Share

Kabanata 2

Author: Sadie
"Miss Perez, Pumapara ka ba ng masasakyan kanina?"

Walang emosyon ang kanyang tingin at boses, kahit na may nakasilay na kung anong emosyon sa mga mata nito.

"Opo, Mr. Zalvariano."

Ibinaba ni Winona ang kanyang ulo, itinago ang hawak at kamay niya sa likuran matapos ay mahinang sumagot.

Kapag nakakasalubong niya ang mga dati niyang kaklase, ang isa dapat ay magiging magiliw at bumati rito bilang pag aalala, ngunit hindi sila gaanong magkakilala ni Xavier Uno Zalvariano kaya hindi siya sanay na kausapin ito at batiin.

"Mauna na po ako..." pagpapaalam ng dalaga.

"Miss Perez, I'll give you a ride."

Sabay silang nagsalita at ang mga paa ni Winona na aakmang aalis ay napahinto.

Gusto niya akong Ihatid? Kumuyom ang mga daliri ni Winona, medyo nahihiyang pinisil ang laylayan ng kanyang damit.

Noong nag-aaral sila, bihira silang mag-usap ng binata. Bagama't magkakilala sila dahil sa industriya ay para parin silang estranghero kung tutuusin. Kahit magkita man sila ay tango lang ang pagbati nila sa isa't isa.

Ngunit ngayon, nag-aalok itong ihatid siya.

Magkakilala ba sila noon? Nagkamali ba siya ng alaala? Close ba sila?

Muling nanlaki ang mata ni Travis, na ngayo'y nagsilbing background lamang sa mundo ng dalawa.

Naalala ni Travis kung sino ang nagsabing huwag magkaroon ng simpatiya sa kung sino? Bakit biglang ihahatid na ng boss niya ang dalagang ito?

"Hindi na po, maraming salamat sa pag aalok."

Hindi maintindihan ni Winona ang kanyang iniisip, hindi rin siya nangahas na magpahatid pa sa binata.

Bahagyang lumalim ang mga mata ng lalaki, matapos ay nagsalita sa tonong hindi mo matututulan.

"Miss Perez gave me such a good thing, it's only right that I give Miss Perez a ride. Kaya naman tara na, Miss Perez."

Sumenyas ang binata at naintindihan ni Travis ang ibig sabihin nito. Agad siyang lumapit at magalang na sinabi dalaga na "Miss Perez, please."

Anong please? Na sumama ba o hindi?

Nakita ni Winona na nauna ng umalis si Xavier patungo sa sasakyan kaya naman biglang nag-alinlangan si Winona.

Sa ganito kalakas na ulan, mahirap makahanap ng sasakyan. Hindi ba't ang layunin niya ay makasakay? Bakit pa siya nag-aalangan di'ba?

Maginoo na binuksan ng lalaki ang pinto ng kotse at hinintay siya. Lumapit si Winona, napagpasyahang sumama na rito at humingi ng paumanhin, "I'm sorry, Mr. Zalvariano, madudumihan ko ang iyong kotse."

Bahagyang ngumiti si Xavier. "Huwag kang mag-alala, I won't make you pay for the car wash."

Nagbibiro ba siya?

Alam ng lahat na siya ang "yaya" ni Clifford Mendoza .

Bukod sa pag-aaral, kailangan din ni Winona na tumakbo para kay Clifford tuwing kailangan nito, tulungan itong hanapin ang mga kasintahan nito at maging utusan rin si Winona ng mga kaibigan ni Clifford.

Kapag naiinis siya sa dalaga, He could insult her at will, without reason.

Ang mga panahong iyon ay ang pinakamahirap na tatlong taon para sa dalaga, ngunit ito rin ang tatlong taon kung saan siya pinaka nagsipag at nagsikap si Winona sa trabaho.

Alam ni Winona na kapag nakapagtapos siya ng kolehiyo, magkakaroon siya ng oras para mag-part-time at pagkatapos ng graduation nila ay tuluyan na siyang magtatrabaho upang bayaran ang utang nila sa pamilya Mendoza.

Si Xavier Uno Zalvariano ay isang paborito ng langit, may mahusay na grado ito noong nag aaral pa lamang sila, mayaman, malamig ang pakikitungo sa iba ngunit hinahabol parin, guwapo, at kakaiba sa lahat. Maraming babae sa paaralan nila noon ang humahabol sa binata at nasaksihan ito ni Winona.

Tuwing ina-announce ang mga grado nito at ranking sa akademiko, lagi nangunguna ang binata.

Siya ang hinahangaan ng iba habang si Winona naman ang humahanga sa iba, malayong malayo sa binata.

Bihira lamang silang magkaroon ng interaksyon, maliban sa isang pagkakamali at hindi pagkakaintindihan.

Minsan sa isang reunion nilang magkakaklase, may kung sinong nagsabi na gusto ni Xavier si Winona. Ngunit, kalaunan ay nalaman niyang maling impormasyon ito dahil hindi magkasundo sina Xavier at Clifford. May sadyang gumawa lang ng kasinungalingan upang makita silang mag-away para sa dalaga.

Ang insidenteng ito ay kumalat sa buong paaralan nila. Sa panahong iyon, maraming natanggap si Winona na mga insulto at mayroon pa ngang naglagay ng nakakatakot na bagay sa kanyang bag o di kaya'y sa ilalim ng kanyang mesa. Ang kaguluhan na yon ay natapos din dahil sa isang lamang itong hindi pagkakaintindihan.

Wala siyang halaga sa puso ni Clifford, at imposibleng magkagusto sa kanya si Xavier.

Sa alaala ni Winona, Ang binata ay malamig at tahimik lalo na kapag kaharap niya. Kaya naman, akala niya ay kinasusuklaman siya nito dahil sa koneksyon niya kay Clifford.

Ngunit ngayon, ang lalaking akala niyang kinasusuklaman siya ay nag-alok na ihatid siya, at nagbiro pa. Marahil ay dahil sa ilang taon na hindi sila nagkita, ang dating pagkamuhi ay naglaho na.

Sa loob ng kotse, nakasiksik si Winona sa gilid ng pinto, ayaw niyang madumihan ang damit ng lalaki dahil sa mga putik sa katawan at damit niya.

Napako ang tingin ng lalaki sa nanginginig niyang katawan. Pagkaraan ng ilang sandali, hinubad niya ang kanyang jacket at ipinatong sa kanya.

"Mr. Zalvariano."

Nagulat si Winona at tumingin sa binata dahil sa inakto nito, gusto niyang tanggalin ang jacket nito ngunit pinigilan ni Xavier ang kanyang kamay.

Ang malamig na dulo ng daliri ng binata ay dumulas sa kanyang kamay. Agad na binawi ni Winona ang kanyang kamay at mahinang sinabi "Madudumihan ang iyong jacket, Mr. Zalvariano."

"Don't wear a white shirt out in a rainy day" Binawi ni Xavier ang kanyang tingin at tumingin sa ibang direksyon.

Naintindihan ni Winona ang kahulugan ng kanyang sinabi at agad na tinakpan ang kanyang dibdib, mahinang nagpasalamat rito.

Sa daan, walang nakapansin o pumapansin sa kanya maybe baka iniisip nilang nawawala na sa sarili ang dalaga. Pero kasi dahil sa pagmamadali, nakalimutan niyang nakasuot siya ng pang-opisina niyang damit.

Medyo naiinitan ang lalaki, at hinila ang kanyang kurbata matapos ay nagtanong "Miss Perez, saan ka pupunta?"

"Kingstar Hotel po, Salamat." simpleng saad nito ngunit puno ng pag galang.

Bahagyang sumingkit ang mga mata ng binata at hindi sinasadyang humigpit ang kanyang kamay. "Para makipagkita kay Clifford Mendoza ."

"Yes." Hindi nag-isip nang malalim si Winona, at tapat na sumagot sa binata.

His knuckles turned pale, and his voice wavered slightly.

"Sa ganito kalakas na ulan, bringing a box of condoms to see him, Miss Perez is having a great time with him."

Narinig ni Travis ang sinabi ng amo kahit na nasa driver's seat siya. Ang mga salitang ito ay biglang naramdaman ang lamig sa kanyang likod, may masamang pakiramdam siya sa tono ng nagsasalita nito.

His boss had just gotten the condom, and the other party was going to get a room with someone else. Was this treating their boss as if he didn't exist?

Napagtanto naman ni Winona na ang kanyang mga salita kanina ay maaaring magdulot ng maling pagkaunawa. Gusto niyang magpaliwanag, ngunit tila hindi na kailangan ito ng kabilang partido.

"It's something important."

Tatlong mga salita ang na nagbibigay ng pangkalahatang buod sa nangyayari.

Kalmadong inutusan ni Xavier ang sekretaryo niya "Travis, pumunta tayo sa Kingstar Hotel."

In an instant, a storm brewed in the man's eyes.

"Yes, sir."

Dahan-dahang umandar ang kotse at nagsimulang kumalat ang katahimikan.

Ngunit, Maya maya lamang ay bigla muling nagtanong ang binata, "Tatlong kahon, can he use them all?"

Hindi alam ni Winona kung mauubos niya, ang alam lang niya na sadyang gusto lang siyang pahirapan ni Clifford.

Ang bawat kasintahan nito ay akala na mayroon silang relasyon, ngunit sa totoo lang, kinasusuklaman siya ng lalaking iyon, iniisip na mayroon siyang ibang motibo at pinahihirapan siya sa iba't ibang paraang maisip nito.

Marami siyang utang sa pamilya Mendoza at ito ang dahilan kung bakit gusto ni Winona na magtrabaho nang maaga. Kapag nabayaran na niya ang utang sa mga ito ay maaari na siyang umalis sa pamilya Mendoza.

"What are you thinking about, Miss Perez?"

Biglang lumapit ang binata kay Winona. Nagmamadaling tumingin si Winona sa kalmadong mga mata ng binata matapos ay mahinang umiling. "Wala po."

Malakas pa rin ang hangin sa labas, at hindi na bumubuhos pa ang ulan.

Kumpara sa lamig sa labas, mas mainit sa loob ng kotse ni Xavier.

"Narinig kong si Miss Perez ngayon ang sekretarya ni Clifford?" Inayos ni Xavier ang kanyang upo at diretsong tumingin sa unahan.

"Opo."

Kinasusuklaman siya ni Clifford at ayaw siyang gamitin nito bilang sekretary. Si Mrs. Mendoza ang nagpilit na pumasok siya sa kumpanya ng mga ito sa layuning maging yaya ng kanyang anak.

Naisip din ni Winona na umalis, ngunit marami siyang utang sa pamilya Mendoza. Kahit na hindi niya gusto sa Mendoza Group of Companies, malaki naman ang kanyang suweldo, kaya kailangan niyang magpatuloy sa pagtatrabaho.

"I always value talent. If Miss Perez is interested, you can come to Zalvariano’s." Kumuha siya ng business card at ibinigay sa kanya.

Ang Zalvariano Group of Companies ay nangunguna sa industriya. Bagama't ang Mendoza Group of Companies ay kapantay ng Zalvariano Group of Companies, sa henerasyon ni Xavier, nakikita ng lahat na mas mataas ang kanyang kakayahan kaysa kay Clifford.

And was she, with no achievements, karapat-dapat ba siyang kunin? Marahil ay dahil lang sa siya ay konektado kay Clifford.

"Salamat, Mr. Zalvariano. Tatanggapin ko muna ang business card nyo." Magalang na kinuha ni Winona ang business card mula sa kamay ng lalaki.

Tinaas niya ang kanyang kilay. "Tatanggapin mo pero hindi ka pupunta, tama ba?"

Hindi sumagot si Winona, yumuko lang.

People strive for higher positions, water flows to lower places. Not everyone is qualified to change jobs, at least not her current self.

"Sir, Miss, narito na tayo sa Kingstar Hotel."

Ang pagtawag ni Travis ay pumutol sa pag-iisip ni Winona. Hinubad ng dalaga ang jacket nito at maayos na tinupi.

"Mr. Zalvariano, salamat sa paghatid sa akin, at salamat din sa iyong jacket."

Ngumiti nang bahagya si Winona. Sa ilaw, mayroon siyang nakakabighaning ganda.

"The clothes, put them on." Muli niyang ipinatong ang damit sa kanyang balikat.

Hindi na rin makatanggi si Winona. "Salamat, lalabhan ko na lang po at ibabalik sa inyo. Mag-ingat po kayo sa daan."

"It's fine, I'm also here for something."

Ang kamay niyang akmang bubuksan ang pinto ng kotse ay huminto, at lumingon siya sa binata. "Dito ka rin?"

"What? Miss Perez can go get a room? I can't?"

"Hindi naman po sa ganon, Mr. Zalvariano." Nahihiyang sinabi ni Winona.

Humakbang ang lalaki matapos ay lumabas. Nagmamadaling lumabas ang mga staff ng hotel upang salubungin siya. Tahimik namang sumunod si Winona Perez sa likod nito.

Sa lobby, muli siyang yumuko sa lalaki upang magpasalamat.

"Maraming salamat po, Mr. Zalvariano, aakyat na po ako."

"It seems Miss Perez is impatient." Ang malamig na boses ay nagdulot ng amoy ng pulbura sa paligid, tila ba may nakakatakot na mangyayari.

Namutla si Winona at kalmadong sinabi, "Mr. Zalvariano, huwag mong paghintayin ang iyong kasama, kaya aalis na po ako."

Pagkatapos magsalita, lumingon siya at naglakad patungo sa elevator.

Akala niya ay mabait lang siya na naghatid sa kanya, ngunit tila ay may malaki itong sama ng loob sa kanya.

"Mr. Zalvariano, magandang gabi." Nagmamadaling dumating ang manager ng hotel, na may ngiti sa labi.

"Find out which room Clifford Mendoza is in." Binawi niya ang kanyang tingin sa likod nito.

"ah... ang bagay na iyan..."

Nag-aalangan ang manager. He couldn't afford to offend either the heirs of Mendoza Group of companies or Zalvariano group of companies, biggest companies in the Philippines. After much consideration, he made his choice. "Yes, yes, I'll go right away."

Sa labas ng kwarto 123.

Humugot ng malalim na hininga si Winona, inayos ang kanyang sarili at mahinang kumatok sa pinto.

Ang nagbukas ng pinto ay ang matalik na kaibigan ni Clifford Mendoza na si Rachel Garcia. Ilang beses na silang nagkita ni Winona.

She had a strong hostility towards her at alam din ni Winona na ito ay dahil kay Clifford at sa tsismis na may relasyon sla, ngunit sa totoo lang, isa lang siyang yaya nito at alila.

"Ang tagal mo namang dumating, basang-basa ka pa, Who are you trying to play pitiful for?"

Sadyang ipinakita ni Rachel ang kanyang balat na puno ng pulang marka, mayabang na ipinahayag ang kanyang pagmamay-ari at ang ginagawa sa kanya ni Clifford.

Ngunit ang hindi alam ni Rachel, sanay na si Winona sa ganitong mga eksena at wala nang anumang emosyon sa kanyang puso. Ngayon, gusto lang niyang kumita ng pera.

Sinisisi ng ina ni Clifford ang lahat ng pagiging walang silbi ng kanyang anak kay Winona, iniisip na siya ang dahilan kung bakit naging ganito ang kanyang anak ngayon.

Kahit na nag-alok si Winona na magbitiw, hindi pumayag ang ina ni Clifford at hiniling na bayaran niya ang lahat ng gastos sa pagpapalaki kay Winona sa loob ng maraming taon pati na rin ang gastos sa pagpapagamot ng kanyang lola, bago siya payagan nito na umalis.

Kaya kailangan niyang kumita ng limang milyong piso upang mabayaran ang lahat ng gastos ng mga Mendoza sa kanila sa loob ng maraming taon.

"Oh, you even came wearing a man's clothes. Sadyang gusto mo bang pagselosin si Clifford sa ganyang lagay mo?”

Kinasusuklaman ni Rachel si Winona. Sa halos buong araw ay nakapaligid ito kay Clifford, she must be trying to get close to him.

Hindi pinansin ni Winona ang kanyang panunuya at diretsong pumasok. "Nandito ako para dalhin ang mga inutos ni sir Clifford."

"Ha, mahal ko, nandito na ang magaling mong yaya."

Tiningnan ni Rachel ang babae sa harap niya at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kwarto. Kung hindi dahil sa kanya, marahil ay siya na ang nasa posisyon nito ngayon at laging kasama ang binata. This woman acted as if she didn't care, but everyone knew she was warming Clifford's bed. Ngunit kahit na ganoon, nakakasigurado si Rachel na ang kanyang posisyon sa puso ni Clifford ay mas mataas kaysa sa Winona na kaharap niya.

"Mahal ko, nilalamig ako."

Sinusuportahan ni Clifford ang noo ni Rachel gamit ang isang kamay at ngumiti ng masama sa babaeng yumakap sa kanya.

"Nilalamig ka, mahal? halika rito, I'll warm you up."

Pumasok si Rachel sa kumot at ang kanyang maliit na kamay ay dumulas sa dibdib ng lalaki, matapos ay malambing na sinabi, "Oh my, Mahal naman. You're so annoying."

Pinanood ni Winona ang dalawa na naglalambingan sa harap nya at propesyonal na sinabi, "Sir Clifford, nabili ko na ang mga gamit, and put them here for you. I won't disturb you anymore."

Pagkatapos magsalita, lumingon siya sa pinto at umalis.

Ayaw na ayaw ni Clifford ang walang pakialam na ugali ni Winona sa lahat ng bagay, na parang walang mahalaga ang kahit ano maski siya para sa dalaga.

Tiningnan niya ang damit ng lalaki na suot nito, at biglang nagalit. Was this woman deliberately showing off to him?

Akala ba niya ay magseselos siya kung gagawin niya ito?

Dream on.

"Mahal, tingnan mo ang ugali niya?" Napansin ni Rachel na malapit nang magalit ang lalaki sa tabi niya, at labis siyang natuwa."Stop it, mahal, isn't Secretary Perez is going to stay and watch?"

“Sir Clifford, may kailangan pa po akong gawin kaya mauuna na ako. Just enjoy yourselves." Huminto si Winona at tapat na sinabi ang bawat kataga.

Habang lalong nagiging kalmado si Winona ay mas lalong nagagalit si Clifford.

Ang babaeng ito ay ipinadala ng kanyang ina at kasama niya mula pagkabata, inaalagaan ang lahat ng kanyang pangangailangan, at mas mahigpit pa sa sinuman.

Sa buong araw ay nakasimangot ito at may nakakaasar na ekspresyon, sawa na siyang makita ang dalagang hindi marunong maging malambing at maging maalalahanin, bukod sa pagiging maganda, wala na siyang iba pang silbi sa kanya.

"Get out of here."

"May mga tao talaga na ayaw bumitaw sa napapakinabangan, Mahal ko. Huwag kang magalit, aaliwin ka ni Rachy here."

Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Rachel na nagalit ang binata kay Winona. Sa ganitong sitwasyon, he definitely didn't like her, which meant her chances of moving up were even greater.

Mabigat ang loob na lumabas si Winona. Alam niya na kinasusuklaman siya ni Clifford, at ginagawa siyang kahiya-hiya sa iba't ibang paraan. Kung maaari lang, gusto rin niyang umalis.

Ngunit ang utang nila sa pamilya Mendoza ang pumigil sa kanya at sa kasalukuyan niyang kakayahan, ay hindi niya kayang bayaran.

She had once innocently had a crush on him, but it was just innocence.

Mula nang magkasakit ang kanyang lola, gusto lang niyang kumita ng pera. Ang mga pag-ibig na ito ay hindi na mahalaga sa kanya.

"Miss Perez."

Diretsong naglakad si Winona patungo sa elevator, nang bigla, isang pamilyar na boses ng lalaki ang tumawag sa kanya.

"Mr. Zalvariano, nandito ka rin pala?"

Sa tabi lang ng kwarto ni Clifford, at siya lang mag-isa?

Nakapamulsa ang lalaki at walang pakialam na tumingin sa kanya. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, na parang tinutukso ang kanyang kalagayan.

"You came out so quickly? Is he no good?"

Bahagyang nanigas ang katawan ni Winona, ang kanyang mga salita ay puno ng panunuya.

"Mr. Zalvariano, alam kong busy ka, kaya hindi na kita guguluhin pa." Hindi direktang sumagot si Winona. Sa halip, iniba niya ang usapan at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang magka salubong sila, biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang payat na pulso.

Naramdaman niya ang sakit ng paghawak nito at bahagyang umikot. "Mr. Zalvariano, may iba ka pa bang kailangan?"

Ang ekspresyon ng lalaki ay kakaiba, kaya naman ay biglang nakaramdam ng kaunting kaba si Winona.

Tinitigan lang siya nito nang matindi matapos ay ngumiti ito sa kanya at sinabing, "I just returned to the country, I don't have a girlfriend, but I want one tonight."

Ang huling apat na kataga ay binigkas ng lalaki nang napakabagal, tila ba nanunuyo at puno ng paanyaya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 50

    "A-ano?"Huli na siyang nakapag-react, na parang isang malaking bato ang bumagsak sa tahimik na tubig, na nagdulot ng malalaking alon. Hindi mapakali ang puso ni Winona at hindi rin ito maaaring mapakali dahil sa bombang binagsak ni Xavier sa puso niya.Malumanay na hinawakan ni Xavier ang kanyang mukha, bahagyang hinawakan ang kanyang noo, at direktang tiningnan siya ng mga mata ng binata na parang bituin sa mga tala."Sabi ko, Winona Perez, magpakasal na tayo." pag uulit pa nito.He said the last five words very slowly, very slowly, tightly intertwined.He said marriage, he wants to marry her?"Magpakasal as in Marriage?"Kusang umiwas si Winona ngunit hinawakan ng binata ang kanyang pisngi.Alam ni Xavier na hindi niya ito matatanggap kaagad, kaya binuhat niya ang maliit na babae at dinala sa kabilang sofa matapos ay pinaupo sa kanyang kandungan."My family wants me to get married."Napilitan si Winona na harapin ang binata dahil sa posisyon nila at ang kanyang ekspresyon

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 49

    "Isn't this it? By the way, beautiful, what's your name?" Masiglang tanong ni Charlotte habang hawak ang kamay ng kamay ng kanyang future daughter in law.Nagulat si Winona Perez ngunit agad rin nagpakilala "Ma'am, ako po si Winona Perez."Ang kanyang ina ay tila kakaiba, ngunit hindi niya masabi kung saan ito kakaiba."Nako, tita na lang iha" simpleng saad pa nito kaya awkward na napangiti si Winona.""You just scared Wina kanina, mom." Hindi sang-ayon si Xavier sa ginawa ng kanyang ina.Wina? His address was so intimate.Winona looked at the man who was smiling gently, and the latter, sensing the small woman's gaze, looked back at her."Ay naku, Wina, kasalanan ni Tita, Pasensya ka na kanina, nagbibiro lang ako. This boy didn't bring you back, I thought he was just putting on a show."Bagama't maraming tsismis sa labas tungkol sa buhay ni Xavier, alam din ni Charlotte na nagdala talaga ang anak niya ng babae sa villa nito. Naghintay siya ng ilang araw at hindi nagtanong sa

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 48

    "Ilang taon ka na?" simpleng tanong ng babae kay Winona,Hindi maitago ni Charlotte Zalvariano ang kanyang pagtingin sa kanya at hindi niya pinalampas ang pulang marka sa maputing leeg ng babae.Tsk, young and impetuous, she never expected him to have such a side, Charlotte was truly surprised."Twenty five po ma'am." Matapat na sagot ni Winona Perez."Anong relasyon mo sa anak ko?" Direktang tanong ni Charlotte.Anak? So, Siya pala ang nanay ni Xavier.Nag-isip si Winona ng ilang segundo matapos ay biglang sumagot "Ako ang subordinate ni Mr. Zalvariano.""Does subordinates live together?"Her son had already taken advantage of her, and she was just a subordinate? Nag-alala si Charlotte para sa kanyang anak at sa inaakto nito sa dalaga.Sa simula, masaya siyang pumunta para bisitahin ang kanyang magiging future daughter in law, ngunit hindi ito umamin sa relasyon nila ng anak niya...Nakakapagtaka.Nahihiya naman si Winona sa naging sagot nito "Ma'am, labis po akong nagpapas

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 47

    Dahil sa naging kilos ni Xavier ay nawalan siya ng balanse at napasubsob sa katawan ng binata.Nagpatuloy ang halik nito na hindi maiwasan ng dalaga.Binitawan niya ang maliit na babae at ngumiti nang bahagya. I wondered why it was so sweet? It turns out it's you."Nagising si Winona mula sa pagkalito at nagpumilit bumangon sa pagkakasubsob sa binata. "Kung inaantok ka na, matulog ka na sa kama. Ako naman... ano... pupunta ako sa banyo."Tiningnan lang ni Xavier ang likod ng dalaga na papasok sa banyo at dinilaan ang manipis na labi na parang hindi pa siya nasisiyahan sa ginawa kanina.So sweet.······Kinabukasan, sa kinaumagahan sa Zalvariano Group, company building.May hindi inaasahang bisita sa opisina ng Chief executives."Kuya, what's wrong with you? Did you steal from a thief last night? Ang laki ng eyebags mo."Nakadilat ang malalaking mata ni Xianna matapos ay mausisa niyang tiningnan ang kanyang kuya.Sabay silang umuwi sa bansa ng kuya niya nitong nakaraan. Si Xia

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 46

    He rolled over and pressed down on the small woman, tapping her forehead. "Am I not your boyfriend?"Nagulat na tiningnan siya ni Winona ang binata, thinking he didn't want to be misunderstood. "Ah... about diyan...""Am I your boyfriend?" he asked again.Ang kanilang relasyon ay limitado at walang kasiguraduhan... hindi kailanman naisip ni Winona ang bagay na yun. "Probably not... mm-mm."The man domineeringly kissed her rosy lips.Hanggang sa nasiyahan na ang binata ay saka lang niya binitawan ang mga labi ni Winona, hinaplos nito ang kanyang mga labi gamit ang hinlalaki ng binata at matalim ang tingin sa kanya."If we're not boyfriend and girlfriend, can we kiss?"Hindi alam ni Winona kung sinusubukan siya nito o ano, kaya't kusa siyang umatras."Sa modernong lipunan ngayon, Xavier. These things aren't taken too seriously, and is considered as normal"Seryoso parin ang mukha ni Xavier habang nagpapaliwanag ang dalaga "If we're not boyfriend and girlfriend, yet can we sleep

  • Warming the bed of my ex-boss’s Rival   Kabanata 45

    Pinrotektahan ng lalaki ang maliit na babae sa tabi niya, at ang malakas na aura na nanggagaling kay Xavier ang nagpaatras kay Rita ng ilang hakbang."Siya ang girlfriend mo?"Kung gayon, hindi ba't siya ang tinutukoy nito nung nakaraan na kasintahan ng ampon niya? Akala niya ay nagbibiro lamang ito... Halos himatayin si Rita sa galit. She didn't bring a boyfriend early or late, but chose this exact moment to bring one.Ano ang gagawin ni Boss Luis nito!? kung minamalas ka nga naman"Ano? Girlfriend? Rita! ang lakas naman ng loob mo na lokohin ako."Nagngingitngit ang mga ngipin si Boss Luis at nanginginig ang taba sa kanyang mukha.Hindi kayang bitawan ni Rita ang daan-daang libong dote na ibibigay ng matandang to pag ipinakasal niya si Winona sa anak nito... Bagaman ang lalaki sa harap niya ay guwapo, tiyak na hindi siya kasing yaman ni Boss Luis at lalong tiyak na kakampi siya kay Boss Luis."Boss Luis, huminahon ka muna. Paano naman makakakuha ng ganyang lalaki ni Wina? Ang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status