede ko bang makausap si Mr. Henry Enriquez?” tanong ni Liana sa receptionist ng hotel. Pinuntahan niya agad doon ang lalaki para kausapin. Hindi na siya nag-abalang tawagan ito dahil mas gusto niyang personal silang magkausap.

Saglit siyang pinasadahan ng tingin ng kaharap pagkakuwa’y ngumiti. “May I know if you have an appointment with him, Ma’am?” magalang na tanong nito.

Umiling siya. “No. Pero kilala niya ako,” aniya.

“I’m so sorry Ma’am. He’s quite busy at the moment. If you don’t have any appointment with him, I cannot let you in.” Humihingi ng paumanhing tugon nito.

Hindi ito ang madalas na nakikita niyang naka-duty sa lobby kapag pinapupunta siya ni Henry doon, kaya hindi siya nito kilala. Mukha itong mabait hindi kagaya ng iba na kung makatitig sa kanya ay para bang kakainin siya ng buhay.

“Ganoon ba?” aniya at sandaling nag-isip. “Pwede bang pakisabi kahit sa sekretarya niya na may importante lang akong sasabihin,” nakikiusap ang tinig na wika niya.

Nakakaunawa nama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status